Tips for Freshies (Freshmen College)
- Yellow Paper makes the world go round in college, magdala ka ng isang pad sa unang araw mo. Kaso paghiwa-hiwalayin mo na para di ka mahirapang mamimigay. Dahil dyan magkakaron ka ng kaibigan, tapos baka ikaw pa ma-elect na class president dahil mabait at mapagbigay ka. Pero after 1 month o after mong maubos yung isang pad, wag ka ng magdala. Ikaw naman manghingi, o kaya magdamot ka naman.
- Kung ayaw mo nung tawag sayo nung high school at gusto mong makilala ka sa ibang pangalan this is your chance. Ikaw ang unang magtanong ng pangalan nila, dahil tulad mo, nahihiya din sila at kailangan ng kasabay sa lunch.
- Wag kang magbaon ng packed lunch! May canteen naman siguro kayo at may malapit na takbuhan ng mga 1st year pag 1st day — McDo. Pero kung di naman maarte yung mga nakuha mong kaibigan pwede naman kayong mag carinderia.
- Kung maghahanap ka nalang din naman ng kaibigan mo sa mga kaklase mo, kaibiganin mo yung mga pwede mong makasabay pauwi. Malalaman mo naman kung taga san sila kapag tinanong ng prof (which is all the time)
- Maghanda ka na din ng magandang dahilan kung bakit yan ang napili mong school at course. At pag sinabi ng prof na introduce yourself at di mo alam ang sasabihin mo eto lang palagi ang dapat mong sabihin “Hi my name is _____, but you can call me __ I graduated in _____ and I live in ___ *city lang* I’m interested in __ I chose this course because ___ and someday I would like to work in _____. “
- Umupo ka sa harap. Di bale ng sabihan kang teacher’s pet, pero habang wala pa namang seating arrangement maganda na yung kilala ka nung prof *wink wink* lalo na kung weakness mo yung subject, umupo ka sa harap kahit malayo sa kaibigan mo. isipin mo ang sarili mo, hindi yung mga friends mo, dahil iniisip din nila ang sarili nila.
- Invest with good friends, not to mention, smart. yung pwede mo ng thesismate. If you don’t feel your classmate or friends you can always transfer another block.
- If you want to transfer school or course, wait until your 2nd year. Baka nabibigla ka lang dahil sa stress sa pagco-commute. ikaw din, mahirap atang maglakad ng papers.
- Do not wear heels na 3 inches lalo na kung sa Manila ang school mo. Magdala ka na din ng band-aid lalo na sa girls, dahil kung mapapansin mo kada first day of school mabenta ang band-aid, dahil sa paltos.
- 2nd year ang buntisan season.
Far Eastern University - Official Page
May post kanina na suspended na yung evening class, starting 6 PM, in FEU Manila. Tapos may nagcomment na “Hindi ako from FEU pero favorite ko kayo sa UAAP.” Basta parang ganon. Haha. Natawa lang ako. Medyo related comment n’ya ano po? Tapos may nagtanong pa kung totoo raw ba yung post na ‘yon. Baka official page ng FEU po. Pero mas ikinatuwa ko yung comment nung isa na, Eh sa Saturday po? Huehuebels.
The start of these "hell years".
The realty is this. Kapag first days or first week, uso dyan yung pasikatan at pagandahan. Sa girls, high heels as if wala silang pagkakaabalahang akyatin na hagdan. Sa boys, super porma as if may sariling style ang uniform. Nandyan yung pasikatan ng brand ng mga gamit. Pagandahan ng unit ng cellphone. Palakihan ng allowance. All of these with or without direct comparison, normal na maiisip ng isang estudyanteng bagong salta lang. Yung tipong kapag di ka mukhang kaakit-akit e feeling mo walang lalapit sayo at wala kang magiging friends. Kahit sa private o public school ka, magiging conscious ka talaga sa sarili mo at di mo maiiwasan na mai-compare yung kung anong meron ka at meron ang iba na wala ka.
Pero in time, marerealize mo din na “ay di ko pala kailangan ng heels kasi shet magkakaron ako ng varicose weins neto ng maaga” o kaya e “shet, hair wax ain’t cute kapag pala buong araw kang labas pasok sa lamig.” Marerealize mo na kahit na hindi ka magsalita ng buong araw, magkakaron ka ng kaibigan. No choice dahil kailangan mong maging kaibigan yung seatmate mo lalo na kung nasa block section kayo at naka-alphabetical. Maiisip mo na hindi mo kailangan na kumain sa fast food o resto sa araw araw na ginawa ng Diyos kasi magsasawa yung mismong large at small intestines mo. Malalaman mo na hindi cool ang maraming friends kundi magastos dahil may expected gifts sila sa birthdays nila. Malalaman mo na hindi naman labanan ang college. This is a race between your active-self and inactive-self. Kumbaga, sarili mo ang kalaban mo.
Don’t just expect the “hell” out of these coming years. Actually, nasa estudyante yan kung magsstay ka ba sa cool o sa init ng buhay sa college. Ang masaya dito, may mga times na marerealize mo, hindi lang pala “hell” ang college. “Heaven ” din. :)
Goodluck and God bless, college freshmen. :))