design

Nagpagawa sa akin yung kapatid ni Bhie ng cd cover para dun sa video nung kasal nila. Oo, ako yung graphic artist nila. HAHA! Sayang nga at libre eh, pera na sana. HAHA! Joke lang. Okay lang naman sa akin dahil at least, nakakapagpraktis ako magdesign at kahit papano napapa-andar ko yung utak ko. HAHA!!

So eto yung una kong cover na ginawa. Ay nga pala, jewel case lang yung ginamit nila para sa lagayan nung cd kaya front cover lang need kong gawin. Sa design na to, naisip kong gawing magazine-type. Naisip ko lang na parang napaka-usual na nung ibang mga wedding cover pagdating sa cd kaya ayun, eto ginawa ko. 80% yung tingin ko na hindi ito magugustuhan ni Tita kasi me pagka-oldies. HAHA! Kung magustuhan man to ni ate Len, siguro di parin ito yung pipiliin nya dahil sa mama nya. HAHA!

Etong next cover naman is yung typical na cd cover pero merong twist ng konti. Di ko ma-explain eh. HAHA! Me pagka-fairytale yung design. HAHA! 

Tapos gumawa narin ako ng cover para dun sa cd mismo kahit hindi sila nagpapagawa. HAHA! Trip ko lang gumawa, nag-eenjoy ako eh. ^_^

Need lang yan gupitin para sumakto sa cd. Ayun lang. Thanks sa pagbasa! ^_^

Credit goes to the owner of the rainbow background and the cd template.

Loading more posts...