Super Busy
Alam mo yung feeling na gusto mong umuwi kasi ang dami mong taong gusto makita pero hindi pwede kasi kailangan mong tapusin ‘to lahat in time? Ang daming librong kailangan harapin at basahin. Ang daming seatworks na kailangang ipasa. Ang daming time na kailangan gamitin para sa mas importanteng bagay para makapasa. Ang daming bagay na kailangan budgetan kaya hindi ka makauwi. Haay.
Gusto ko na talaga umuwi kahit isang araw lang. Gusto ko na sila makita - si mama, si Janross, Janmic, bahay namin, at higit sa lahat si Jericho :( Miss ko na sila talaga. Tumawag pa si mama kanina. Grabe. Sobrang dami niyang kwento sakin na halos hindi na ako makasalita. Tapos pagkarinig ko sa boses ni Janmic, maluhaluha ako. Ang linaw niya na magsalita, ang galing. Ilang weeks lang ako nawala ang dami nang nagbago. Yung kapatid kong ulol na si Janross, parang gago lang. Nakakamiss din daw pala ako. Nakakamiss kakwentuhan yun sa hapagkainan. Ngayon kapag nakain ako wala man lang ako kausap. Haay. Si Jericho panget miss ko na lalo. Ang dami kasing araw nasayang dahil sa pag-iignore ko. Ayan, namimiss ko na talaga siya. Namiss ko na yung hug at kiss niya sa noo ko. Sobraa. Gustuhin ko man umuwi, hindi ako makauwi. Kung hindi kulang sa budget, tambak ang kailangan gawin.
Plano ko pa naman umuwi this coming weekend, kaso shit na prelims. Hindi pa siniksik sa isang week. Sana yung wednesday na walang exams dun na lang nilagay yung dalawang subjects na dapat sa monday. Nakakainis lang. Hindi ko na alam kung anong ayus ang gagawin ko sa sched ko. Tapos yung birthday ko na holiday na sana iuuwi ko, nilamon na din ng school. Youth camp para makuha yung membership certificate na requirement sa Theology subject ko. Wow. Ang saya kong tao. Mag-cecelebrate ba ako nang mag-isa ngayong kaarawan ko? :(
Ang hirap mag-ayos ng sarili mong schedule kung hawak nang school ang oras mo. Wala kang magawa kundi magtiis. Hopefully sana next next weekend, makakauwi din ako. Sana.
