Follow posts tagged #pagibig, #tagalog, and #kowts in seconds.
Sign upKailan mo ba dapat sabihing, "tama na"?
- Kapag sobrang sakit na?
- Kapag pagod ka na?
- Kapag hindi mo na kaya?
Mali. Tama na, kapag siya mismo nagsabi sa’yong, “Tumigil ka na.” Ayos lang magpaka-tanga, dahil dun ka naman masaya. Ayos lang kung masaktan ka. Bilang tao, nagiging matibay ka lang at matapang. Ayos lang kung mapagod ka, pwede ka namang magpahinga panandalian. Ayos lang kung ‘di mo na kaya, bukas makakaya mo din.
Minsan, hindi ka naman titigil kapag hindi niya pinamukha sa’yong huminto ka na. ‘Wag kang sumuko, dahil alam mong mahirap makuha ‘yun. Huwag ka ding mawalan ng pag-asa na malay mo o baka, makuha mo din. Tama na kapag hindi mo na talaga siya mahal…
Hindi porket kayo na at mahal ka niya, hindi ka na mag-eeffort.
Hindi lang naman kasi sapat ‘yung ‘Mahal kita’ eh. Ang love, parang fruit salad. Kailangan ng iba’t-ibang prutas para masabi mong fruit salad ‘to. Parang sa relasyon. Masasabi mong isang masaya ang relasyon kapag andyan ‘yung pagkakaintindihan, pagpapakumbababa, ‘yung tiwala, pagbibigayan, komunikasyon, atbp. Magiging forever lang naman kayo kung pareho kayong lumalaban.
Hindi natatapos ang isang relasyon sa pagsasabi lang ng “Mahal Kita” at “Mahal din kita.” May mga bagay ka pang kailangang gawin para magtagal siya. ‘Wag kang makampante dyan, uy!
Bakit ganyan kayong mga lalaki?
- Kung kailan gusto na naming mag move on, tsaka kayo magpapakita
- Kung kailan may ginusto na kaming iba, tsaka kayo magpapakita ng interes samin
- Kung kailan ayaw na namin sa inyo, tsaka kayo babalik
- Kung kailan sumusuko na kami, tsaka kayo magsusumaho upang mahalin kayo ulit
Ang totoo kasi, tsaka nyo lang kami magugustuhan kapag nawala na kami sa inyo. Hanap pa kasi kay ng hanap ng iba e nandito naman kami na nagmamahal sa inyo na higit pa sa inaasam mo