Pa-FALL.
Yung tao na alam nyang may nagkakagusto sa kanya, oo hindi nya gusto, pero ang masklap eh nag papakita sya ng motibo kaya ayun, umaasa yung tao na may gusto sa kanya. May mga tao din kasi na feel na feel pag may nagkakagusto sa kanila. Magpapakita din sila ng motibo kahit hindi nila gusto, para lang hindi mawala yung pag tinginn sa kanila ng taong nagkakagusto sa kanila. Bakit? Kasi nga wala lang, feel lang nila na may nagkakagusto sa kanila. Feeling mahaba ang buhok.
Pero may tao naman talaga na hindi naiiwasan ang pagiging mabait at sweet sa iba kasi alam nila sa sarili nila na ganun sila sa lahat. Anong masama dyan? Magagalit sa kanya yung ibang tao at papalabasin na malandi siya. Na sweet sila sa lahat kaya minsan hindi na din magandang tingnan. Wala na kayong magagawa dun. Hindi nyo na sila masisisi kasi yun na pala ang nakaugalian nila.
Iwasan naman natin yan. Hindi masarap sa pakiramdam na mapaglaruan ang mga bagay na nararamdaman. Kung ikaw kaya yung nasa pwesto ng taong pinaaasa, matutuwa ka ba? Masasaktan ka din malamang. Kahit hindi ka man mag assume na may gusto sya sayo o ano, pero may naramdaman ka din kahit papano, in the end sasakit at sasakit din yan.

Nakakainis yung mga taong pa "FALL"
alam mo yun? kasi, babae ka, chickboy sya. so syempre sa dinami dami ng naging babae nun alam na alam nya na kung pano ka paiibigin (anlalim!) nakakaasar lang. kasi alam na alam mo na yung strategy nya, kumbaga e huli mo na kung ano yung balak nya kasi paulit ulit ng nangyayari sayo yun, pero di mo pa din maiwasan na ma fall kahit konti. ang masaklap dun e hirap na hirap ka na pigilan. kasi para sayo, isa syang importanteng kaibigan, binibigyan ka nya ng suporta, ng lakas ng loob, at lagi sya andyan kapag umiiyak ka. para sayo, yun lang ang turing mo sa kanya, pero sya, iba yata. ewan ko LOL ang gulo ng ganung sitwasyon no? naranasan nyo na ba? ako, ewan. naikwento ko lang naman. ingat ingat lahat! sa panahon kasi ngayon, di mo na malalaman kung sino yung nagsasabi ng totoo, at kung sino yung sinasabi lang yon para makuha ka nila.
"Iba iba kaming mga lalaki." - Yan yung sabi nilang mga lalaki.
O’Come on. Gusto kong sakalin nagsabi nito sakin e. >://
Sabi ko kasi “Mga lalaki naman, sa una lang sweet after non, wala na.”
Sabi niya “Iba iba kaming mga lalaki no.”
OO nga! I agree. Iba iba nga sila. Iba iba ng style magpafall, magpaasa, manakit ng mga babae.
I’m not mad. Galit lang. HAHAHA! :DD Joke, wala lang kasi. Napipikon ako. >:]]
May kaibigan ako na ngaun nag susuffer dahil naniwala siya sa salitang yan. Iniwan siya ng boyfriend niya. Why? Because of another girl. Putipete. Grabidad! Alam niyo yun. Gusto ko sila sugurin pero pinipigilan ako ng bestfriend ko. >:(
Pa-fall.
Mga uri ng pa’fall at paasa:
Mood Swings- Sila yung mga taong paasa na magpaparamdam sayo ngayon at magiging sweet pero bukas? Wag ka ng umasa na ganun ulit ang pakikitungo niya sayo. Pagkatapos ng ilang araw biglang magpaparamdam nga parang multo. At bigla nalang magiging cold at maglalaho ng parang bula. Yung parang nambibitin. At ang sarap nilang isabit sa puno ng patiwarik -.-
Major major- Sila ang mga totoong pafall at paasa. Yung sasabihin na halos lahat sayo ng mga banat at papakiligin ka kahit natutulog ka na. Tapos hindi mo malaman kung ano ka ba talaga sa buhay niya. Yung halos MU na ta turingan niyo tapos bigla mong mababalitaan na hindi lang pala ikaw ang ka M’Uhan niya. M2M pa kayo, many to mention. Sila yung hindi lang sinasabit, sinusunog na din ng mabawasan ang katulad nila sa mundong ito.
Second chances- Sila naman yung mga pafall pero sa una lang. Yung papakiligin ka pero di mo lang alam kinikilig din siya at pare parehas kayong nagmumukhang tanga sa kakangiti habang nagtetext or chat. Tapos habang ginagawa niya ang lahat makuha lang niya ang loob mo, di niya napapansin na siya din unti unti ng nahuhulog sayo. Yun ang masaya, sagad. Happy ending e. Sila yung mga taong pa’fall na dapat magmultiply!
Babae man o lalaki. Bakit kailangan magpaasa? Pag ba pinaasa mo yung isang tao, mamahalin ka nung taong mahal mo? Tanga ka kung oo ang sagot mo. Ang pangit ng ganiyan. Hindi mo ba naiisip na mahal ka ng isang taong yon tapos hindi mo man lang maappreciate. Tinake for granted mo pa. Bakit? Para saan? Masarap ba sa pakiramdam yon? Yung masaktan mo ng sobra yung isang taong alam mong mahal na mahal ka kasi ineentertain mo siya kahit hindi mo siya gusto?
Tandaan mo kasing kapag manglalandi ka, tandaan mong walang commitment na kasama yun. Unless mahulog sayo yung taong nilalandi mo. Sayo yung concern nun, consistent mong nilandi eh. Naging pa FALL ka. Ngayong na FALL sayo hindi mo sasaluhin. Ungasis ka pala eh.


