Stages of... breakup.
Stage 1: Denial
- Hindi mo pa matanggap o maprocess sa utak mo na wala na talaga kayo. Na hindi ka na niya gusto. Na lahat ng memories niyo, hanggang memories nalang talaga at hindi na mauulit pa.
Stage 2: Anger
- Eto na yung magpapakabitter ka na sakanya. Status, posts, tweets. Lahat patama na ang gago niya para iwan ka. Though normal naman yung ganto, know your limits. Masakit din naman sa part yun nung once mong naging partner e. Siguro hindi na lang talaga nagwo-work out.
Stage 3: Bargain
- Susubukan mo pang makipagbalikan sakanya. (Yata, not sure) Pwede namang makikipagbargain ka din kay Lord. Hihingi ka ng kapalit ng nararanasan mong sakit ngayon.
Stage 4: Depression
- Eto na yung point na medyo nagsisink in na sayo na wala na talaga. Na kahit anong pagmamakaawa mo sakanya, wala na e. Ayaw na niya, hindi na talaga pwede. Learn to cope with depression. Wag ka masyadong magpakalalim. Baka mahirapan ka ng makabangon uli e.
Stage 5: Acceptance
- Hindi naman necessary na naka-move on ka na sakanya kasi aminin na natin, mahirap yun. Pero at least, tanggap mo na na wala na kayo. Na hindi na siya babalik. At no hard feelings na. Yung parang kayang kaya mo na siya uling makita sa daan at kaya mo pang ngitian.


