Sana Isang Araw...
Araw-araw, tinitignan/binibisita ko profile nya. Tinitignan ko kung may mga posts/status ba sya. Tinitignan ko kung may mga bagong pictures ba sya. Tinitignan ko din kung may mga nag popost sa wall nya. Sa araw-araw na pag bisita ko sa profile nya, iba’t-ibang post ng ilang babae yung nababasa ko. Nababasa ko din yung mga conversations nila through comments. At sa araw-araw ding yun, paulit-ulit akong naiinggit sa mga babaeng kinakausap nya. :| Kasi dun sa mga conversations nila, ramdam kong close sila. Ramdam kong interesado syang makipag-usap. At ramdam ko rin na nagseselos ako kahit alam kong wala naman akong karapatan! -_- Kelan kaya mag-kakaroon ng pag kakataong AKO lang ang laman ng profile mo. Yung tipong yung mga posts mo pertains to me kahit hndi mo lagyan ng name ko. Kahit isang araw lng, masaya na ko dun! At least kahit papano, naramdaman mo ang presensya ko..
—
#TSB </3
Isang araw...
Birthday ng isang kaibigan ko nun kaya nagpunta kami ng Batangas City kasi manlilibre siya ng pizza. Edi ayun, ang sarap. At nung pauwi na kami, nagdecide kami na mag Supreme nalang (bus yon. byaheneg Lucena-Batangas) habang naghihintay, may lalaking hindi naman katandaan at hindi din naman kagwapuhan ang sumakay sa upuan katapat ng inuupo-an ko. Pagkaupo niya, naglabas agad sya ng yosi at yun nga, nagyosi (Like a boss! =))) Saktong tingin ko sa harap ng bus at nakita ko yung malaking sticker sign na “NO SMOKING”. >:)) Sabi ko naman agad, “Ano ba yan, Kala ko ba no smoking?! Tsk.” Syempre nagapaparinig ako nun. OA naman kasi makayosi eh, Wagas with feelings, teh! At yun napatingin sya sakin na may mukhang nanghihinayang, SABAY TAPON NG YOSI SA LABAS.
Napatawa nalang ako. :))

minsan 1 araw, nag-wish ako.
Sana magmature na ako para magawa ko na ung mga dapat at gusto kong gawin. Pero mali pala ung hiniling ko.Kasi experience taught me na to be mature, you need first to think right. In that way, malalaman mo kung ano ung dapat mong gawin at ung gusto mong gawin. You need to struggle just to always do what you should do. In that way, ma-aachieve ko ung maturity na inaasam ko.
*Do what you must do whenever you must so you can do what you want whenever you want.
*Maturity does not come with age. It comes with the acceptance of responsibility.



