May mga babaeng hindi lang talaga marunong rumespeto ano? Nakikita na nga nilang taken na ‘yung lalaki, nagagawa pang magbigay ng motibo o ng paraan para malandi nila. Minsan, naniniwala nga ako na mas manloloko ang mga babae kesa sa mga lalaki eh, not to be rude okay. Me mga babae kasing nirarason na “Ilang beses na kasi ako naloko ng mga lalaki kaya ganun na din ako.” Parang, me marason lang na makapanglandi. Kaya hindi na rin ako nagtataka bakit me mga lalaking bastos at gago kasi ‘yung ibang mga babae mismo eh hindi alam papaano respetuhin ang mga sarili nila. ‘Yang mga lalaki kasi, kapag alam nilang matino at karapatdapat ‘yung babae, magtitino ‘yan eh. Lalo na pag tinopak ng pagseseryoso.
Pero kahit anong pagseseryoso pa ‘yan, kung meron talagang mga determinadong malalandi na hindi nagpapatinag. Basta gusto ‘yung lalaki, hindi susukuan hangga’t hindi nasusulot. ‘Yung iba, proud pa? Ansaveh, gustong mabigyan ng trophy? Award? Certificate at mamon?
Kapag nakabakod na ‘yung lalaki, alamin niyo ‘yung limitasyon niyo kahit gaano pa kayo kadesperada makuha siya, pwede naman kayo mag-abang pero HUWAG KAYONG MANINIRA NG RELASYON. Kahit pa landiin kayo ng lalaki, respetuhin niyo ‘yung kapwa niyo babae. Hindi mo rin naman magugustuhan kung ganun ‘yung gagawin sa’yo HINDI PO BA????? :-)
Respect begets respect, people. It’s a give and take cycle.