Sitcoms sa Telebisyon.

Nakakamiss yung mga sitcoms sa ibat-ibang TV network. Dati araw-araw pa yun eh. Ngayon halatang pilit na lang yung mga palabas nila. Tapos ang masagwa pa doon eh hindi buo ang istorya at minsan idadaan pa sa TEXT PROMO kung ano ang gusto mong ending. Kung mamamatay ba yung bida o hindi? Kung mawawala ba yung diary o hindi? Kung madudulas ba o kung ano pa mang kalokohan na sumisira sa ganda ng mga palabas dati sa telebisyon.

Nakakamiss yung mga palabas na sobrang casual lang. Yung mga Home Along Da Riles dati, Bida si Mister, Bida si Misis, Da de di do du, Beh Bote Nga at marami pang iba. Nawala na yung mga ganitong palabas eh. Yung mga palabas na sobrang simple lang at walang effort kang napapatawa. Yung mga nauusong buhusan ng tubig, hampasan ng diyaryo. Nawala na lahat ito. Nakakalungkot at hindi man lang naabutan ng mga nag uusbungan na mga batang nasa henerasyon ngayon. Hindi nila nakita gaano kaganda at pinag-iisipan ang mga teleserye at palabas sa telebisyon dati.

Pulpol ka pala eh.

Hahaha. Natawa ako doon sa T3 na palabas ng TV5. 

Sakto kasi noong paglipat ko doon sa channel 5 `yong issue ay tungkol sa isang binatilyong nagnakaw ng tindang kamatis sa palengke na binugbog ng Barangay Captain. 

Tinawagan ng T3 `yong Kapitan. 

Host1 (Si Tulfo `ata ito. Di ko sure.): Hello Kap. Ang gaan pala ng kamay mo. 

Kapitan: ………(maririnig mo lang `yong ingay sa lugar niya pero di mo maririnig na nagsasalita `yong kapitan.

Host!: Hello Kap. 

Kapitan: Hello. 

Host1: Hello.

Kapitan: Hello! Hello! Hello!

Host 1: Hello Kap. Magaan ang kamay mo. *make face*

Kapitan: Hello. Hello.

Host 1: Hello Kap! Naririnig mo ba ako?

Kapitan: (`yong ingay lang sa paligid niya ang naririnig pero si Kapitan hindi)

Host1: Sinungaling ka Kapitan eh. Naririnig mo kami. 

Kapitan: Na……

Host1: Hello Kapitan. Pinagbuhatan mo daw ng kamay itong batang nagnakaw ng kamatis?

Kapitan: Hello. Hello. 

Host1: Niloloko lang `ata tayo ng kapitan na ito eh.

Kapitan: Naririnig ko po kayo. Hindi po ako bingi. 

Lahat ng Host: `yun! 

Host1: Naririnig mo naman pala kami. “Hello” ka ng “hello” diyan. Mukha kang tanga. 

Kapitan: Naririnig ko po kayo. At hindi po ako bingi. Hindi po ako tanga. 

————————————————————-

Hindi ko na maalala ang mga exact words na sinabi nila. Nagsagutan na sila. HAHAH. At puro hello-hello na si Kapitan. Tapos high blood na si Host1. 

————————————————————-

Host1: Magpakita ka rito! Bata lang ang kaya mong harapin! Pumunta ka rito! Marami lang kayo kaya ginaganyan-ganyan niyo ang bata.

Kapitan: …………

Host1: Ay tumigil ka na! Alam mo manuod ka nalang diyan sa t.v. *baling sa crew* pakiputol ang linya. He doesn’t make any sense anymore. 

Kapitan: (hindi ko maintindihan sinasabi niya. Choppy kasi)

Host1: Manahimik ka na. Pulpol kang Kapitan. 

———————————————————————

Kuya: HAHAHAHAHA. Kaya gusto ko manuod nito eh. 

Natawa ako noong una pero napaisip ako na tama ba ang ginawa noong host sa Kapitan? Parang mali `ata. Live kasi eh. At maraming makakapanuod. Agad namang na-high blood `yong host. Baka ninerbiyos lang si Kapitan. Rinig mo naman na marami siyang kasama doon. Na mga taga-“payo” `ata niya. 

As for the Barangay Captain, kung totoo man ang sinabi ng binatilyo, well, he should be brave enough to face that matter. Ginawa niya `yon eh. Masyado naman `atang napasobra ang pangdi-desiplina mo sa bata. Kamatis lang iyon, eh kung `yong mga carnapper `ata di mo maganyan. TSK. TSK. Siguro kung may rambol o patayan na nangyayari at may mga baril, baka nagtatago ka na sa palda ng nanay mo. 

Para naman doon sa bata. Hijo, kahit gaano pa kaliit `yang kinuha mo. Kahit isang dahon lang ng malunggay ang ninakaw mo mali pa rin iyon. Kasi may nagmamay-ari noon. At masama ang magnakaw. Kung gutom na manghingi kung ayaw kang bigyan—-pagtrabahuan. 

———————————

Nawala talaga sakit ng ulo ko noong napanuod ko ito. Hihihi. Sayang lang `yong isa pa sanang kakausapin na Kagawad. Namunit `ata ng I.D ng isang mag-aapply sana. Err.. Di daw makontak ng T3. Natakot `ata. Hehehe. Kahit sino daw sa mga taga-doon di makontak. Hehhehe. 

My Amnesia Girl Pick-Up Lines

At last, I was able to watch this movie last week. And it was fun. Another round of applause for Star Cinema. Great story. :)

The entertaining part is the pick-up lines. Here are some: (I just got it from these site http://silkenhut.com/my-amnesia-girl-pick-up-lines/ ‘coz I am so lazy to note it down)

Irene: Alam mo, baka di ka na makauwi.
Apollo: Bakit?
Irene: Eh kasi nasa isip na kita.
Apollo: Alam mo kung bola ka baka di kita mai-shoot?
Irene: Dahil lagi mo ako mamimiss.

Irene: Ulan ka ba?Kasi lupa ako, sa ayaw at sa gusto mo sa akin ang bagsak mo…

Apollo: “Tumatangkad ka ba? Kasi dati hanggang balikat lang kita. Ngayon, nasa isip na kta.”
“Lumiit ka ba? Dati kasi hanggang ulo kita, pero ngayon nasa puso na kita.”

“Para kang tae… Di kita kayang paglaruan.”

Irene: “may mmda ba dito? nagkabanggaan kc mga puso natin!!!”

Irene: Mahal kita.
Apollo: Sana pirated CD ka nalang para paulit-ulit mong sabihin ‘yan.
Irene: Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita.

Apollo: Lumabas ka ba kagabi?
Irene: huh? hindi!
Apollo: wala ka kasi sa panaginip ko kagabi eh..

Irene: Ikaw ang pintura ko..
Apollo: Bakit?
Irene: Kasi kinulayan mong buhay ko..
Irene: para kang dictionary
Apollo: huh?
Irene: kasi you give meaning to my life..

Apollo: (on the Phone) bumili ka na ng salbabida..
Irene: bakit? magsu-swimming tayo?
Apollo: hindi! baka malunod sa pagmamahal ko

Apollo: Alarm clock ka ba ?

Irene: Bakit ?
Apollo: eh kasi ginising mo ang natutulog kong puso

Apollo: Kandidato ka ba ?
Irene: huh ? hindi
Apollo:boto kasi tatay ko sayo eh

“Maging cactus ka man, handa akong masaktan… mayakap ka lang.”

“May MMDA ba dito? Nagkabanggaan kasi ang puso natin.”

“Kung ikakasal ka saan mo gusto? Ako kasi sa tabi mo.”

“Ihi ka ba? …Hindi kasi kita matiis eh.”

“Para kang alak… ang lakas ng tama mo sa akin.”

Irene: Sino ako?
Apollo: Ikaw si Irene ko. Ikaw ang mapapangasawa ko. Photographer ka.
Irene: Mali. Pulis ako. Ikaw kasi ang most wanted ko.

“sine ka ba? kasi sarap mong panoorin”

Apollo: Bakit ba hinahanap ang isang tao?
Peachy: Kasi gusto mo siya?
Apollo: Hindi, kasi nawawala.
Irene: Bakit? Nawawala ba ‘ko?
Apollo: Hindi, pero hindi ka kasi mawala sa isip ko eh.

Bagyo ka ba?
Hindi baket?
Ang lakas ng dating mo.

“Alam mo bagay sayo yang damit mo. Pero mas bagay ako sayo..”

“sana perfume ka na lang para suow-suot kta palagi”..

“Hika ka ba? Kasi you take my breathe away.”

“alam mo para kang table of contents, kasi ikaw ang topic sa bawat pahina ng buhay ko.”

Meralco ka ba?
kasi ikaw nagdala ng liwanag sa buhay ko.

para kang pustiso… …i cant smile without you

Bangin kaba?
Kc sumasabit ang puso ko sau

“Alam mo ba na pwede kitang idemanda ng trespassing? Kasi basta-basta ka na lang pumapasok sa isip ko!”

kutsarita ka buh..? kase hindi kumpleto ang kape at umaga ko pag wala ka ee…

<3

Kakatwang love triangle ng Pinoy

  • Good si bidang lalaki good si bidang babae mapagbigay si third party

Ito yung bibitaw na lang ng linyang “sige <insert man’s name> palalayain na kita kasi sa kanya ka naman masaya”. Ka tindi no? Kabait ng third party sa mga pelikulang ito noon at ngayon. 

  • Good si bidang lalaki good si bidang babae, namatay si third party

Sa sobrang bait ni third party nakuha niya pang isakripisyo ang sarili niya para kay bidang lalaki. Yung tipong sasaluhin niya yung bala na para sa bida at bibitaw ng linyang “Tandaan mo <insert man’s name> mahal na mahal kita”. How touchy naman kaso dead pa din sa dulo.

  • Good si bidang lalaki good si bidang babae nabaliw si third party

Sa palabas na ganito, kadalasan mayaman si bidang lalaki o isang bad boy ng kanilang lugar. Sa sobrang pagkahumaling ng third party girl sa bidang lalaki ay hinde nito matatanggap na si bidang babae ang makakatuluyan ni lalaki. Sa huli baliw ang kalalabasan ni third party.

  • Good si bidang lalaki good si bidang babae pumapatay si third party

Si third party girl sa ganitong eksena ay maaring miyembro ng sindikato o di kaya naman ay siya mismo ang kalaban. Nag uutos na ipadukot si bidang babae para pahirapan at sa huli naman e maliligtas lang din ni bidang lalaki.

*Ang mga eksenang ito ay maaring pagbaliktarin ang bidang babae, na maging bidang lalaki at ang bidang lalaki ay nasa katayuan ng bidang babae.*

Palabas.

You don’t know what she is going through.

Minsan may tao talagang gustong gusto kang pahirapan o saktan. Hindi ba nila kayang manahimik nalang… forever. Minsan sobra na yung pakikialam. GRABE! Ang manhid. Nakakainis na eh. Hindi na din kasi normal ang ginagawa. Hays. Konti nalang pasensya ko. Konting konti nalang.

Thank you tumblr! Ikaw lang! Ikaw lang.

Gusto mo sanang ilipat ang channel

kaso ang layo ng remote, kaya tiniis mo nalang ‘yung palabas.

image

Loading more posts...