Masakit, Sobrang Sakit
Pag gising palang sa umaga ramdam mo na ang sakit. Wala kang magawa kundi tanggapin ang lahat ng ito. Gusto mo man iiyak ang lahat ay di mo magawa dahil mas nangingibabaw ang sakit kaysa sa lungkot. Wala kang magagawa dahil ginusto mo yan, kailangan mong panindigan. Kahit nasasaktan ka na ay kaylangan mo parin magpatuloy sa buhay. Kahit nasasaktan ka na ay kaylangan mo paring ngumiti. Gusto mo man takbuhan ang nararamdaman ay di mo magawa dahil hinihila ka ng sakit pabalik sa iyong katauhan. Ang sakit no? Tiisin mo.
Masakit, sobrang sakit talaga pag bagong adjust ang braces. Pero ganun talaga sanayan nalang. Sobrang sakit lang talaga sa ipin. Shit.


