Hello!
Tumblr is where tens of millions of creative people around the world share and follow the things they love.
Sign up to find more cool stuff to followBata, anong nangyari sayo?
Ang bilis nga naman ng oras noh? Parang kailan lang eh wala tayong kamuwang-muwang sa paligid natin. Yung mismong pagbihis, pagligo, at paglakad natin, eh nanay pa natin ang gumagawa para satin. Naisip mo na ba yung sakripisyo ng magulang natin? Yung iba, tulad ko, na lumaki sa lolo at lola, naisip niyo din ba yung hirap na kahit umuugod-ugod na sila, eh nagagawa pa rin nilang bitbitin ka, ipagtimpla ng gatas, magpuyat kaaalaga sayo?
Tapos ngayong malaki ka na, may sariling isip na, nagagawa mo na silang sigaw-sigawan, murahin patalikod, at sagutin na para bang ikaw yung nagsakripisyo para sakanila. Ikaw ba yung nagpuyat para sakanila? Ikaw ba yung nagpakain sakanila? Hindi diba?
Nagtataka ako sa mga bata sa henerasyon na ito. Nakakalimutan o sadyang ayaw lang nilang magsabi ng “po” at “opo” sa nakatatanda sakanila. Lalong lalo na sa magulang at sariling pamilya. Kung sagutin na lang eh maangas masyado.
“Anak, kumain ka na. Tama na yan pagcocomputer.”
“OO TEKA LANG!”
“Anak, lumalamig na ang pagkain. Halika na dito.”
“OO SABI!!!” Sabay padabog na pupunta sa hapag-kainan, nakasimangot, at kung ano ano ang binubulong.
Ganito na ba talaga ngayon?
Onting konsensya naman, mga bata. Kahit gaano sila kahirap pakisamahan minsan, bigyan niyo pa rin ng respeto. Magulang niyo yan, pamilya kayo. Matuto kang gumalang kasi hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan nila para palakihin kayo at maibigay ang mga bagay na nasainyo ngayon.
Walang nakakaalam kung kelan sila kukunin ng Diyos. Pahalagahan niyo na sila habang maaga pa.
Mahal ka nila ng sobra. Mahalin mo din sila. Yun lang naman ang gusto nilang maramdaman mula sayo.
—-
Minsan, unfair maging panganay.
- Kapag may kasalanan yung mas bata, siya ang sisisihin
- Kapag may gusto yung mas bata, yun ang susundin, yung panganay, nadedma
- Kapag may gusto yung bunso, ibibigay. Kapag yung panganay ang humingi, sesermonan muna bago ibibigay, minsan, sa dami ng sermon, hindi na naibigay
- Walang katapusang pangungumpara, sa ugali, sa school performance, sa talent…
Minsan, sobra na ang pagiging biased ng magulang natin. Nakakasakit na ng loob. Hindi naman sa selfish ka, pero hindi ba’t parang ang unfair naman na lagi nalang dapat magparaya ang panganay sa bunso?
——
An Open Letter to Followers of Lazy Dad's Guide, Part Five
Oh gentle readers of Lazy Dad’s Guide, I have an awful confession to make. It’s truly terrible. I thought long and hard over the past three minutes about whether or not I should say anything or simply let sleeping dogs lie, but since it’s just us, I might as well start telling the truth.
OK, here goes: I know it seems like I post all of the mundane day-to-day shenanigans of the Busy-Lazy boys’ lives, but my dirty little secret is that 73 percent of what you read on my blog is Pure Fiction. I’ve tried to maintain the illusion that I lead a fabulous, fun-filled life with my family and friends, but the truth is that my life is a Complete Unadulterated Snore.
Why am I telling you this and why am I telling you now? Well, apparently Annika’s mom saw through my web of lies when she spotted what obviously was a PhotoShopped pic of me and the boy at the beach. At first I thought I’d laugh it off, since no one else picked up on my photo fraud, but this terrible secret was killing me! I have Annika’s mom to thank for leading me to the light. Thank you!
You see, over the weekend, I spun a complex storyline that involved a quik-e weekend getaway to designing daddy and business papa’s awesome Sun Shack on the Shore, when in reality, the boy and I had a much less interesting weekend together.
I hope you can find it in your heart to forgive me for being a compulsive liar my tendency to exaggerate. As a consolation and as a gesture of contrition, here’s a photo diary of the actual weekend getaway that I had with the boy, after the jump…
Hindi ako showy pagdating sa pamilya.
Hindi ko alam kung bakit. Samantalang sa mga kaibigan, napakasweet ko. Dun tuloy sa mga taong nakasama ko simula nung pinanganak ako eh parang wala lang. Pero gustong-gusto ko sana silang itrato ng tulad ng pagtrato ko sa mga kaibigan ko, pero hindi ko magawa kasi nahihiya ako. Parang hindi “ako” eh. Ang hirap lungs. Gusto ko din maging sweet sakanila tulad ng ibang tao.
Mahal na mahal ko pamilya ko, kahit hindi ko man naipapakita sakanila.
——-
Misyon sa buhay ng isang normal na tao.
Mga taong nag mamasahe, mga taong nagtitinda sa siomayan, mga taong nagtitinda ng itlog pugo sa labas, nagtitinda ng nilagang mani, cheesesticks at kwekwek, mga taong naglalagay ng maliit na ukay ukay sa overpass, mga taong nag bebenta ng patingi tingi na yosi, kendi, at taong nag bibigay ng discount card sa SOGO at MARIPOSA. Iisa lang naman ang gusto niyan, iisa lang ang misyon niyan sa buhay.
Yun ang buhayin ang kani kanilang pamilya, buhayin ang sarili, makapagtapos ng pag-aaral. Habang naglalakad ako sa overpass. Doon ko nakita ang tunay na buhay ng isang tao, ang tunay na kahirapan na dinadanas ng Pilipinas, yung kahit na maambon na eh tuloy pa rin na nakalatag ang kanilang mga paninda. May mga ilaw, charger ng cellphone, mga 3 for P50 na medyas, sinturon, “LONG SHORTS, at SHORT SHORTS” Panis diba? Matindi, kapag nagtanong ka pa nga naman kung gaano kahaba ang LONG SHORTS eh baka ma praning sayo ang nag titinda.
Lahat naman ata tayo nagkakapareho sa misyon na yan, meron sa atin misyon makatapos, misyon makahanap ng trabaho at yung mga personal na misyon natin sa buhay.
Tumambay ako saglit para pagmasdan ang mga tao sa overpass, nakukuha pa rin nila ngumiti, magbiruan, mag tawanan. Natutuwa ako na kahit ganun ang buhay nila eh ang kuntento nila at ang saya saya nila. Minsan nakakainggit yung ganun na buhay, hindi dahil sa nahihirapan sila makakuha ng pera pero yung pagiging kuntento nila na kung ano na lang ang maibigay at makain basta masaya at kumpleto ang pamilya ay ayos na.
May mga tindera na bitbit ang anak nila, may mga nagtitinda naman na nasa bahay lang ang kani kanilang mga anak na malamang eh nasa lansangan. Yung iba eh doon na mismo nag sasalo salo, dala ang supot ng pansit, o kaya naman sabaw ng sinigang na susupsupin na lang sa ilalim ng plastik eh ayos na ayos na ang bonding ng kainan ng buong pamilya.
May i rerequest ka pa ba sa buhay mo? Sa oras na makita mo ang mga taong ito? Alam natin lahat na sobrang may blessing tayo kesa sa kanila, pero ito yung ipapaalam nila sayo na hindi mo kailangan maging malungkot, dahil may mga taong mas malungkot at mas matindi pa ang dinadanas na problema kesa sayo.
Yung mga kaibigan ko ang tinuturing kong aking ikalawang pamilya.
Sobrang mahal ko yung mga kaibigan ko. Siguro dahil sila yung mas madalas kong kausap at kasama. Siguro dahil nararamdaman kong mas naiintindihan nila ako kesa sa mga kapatid ko. Para saken sila yung mga kapatid ko sa ibang magulang. Kahit hindi ko sila kadugo eh kakayanin ko atang lumaban ng patayan para sa kanila.
Nagpapasalamat ako na kaibigan ko yung mga kaibigan ko ngayon. Sa dinami dami ng tao sa mundo swerte ako na sila yung mga nakilala, nakasama at mga nakakausap ko. Yung iba kong kaibigan hindi ko pa talaga nakikita ng personal. Pero sa tingin ko naman hindi yun basehan para sabihing less of a friend sila para saken. Nakakatuwang isipin na kahit may kanya kanyang buhay kami ay hindi padin namin kinakalimutan ang isa’t isa. Hindi naman lahat ng friendship ay nagtatagumpay, may ibang naghihiwalay ng landas at nakakalimot pero mas madami naman yung naiiwan at walang balak mang iwan.
Mahal ko ang mga kaibigan ko. Totoong kaibigan man o hindi ang mahalaga ay itrato padin silang kaibigan. Kung masama ang ugali nila hayaan lang, diba nga be friendly to animals? Hindi perpekto ang mga kaibigan ko pero sila ang mga pinakapaborito kong mga tao sa buhay ko.
BUNSO
Ang inaakala ng karamihan ay masarap maging bunso. Akala nila masaya dahil spoiled ang bunso. Akala nila laging kinakampihan. Akala nila laging binibigyan ng atensyon. Akala nila nasusunod parati ang luho. Akala nila lapad ang mundo. Akala nila ginusto ng ipis lumipad.
Mali. Isa pa. Mali talaga ang akala nila.
- Ang bunso. Tagasalo ng pinaglumaang kotse kotsehan. Lumang robot. Lumang baril barilan. Barbie doll na magkaiba ang kulay ng katawan sa mukha.
- Ang bunso. Tagasalo ng mga pinagliitang damit. Pinagliitang medyas at brip.
- Ang bunso. Tagasuyo kay nanay sa tuwing masama ang loob kay tatay.
- Ang bunso. Tagasalo sa init ng ulo ni tatay dahil sa tigas ng ulo ni ate at kuya. Ang sarap ipukpok sa pader parang yelo.
- Ang bunso. Utusan ni ate. Binubully ni kuya. Kaya sumbungero kay tatay at nanay. Bleh!
- Ang bunso. Ang huling makapagtatapos. Nakaligtaan na ni nanay dahil succesful na sina ate at kuya. Sila na lang ang iniintindi dahil pagod sila sa trabaho. “Intindihin mo na si kuya, pagod yan sa pagtatrabaho. E ikaw wala ka naman ginagawa.” DOTA! puro DOTA!
- Ang bunso. Wala ng karapatan sa luho. Oras na daw kasi ni nanay at tatay na unahin naman ang kanilang sarili. Nahuhuli na kasi sila sa usong pekpek shorts at angry birds collectibles.
- Ang bunso. Nasasaktan. Napapagiwanan. Pero pinakagwapo o maganda pa rin sa buong magkakapatid.
- Ang bunso. Ang sarap maging bunso.
Hindi ba’t dapat pamilya
ang lagi mong kasama kapag
ikaw ang may problema?
bakit minsan, sila pa yung
nagbibigay sayo nun?
Hindi ba dapat pag nasa bahay ka,
feel at home ka?
bakit parang out of place ka pa?
Hindi ba dapat pag pamilya,
walang kasing-saya pag nandyan sila?
Eh bakit parang mas gusto mo
pang wala sila?
Hindi ba dapat ang pamilya,
sila ang gumagabay sa’yo?
Eh bakit minsan, parang sila
pag nangda-down ng pakiramdam mo?
Hindi ba dapat ang pamilya,
sila ang susuporta sa’yo?
Eh bakit minsan, kumokontra
pa sila sa gusto mo?
Hindi ba dapat ang pamilya,
nagsisilbing tularan,
bakit mga masasamang salita
sa kanila mo pa natututunan?
Hindi ba dapat pag pamilya,
ramdam mong pamilya?