Blank
“Pero at the end of the month, ang debit, laging accounts receivable.” Ayan na naman ang mga debit, credit na yan. Naririnig ko na naman ang mga accounts receivable at accounts payable na yan. Yang major kong Accounting subject na yan, kahit na hindi naman talaga BS Accountancy ang course ko.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano nakarating ng August na wala akong naiintindihan sa accounting subject na ‘to. (“Magkano ang salvage value?”, tanong ni Sir. Sir, pwedeng subject niyo na lang ang ipa-salvage ko?) Halos lahat ng exercises at quizzes ko, hindi pala halos, lahat ng mga yun.. Walang hindi ako nagtatanong kung saan ba ilalagay yung ganito, ganyan. Kung i-de-debit ba yung pera o i-cre-credit. Wala talaga, eh. Hirap na hirap ako. Na-ge-gets ko naman, pero.. Ewan ko. Ang sarap i-drop ng subject na’to.
Siguro dala na rin ‘to ng boring na teacher. Sobrang nakaka-antok ang boses niya at turo lang talaga siya ng turo. Mabait naman siya. (Hindi nga kami nag-midterms sa subject nya ngayon kasi hindi pa daw kami tapos sa lesson eh. Eh kahit naman mataps kami, wala padin akong maintindihan. Hahaha.) Kapag nagpaturo ka sakanya na ikaw lang talaga, maiintindihan mo naman. Eh alangan namang magpatutor nalang ako dito? Kakastress.
Isama mo pa yung TATLONG oras ‘tong hinayupak na subject na’to. Pagbungad ng Lunes, unang subject ko ‘to, 7 to 10 am. O diba! Nakakabaog!! (“Hanggang anong oras tayo dito?”, sabi nung kaklase ko. “10.” Tumingin sya sa orasan at naking 8:30 palang. “10?! Nakatulog na’ko, bat ang tagal padin?!”) Buti nalang talaga nagbibigay paminsan minsan ng 30 minutes break ‘tong si Sir. Nakaka-lafang naman kahit papaano.
Okay. Yun lang. Gusto ko lang mag-rant sa Accounting na ‘to at siguro ay hanggang third year college akong mag-re-reklamo dito dahil hanggang third year ako may Accounting subject. Pyukinginang yan talaga, oo.