Dear future boyfriend
San ko ba to sisimulan. Hm hindi ako masyadong sweet na tao , pag naglalambing ako physical; gaya ng pangungurot sa pisngi , suntok , tapos pag nanggigil ako sayo kakagatin kita, pero syempre magsosorry ako pagkatapos ko yun gawin bwahaha. Lagi mo akong makakausap , gusto ko ako yung unang taong pagsasabihan ng problema mo ayaw kong malalaman ko pa sa iba , kasi ang mafeefeel ko niyan wala akong kwenta. Kakantahan kita palagi ng paboritong mong kanta kahit through cellphone lang , korni man sa iba pero gusto ko kasing maalala mo yung boses ko everytime na hindi tayo magkausap. Gusto ko pupunta tayo sa mang inasal para kumain at magparamihan ng kanin bwahaha ang baboy man tingnan pero wala eh matakaw ang girlfriend mo. Tatanggapin ko lahat ng mali sayo , lahat ng imperfections mo , wala rin akong pakielam sa past mo, ang mahalaga kasi yung ngayon , yung tayo. Pagsasabihan kita palagi , magagalit ako pag hindi ka pa nakakauwi sa tamang oras , pag hindi ka pa kumakain , sesermonan kita pero syempre alam mo naman na para sayo rin yun , magseselos ako kung meron mangpagseslosan pero magiging tapat ako at sasabihin ko sayo ng deretchan . Gusto ko sabay tayo manonood ng basketball yung may pustahan. Gusto ko lahat ng katarantaduhan mo eh katarantaduhan ko rin. Hahayaan kitang makijam sa barkada mo karapatan mo yun eh , hindi kita pagbabawalan sa mga bagay na gusto mo as long as wala kong nakikitang masama rito. Siguro may magaganap na away pero gagawin ko lahat para maayos yun. Ibaba ko yung pride ko para sayo, ipagluluto kita, aalagaan , tutulungan sa assignments mo haha basta wag lang math ,susuportahan kita sa mga bagay na mahal mo , tsaka pangako ko na hindi lang ikaw yung mag eeffort sa relasyon na to gusto ko ako rin. Parang give and take traffic , gusto ko parang magbestfriends tayo.Hindi ko nga pala muna sayo maibibigay yung buong pagmamahal ko , syempre magtitira ako para sa sarili ko , sana maintindihan mo yun , gayunpaman ipaparamdam ko pa rin sayo araw araw kung gaano kita kamahal.
Nagmamahal , L.
turning page
Sleeping at lastI want this to be my (our) wedding song someday..



















