SLU Freshmen! Tips ba ka'mo?
Okay. Nung ako kasi yung magffreshman, naghahanap din ako ng college tips especially yung authored ng galing sa school na papasukan ko para fully relevant talaga. Kaya naman di ko na bibiguin yung mga susunod na din.
*Ang post na ito ay nakatuon para sa mga main campus studs.
FIRST DAY!
- First day of classes na! Wag kalimutan ang sked mo. Dahil wala ka pang I.D., ‘yan ang hahanapin sa’yo ng guard.
- Kung bibili ng gamit, yung sakto lang. Umarte ng ayon sa kaya ng magulang. Ang college ay hindi runway.
- Di mo kailangan ng 3 kulay ng ballpen!
- Kung bibili ng bagong sapatos, dapat yung pang-casual, jogging, at civilian shoes na. 3in1. Di mo pa kailangan ng leather shoes unless gusto mong magpakajologs.
- Pumasok ng maaga, lalo sa first day. Wag yung papasok ka lang pag time na. Madami kang mamimiss.
- Make friends. Sa unang tingin palang, makikita mo na agad yung mga kauri mo. Mahihiya kayong lahat sa isa’t isa, normal yun. Makipagkilala ka, dahil yun yung inaantay ng iba.
- Magdala ng 1/4 sheet of pad paper. Kailangan ‘yan. At kailangan ng future friends/parasites mo ‘yan.
- Maghanda ng 30 seconds - 1 minute introduction speech about yourself. Parang “Hi, I’m Alexis Perez, ang pinakapoging umuutot so far. Ako ay nangungulangot na ng 15 years, at madami nang naipunas na kulangot sa bayan ng Maddela. May ilang bakas din ng kulangot sa Maddela Comprehensive High School kung saan ako nagtapos ng sekondarya. Binabalak kong ituloy ito dito sa SLU kung kaya’t kumuha ako ng BS CE.” Wag yung “Hi, I’m Alexis Perez, 15 and a graduate of Maddela Comprehensive High School. Thank you.” Corny, mainstream. Wag din yung “Hi!!! I’m Alexis Perez!!! I’m 15!!! We own a big house at Maddela, Quirino!!! I’m living in a 20k apartment at Richwood Gate, Camp 7!!! I came to school in a limo!!! Let’s eat later if you can afford!!!”.
THE CAMPUS!
- Dahil freshman ka pa, madami kang baon. Pwede kang bumili sa school canteen within your first week. Wag mong gawing buong sem, maawa ka sa magulang mo. MAHAL ANG BILIHIN DUN!
- Magandang tumambay sa library, fountain, giant steps, at corridors. Wag ugaliing nag-iisa!
- Sa first day palang, dapat memoryado mo na kung saan ang buildings at rooms mo.
- Sa main gate, pwedeng sumakay ng Aurora Hill. Gate 2, service papuntang Bakakeng Campus (SABM). Closed ang Gate 3. Sa Gate 4, pwede kang sumakay ng Trancoville at Aurora Hill. Gate 5 sa Assumption ay taxi lang, walang jeep. Lakarin mo! Haha!
PEOPLE!
- Madaming magaganda at pogi sa campus, pero chillax lang. Wag makikipagbreak agad sa bf/gf. Sa mga single, congrats! Nagbunga ang pagtitiis!
- Di maiiwasan ang ‘terror’ instructors. Pagbutihin mo lang ang pag-aaral at magbehave, walang terror-terror. Umasta ng naayon sa lugar at sitwasyon.
- Fraternities? Wag kang matakot, di ganun karadikal ang mga tao dun. Basta pag may lumapit sa’yo na di mo kilala, magdahilan kana at umalis. Di ka naman nila pipilitin e.
- Madaming mang-aasar na freshman ka. Don’t worry, naghihiganti lang sila.
- Be humble. Know your place ;)
- Respeto lang.
ON CHOOSING YOUR FRIENDS!
- Kung may kumausap sa’yong classmate at ayaw mo ang itsura niya, be cool. Tandaan, maraming 100x na mas pogi/maganda kesa sa’yo. Be approachable, malay mo, siya pala ang magiging life saver mo in the future.
- Inuulit ko, wag mamimili ng kaibigan. Mas maganda pag kaibigan mo lahat!
- Iwasang magpakita ng mamahaling gamit o mga bagay na minamagnet ang mga parasites. Dapat kaibigan ka nila dahil sa ugali mo, di dahil sa kung ano’ng materyal na bagay na kaya mong ibigay sa kanila.
Yun lang! Sana nakatulong ako! Adjust-adjust lang, kaya ‘yan! Enjoy ang college life. Wag masyadong magastos, mahirap ang allowance lalo pag wala kang bank acct. at malayo sa family mo. Good luck Louisians! :)

