Hello!
Tumblr is where tens of millions of creative people around the world share and follow the things they love.
Sign up to find more cool stuff to followClaire Bercero is the next Tricia Santos?
Para sa’kin, PBB Teen Clash 2010 was the worst batch. Pinakita lang kasi nila kung ano na yung personalities ng teens nowadays—bad. Sa nakita ko, walang kasalanan si Tricia Santos kina Shey, Devon, Eslove at yung iba pang housemates na ayaw sa kanya. Shey blamed her kasi na-forced evict siya. Pero, let’s face it. Kasalanan ba ni Tricia na nag-usap-usap sila about the nomination? Isang example lang yan. Sorry, pero di ko talaga yun makakalimutan. Ang bait ni Tricia and she didn’t deserve all those hate. Masyadong plastic lang talaga si Shey.
Ngayon, eto nanaman. It all started when Claire didn’t help Karen with the glasses. Nakita naman siguro nating lahat na parang nagmamadali rin si Claire. She was doing something, too. So siguro nga kasalanan nya din yun kasi she could have stopped for a second and helped. Pero ANG LIIT NA BAGAY NUN. It was such a tiny thing tapos HATE na kaagad? EKSAHERADA? Karen says OA daw si Claire. Pero yung pinakita nyang yun, hindi ba OA yun?
Malandi daw si Claire. Pero sabi nga, “Don’t call a girl flirt when she’s just being nice.”
Kitang-kita kung sino yung plastic at kung sino yung nagpapakatotoo. And if you hate a person for what she is, it’s your problem.
So. Why is Claire Bercero the next Tricia Santos? Is it because she is the most misunderstood? Is it because she has the most haters just because she’s being true to herself? Dahil ba siya yung laging nagpapakumbaba?
Tingin siguro ng iba, pag sinabing “Claire Bercero is the next Tricia Santos”, negative ang ibig sabihin. Pero para sakin, positive ‘to.
Yes, Claire Bercero and Tricia Santos have their imperfections and flaws. But who doesn’t? As for me, I salute these two for staying strong and staying true despite the haters.
About PBB
Proud ako kanina kay Claire nung naging honest na siya kay Myrtle. Ganyan ang prangka, okay, Karen? Hindi yung bina-backstab mo at kung kinakausap ka, pinaplastik mo! Grabe inis na inis ako kanina. Kagabi pa pala. At sa lahat ng araw na nakikita ko yang pagmumukha ni Karen. Kung sino daw ang wala, yun ang pag-uusapan ng mga girls. Sabi yan ni Karen. AT GANUN SI KAREN. Hypocrite! Bwisit. Kinausap na siya ni Myrtle eh (as we all have seen last night during Primetime). It was her chance to tell Myrtle her issues. Pero hindi. Ang ginawa niya, binackstab pa niya yung ibang girls. ANG PLASTIIIIIIK! Ang sama ng ugali. I’m proud of Kit for finally seeing the real her.
Okay. Let’s say that Karen has beauty. But what happened to the brain? And the character? I’m sorry pero nakaka-turn off ang babaeng ganyan. Ang ganda ganda tapos kung mag-english… At kung umasta parang… Hmmm.
And don’t even get me started about her requesting a hug (hugs!) from Kit. Coming from the girl na ayaw na nakikita siyang “kabastos-bastos”?? Sarap mong kaladKAREN!
Srsly. I don’t understand why she has fans.
"The Way Na Hindi Pinapansin Si Claire Sa BNAHS, Masakeeeet xD"
So, yun. Kumalat na balita. Lumipat ulit si Claire sa school namin. Nadrop out daw siya sa Makati High e. Sa totoo lang, sa BNAHS siya nag1st and 2nd lumipat siya MakHigh nung 3rd year. Ngayon, 3rd year siya ule. Yun lang, ikwento ko lang sa inyo. HAHAHAHAH =) Kaibigan ko yun. DATI? XD O hindi ko ata talaga nging kaibigan, ewan, hahahahah.
Guys, wag magalit kay Claire agad agad. Chill lang!
As if naman na di kayo na-fall dati agad agad? Yung infatuation? Tsaka, if I know ganyan din ang reaksyon niyo sa ctush ng mga types niyo! Yun nga lang, si Claire sinabi niya. Naging honest siya. Eh yung iba jan, hindi nga sinabi, pero halos pumatay naman ng tao sa utak nila. AMININ!

Maka-teh ka naman anon, close tayo? Haha, de joke. Siguro nabasa mo ‘tong post ko about sa kanya kaya mo natanong ‘yan.
Sa totoo lang, ayoko na talaga mag-react sa bagay na ‘yan dito sa Tumblr. Sa Twitter [leyuhhhh] na lang ako lihim na sumusuporta kay Claire lol. Pero dahil may nagtanong, sige… pagbigyan.
Ganito kasi ‘yan, teaser pa lang ng mga housemate ‘nun, nakuha na talaga ni Claire ang atensyon ko. “Cinderebel ng Makati”, sino ba namang hindi maku-curious dyan. ‘Nung pinakilala na ‘yung mga girl housemates, sa kanya ako pinaka-nagandahan. Mala-Megan Young na may pagka-Julia Montes ang beauty niya. Anyway, ‘yun nga… sobra akong naging interesado sa buhay niya at sa kung anong personality meron siya. Nagsulputan ang mga haters niya ‘nung hindi niya tinulungan ‘yung isa niyang co-housemate sa mga dala-dala nitong baso. Dafuq?! Actually, pati mga friends ko ayaw sa kanya e. Ako lang ata ang maka-Claire sa amin.
Sumunod na issue is ‘yung flirt o malandi daw si Claire dahil sa paglapit o pakikipag-usap niya sa mga lalaki. ‘Yung totoo? Inggit lang ‘yan. Hindi kasi kayo ‘yung nasa posisyon ni Claire e. Hindi kayo ‘yung nakakasalamuha ng mga “crushes” niyo kaya nasasabihan niyo siyang malandi. Sana kasi nag-audition na lang kayo diba? Baka sakaling kayo ang nakikipag-flirt sa loob ng bahay ni Kuya ngayon.
And ‘yung issue na “sweet” at “lapitin ng boys” si Claire. What if sweet naman talaga siya sa mga boys? Sa mga lalaki niya kasi nahahanap ‘yung pagkakaroon ng isang ama. Wala siyang tatay since birth just so you know. Be open-minded naman kasi. Ang hirap sa mga tao ngayon, makitang uso ang isang bagay, makiki-in na din sila. Ayaw mahusgahan ng iba, pero sila mismo mga judgmental.
One-sided kasi mga utak niyo dre. ‘Yung mga mali lang ng tao ang pinapansin at pinupuna niyo. Tipong pati grammar napagdiskitahan niyo pa. “I know it’s my wrong.”, “Gusto ko lang humingi ng apologize.” Puta, grammar lang pinansin niyo, hindi ‘yung mismong essence ng sinabi niya. Sige nga, i-analyze niyo. Hindi ba’t nagpakababa na nga siya? At tingin niyo ba makakapag-isip pa ‘yung tao ng tamang grammar habang umiiyak at lumulunok ng pride? At least alam na natin ngayon na galing sa puso ‘yung mga sinabi niya.
Okay that’s it. Ang haba ng speech ko in fairness. Salamat sa pagtatanong, anon. At bahala na din kung tirahin ako ng mga haters ni Claire, idgaf. Basta susuportahan ko na lang siya. #TeamClaire!

