My two cents on the Cyber Crime Law
If you don’t know what it is, heard about it, read about it on your Facebook/Twitter feeds but don’t really know what it’s all about, you can read this and be informed: http://www.gov.ph/2012/09/12/republic-act-no-10175/
Now, my two cents.
Freedom?
Hindi ako sangayon sa Cybercrime Law. At oo, binasa ko ang Republic Act No. 10175 or The Cybercrime Prevention Act of 2012. Kahit ang sakit sa ulo. Habang binabasa, parang mas gusto ko nalang mag hugas ng pinggan o magtanggal ng split ends sa bulbol kaysa ituloy ang pagbabasa. Nakakatamad, sa totoo lang. Pero syempre, tinapos ko. Para alam ko kung anong irereact ko. Hindi naman masamang magreact sa mga gantong bagay e. Kasali naman tayong lahat dito. Dapat may alam ka. Dapat may pakialam ka. Pero bago ka mag react dapat alam mo talaga ang sinasabi mo. Hindi yung dahil trending e nakikiuso ka na rin.
Kung tutuusin, kahit papaano may magandang layunin naman ang batas na ito. Para protektahan tayo. Tayong gumagamit ng internet mula sa mga mapangabuso. Sa mga manloloko. Sa mga ginagamit ang internet sa masamang paraan. Ngunit, subalit, datapwat, may parte ito na sumasalungat sa Philippine Constitution, Article III, Section 4: “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.” Kaya nakakapagtaka kung bakit naipasa ang batas na ito. Hindi ba muna ito binasa ng mabuti ni Noynoy? Mas inuna niya kayang basahin ang formula para sa napapanot niyang ulo? O inuna ang lovelife? Napakadali makulong nowadays no? Sana ganun din kadali makahanap ng tunay na pagmamahal.
Ang sakit talaga sa balls nitong si Sotto. Proud pa siyang siya ang nag lagay ng libel part sa cybercrime law. Magaling ka na niyan? Wala ka ngang alam kundi mangopya at mag plagiarize e. Maghost ka nalang sa Eat Bulaga o kaya balik ka elementary! Mamili ka. Dapat siya ang ipakulong e. Ok so tama na, baka ikakulong ko pa ‘tong sinasabi ko. Loveyou tito Sen! Idol talaga kita.
Ang maganda dito ay sa kabila ng lahat, eto tayo, nagkakaisa.
Kung lalabag kayo sa Cyber Crime Law, huhuliin kayo ng mga Cyber Police. Meron silang Cyber Warrant, then kakasuhan kayo ng Cyber Libel. Lilitisin kayo sa Cyber Court sa gitna ng Cyber Judge. Dapat meron kayong Cyber Lawyer na magtatanggol sa inyo sa mga Cyber Prosecutor. Then, kapag sinabi ng Cyber Honor ng “Cyber guilty” kayo, kulong kayo sa Cyber Jail, kasama ninyo ang mga Cyber Kosa ninyo. Gagawa kayo ng Cyber Gang ninyo sa loob ng Cyberehas. Lahat ng ‘yang mangyayari sa Cyber space! It’s more fun in the Philippines!
You can't destroy the internet just because you got criticized in it. You can't silence a nation.
We are bloggers, we express our thoughts and opinions on what we write and post. Expressing our thoughts is not a crime!
Bawasan ang utang wag ang karapatan
Alisin ang korupsyon, wag ang Kalayaan
Ang ikulong ay ang nagnanakaw ng kaban wag ang nagrereklamong bayan.


