President Benigno Aquino III’s Third State of the Nation Address
(DELIVERED @ BATASAN PAMBANSA COMPLEX, QUEZON CITY ON JULY 23, 2012)

 
Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga kagalang-galang na miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga pinuno ng pamahalaang lokal; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa kong nagseserbisyo sa taumbayan;
 
At sa akin pong mga boss, magandang hapon po.
 
 
Ito po ang aking ikatlong SONA, at parang kailan lang nang nagsimula tayong mangarap. Parang kailan lang nang sabay-sabay tayong nagpasyang tahakin ang tuwid na daan. Parang kailan lang nang sinimulan nating iwaksi ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada kundi sa sistemang panlipunan.
 
Dalawang taon na ang nakalipas mula nang sinabi ninyo: Sawa na kami sa korupsyon; sawa na kami sa kahirapan. Oras na upang ibalik ang isang pamahalaang tunay na kakampi ng taumbayan.
 
Gaya ng marami sa inyo, namulat ako sa panggigipit ng makapangyarihan. Labindalawang-taong gulang po ako nang idineklara ang Batas Militar. Bumaliktad ang aming mundo: Pitong taon at pitong buwang ipiniit ang aking ama; tatlong taong napilitang mangibang-bansa ang aking pamilya; naging saksi ako sa pagdurusa ng marami dahil sa diktadurya. Dito napanday ang aking prinsipyo: Kung may inaagrabyado’t ninanakawan ng karapatan, siya ang kakampihan ko. Kung may abusado’t mapang-api, siya ang lalabanan ko. Kung may makita akong mali sa sistema, tungkulin kong itama ito.
 
Matagal nang tapos ang Batas Militar. Tinanong tayo: “Kung hindi tayo, sino pa?” at “Kung hindi ngayon, kailan pa?” Ang nagkakaisang tugon natin: tayo at ngayon na. Ang demokrasyang ninakaw gamit ang paniniil at karahasan, nabawi na natin sa mapayapang paraan; matagumpay nating pinag-alab ang liwanag mula sa pinakamadilim na kabanata ng ating kasaysayan.
 
Ngunit huwag po nating kalimutan ang pinag-ugatan ng Batas Militar: Kinasangkapan ng diktador ang Saligang Batas upang manatili sa kapangyarihan. At hanggang ngayon, tuloy pa rin ang banggaan sa pagitan ng gusto ng sistemang parehas, laban sa mga nagnanais magpatuloy ng panlalamang.
 
Mula sa unang araw ng ating panunungkulan, walang ibang sumalubong sa atin kundi ang mga bangungot ng nawalang dekada.
 
Nariyan po ang kaso ng North Rail. Pagkamahal-mahal na nga nito, matapos ulitin ang negosasyon, nagmahal pa lalo. Sa kabila nito, binawasan ang benepisyo. Ang labingsiyam na trainsets naging tatlo, at ang mga stasyon, mula lima naging dalawa. Ang masaklap po, pinapabayaran na sa atin ang utang nito, now na.
 
Nariyan ang walang pakundangang bonus sa ilang GOCC, sa kabila ng pagkalugi ng kanilang mga ahensya. Nariyan ang isang bilyong pisong pinasingaw ng PAGCOR para sa kape. Nariyan ang sistemang pamamahala sa PNP na isinantabi ang pangangailangan sa armas ng 45 percent ng kapulisan, para lang kumita mula sa lumang helicopter na binili sa presyong brand new.
 
Wala na ngang iniwang panggastos, patung-patong at sabay-sabay pa ang mga utang na kailangang bayaran na. Mahaba ang iniwang listahan na tungkulin nating punan: Ang 66,800 na backlog sa classroom, na nagkakahalaga ng tinatayang 53.44 billion pesos; ang 2,573,212 na backlog sa mga upuan, na nagkakahalaga naman ng 2.31 billion pesos. Nang dumating tayo, may halos tatlumpu’t anim na milyong Pilipinong hindi pa miyembro ng PhilHealth. Ang kailangan para makasali sila: maaaring umabot sa 42 billion pesos. Idagdag pa po natin sa lahat ng iyan ang 103 billion pesos na kailangan para sa modernisasyon ng Hukbong Sandatahan. Sa harap ng lahat ng ito, ang iniwan sa ating pondo na malaya nating magagamit: 6.5 percent ng kabuuang budget para sa natitirang anim na buwan ng 2010. Para po tayong boksingerong isinabak sa laban nang nakagapos na nga ang mga kamay at paa, nakapiring pa ang mga mata, at kakampi pa ng kalaban ang referee at ang mga judge.
 
Kaya nga sa unang tatlong buwan ng aming panunungkulan, inaabangan namin ang pagdating ng Linggo para maidulog sa Panginoon ang mga bangungot na humarap sa amin. Inasahan naming mangangailangan ng di bababa sa dalawang taon bago magkaroon ng makabuluhang pagbabago. Bibigyan kaya tayo ng sapat na pag-unawa ng taumbayan?
 
Subalit kung may isang bagay mang nakatatak na sa ating lahi, at makailang ulit na nating pinatunayan sa buong mundo: Walang hindi makakaya ang nagkakaisang Pilipino. Nangarap po tayo ng pagbabago; nakamit natin ang pagbabago; at ngayon, karaniwan na ito.
 
Ang kalsadang pinondohan ninyo ay tuwid, patag, at walang bukol; ang tanging tongpats ay aspalto o semento. Karaniwan na ito.
 
Ang sitwasyon kung paparating ang bagyo: nakaabang na ang relief, at hindi ang tao ang nag-aabang ng relief. Nag-aabang na ring umalalay ang rescue services sa taumbayan, at hindi tayo-tayo lang din ang sumasaklolo sa isa’t isa. Karaniwan na ito.
 
Ang wang-wang sa lansangan, galing na lang sa pulis, ambulansya, o bumbero— hindi sa opisyal ng gobyerno. Karaniwan na ito. Ang gobyernong dating nang-aabuso, ngayon, tunay na kakampi na ng Pilipino.
 
Nagpatupad po tayo ng reporma: tinanggal ang gastusing hindi kailangan, hinabol ang mga tiwali, at ipinakita sa mundong open for business under new management na ang Pilipinas.
 
Ang dating sick man of Asia, ngayon, punung-puno na ng sigla. Nang nagkaroon tayo ng positive credit rating action, ang sabi ng iba, tsamba. Ngayong walo na, tsamba pa rin kaya? Sa Philippine Stock Exchange index, nang una nating nahigitan ang 4,000, may mga nagduda. Ngayon, sa dami ng all-time high, pati economic managers, nahirapan yata sa pagbilang: nakaka-apatnapu’t apat na pala tayo, at bihira nang bumaba sa 5,000 ang index. Nitong first quarter ng 2012, ang GDP growth natin, 6.4 percent; milya-milya ang layo niyan sa mga prediksyon, at pinakamataas sa buong Southeast Asian region; pangalawa po ito sa Asya, sunod sa China. Kung dati tayo ang laging nangungutang, ngayon, hindi po birong tayo na ang nagpapautang. Dati, namamalimos tayo ng investments; ngayon, sila ang dumadagsa. Ang mga kumpanyang Hapon, ang sabi ay, “Baka gusto n’yo kaming silipin. Hindi nga kami ang pinakamura, pero una naman kami sa teknolohiya.” Pati pinuno ng isang bangko sa Inglatera, nakikiusap maisali sa pila.
 
Sa bawat sulok ng mundo, nagpapakita ng paghanga ang mga komentarista. Ayon sa Bloomberg Business Week, “Keep an eye on the Philippines.” Ang Foreign Policy Magazine, pati isa sa mga pinuno ng ASEAN 100, nagsabing maaari daw tayong maging “Asia’s Next Tiger.” Sabi ni Ruchir Sharma, pinuno ng Emerging Market Equities and Global Macro ng Morgan Stanley,
 
“The Philippines is no longer a joke.” At mukha naman pong hindi siya nambobola, dahil tinatayang isang bilyong dolyar ang ipinasok ng kanyang kumpanya sa ating bansa. Sana nga po, ang kaliwa’t kanang paghanga ng taga-ibang bansa, masundan na ng lokal na tagapagbalita.
 
Sinisiguro po nating umaabot ang kaunlaran sa mas nakararami. Alalahanin po natin: Nang mag-umpisa tayo, may 760,357 na kabahayang benepisyaryo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Tinarget natin itong paabutin sa 3.1 million sa loob ng dalawang taon. Pebrero pa lang po ng taong ito, naiparehistro na ang ikatlong milyong kabahayang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya. Sa susunod na taon naman, palalawakin pa natin ang sakop nito sa 3.8 million; limang beses po ang laki niyan sa dinatnan natin.
 
Pangmatagalan po ang impact ng proyektong ito. Hindi pa kumpleto ang mga pag-aaral, pero ngayon pa lang, maganda na ang ipinapakita ng numero. Base sa listahan ng DSWD: May 1,672,977 na mga inang regular nang nagpapacheck-up. 1,672,814 na mga batang napabakunahan laban sa diarrhea, polio, tigdas at iba pa. 4.57 million na estudyanteng hindi na napipilitang mag-absent dahil sa kahirapan.
 
Sa kalusugan naman po: Nang dumating tayo, animnapu’t dalawang porsiyento lamang ng mga Pilipino ang naka-enrol sa PhilHealth. Ang masaklap, hindi pa masiguro kung lahat sila ay kabilang sa mga totoong nangangailangan ng kalinga ng estado, o buwenas lang na malapit sa politiko. Ngayon po, 85 percent ng lahat ng mamamayan, miyembro na nito. Ang ibig pong sabihin, 23.31 million na Pilipino ang naidagdag sa mga saklaw ng Philhealth mula nang bigyan tayo ng mandato.
 
Ang maganda pa rito: ang 5.2 million na pinakamahirap na kabahayang tinukoy ng ating National Household Targeting System, buong-buo at walang-bayad nang makikinabang sa benepisyo ng PhilHealth. Dahil sa No Balance Billing policy ng Department of Health, ang lunas para sa dengue, pneumonia, asthma, katarata, gayundin ang pagpapagamot sa mga catastrophic disease tulad ng breast cancer, prostate cancer, at acute leukemia, makukuha na nang libre ng mga pinakamahirap nating kababayan.
 
Ito po ang proseso ng pagpapagamot para sa kanila: Papasok ka sa alinmang ospital ng gobyerno. Ipapakita mo ang iyong PhilHealth card. Magpapagamot ka. At uuwi kang maginhawa nang walang inilalabas ni isang kusing. 
 
Sabi nga po sa isa sa mga briefing na dinaluhan natin, apat sa sampung Pilipino, hindi man lamang nakakakita ng health professional sa tanang buhay nila. Sa iba po, mas malaki pa: may nagsasabing anim sa bawat sampung Pilipino ang pumapanaw nang malayo sa kalinga ng health professional. Anuman ang ating pagbatayan, hindi po maikakaila: nakakabahala ang bilang ng mga Pilipinong hindi naaabot ng serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan. Tinutugunan na po natin ito. Mula sa sampung libo noong dumating tayo, umabot na sa 30,801 ang mga nurse at midwife na ating nai-deploy sa ilalim ng RNHeals Program. Idagdag pa po natin sa kanila ang mahigit labing-isang libong Community Health Teams na nagsisilbing tulay upang higit na mapatibay ang ugnayan ng mga doktor at nurse sa komunidad.
 
At kung dati tutungo lamang ang mga nurse kung saan makursunadahan, ngayon, dahil sa tamang targeting, kung saan sila kailangan, doon sila ipinapadala: sa mga lugar na matagal nang naiwan sa laylayan ng lipunan. Ipinadala po ang ating mga health professional sa 1,021 na pook na saklaw ng Pantawid Pamilya, at sa 609 na pinakamahihirap na lungsod at munisipyo, ayon sa pag-aaral ng National Anti-Poverty Commission.
 
Dalawang problema po ang natutugunan nito: bukod sa nagkakatrabaho at nabibigyan ng work experience ang libu-libong nurse at midwife na dati ay walang mapaglaanan ng kanilang kaalaman, nagiging abot-kamay din ang de-kalidad na kalinga para sa milyun-milyon nating kababayan.
 
Subalit hindi po tayo makukuntento rito, dahil ang hangad natin: kalusugang pangkalahatan. Nagsisimula ito, hindi sa mga pagamutan, kundi sa loob mismo ng kanya-kanya nating tahanan. Ibayong kaalaman, bakuna, at check-up ang kailangan upang mailayo tayo sa karamdaman. Dagdag pa po diyan ang pagsisikap nating iwasan ang mga sakit na puwede namang iwasan.
 
Halimbawa: Nabanggit ko ang mosquito traps kontra dengue noong nakaraang taon. Maaga pa para sabihing siguradong-sigurado na tayo, pero nakaka-engganyo po ang mga paunang resulta nito.
 
Sinubok natin ang bisa ng mosquito traps sa mga lugar kung saan naitala ang pinakamataas na insidente ng dengue. Sa buong probinsya ng Bukidnon noong 2010, may 1,216 na kaso. Nang inilagay ang mga mosquito trap noong 2011: bumaba ito sa tatlumpu’t pito; 97 percent reduction po ito. Sa bayan ng Ballesteros at Claveria sa Cagayan, may 228 na kaso ng dengue noong 2010. Pagdating ng 2011, walo na lang ang naitala. Sa Catarman, Northern Samar: 434 na kaso ng dengue noong 2010, naging apat na lang noong 2011.
 
Panimulang pag-aaral pa lamang po ito. Pero ngayon pa lang, marapat na yata nating pasalamatan sina Secretary Ike Ona ng DOH at Secretary Mario Montejo ng DOST, para naman ganahan silang lalong magsaliksik at mag-ugnayan.
 
Marami pa po tayong kailangang solusyonan. Nakakabahala ang mataas pa ring maternal mortality ratio ng bansa. Kaya nga po gumagawa tayo ng mga hakbang upang tugunan ang pangangailangan  sa kalusugan ng kababaihan. Nais din nating makamit ang Universal Health Care, at magkaroon ng sapat na kagamitan, pasilidad, at tauhan ang ating mga institusyong pangkalusugan.
 
Sa pagtugon natin sa mga ito, malaki ang maiaambag ng Sin Tax Bill. Maipasa na po sana ito sa lalong madaling panahon. Mababawasan na ang bisyo, madadagdagan pa ang pondo para sa kalusugan.
 
Ano naman kaya ang sasalubong sa kabataan pagpasok sa paaralan? Sa lilim ng puno pa rin kaya sila unang matututo ng abakada? Nakasalampak pa rin kaya sila sa sahig habang nakikipag-agawan ng textbook sa kaklase nila?
 
Matibay po ang pananalig natin kay Secretary Luistro: Bago matapos ang susunod na taon, ubos na ang minana nating 66,800 na kakulangan sa silid-aralan. Ang minana po nating 2,573,212 na backlog sa upuan, tuluyan na rin nating matutugunan bago matapos ang 2012. Sa taon din pong ito, masisimot na rin ang 61.7 million na backlog sa textbook upang maabot na, sa wakas, ang one is to one ratio ng aklat sa mag-aaral. Sana nga po, ngayong paubos na ang backlog sa edukasyon, sikapin nating huwag uling magka-backlog dahil sa dami ng estudyante. Sa tingin ko po, Responsible Parenthood ang sagot dito.
 
At para naman po hindi mapag-iwanan ang ating mga State Universities and Colleges, mayroon tayong panukalang 43.61 percent na pag-angat sa kanilang budget para sa susunod na taon. Paalala lang po: lahat ng ginagawa natin, may direksyon; may kaakibat na kondisyon ang dagdag-budget na ito. Kailangang ipatupad ang napagkasunduang  SUC Reform Roadmap ng CHED, upang siguruhing de-kalidad ang magiging produkto ng mga pamantasang pinopondohan ng estado. Kung mataas ang grado ninyo sa assignment na ito, asahan ninyong dodoblehin din namin ang kayod para matugunan ang mga natitirang pangangailangan ninyo.
 
Panay addition po ang nagaganap sa ating budget sa edukasyon. Isipin po ninyo: ang budget ng DepEd na ipinamana sa atin noong 2010, 177 billion pesos. Ang panukala natin para sa 2013: 292.7 billion pesos. Noong 2010, 21.03 billion pesos ang budget para sa SUCs. Taunan po iyang dinagdagan upang umabot na sa 37.13 billion pesos na panukala natin para sa 2013. Sa kabila nito, ngayon pa lang, may nagpaplano nang magcutting-classes para mag-piket sa Mendiola. Ganito po kasimple: ang 292.7 ay mas malaki sa 177, at ang 37.13 ay mas malaki sa 21.03. Kaya kung may magsabi pa ring binawasan natin ang budget ng edukasyon, kukumbinsihin na lang namin ang inyong mga paaralan na maghandog ng remedial math class para sa inyo. At pakiusap po, pasukan naman ninyo.
 
Nang maupo tayo, at masimulan ang makabuluhang reporma, minaliit ng ilan ang pagpapakitang-gilas ng pamahalaan. Kundi raw buwenas, ningas-kugon lang itong mauupos rin paglaon. May ilan pa rin pong ayaw magretiro sa paghahasik ng negatibismo; silang mga tikom ang bibig sa good news, at ginawang industriya ang kritisismo.
 
Kung may problema kayo na bago matapos ang taon, bawat bata ay may sarili nang upuan at aklat, tingnan ninyo sila, mata sa mata, at sabihin ninyong: “Ayaw kong makapag-aral ka.”
 
Kung masama ang loob ninyo na ang 5.2 million na pinakamahihirap na kabahayang Pilipino ay maaari nang pumasok sa ospital nang hindi iniintindi ang gastos sa pagpapagamot, tingnan ninyo sila, mata sa mata,  at sabihin ninyong: “Ayaw kong gumaling ka.”
 
Kung nagagalit kayo na may tatlong milyong pamilyang Pilipino nang tumutungo sa katuparan ng kanilang mga pangarap dahil sa Pantawid Pamilya, tingnan ninyo sila, mata sa mata, at sabihin ninyong: “Ibabalik ko kayo sa kawalan ng pag-asa.”
 
Tapos na ang panahon kung kailan choice lang ng makapangyarihan ang mahalaga. Halimbawa, ang dating namumuno sa TESDA, nagpamudmod ng mga scholarship voucher; ang problema, wala palang nakalaang pondo para rito. Natural, tatalbog ang voucher. Ang napala: 2.4 billion pesos ang sinisingil ng mahigit isanlibong eskwelahan mula sa pamahalaan. Nagpapogi ang isang tao’t isang administrasyon; sambayanang Pilipino naman ang pinagbabayad ngayon.
 
Pumasok si Secretary Joel Villanueva; hindi siya nagpasindak sa tila imposibleng pagbabagong dapat ipatupad sa kanyang ahensya. Sa kabila ng malaking utang na minana ng TESDA, 434,676 na indibidwal  pa rin ang kanilang hinasa sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program. Kongkretong tagumpay din po ang hatid ng TESDA Specialista Technopreneurship Program. Biruin po ninyo: Bawat isa sa 5,240 na sertipikadong Specialistas, kumikita na ngayon ng 562 pesos kada araw o 11,240 pesos kada buwan. Mas malaki po ito sa minimum wage. 
 
Mula sa pagka-sanggol, hanggang sa pagkabinata, gumagana na ang sistema para sa mamamayan. Sinisiguro nating manganganak ng trabaho ang pagsigla ng ating ekonomiya.
 
Alalahanin po natin: para tumabla lang, kailangang makalikha ng isang milyong bagong trabaho para sa mga new entrants kada taon.  Ang nalikha po natin sa loob ng dalawang taon: halos 3.1 million na bagong trabaho.
 
Ito po ang dahilan kung bakit pababa nang pababa ang unemployment rate sa bansa. Nang dumating tayo, eight percent ang unemployment rate. Naging 7.2 ito noong Abril ng 2011, at bumaba pa lalo sa 6.9 ngayong taon. Di ba makatwirang mangarap na balang araw, bawat Pilipinong handang magbanat ng buto, may mapapasukang trabaho?
 
Tingnan na lamang po natin ang BPO sector. Noong taong 2000, limanlibo katao lang ang nae-empleyo sa industriyang ito. Fast forward po tayo: 638,000 katao na ang nabibigyang trabaho ng mga BPO, at labing-isang bilyong dolyar ang ipinasok nito sa ating ekonomiya noong 2011. Ang projection nga po, pagdating ng 2016, 25 billion dollars na ang maipapasok nito, at makakapag-empleyo na ng 1.3 million na Pilipino. Hindi pa po kasama rito ang tinatayang aabot sa 3.2 million na mga taxi driver, barista, mga sari-sari store, karinderya, at marami pang ibang makikinabang sa mga indirect jobs na malilikha dahil sa BPO industry.
 
Malaking bahagi din po ng ating job generation strategy ang pagpapatayo ng sapat na imprastruktura. Sa mga nakapagbakasyon na sa Boracay, nakita na naman ninyo ang bagong-binyag nating terminal sa Caticlan. Nakalatag na rin po ang plano upang palawakin ang runway nito.
 
Magkakaroon pa po ng mga kapatid iyan: bago matapos ang aking termino, nakatayo na ang New Bohol Airport sa Panglao, New Legaspi Airport sa Daraga, at Laguindingan Airport sa Misamis Oriental. Ia-upgrade na rin po natin ang ating international airports sa Mactan, Puerto Princesa, at Tacloban. Dagdag pa po diyan ang pagpapaganda ng mga airport sa Butuan, Cotabato, Dipolog, Pagadian, Tawi-Tawi, Southern Leyte, at San Vicente sa Palawan.
 
Pang-apat na Pangulo na po akong sasalo sa problema ng NAIA 3. Hindi lang po eroplano ang nag-take-off at nag-landing dito: maging mga problema’t anomalya, lumapag din. Nagbitiw na po ng salita si Secretary Mar Roxas: bago tayo magkita sa susunod na SONA, maisasaayos na ang mga structural defects na minana natin sa NAIA 3.
 
Nitong Hunyo po, nagsimula na ring umusad ang proseso para sa LRT Line 1 Cavite Extension project, na magpapaluwag ng trapik sa Las Piñas, Parañaque, at Cavite. Dagdag pa diyan, para lalong mapaluwag ang traffic sa Kamaynilaan at mapabilis ang pagtawid mula North Luzon hanggang South Luzon Expressway, magkakaroon ng dalawang elevated NLEX-SLEX connector. Matatapos po ang mga ito sa 2015. Magiging 1 hour and 40 minutes na lang ang biyaheng Clark papuntang Calamba oras na makumpleto ang mga ito. Bago tayo bumaba sa puwesto, nakatayo na rin ang mga de-kalidad na terminal sa Taguig, Quezon City, at Parañaque na paparadahan ng bus biyaheng probinsya, upang hindi na sila makisiksik sa EDSA.
 
Nagbago na po ang takbo ng usapan tungkol sa ahensyang dati’y itinuturing na pugad ng kapalpakan. Naalala ko po dati: Kapag tag-ulan at umapaw ang Tarlac River, nalulunod ang MacArthur Highway. Tutunawin nito ang aspalto; magbabaku-bako ang kalsada hanggang sa tuluyan na nga itong mawala. Bilang kinatawan ng aking distrito, inireklamo ko po ito. Ang tugon ng DPWH: alam namin ang problema, alam namin ang solusyon, pero wala kaming pera. Kinailangan ko pang makiusap sa aking mga barangay: “Kung hindi natin ito uunahin, walang gagawa nito, at tayo rin ang mapeperhuwisyo.” Dati, panay ang “hoy gising!” sa gobyerno, bakit wala daw kasing ginagawa. Ngayon ang reklamo, “sobra namang trapik, ang dami kasing ginagawa.” Paalala lang din po: naisasaayos natin ang mga kalsadang ito nang hindi nagtataas ng buwis.
 
Bubuo tayo ng mga daanan, hindi ayon sa kickback o kursonada, pero ayon sa isang malinaw na sistema. Dahil hindi na bara-bara ang paglalagak natin ng pondo para sa mga proyekto, hindi na ito mapapako sa plano, totoong kalsada na ang pakikinabangan ng Pilipino. Nang maupo po tayo sa puwesto, 7,239 kilometers sa ating national road network ang hindi pa naisasaayos. 1,569 kilometers na nito ang naipaayos natin sa ilalim ng pamamahala ni Secretary Babes Singson; sa 2012 – 2,275 kilometers pa ang maidadagdag na natapos. Pati po ang mga kalsada at kurbadang mapanganib, tinutukoy at inaayos na gamit ang teknolohiya. Taun-taon po nating bubunuin ito, upang bago matapos ang aking termino, bawat pulgada ng ating national road network, maayos na.
 
Hindi lang kalsada, kundi pati sistema, isinasaayos sa DPWH. Dahil sa pagsunod sa tamang proseso ng bidding at procurement, 10.6 billion pesos na ang natipid ng kanilang ahensya mula 2011 hanggang nitong Hunyo. Maging mga kontratista, batid ang positibong bunga ng reporma sa DPWH. Sabi nga ng nila, “ang top 40 na kontratista, fully booked na.”
 
Sana po hindi maantala ang pagpapatayo natin ng iba pang imprastraktura para hindi rin mapurnada ang paglago ng ibang industriya.
  
Kaakibat ng pagpapaunlad ng imprastruktura ang paglago ng turismo. Isipin po ninyo: Noong 2001, ang tourist arrivals sa ating bansa, 1.8 million. Nang dumating po tayo noong 2010, naglalaro ito sa 3.1 million. Mantakin po ninyo: sa hinaba-haba ng kanilang administrasyon, ang naidagdag nilang tourist arrivals, 1.3 million lamang; may ambag pa kaming kalahating taon diyan. Tayo naman po, Hunyo pa lang ng 2012— 2.1 million na turista na ang napalapag. Mas marami pang dadagsa sa peak season bago matapos ang taon, kaya hindi ako nagdududang maaabot natin ang quota na 4.6 million na turista para sa 2012. Ibig sabihin: 1.5 million na turista ang ating maidadagdag. Samakatuwid, sa dalawang taon, mas malaki ang magiging paglago ng ating tourist arrivals, kumpara sa naidagdag ng pinalitan natin sa loob ng siyam na taon. Hindi po tayo nagtataas ng bangko; nagsasabi lang po tayo ng totoo.   
 
Pero hindi nakuntento rito si Secretary Mon Jimenez. Sabi niya, kung sa Malaysia may bumisitang 24.7 million na turista noong 2011, at kung sa Thailand naman tinatayang 17 million, sa dinami-rami ng magagandang tanawin sa ating bansa, hindi naman siguro suntok sa buwan kung mangarap tayong pagdating ng 2016, sampung milyong turista na ang bibisita sa Pilipinas kada taon. Kung patuloy na magkakaisa ang sambayanang Pilipino, gaya ng ipinamalas natin nang hirangin ang Puerto Princesa Underground River bilang isa sa New Seven Wonders of Nature, walang dudang makakamtan natin ito. Ang pahayag nga po natin sa daigdig: “It’s more fun in the Philippines.” Kahit wala pang isang taon sa puwesto si Secretary Mon Jimenez, nagagapas na natin ang positibong bunga ng ating mga naipunlang reporma. Masasabi nga po nating pagdating sa turismo, “It’s really more fun— to have Secretary Mon Jimenez.”
 
Kung paglago po ang usapan, nasa tuktok ng listahan ang agrikultura. Kayod-kalabaw po si Secretary Alcala upang makapaghatid ng mabubuting balita. Dati, para bang ang pinapalago ng mga namumuno sa DA ay ang utang ng NFA. 12 billion pesos ang minana nilang utang; ang ipinamana naman nila sa atin, 177 billion pesos.
 
Hindi po ba’t noon, pinaniwala tayo na 1.3 million metric tons ang kakulangan sa bigas, at para tugunan ito, di bababa sa 2 million metric tons ang kanilang inangkat. Parang unlimited rice sila kung maka-order ng bigas, pero dahil sobra-sobra, nabubulok lang naman ito sa mga bodega. Ang 1.3 million metric tons, unang taon pa lang, napababa na natin sa 860,000 metric tons. Ngayong taon, 500,000 na lang, kasama pa ang buffer sakaling abutin tayo ng bagyo. Huwag lang po tayong pagsungitan ng panahon, harinawa, sa susunod na taon ay puwede na tayong mag-export ng bigas.
 
Ang sabi po ni Secretary Alcala: ang susi dito, makatotohanang programa sa irigasyon, at masigasig na implementasyon ng certified seeds program. Ang masakit po, hindi bagong kaalaman ito; hindi lang ipinapatupad. Kung dati pa sila nagtrabaho nang matino, nasaan na kaya tayo ngayon?
 
Tingnan rin po natin ang industriya ng niyog. Ang cocowater na dati tinatapon lang, ngayon, napapakinabangan na ng magsasaka. Noong 2009— 483,862 liters ng cocowater ang iniluwas natin. Umangat po ito ng 1,807,583 liters noong 2010. Huwag po kayong magugulat: noong 2011— 16,756,498 liters ng cocowater ang inexport ng Pilipinas. Ang coco coir naman, kung dati walang pumapansin, ngayon may shortage na dahil pinapakyaw ng mga exporter. Hindi natin sasayangin ang pagkakataong ito: bibili pa tayo ng mga bagong makinang magpoproseso ng bunot para makuha ang mga hibla. Sa susunod na taon, lalo nating mapapakinabangan ang industriya ng niyog: Naglaan na tayo ng 1.75 billion pesos upang mamuhunan at palaguin ito.

Sinimulan po ng aking ina ang Comprehensive Agrarian Reform Program. Nararapat lamang na matapos ang programang ito sa panahon ng aking panunungkulan.
 
Isinasaayos na po ang sistema upang mapabilis ang pagpapatupad ng repormang agraryo. Ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng hakbang upang maipamahagi sa ating mga magsasaka ang mga lupaing diniligan at pinagyaman ng kanilang pawis. Subalit mayroon pa rin pong ayaw paawat sa pagtatanim ng mga balakid. Ang tugon ko sa kanila: susunod tayo sa batas. Ang atas ng batas, ang atas ng taumbayan, at ang atas ko: Bago ako bumaba sa puwesto, naipamigay na dapat ang lahat ng lupaing sakop ng CARP.
 
Liwanagin naman po natin ang nangyayari sa sektor ng enerhiya. Mantakin po ninyo: Dati, umabot lang ang kawad ng kuryente sa barangay hall, energized na raw ang buong barangay. Kaya ganun-ganun na lang kung ipagmalaki nilang 99.98 percent na raw ng mga barangay sa bansa ang may kuryente. Pati ba naman sa serbisyong dapat ay matagal nang napapakinabangan ng Pilipino, nagkakagulangan pa? Kaya nga po, para subukan ang kakayahan ng DOE at NEA, naglaan tayo ng 1.3 billion pesos para pailawan ang unang tinarget na 1,300 sitios, sa presyong isang milyong piso bawat isa. Nang matapos sila, ang napailawan sa inilaan nating pondo: 1,520 sitios, at gumastos lamang sila ng 814 million pesos. Nagawa nila ito sa loob lamang ng tatlong buwan, na dati’y inaabot ng dalawang taon. Kay Secretary Rene Almendras, bilib talaga ako sa iyo; parang hindi ka nauubusan ng enerhiya. Sa paghahatid-serbisyo, hindi ka lang eveready, nagmistulang energizer bunny ka pa – you keep on going, and going, and going.
 
Nangingibabaw na nga po ang liwanag sa ating bayan –  liwanag na nagsiwalat sa krimeng nagaganap sa madidilim na sulok ng lipunan. Ang pinagsisikapang kitain ng Pilipino, hindi na magagantso. Patuloy po ang pagbaba ng crime volume sa buong bansa. Ang mahigit limandaan libong krimen na naitala noong 2009, mahigit kalahati po ang nabawas: 246,958 na lamang iyan nitong 2011. Dagdag pa rito: ang dating dalawanlibo’t dalawandaang kaso ng carnapping noong 2010, lampas kalahati rin ang ibinaba: 966 na lang po iyan pagdating ng 2011.
 
Ito nga po sana ang dalhin ng ating mga headline. Hindi po natin sinasabing wala nang krimeng nagaganap, pero palagay ko naman po, wala dapat magalit na nangalahati na ito. Si Raymond Dominguez na matagal nang labas-masok sa kulungan, hindi ba’t sa loob lamang ng mahigit isang taon, nasentensyahan at naipakulong na? Ang dalawa pa niyang kapatid ay sinampahan na rin natin ng kaso at kasalukuyan na ring nakabilanggo. May dalawang suspect sa bus bombing sa Makati noong nakaraang taon, ang isa po’y pumanaw na; yung isa, humihimas na ng rehas. Kakosa niya ang mahigit sampung libong sangkot sa ilegal na droga na inaresto ng PDEA nitong 2011.
 
Alam po nating hindi araw-araw ang laban ni Pacman, at hindi puwedeng iasa dito ang pagbaba ng krimen. Kaya nga po pinalalakas natin ang puwersa ng kapulisan. Di po ba, nang dumating tayo, apatnapu’t limang porsyento ng ating kapulisan ang walang baril at umaasa sa anting-anting habang tumutugis ng masasamang-loob? Meron pong nanalo na po sa bidding, tinitiyak na lamang nating de-kalidad ang kanilang mga produkto. Pagkatapos ng proseso, maipagkakaloob na ang 74,600 na baril na magagamit nila upang ipagtanggol at alagaan ang bayan, lipunan, at sarili.

Dumako naman po tayo sa usapin ng pambansang tanggulan. May mga nagsabi nga po na ang ating Air Force, all air, at no force. Imbes na alagaan ng estado, para bang sinasadyang ilagay sa alanganin ang ating mga sundalo. Hindi po tayo makakapayag na manatiling ganito.
 
Makalipas nga lang po ang isang taon at pitong buwan, nakapaglaan na tayo ng mahigit dalawampu’t walong bilyong piso para sa AFP Modernization Program. Aabutan na nito ang tatlumpu’t tatlong bilyong pisong pondo na ipinagkaloob sa nasabing programa sa nakalipas na labinlimang taon. Bumubuwelo pa lang po tayo sa lagay na iyan: kapag naipasa na ang panukala nating AFP modernization bill sa Kongreso, makakapaglaan tayo ng pitumpu’t limang bilyong piso para sa susunod na limang taon.
 
Kasado na rin po ang tatlumpung milyong dolyar na pondong kaloob ng Estados Unidos para sa Defense Capability Upgrade and Sustainment of Equipment Program ng AFP. Bukod pa po ito sa tulong nila upang pahusayin pa ang pagmanman sa ating mga baybayin sa ilalim ng itatayong Coast Watch Center ng Pilipinas.
 
Nagka-canvass na rin po ang Sandatahang Lakas ng mga kagamitan tulad ng mga kanyon, personnel carrier, at frigate. Hindi magtatagal, dadaong na ang karelyebo ng BRP Gregorio del Pilar sa ating pampang. Sa Enero, aangkla na po sa Pilipinas ang BRP Ramon Alcaraz, ang pangalawa nating Hamilton class cutter. ‘Di na po bangkang papel ang ating ipapalaot; ngayon, mga hi-tech at de-kalidad na barko na ang tatanod sa 36,000 kilometers nating coastline.

]Mainam na rin po siguro kung maglinis-linis na ng mga hangar ang ating Sandatahang Lakas, dahil darating na ang mga kagamitang lalong magpapatikas sa ating tanggulan. Sa wakas, may katuwang na po ang kaisa-isa nating C-130 na tatlumpu’t anim na taon nang rumoronda sa himpapawid: dalawa pang C-130 ang magiging operational ulit. Bago matapos ang taong ito, inaasahan nating mai-dedeliver na ang binili nating dalawampu’t isang refurbished UH-1H Helicopter, apat na combat utility helicopters, mga radyo at iba’t ibang communication equipment, rifles, mortars, mobile diagnostic laboratories, kasama pa ang bullet station assembly para sa arsenal. Pagdating naman po ng 2013, lalapag na ang sampung attack helicopters, dalawang naval helicopters, dalawang light lift aircraft, isang frigate, at mga force protection equipment.
 
At hindi lang po natin sa armas ipinaparamdam ang pagkalinga sa ating pulis at kasundaluhan. Nabawasan na rin po ang mga pasanin nila sa pamumuhay dahil sa mahigit dalawampu’t dalawang libong bahay ang naipatayo na sa ilalim ng AFP-PNP housing program.
 
Hindi po ito tungkol sa pakikipag-girian o pakikipagmatigasan. Hindi ito tungkol sa pagsisiga-sigaan. Tungkol ito sa pagkamit ng kapayapaan. Tungkol ito sa kakayahan nating ipagtanggol ang ating sarili— isang bagay na kaytagal nating inisip na imposible. Tungkol po ito sa buhay ng isang sundalong araw-araw sumasabak sa peligro; tungkol ito sa pamilya niyang nag-aabang na makabalik siyang ligtas, ano man ang kanyang makaharap.
 
Hayaan nating makapagasabi ang mag nakikinabang sa bepisyo nila.
 
At ngayon ngang inaaruga na sila ng taumbayan, lalo namang ginaganahan ang ating kasundaluhan na makamtan ang kapayapaan. Tagumpay pong maituturing ang dalawandaan at tatlong rebeldeng sumuko at nagbabalik-loob na sa lipunan, at ang 1,772 na bandidong nawakasan na ang karahasan. Halimbawa po ang kilabot na teroristang si Doctor Abu, na hindi na makakapaghasik ng lagim. Nagpupugay rin po tayo sa panunumbalik ng katahimikan sa mga lugar na matagal nang biningi ng putukan. Ang resulta nga po ng bayanihan: 365 na barangay ang naagaw sa kamay ng kaaway, 270 na gusali’t paaralan ang naipaayos, at 74 health centers ang naipagawa.
 
Kung kapayapaan na lang din po ang usapan, dumako naman tayo sa lugar na matagal naging mukha ng mga mithiing ‘di makamtan-kamtan. Bago po magsimula ang mga reporma natin sa ARMM, may mga ghost student doon, na maglalakad sa isang ghost road, tungo sa isang ghost school, para magpaturo sa isang ghost teacher. Ang mga aparisyon pong gumulantang kay OIC Governor Mujiv Hataman: Apat na eskuwelahan na natagpuang may ghost students; iniimbestigahan na rin ang mga teacher na hindi lumilitaw ang pangalan sa talaan ng Professional Regulation Commission, gayundin ang mga tauhan ng gobyernong hindi nakalista sa plantilya. Limampu’t limang ghost entry ang tinanggal sa payroll. Ang dating paulit-ulit na pagsasaboy ng graba sa kalsada para lang pagkakitaan ng pera, bawal na. Wala nang cash advance sa mga ahensya, para maiwasan ang pagsasamantala. Ang mga multo sa voters list, mapapatahimik na ang kaluluwa. Kaya nga po kay OIC Gov. Mujiv Hataman, ang masasabi natin: isa ka nang certified ghost buster.
 
Ang pumalit po: pabahay, tulay, at learning center para sa mga Badjao sa Basilan. Mga community-based hatchery, lambat, materyales para maglinang ng seaweeds, at punlang napakinabangan ng 2,588 na mangingisda. Certified seeds, punla ng gabi, casava, goma, at mga punong namumunga para sa 145,121 na magsasaka. Simula pa lang po iyan: nakalaan na ang 183 million pesos para sa mga municipal fishing port projects sa ARMM; 310.4 million pesos para sa mga istasyon ng bumbero; 515 million pesos para sa malinis na inuming tubig; 551.9 million pesos para sa mga kagamitang pangkalusugan; 691.9 million pesos para sa daycare centers; at 2.85 billion pesos para sa mga kalsada at tulay na babagtas sa rehiyon. Ilan lang po iyan sa patutunguhan ng kabuuang 8.59 billion pesos na ipinagkaloob ng pambansang gobyerno para isakatuparan ang mga reporma sa ARMM. Lilinawin ko rin po: hindi pa kasama rito ang taunang suportang natatanggap nila, na ngayong 2012 ay umabot sa 11.7 billion pesos.
 
Miski po ang mga dating gustong tumiwalag, nakikita na ang epekto ng reporma. Kinikilala natin bilang pahiwatig ng kanilang tiwala ang nakaraang pitong buwan, kung kailan walang nangyaring sagupaan sa pagitan ng militar at ng MILF. Sa peace process naman po: hayag at lantaran ang usapan; nagpapamalas ang magkabilang panig ng tiwala sa isa’t isa. Maaaring minsan, magiging masalimuot ang proseso; signos lang po ito na malapit na nating makamit ang nag-iisa nating mithiin: Kapayapaan.
 
Mapayapang pag-uusap rin po ang prinsipyong isinulong natin upang mabuo ang ating Executive Order ukol sa pagmimina. Ang kaisipan sa likod ng nabuong consensus: mapakinabangan ang ating likas na yaman upang iangat ang buhay ng Pilipino, hindi lamang ngayon kundi pati na rin sa susunod na salinlahi. Hindi natin pipitasin ang ginintuang bunga ng industriyang ito, kung ang magiging kabayaran ay ang pagkasira ng kalikasan.
 
Ngunit unang hakbang lamang ito. Isipin po ninyo: Noong 2010, 145 billion pesos ang kabuuang halaga na nakuha mula sa pagmimina, subalit 13.4 billion lamang o siyam na porsyento ang napunta sa kaban ng bayan. Ang likas na yaman, pag-aari ninyo; hindi tayo papayag na balato lang ang mapupunta sa Pilipino. Umaasa po tayo sa pakikiisa ng Kongreso upang makapagpasa ng batas na sisigurong napapangalagaan ang kalikasan at matitiyak na makatarungan ang magiging pakinabang ng publiko at pribadong sektor sa mga biyayang makukuha natin mula sa industriyang ito.
 
Pag-usapan po natin ang situwasyon sa Disaster Risk Reduction and Management. Dati, ang gobyernong dapat tumutulong, nanghihingi rin ng tulong. Ngayon, nasa Pasipiko pa lang ang bagyo, alam na kung saan idedestino ang ayuda, at may malinaw nang plano upang maiwasan ang peligro.
 
Tuwing pag-uusapan nga po ang sakuna, lagi kong naaalala ang nangyari po sa amin sa Tarlac nang minsang bumagyo. Sa lakas ng ulan, bumigay ang dike. Nang nagising ang isang barangay captain, tinangay na ng baha ang kanyang pamilya at mga kagamitang pangsaka. Buti nga po’t nakaligtas ang buong mag-anak. Malas lang po ng kalabaw nilang naiwang nakatali sa puno; nabigti ito sa lakas ng ragasa.
 
Walang kalaban-laban din po ang marami sa tinamaan ng bagyong Ondoy, Pepeng, at Sendong. Napakarami pong nasawi sa paghagupit ng mga delubyong ito. Sa ilalim ng bagong-lunsad na Project NOAH, isinakay natin sa iisang bangka ang mga inisyatiba kontra-sakuna, at hindi na rin po idinadaan sa tsamba ang paglilikas sa mga pamilya. Gamit ang teknolohiya, nabibigyan na ng wastong babala ang Pilipino upang makapaghanda at makaiwas sa disgrasya.
 
Real-time at direkta na ang pakinabang ng walumpu’t anim na automated rain gauges at dalawampu’t walong water level monitoring sensors natin sa iba’t ibang rehiyon. Bago matapos ang 2013, ang target natin: animnaraang automated rain gauges at apatnaraan at dalawampu’t dalawang water level sensors. Ipapakabit po natin ang mga ito sa labingwalong pangunahing river basins sa buong bansa.
 
Isa pa pong pagbabago: Dati, ang mga ahensya’y kanya-kanyang habulan ng numero, kanya-kanyang agenda, kanya-kanyang pasikatan. Ngayon, ang kultura sa gobyerno: bayanihan para sa kapakanan ng taumbayan. Convergence po ang tawag natin dito.
 
Dati pa naman po naglipana ang mga programa sa tree-planting. Pero matapos magtanim, pababayaan na lang ang mga ito. Kapag nakita ng mga komunidad na naghahanap din ng kabuhayan, puputulin ang mga ito para gawing uling.
 
May solusyon na po rito. Mayroon na pong 128,558 hectares ng kagubatang naitanim sa buong bansa; bahagi lang po iyan ng kabuuang 1.5 million na ektaryang matatamnan bago tayo bumaba sa puwesto. Nakapaloob po rito ang mga komunidad na nasa ilalim ng National Convergence Initiative. Ang proseso: pagkatanim ng puno, makikipag-ugnayan ang DSWD sa mga komunidad. Kapalit ng conditional cash transfer, aalagaan ang mga puno; mayroon ding mga magpapalago ng bagong punla sa nursery. 335,078 na po ang mga Pilipinong nakakakuha ng kabuhayan dito.
 
Sa isa nga pong programa, nakiambag din ang pribadong sektor, na nagbibigay ng spesyal na binhi ng kape at cacao sa komunidad, at tinuturuan silang alagaan at siguruhing mataas ang ani. Itinatanim ang kape sa lilim ng mga puno, na habang nakatayo ay masisigurong hihigop ng baha at tutulong makaiwas tayo sa pinsala. Ang kumpanyang nagbigay ng binhi, sure buyer na rin ng ani. Panalo ang mga komunidad nay may dagdag kita, panalo ang pribadong sektor, panalo pa ang susunod na salinlahing makikinabang sa matatayog na puno.
 
Matagal na pong problema ang illegal logging. Mula nga po nang lumapag ang EO 23, nakasabat na si Mayor Jun Amante ng mahigit anim na milyong pisong halaga ng troso. Nagpapasalamat tayo sa kanya. Sa Butuan pa lang ito; paano pa kung magpapakita ng ganitong political will ang lahat ng LGU?
 
Ang mga trosong nakukumpiska ng DENR, lalapag sa mga komunidad na naturuan na ng TESDA ng pagkakarpintero. Ang resulta: upuan para sa mga pampublikong paaralan na hawak naman ng DepEd. Isipin po ninyo: ang dating pinagmumulan ng pinsala, ngayon, tulay na para sa mas mabuting kinabukasan. Dati, imposible nga ito: Imposible kung nagbubulag-bulagan ang pamahalaan sa ilegal na gawain.
 
Kaya kayong mga walang konsensya; kayong mga paulit-ulit isinusugal ang buhay ng kapwa Pilipino: maghanda na kayo. Tapos na ang maliligayang araw ninyo. Sinampolan na natin ang tatlumpu’t apat na kawani ng DENR, isang PNP provincial director, at pitong chiefs of police. Pinagpapaliwanag na rin po natin ang isang Regional Director ng PNP na nagbingi-bingihan sa aking utos at nagbulag-bulagan sa mga dambuhalang trosong dumaan sa kanilang tanawin. Kung hindi kayo umayos, isusunod namin kayo. Magkubli man kayo sa lilim ng inyong mga padrino, aabutan namin kayo. Isasama na rin namin ang mga padrino ninyo. Kaya bago pa magkasalubong ang ating landas, ako po’y muling nakikiusap mas maganda sigurong tumino na kayo.
 
Mula sa sinapupunan, sa pag-aaral at pagtatrabaho, may pagbabago nang haharap sa Pilipino. At sakaling piliin niyang magserbisyo sa gobyerno, tuloy pa rin ang pag-aaruga ng estado hanggang sa kanyang pagreretiro. Tatanawin ng pamahalaan ang kanyang ambag bilang lingkod-bayan, at hindi ipagdadamot sa kanya ang pensiyong siya rin naman ang nagpuhunan.
 
Isipin po ninyo: may mga pensyonado tayong tumatanggap ng 500 pesos lamang kada buwan. Paano niya ito pagkakasiyahin sa tubig, kuryente, at pagkain araw-araw? Ang atin pong tugon: Pagsapit ng bagong taon, hindi na bababa sa limanlibong piso ang matatanggap na buwanang pensyon ng ating old-age and disability pensioners. Masaya tayong matutugunan natin ang pangangailangan nila ngayon, nang hindi isinusugal ang kapakanan ng mga pensyonado bukas.
 
Iba na po talaga ang mukha ng gobyerno. Sumasabay na nga po sa pribadong sektor ang ating pasahod para sa entry level. Pero kapag sabay kayong napromote ng kaklase mong piniling mag-pribado, nagkakaiwanan na.
 
Mahahabol din po natin iyan; sa ngayon, ang good news natin sa mga nagtatrabaho sa pamahalaan: Performance Based Incentives. Dati, miski palpak ang palakad ng isang ahensya, very satisfactory pa rin ang pinakamababang rating ng empleyado. Dahil sa pakikisama, nahihirapan ang bisor na bigyan ng makatarungang rating ang mga tauhan niya. Nakakawawa tuloy ang mga mahusay magtrabaho; nawawalan sila ng dahilan para galingan dahil parehas lang naman ang insentibo ng mga tamad at pursigido.
 
Heto po ang isa lamang sa mga hakbang natin upang tugunan ito. Simula ngayong taon, magpapatupad tayo ng sistema kung saan ang bonus ay nakabase sa pagtupad ng mga ahensya sa kanilang mga target para sa taon. Nasa kamay na ng empleyado ang susi sa kanyang pag-angat. Ang insentibo, maaaring umabot ng tatlumpu’t limang libong piso, depende sa pagpapakitang-gilas mo sa iyong trabaho. Dagdag pa ito sa across-the-board na Christmas bonus na matatanggap mo.
 
Ginagawa natin ito, hindi lamang para itaas ang kumpiyansa at ipakita ang pagtitiwala natin sa ating mga lingkod-bayan. Higit sa lahat, para ito sa Pilipinong umaasa sa tapat at mahusay na serbisyo mula sa lingkod-bayan, at umaasang sila at sila lamang ang ituturing na boss ng kanilang pamahalaan.
Simula pa lang mayroon nang mga kumuwestiyon sa sinasabi nating, “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Hanggang ngayon mayroon pa rin pong mangilan-ngilang nagtatanong: nakakain ba ang mabuting pamamahala? Ang simpleng sagot: Siyempre.
 
Isipin po natin ang ating pinanggalingan: Dati, parang wild west ang pamumuhunan sa Pilipinas. May peligro na nga ang negosyo, sinagad pa ang risko dahil sa di tiyak at nakalihim na patakaran. Kakamayan ka nga gamit ang kanan, kokotongan ka naman na gamit ang kaliwa.
 
Ngayon: Dahil patas na ang laban, at may hayag at hindi pabagu-bagong mga patakaran, patuloy ang pagtaas ng kumpiyansa sa ating ekonomiya. Patuloy ang pagpasok ng puhunan; patuloy ang pagdami ng trabaho; patuloy ang positibong siklo ng pagkonsumo, paglago ng negosyo, at pagdami ng mamamayang naeempleyo.
 
Dahil maayos ang paggugol ng gobyerno, walang tagas sa sistema. Dahil maayos ang pangongolekta ng buwis, lumalago ang kaban ng bayan. Bawat pisong nakokolekta, tiyak ang pupuntahan: Piso itong diretso sa kalsada, piso para sa bakuna, piso para sa classroom at upuan, piso para sa ating kinabukasan.
 
Dahil maayos ang paggawa ng tulay, kalsada, at gusali, itinatayo ang mga ito kung saan kailangan. Maayos ang daanan, mas mabilis ang takbo ng produkto, serbisyo, at mamamayan.
 
Dahil maayos ang pamamahala sa agrikultura, tumataas ang produksyon ng pagkain, at hindi pumapalo ang presyo nito. Stable ang pasahod, at mas malakas ang pambansang ekonomiya.
 
Tunay nga po: Ang matatag at malakas na ekonomiyang pinanday ng mabuting pamamahala ang pinakamabisang kalasag laban sa mga hamon na kinakaharap ng daigdig. Dalawang taon po nating binaklas ang mga balakid sa pag-unlad, at ngayon, tayo na lang mismo ang makapipigil sa ating sariling pag-angat. 
 
Ginawa po natin ang lahat ng ito habang binubuno rin ng bawat bansa sa iba’t ibang sulok ng daigdig ang kani-kanilang problema’t pagsubok.
Hindi po tayo nag-iisa sa mundo, kaya’t habang tinutugunan natin ang sarili nating mga suliranin, angkop lamang na bantayan din ang ilang pangyayaring maaaring makaapekto sa atin.
 
Naging maugong ang mga kaganapan sa Bajo de Masinloc. May mga mangingisdang Tsinong pumasok sa ating teritoryo. Nasabat ng mga bangka natin sa kanilang mga barko ang endangered species. Bilang pinuno, kailangan kong ipatupad ang batas na umiiral sa ating bansa. Sa pagsulong nito, nagbungguan ang Nine Dash Line Theory ng mga Tsino, na umaangkin sa halos buong West Philippine Sea, at ang karapatan natin at ng marami pang ibang bansa, kasama na ang Tsina, na pinagtitibay naman ng United Nations Convention on the Law of the Sea.
 
Ibayong hinahon ang ipinamalas natin. Ang barko ng Hukbong Dagat, bilang tanda ng ating malinis hangarin, ay agad nating pinalitan ng barkong sibilyan. Hindi tayo nakipagsagutan sa mga banat ng kanilang media sa atin. Hindi naman po siguro kalabisan na hilingin sa kabilang panig na galangin ang ating karapatan, gaya ng paggalang natin sa kanilang mga karapatan bilang kapwa bansang nasa iisang mundong kailangang pagsaluhan.
 
Mayroon po tayong mga miron na nagsasabing hayaan na lang ang Bajo de Masinloc; umiwas na lang tayo. Pero kung may pumasok sa inyong bakuran at sinabing sa kanya na ang kanyang kinatatayuanay sa kanya na, papayag ba kayo? Hindi naman po yata tamang ipamigay na lang natin sa iba ang sadyang atin talaga.
 
Kaya nga po hinihiling ko sa sambayanan ang pakikiisa sa isyung ito. Iisa lang po dapat ang kumpas natin. Tulungan ninyo akong iparinig sa kabilang panig ang katuwiran ng ating mga paninindigan.
 
Hindi po simple ang sitwasyon, at hindi magiging simple ang solusyon. Magtiwala po kayo: kumokonsulta tayo sa mga eksperto, at sa lahat ng pinuno ng ating bansa, pati na sa mga kaalyado natin – gayundin sa mga nasa kabilang panig ng usaping ito – upang makahanap ng solusyon na katanggap-tanggap sa lahat.
 
Sa bawat hakbang sa tuwid na daan, nagpunla tayo ng pagbabago. Ngunit may mangilan-ngilan pa ring pilit na bubunot nito. Habang nagtatalumpati ako ngayon, may mga nagbubulungan sa isang silid at hinihimay ang aking mga sinasabi; naghahanap ng butas na ipambabatikos bukas. Sasabihin nila: Salita lang ito, at hindi totoo ang tuwid na landas. Sila rin po ang magsasabing hayaan na, magkaisa na; forgive and forget na lang para makausad na tayo.
 
Hindi ko po matatanggap ito. Forgive and forget na lang ang sampung taon na nawala sa atin? Forgive and forget na lang para sa magsasakang nabaon sa utang dahil sa kakaangkat natin ng bigas, gayong puwede naman palang pagyamanin ang kanyang lupa?
 
Forgive and forget na lang ba para sa pamilya ng isang pulis na namatay nang walang kalaban-laban, dahil batuta lang ang hawak niya habang hinahabol ang armadong masasamang-loob?
 
Forgive and forget na lang ba para sa mga naulila ng limampu’t pitong biktima ng masaker sa Maguindanao? Maibabalik ba sila ng forgive and forget? Forgive and forget ang lahat ng atraso ng mga naglubog sa atin sa bulok na estado? Forgive and forget para maibalik ang lumang status quo? Ang tugon ko: Ang magpatawad, maaari; ang makalimot, hindi. Kung ang nagkasala ay hindi mananagot, gagarantiyahan mo ang pagpapahirap muli sa sambayanan.
 
Ang tunay na pagkakaisa at pagkakasunduan ay magmumula lamang sa tunay at ganap na katarungan. Katarungan ang tawag sa plunder case na isinampa laban sa dating pangulo. Katarungan na bigyan siya ng pagkakataong harapin ang mga akusasyon at ipagtanggol ang kanyang sarili. Katarungan ang nasaksihan natin noong ika-dalawampu’t siyam ng Mayo. Noong araw na iyon, pinatunayan natin: Posibleng mangibabaw ang katarungan kahit na ang kabangga mo ay may mataas na katungkulan. Noong araw na iyon, may isang Delsa Flores sa Panabo, Davao del Norte, na nagsabing, “Posible pala: iisang batas lang ang kailangang sundin ng court interpreter na tulad ko, at ng Punong Mahistrado.” Posible palang maging patas ang timbangan; maaaring isakdal at panagutin miski ang mayaman at makapangyarihan.
 
Kaya po sa susunod na magiging Punong Mahistrado, malaki ang inaasahan sa inyo ng sambayanan. Napatunayan na po nating posible ang imposible; ang trabaho natin ngayon, siguruhing magpapatuloy ang pagbabago tungo sa tunay na katarungan, matapos man ang ating termino. Maraming sira sa sistemang kailangan ninyong kumpunihin, at alam kong hindi magiging madali ito. Alam ko po kung gaano kabigat ang pasanin ng isang malinaw na mandato; ngunit ito ang atas sa atin ng taumbayan; ito ang tungkuling ating sinumpaan; ito ang kailangan nating gampanan.
 
Simple lang ang hangad natin: kung inosente ka, buong-loob kang haharap sa korte, dahil kampante kang mapapawalang-sala ka. Kung ikaw ang salarin, anuman ang apelyido mo, o gaano man karami ang titulong nakakabit sa iyong pangalan, may katiyakan din na pananagutan mo ang ginawa mong kasalanan.
 
 Salamat din po kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, sa pagtanggap ng hamon na maging tunay na tanod-bayan. Kung tutuusin, pwede na niyang tanggihan ang responsibilidad at sabihing, “Retirado na ako, puwede bang ‘yung iba na lang?” Subalit nangibabaw ang kaniyang malasakit sa bayan. Sa kabila nito, may nagregalo pa rin sa kanya ng granada sa bahay. Ma’am, may mga darating pa pong pagsubok; baka po paglaon, magaya na kayo sa akin na tinatawag na ganid na kapitalista na komunista din patungong diktador dahil sa sigasig ng mga repormang ipinapatupad natin.
 
Bilib po ako sa inyong pagpapakitang-gilas. Maraming salamat sa pagiging instrumento ng katarungan, lalo na noong kasagsagan ng impeachment trial.
Salamat din po sa dalawang institusyong bumubuo ng Kongreso: Sa Senado at Kamara de Representante, na tinimbang ng taumbayan at nakitang sapat na sapat.
 
Sa lahat po ng tumulong sa pagpapagana ng mga prosesong pangkatarungan: Dumaan kayo sa matinding pagsubok, batikos at agam-agam; kasama pa ang kaba na kung natalo tayo, kayo ang unang pupuntiryahin ng kalaban. Pero di kayo natinag. Umasa sa inyo ang Pilipino, at pinatunayan ninyong tama ang pag-asa sa inyo. Hindi ninyo binigo ang sambayanan; ipinaliwanag ninyo lalo ang ating kinabukasan.
 
Paalala lang po: hindi natatapos ang laban sa isang tiwaling opisyal na natanggal sa puwesto, sa isang ma-anomalyang kontratang napigil ipatupad, o sa isang opisinang naituwid ang pamamalakad. Kaya naman nananawagan po tayo sa Kongreso na ipasa ang panukala nating pag-amyenda sa Anti-Money Laundering Act, upang mas mapaigting pa natin ang pagpapanagot sa mga tiwali.
 
Itong tinatamasa natin ngayon: ang bawat nailawan at iilawan pang sitio; ang bawat daan, tulay, paliparan, tren, at daungan; ang bawat kontratang walang bukol; ang kaligtasan at kapayapaan mula lungsod hanggang nayon; ang pagbalik ng piring sa sistemang pangkatarungan; ang bawat classroom, upuan, at aklat na napapasakamay ng kabataan; ang bawat Pilipinong nahahandugan ng bagong kinabukasan— ang lahat ng ito, naabot natin sa loob lamang ng dalawang taon.
 
Pagtabihin po natin ang dalawang taon na ito, at ang nakaraang siyam at kalahating taon na ating pinagdusahan. Di po ba’t sumusulong na ang agenda ng pagbabago? Ang kapareho namin ng adhikain, malamang, kasama namin sa agendang ito. At kung kontra ka sa amin, kontra ka rin sa ginagawa namin. Kung kumukontra sila sa agenda ng pagbabago, masasabi ba ninyong sila’y nasa panig ninyo?
 
Paparating na naman po ang halalan. Kayo po, ang aming mga boss, ang tangi naming susundan. Ang tanong ko sa inyo, “Boss, saan tayo tatahak? Tuloy ba ang biyahe natin sa tuwid na landas, o magmamaniobra ba tayo’t aatras, pabalik sa daan na baluktot at walang patutunguhan?”
 
 
Naalala ko pa po noong nagsimula tayo. Mulat na mulat ako sa bigat ng pasaning sasalubong sa atin. Kabilang ako sa mga nag-isip: Kaya pa bang ituwid ang ganito kabaluktot na sistema?
 
Heto po ang aking natutuhan sa dalawampu’t limang buwan ng pagka-pinuno: Walang imposible. Walang imposible dahil kung nakikita ng taumbayan na sila ang tanging boss ng kanilang pamahalaan, bubuhatin ka nila, gagabayan ka nila, sila mismo ang mamumuno tungo sa makabuluhang pagbabago. Hindi imposible na ang Pilipinas ang maging kauna-unahang bansa sa Timog-Silangang Asya na magbibigay ng libreng bakuna para sa Rotavirus. Hindi imposible para sa Pilipinas na tumindig at sabihing: “Ang Pilipinas ay sa Pilipino – at handa kaming ipagtanggol ito.” Hindi imposible na ang Pilipinong kaytagal nang yumuyuko tuwing may makakasalubong na dayuhan – ang Pilipino, ngayon, taas-noo, tinitingala ng buong mundo. Talaga namang ang sarap maging Pilipino sa panahong ito.
 
Noon pong nakaraang taon, hiniling ko sa taumbayan: Magpasalamat sa mga nakikiambag sa positibong pagbabago sa lipunan. Hindi po biro ang mga pagsubok na dinaanan natin, kaya angkop lamang na pasalamatan ang mga taong nakibalikat, sa pagkukumpuni sa mga maling idinulot ng masamang pamamahala.
 
Sa lahat ng miyembro ng aking Gabinete: Maraming, maraming salamat. Mapalad po ang sambayanan at may mga tulad ninyong handang isuko ang pribado at mas tahimik na pamumuhay para sa paghahatid serbisyo-publiko, kahit pa batid ninyong ang kapalit nito ay mas maliit na sweldo, panganib, at pambabatikos.
 
Huwag din po sana nilang masamain dahil personal ko silang papangalanan: Kina Father Catalino Arevalo, at Sister Agnes Guillen, na dumidilig at nagpapalago sa aking buhay spirituwal, lalo na sa mga panahong sukdulan ang pagsubok sa amin, maraming, maraming salamat po.
 
Ito po ang aking ikatlong SONA, tatlo na lamang din po ang natitira. Papasok na po tayo sa kalagitnaan ng ating liderato. Noong nakaraang taon, ang hamon ko sa inyo: iwaksi ang kultura ng negatibismo; sa bawat pagkakataon, iangat ang kapwa-Pilipino.
 
Batid po sa tinatamasa natin ngayon: hindi kayo nabigo. Sa inyo nagmula ang pagbabago. Ang sabi ninyo: posible.
 
Humaharap po ako sa inyo bilang mukha ng isang gobyernong kayo ang boss at kayo pa rin ang lakas. Inuulat ko lamang ang mga pagbabagong ginawa ninyong posible.
 
Kaya nga po sa lahat ng nurse, midwife, o doktor na piniling magsilbi sa mga baryo; sa bawat bagong graduate na piniling magtrabaho sa gobyerno; sa bawat atletang Pilipinong bitbit ang watawat saanmang panig ng mundo; sa bawat kawani ng pamahalaan na tapat na nagseserbisyo: Kayo – ang gumawa ng pagbabago.
 
Sa tuwing haharap ako sa isang ina na nagsasabing, “Salamat at nabakunahan na ang aking sanggol,” ang tugon ko: ikaw ang gumawa nito.
 
Sa tuwing haharap ako sa isang bata na nagsasabing, “Salamat sa papel, sa lapis, sa pagkakataong makapag-aral,” ang tugon ko: ikaw ang gumawa nito.
 
Sa tuwing haharap ako sa isang OFW na nagsasabing, “Salamat at puwede ko na muling pangaraping tumanda sa Pilipinas,” ang tugon ko: ikaw ang gumawa nito.
 
Sa tuwing haharap ako sa isang Pilipinong nagsasabing, “Salamat, akala ko hindi na magkakakuryente sa aming sitio. Akala ko hindi ko na aabuting buhay ang liwanag na ganito,” ang tugon ko: ikaw ang gumawa nito.
 
Sa bawat pagkakataon na haharap ako sa isang magsasaka, guro, piloto, inhinyero, tsuper, ahente sa call center, karaniwang Pilipino; sa bawat Juan at Juana dela Cruz na nagsasabing “Salamat sa pagbabago,” ang tugon ko sa inyo: kayo ang gumawa nito.
 
Inuulit ko: posible na ang dating imposible. Humaharap po ako sa inyo ngayon, at sinasabing: hindi ko SONA ito. Kayo ang gumawa nito. SONA ito ng sambayanang Pilipino. Maraming, maraming salamat po.

 Incoming Freshman ka ba sa UST? Sa Beato Angelico ba building mo? CFAD-Advertising Arts ba ang kinuha mo? Kung ang sagot mo ay oo sa lahat ng tanong na yan, YAY! Para sa’yo ang post na to.

 Naaalala ko noon ganitong panahon yung pagkuha ng mga echas sa Beato. Kasama na dun yung schedule. Sa schedule mo malalaman kung ilang oras ka mababaliw sa school. Alam niyo na yun. Nung nakita ko siya, napamura ako. Hahaha! Kasi siyempre nung high school mga 40-50 minutes lang yung isang subject, kung minsan sige 60 na rin. Nagulat ako kasi yung nakalagay sa akin, 3-5 hours bawat subject. So ayun, yung sa iba naman ganun rin pero sa ibang college, di ganyan ka brutal. Nalaman ko na lang na okay lang pala siya kasi yung mga subject na yan may kinalaman sa hands-on activities. So it’s really time consuming. Di kasya ang 1 or 2 hours.

May mga subjects din na first time ko nakita. Tapos nakakainis kasi naka-acronym pa sila. So di ko talaga alam. Ayun, i-dedescribe ko sila at kung ano yung naranasan ko sakanila dati. :)

FIL 1

   So eto yung pinaka ayokong subject, Filosophy. De joke lang, alam niyo na kung ano yan. So dito, medyo parang balik high school. Yung prof ko dito si Sir Sanchez. Mabait siya kapag nakikinig ka sa discussions niya at kung hindi ka maingay at kung di ka rin bastos. Haha! Masaya sa klase niya kasi may sense of humor siya tapos may mga activities siyang pinapagawa tapos related sa course natin.     

ENG 1

English. Ayun ganun din, baka pagawin kayo ng research paper. Kami kasi pinagawa tapos yun yung finals namin for first semester. Di na namin siya prof nung second sem. Share ko lang. Di ko maalala kung sino prof ko dito e. Pero may nagsabe sakin na taga ibang block na mukha daw siyang cartoon. Yung sa Shrek daw, si Fiona. Nung naging color green na siya. Ayun nakakatawa rin siya, kaso eto parang galing sa Sitcom show.

PHC

Philippine History and Culture yata to e. Or PHilippine Culture. Pero sure ako yung una ata. Ayun, medyo petiks kami dito. Kaso badtrip Saturday natapat. Tapos naalala ko sabi ng mga blockmates ko, yung prof namin dito puro burger sinasabe. Di ko maalala name niya. Tapos okay lang sakanya na di makinig. Nakakaawa nga e, minsan nahihiya ako kaya parang pag tumitingin siya sakin todo nod ako. Para kunware  interesado ako sa sinasabi niya.

VP

   Visual Perspective. Sketching, drawing, painting mga ganyan pinaggagagawa. Si Ma’am Zacarias prof namin dito, mabait siya pero habang tumatagal bumababa siya magbigay ng grades. Naglelesson siya muna at naka powerpoint pa tapos sa class kayo gagawa ng plates. Kaya ayun, gamit na gamit yung 5 hours. May ibang prof naman na nagpapagawa sa bahay kaya pagbigay ng plate, uwian na. Kaya swerte niyo pag ganun! Haha   

MAT 1

Materials. Sculpting and shit. Dito mo makikilala si Plaster na pag nabasa nag-iinit at tumitigas. Dito ka mapapaputang ina. Kasi sobrang matrabaho tong subject na to. Nung una akala ko Math to. Pero hindi. Mas malala pa siya sa Math. Sorry kung tinatakot ko kayo pero malay niyo petiks pala kayo dito tapos kagaguhan mga sinabe ko. Pero ayun yung na-experience ko e. Prof pala namin dito si Sir Z. Tae nakalimutan ko name niya kinailangan ko pang pumunta dito. Ayun, wag na wag niyong gagaguhin to kasi pag yan nabanas sayo maalala niya yan habang buhay. Mahilig rin yan magpahabol. Nananakot tapos kunware late ka, absent, kupal. Di niya tatanggapin plate mo. Lalaitin niya rin tapos kung maganda ka, try mong magpacute kasi gusto niya yun. Hahahaha! Sabi rin ng mga higher batch na naging prof to, medyo mahilig to sa chicks at kadalasan sila yung gusto niya pahabulin. Kaya good luck sayo, magandang dilag. Magpagoodshot ka na lang para di ka na humabol habol. Ipakita mo rin na hirap na hirap ka sa ginagawa mo kahit pangit. Wag ka rin magpakita sakanya na petiks ka kasi GG ka ser.  

MDRPERS

Mechanical Drawing and Perspective. Parang drafting nung high school. Tawag ko dito, MADERPAKERS. Ito yung naging problema ng 1AD4 noon. Kupal kasi yung Prof namin dito e. Sosyal siyang bakla pero ewan ko nakakadiri kasi naman may stalker akong blockmate na nakakita sa mga porn niya ay, almost bold niyang photos sa Facebook. Grabe lang e, nung nakita namin yun. Nag-iba tingin ko sakanya, medyo di ko siya matignan ng ilang weeks tapos ayun nasanay rin. Nung una siyang nagpakilala samin, nakataas pa yung kwelyo niya. Inaasar nga namin e, tinataas din namin kwelyo namin. Nung wala na siya hahahaha. Para siyang si Boy Abunda kaso nga lang may buhok. Tapos di mo alam kung nakatingin siya sayo o sa kisame o sa classmate mo o sa ibang bagay kasi banlag yata siya. Hahahaha! Pinagawa niya pa kami ng “EGG MODULE”. Ito yung box na gawa sa manipis na board na tinatawag na Bristol Board. Gawa lang dapat ito sa isang Bristol Board at sa loob nito may itlog. Ibabagsak ang box na to sa galing sa Grandstand at pag nabasag to, singko kaagad. TANGINA DIBA? Wala man lang, “O eto, tres dahil sa effort mo.” “O eto, tres para sa itlog na pinatigas mo. Gamit ng nail polish. or iba pang pampatigas.” “O eto, tres para sa pagpasok ng itlog sa loob ng kahon mo” WAT. Pero wala e, automatic singko. Umulan nga ng singko nun e. Ang daming basag na itlog. Ang sakit pakinggan no? ITLOG MO BA NAMAN BASAGIN. SISINGKOHAN KA PA. So ayun, sa block ko pala medyo madaming itlog na nakasurvive. Ehe ehe. Proud blockmate lang. Haha! Ayun, kelangan pala malinis gawa mo sa mga plate mo dito, tapos kailangan sakto yung measurements. May tinatawag na CHAMPEKTIB ba yun? di ko alam, basta yun yung huhulaan mo ung measurements tapos basta magmukhang pantay or ewan pero chinicheck kasi talaga niya e. Unless nalang nabanlag yung banlag niyang mata tapos nakatakas ka edi yehey! Magpakabait kayo sakanya at kahit kupal siya wag kayong manguulol kasi kayo madadali niyan.

ARTHIST 1

   Art History. Artists at ang evolution ng art ang pinaguusapan dito. Heeeee. Sir Malihan :”) Crush ko si Sir kasi di ko alam. Hahaha basta gusto ko siya pag ngumingiti kasi medyo bihira lang. Tapos parang pag nakikita mo siya parang malulungkot ka. Di ko alam pero ganun din nararamdaman ng mga blockmates ko. Naaawa yung iba. Ganun.. Mabait to sobra! Sana maging prof ko siya uli kahit medyo boring yung class niya ayos lang!! Kilala niya nga ako e. Hehehe dati, lagi niya ko tinatawag sa class. Hahaha! Tapos isang beses tinawag niya ko tapos tinakpan ko ng kamay ko yung mukha ko tapos di niya ko nakita tapos nagtanong siya “Nag-CR ba?” tapos nagtawag na siya ng iba. Nasa 2nd row nga pala ako nun. I’m so ninjuuuuuh! Ayun, papagreportin niya kayo at nagpapagawa rin siya ng mga hands-on stuff :)

TECH 1 

Techniques. Ayun, di ka tuturuan dito. Sasabihin lang kung ano yung ipapadrawing, mostly puro tungkol sa UST. So asahan mong maumay kay Benavides, Main Building, at Arch of The Centuries. Hahaha! Petiks yung prof namin dito kasi magpapadrawing siya tapos iiwan ka niya tapos minsan pwede ka na umalis basta konchabahin mo yung taga-attendance tapos yung isang plate minsan umaabot ng 2 weeks or 3. Tapos mataas pa siya magbigay ng grade basta may background hahaha. Diba, ang bait niya. Nakakaappreciate siya ng effort di gaya nung prof ko sa MADERPAKERS. Ayun nung second sem kasi yung prof namin sa MADERPAKERS naging prof namin sa Tech. Kaya ayun, petiks days are over.. :( 

THY 1

Theology. Alam niyo na to, parang Christian Living lang. Ayun, medyo petiks din kami noon dito. Mabait yung prof namin sobra. Tapos galing pa niya mag-guitar saka kumanta! Pwedeng pwede pa mangopya dito. I mean, basta wag lang sobrang obvious hahaha! Grabe no, Theology pa talaga e. Sorry Lord, naiintindihan niyo naman po siguro kung bakit namin nagawa yun :( Di siya ganun ka higpit.

PE 1

   Depende sa nakuha niyo. Sepak Takrush yung nakuha kong P.E noon at sobrang miss ko na to. :( Masaya siya at sa una talaga nangangaen to pero habang tumatagal makukuha mo rin sumipa ng tama.

Okay ang dami kong sinabe. Hahaha feeling ko may mga nakalimutan ako sabihin. Sana kahit papano nakatulong yung pag-share ko hahahaha! 6 am na, finally inaantok na rin ako! :)) Bye! See you in Beato!

  Also, you might want to check out my blockmate’s blog post about the things you should know about Advertising Arts. YAY!

INC - Iglesia ni Cristo

Sa INC hiwalay ang mass ng mga bata sa matatanda. Sa mga bata, mga 30 mins lang depends sa haba ng lesson. Sa matanda mga 1 hr or so, depends din sa lesson.

Maraming so called “bahay sambahan” - place where children’s masses are held, kung hindi sa mismong church.

Itsura ng loob ng church? Simple lang, walang mga statue of saints, maraming electric fans :)) 

INC calls it samba not simba.

Common na sinasabi, 10% of salary or allowance is given to the church pero NOT. Kung ano lang kaya mo, ‘yun ‘yon.

Bawal makipagrelasyon sa ibang religion.

Church wedding lang. Meaning? Bawal ‘yung mga beach wedding and the like.

NO Valentine’s Day, Halloween, Festivals, Christmas… NEW YEAR meron naman! :))

NO sign of the cross.

Attire sa mga mass.. For boys: Slacks or Khaki or white basta NO maong. Polo or polo shirt only, no t-shirts. For girls: Skirt paired with blouse or dress. No pants, sleeveless, off shoulder, and the like.

Pinakamaagang mass is 5:30am (If I’m not mistaken)

INC has minister - priest ‘yung katumbas ‘pag sa Catholic. Pwede may family :)

If you fail to attend mass, may pupunta sa house para iask kung bakit and papapirmahin.

NO communion pero may Santa Cena (yearly) - ito ‘yung iinom ka ng konting katas ng ubas and kakain ng tinapay na super liit kasi dinurog na parang Sky Flakes.

Bawal live in.

Tarheta - small card na finiflip every time na magaattend ka ng mass para alam na umattend ka! :)

May different locals, so ‘pag sa ibang local ka sumamba, you have to get a “katibayan”.

No rosary.

Bawal kumain ng/may dugo ng baboy o kahit anong hayop. 

Baptism is done usually at the age of 12-13. Ito ‘yung para sa mga since bata INC na. Ginagawa ‘to after doctrine and before ka makasamba sa matatanda. Kung magpapaconvert ka naman into INC, Doctrine then ‘yan tapos boom INC na. :))

SOME LANG ‘YAN. Hihi. Wala na ko maalala

Number 8 means infinity. . .

Sa totoo, hindi ko alam kung paano ko sisimulan kung anung dapat ilaman ko dito. Pero sigurado naman ako mamaya habang tumatagal ay nagiging nobela na naman ‘to at di ko napapansin tapos sasabihin ko na wala akong ideya kung anung dapat. Pero sobrang haba na naman pala, HAHAHAHA! parang ewan lang ako XD pero seryoso na nga.

Akalain mo, 8 months na kung anu man ang meron tayong dalawa? Well kahit naman sino ayaw mag assume sa bagay na mangyayari sa future pero tignan mo nga naman at 8 months na at tingin ko bibilang pa yan ng madaming madami pang months. Mahirap kasi yung sa atin dahil alam naman natin na kakaiba talaga yung kung anung meron man tayong dalawa na tayo lang ang nakakaintindi. Tapos malayo pa tayo sa isa’t isa pero ang mahalaga ay kung anung nararamdaman natin at yung kung anung gusto natin. Madami na tayong pinagdaanan na mga problema at away pero naaayos naman natin at natututunan kung anung naging sanhi nung away natin at di na natin napapagtalunan ulit yun na maliban sa isa na di talaga maiwasan at alam mo kung anu yung isa na yun. Sa 8 months ay may good and bad moments at masaya ako dun kasi kasama sa good ay yung kwentuhan, kulitan, asaran, lambingan at yung love natin sa isa’t isa at madami pa pero meron pa tayong di naeexperience kasi malayo nga tayo pero mangyayari din yun. Alam kong gusto mo kong makadate kaya hintay ka lang dyan at papayag din ako HAHAHAHAHA! JOKE lang yun, ako yung maghihintay. Binibiro lang kita ha XD Tapos madami din tayong natutunan sa isa’t isa at yun ang mahalaga kundi parang walang sense tayo para sa isa’t isa kung wala tayong natutunan at magkiligan lang ang nakukuha natin. Di maganda yun, dapat may natututunan tayo sa isa’t isa tapos nagiging inspirasyon natin ang bawat isa. 

Pero alam mo, magkaiba tayo ng natatandaan sa pagfollow natin sa isa’t isa dito sa tumblr. Ang alam ko, ako ang unang nagfollow tapos nagfollow back ka lang sa akin pero yung natatandaan mo eh baliktad. Medyo naguluhan ako dun pero ganun pa man ay crush mo na ko nun! JOKE ULIT! HAHAHAHA! parang baliw ako sa sinasabi ko XD pero nung una pa lang pala eh mutual na pala kung anu yung nararamdaman natin sa isa’t isa. Medyo torpe lang talaga ako =_____= at nakakahiya dahil ikaw pa gumawa ng mga way HAHAHA! pero nakakatuwa talagang balikan yung mga yun. Pag naiisip ko eh natatawa pa din ako kasi ewan ko ba tapos yung nag anon ako sayo? nagkamali lang ako nun pero ayos na din kasi kahit fail eh ayos naman yung naging kinalabasan di ba? pero break din muna at may titignan ako HAHAHA!

At tama ka nga, ikaw yung nagfollow sa akin XD siguro pagkakita ko ng profile mo eh nakalimutan ko lahat kasi nagandahan ako sayo HAHAHAHA! pero totoo yun kaya nga naging crush kita agad agad! XD pero alam mo, nung umpisa pala ikaw lang laman ng inbox ko pero syempre may iba  na konti din pero may isang buwan ata na puro ikaw lang, akalain mo yun? ganun ako kaligalig na kausap ka noon pa man kaya ikaw lang kinakausap ko. Natatawa ako nung binabasa ko ulit yung mga usapan natin dati. Nakikita yung pagkakaiba ng usapan natin noon hanggang ngayon. Basta nakakatawa kasi habang patagal ng patagal eh nagpaparamdam na pala ako dati sayo XD pero torpe talaga kaya ganun lang hanggang sa nag anon nga ako at start na yun. The best talaga yung magbackread dahil nakikita ko kung san tayo nag umpisa. Di ko talaga idedeact ‘to kasi dito talaga nag umpisa yung lahat. Nandito yung lahat lahat ng tungkol sa atin para once na makalimutan ko yung ilang mga bagay sa atin ay balikan ko lang ‘to at magbabalik lahat ng memories natin at matatandaan ko kung gaano kita kamahal noon pa man kaya impossibleng mafall out of love ako sayo :D basta ngayon lang eh nagbalik lahat ng kabaliwan ko noon sa pasimple kong pahaging sayo HAHAHAHA!

Pero ngayon, eto na at ang ang tagal na pero para sa akin ay parang kahapon lang lahat ng nangyari. Di ko na nga alam kung gaano nga ba ako kasaya ngayon. Di ko na din alam kung gaano kita kamahal. Di ko na alam basta ang alam ko ay ang sobrang saya ko, sobrang swerte ko sayo, sobrang mahal kita at madami pang sobra HAHAHA! Tapos ngayon mas malayo ka pa sa akin, pero parang wala namang pinagbago kasi nagagawa pa din natin yung mga bagay na ginagawa natin dati nung nandito ka sa pinas at nung nandyan ka na. Well, siguro isang dahilan ay di natin matiis ang isa’t isa kaya nakagawa pa din tayo ng way para makapag usap. Ganun talaga dahil ayaw mamiss ang isa’t isa HAHAHAHA! Ay naku, ang haba na nito kaya magmessage na ko sayo. Masyado akong natuwa sa kwento, may next month pa kaya gagawa na lang ulit ako ng ganito next month HAHAHA! message na nga, ang kulit ko XD

HMMMMM Baby (baby daw oh! XD) thank you sa lahat. Alam mo na kung anu yung lahat na yan. Medyo matagal pa yung time na pede ng lahat sa atin pero sabi ko naman sayo at di ako magsasawa na sabihin na hihintayin ko yun. Di ako mapapagod maghintay dahil pareho naman natin napagkasunduan yun so may mutual understanding tayo sa lahat ng bagay. Napapag usapan naman natin lahat ng bagay kaya napapag isipan natin kung anung dapat unahin sa ngayon. Alam ko sa darating na panahon ay may magiging away pa din tayo pero wag natin paabutin sa point na di tayo mag uusap ng matagal at sana maayos pa din natin agad at parang pagkatapos ng mga pagtatalo natin na parang wala lang nangyari. Promise ko na iintindihin kita hanggang sa abot ng makakaya ko. Katulad ng ginagawa kong mga bagay sayo ngayon ay ganun pa din kahit lumipas ulit ang 8 months. Naniniwala akong may taong pedeng maging consistent pa din sa lahat ng act nya sa isang tao at gusto ko na ganun ako sayo. Madami pa tayong pagdadaanan at yung mga nangyayari sa ngayon ay wala pa siguro yun. Mga minor lang kumbaga pero naniniwala ako na kahit gaano pa kalaki yung problem na mangyari ay magstick pa din tayo sa isa’t isa. Pero sure ako na mas madaming araw tayo na iseshare sa isa’t isa na masaya tayo, masayang nagkukwentuhan, masayang nag aaran at nag iinisan at masayang nagkukulitan.Nakikita kong ganun pa din tayo sa future at sana nga pero tayo lang makakapagsabi kung ganun pa din tayo sa mga darating na panahon kaya GO lang tayo ha! Patapos na din naman ‘to at sobrang haba na kaya sulitin ko na talaga. May something sayo na di ko alam kung anu kaya ganito kita kamahal, something special na hindi ko nakita o naramdaman sa iba. Ewan ko ba pero sabi mo nga ang ganda mo kasi kaya ganito ako sayo HAHAHAHA baliw lang XD pero seryoso, di ko talaga alam. Kaya wag kang mag alala at matakot sa idea na kaya kitang ipagpalit sa iba kasi hanggang di ko nalalaman kung anu yung special sayo ay di ko malalaman yung dapat kong makita din sa iba para mahalin ko din sila kung paano kita mahalin. But sigurado naman ako na di na mag iiba kung anung nararamdaman ko kahit pa sabihin na 8 months pa lang, di sa tagal yun kundi nasa ating dalawa. Di naman natin pababayaan na magkalabo labo kung anung meron tayo kaya kung magagawa natin na hanggang huli tayo ay gawin natin. Saka maghahanap pa ba ako eh ang swerte ko na nga sayo di ba? so bakit pa kailangan maghanap di ba. Basta maghihintay ako sayo kahit gaano katagal kasi promise ko yan sayo di ba at mamahalin kita ng higit pa sa pagmamahal mo sa akin. This kind of relationship na katulad ng sa atin ay mahirap talagang maintindihan ng ibang tao pero ganun pa man, ang mahalaga ay yung nararamdaman natin. ERRRR ang haba na pero di ko alam tapusin kaya next month na ulit, basta mahal kita at iingatan ko yang puso mo. MAHAL NA MAHAL KITA! :*

BOW!

Happy 1 year and 1 month babe :">

image

Minsan iniisip ko ayoko na mag celebrate ng monthsary, alam niyo kung bakit? Gusto ko puro anniversary nalang ang icelebrate naming dalawa. Pero nakakatuwang isipin na habang cine celebrate niyo ang inyong monthsary mas nalalaman niyo na tumatagal kayong dalawa :”>

Almost 3 months na rin tayong hindi nag kikita, sa tinatagal tagal ng relationship natin, bilang lang sa daliri yung araw na nag kasama tayo, pero ayos lang yun masaya naman nung nakasama kita eh. Hindi ako nagsisisi na ikaw ang napili ko. Alam mo yun? Ang dami kasing nangyare satin, medyo magulo pero at least ok na ngayon :3 Kahit nag kakatampuhan tayo minsan kahit ang kulit kulit ko sayo.

Ganyan talaga ang babae makulit lalo na kapag hindi nakakausap yung mahal nila kaya nagtatampo rin, buti hindi ka bumibitaw kahit nasa long distance relationship tayo :”> Nakaka miss ka talagang lalake ka, kung pwede lang na mag teleport para makasama ka.

Naalala ko tuloy yung unang kita natin tapos umuwi na akong pampanga ang lungkot ko talaga, kasi ko alam kung kelan kita ulit makakasama. Tapos nung pag uwi ko nag webcam tayo halos mangiyakyak tayo dahil miss na miss na natin ang isa’t isa haha bwisit lang oh~ kasi love kita sobra kahit pasaway kang lalake ka. Hindi kita matiis at diko makuhang magalit sayo ng matagal basta ayun ang haba na neto eh, sana tumagal pa tayong dalawa :* >:D< love ka ni girlfriend mo at hindi ka niya pag papalit, basta behave ka lang dyan may tiwala naman ako sayo I love you ulit babe.

May super long post ako, Post ko?

PAPA JACK SAID #62: Bago ka mag-I LOVE YOU sa isang tao na sa webcam mo pa lang nakita at sa internet mo lang nakilala, magkita muna kayo. Para alam mo kung yung nararamdaman mo para sa kanya thru internet ay nararamdaman mo rin sa personal. Para alam mo kung may magic. Iba parin kasi yung alam mo kung ano ang amoy ng balat niya, ano ang mga mannerisms niya o may patay na kuko ba siya. Sa internet kasi lahat ng iyon naitatago. Wag kang magpapadala sa mga pictures na nakikita mo sa facebook niya, edited lang naman ang mga yun. Pagkatapos niyong magkita at ganon parin ang nararamdaman niyo, doon niyo gamitin ang internet as maintenance.

Iba ang feelling kapag ikaw ang kapiling!

07/31/12

HEAVEN! Haha. Grabe sobrang saya ko lang ngayon. Kasi naman kasi… Una, eto mga kabarkada ko sa room pinagatabi kami ng crush ko dun sa kinainan naming fast food chain. Kahit labag sa kalooban ko, labag nga ba talaga?! Wahahahaha! Kilig na kilig ako! Grabe ang hirap kumain pala kapag katabi mo yung crush mo! Bilang na bilang yung pagsubo ko. Parang di nga ako nabusog! Pero nabusog naman ako sa kanya <3 MAHAROT! Wahaha. Tapos etong mga kabarkada ko! Tinatanong yung crush ko, “Ano ba Cath? Magpag-asa ba talaga si Pol o wala? Sabihin mo na! Ayaw naming masaktan yung kaibigan namin eh. Lagot ka samin kapag sinaktan mo to -Classmate1” GRABE!!!! Nakakahiya talaga! Babae pa yung tinatanungan ng ganon! Parang tanga! HAHAHAHA. Tapos itatanong pa nila kung may pag-asa daw ba ako? Parang tanga talaga -.- Nakakainis! Buti hindi siya naiinis. Takte talaga yung mga kaibigan mo, pahamak sila kapag nanjan yung crush mo! Seryoso. Hahaha.

Pagkatapos nun hinatid na namin yung isa naming classmate sa LRT kasi may pupuntahan pa. Pagkatapos nun nagkantahan kami, e ang ganda ganda ganda talaga ng boses ng crush ko. Huhuhu. (Classmate ko din pala to. Kaya ang saya ko araw araw. Hahaha) Grabe! Naka-ilang kanta siya, tapos inaasar na nila kami! Trip na trip nila kami grabe kung ano anong tinatanong! Pinagtatabi pa nila kami! Hahaha. Tapos yung mga pinipiling kanta ng mga classmates namin, mga lovesong! Grabe! Hahaha. Haaaaaaaaaaysss. Ang saya ♥

Tuts.

image

Open the file and place the nebula picture.

image

In your layer tab click the small eye to hide the nebula picture.

image

click the marquee tool. or press m. right click and choose eliptical marquee tool

image

Put it around the lens.

image

Right click then layer via copy.

image

there. then delete the layer of the nebula picture, then change the opacity and the blending mode :]

image

Sorry for the bad english :\ Hope it helps.

Heres the main picture:

image

heres the nebula picture.

image

and heres the final product:

image

Lutang.

Kahapon pauwi ako, si manong Driver ay lutang..

Nagbayad yung babae na sumakay sa UST ng 50 pesos at sinabing SM po, kinuha ni manong yung 50 at may nagbayad ulit ng 200 naman na bababa sa Philcoa. Sinuklian ni manong yung nagbayad ng 200, tas sinabi naman noong nagbayad ng 50 na “Manong yung sukli po ng 50 SM lang po yun..” Tas hindi pinansin ni manong, sinabi ulit tas ayun na bilang nagisip ng malalim si manong habang nagdadrive at sinuklian ng 20 pesos yung babae, tas tinanong noong babae magkano po ba sa SM galing UST, hindi sumagot si manong.. Tas sinabi ko na 40 pesos paggaling UST tas sinabi noong babae manong 40 daw po tas sinabi ni manong na “Ha?” tas sabi ng babae “magkano po ba hanggang SM mula UST?” tas sabi ni manong “Ha?” sinabi ko na sa matandang lutang na bingi na “Manong, 40 pesos po ang UST hanggang SM 50 po ang binayad niya sinuklian niyo po siya ng 20 dapat 10 lang..” tas sinabi ni manong “Ah.. akala ko kung ano..” 

Sa isip isip ko nakadrugs ba si manong o inaantok.. may problema ba si manong sa pamilya o basted nanaman siya sa nililigawan niyang Kolehiyala.. 

Hindi pa doon nagtatapos ang lahat. May nagtanong kay manong na “Daraan po ba ng DSWD?” hindi nanaman sumagot si Manong at sa pangatlong beses na nagtanong si Aleng pupunta ng DSWD sinabi niya yung “paglagpas lang po ng Sandigan Bayan daraan po ba kayo sa DSWD?” at sumagot si manong na “Ah.. OO dadaan po doon” (pero napaisip ako wala namang madaraanang DSWD doon ah kasi paglagpas ng Sandigan, COA na agad.. Hindi ako nakielam kasi hindi ko sure..) Tas eto na nagbayad si ale na pupunta sa DSWD ng 40 pesos sabi niya “bayad po DSWD lang po.. sigurado pong daraan manong ah..” Hindi sumagot si manong kinuha lang niya agad ang pamasahe at hindi sinuklian.. nagsalita si ale na pupunta sa DSWD “Manong magkano po ba hanggang DSWD 40 po binigay ko” Si manong kinapa ang mga pera niya na parang nalilito at kumuha ng 5 piso para isukli kay ale na pupunta nga ng DSWD! KANINA PA!.. tas ayan na biglang kinausap ni manong ang sarili niya tas tinuro ang pa Montalban. Tas nagsalita si manong na “Dito na po ang DSWD, sasakay po kayo ng Jeep diyan..” ang sabi ni ale “Dito na yun?” sagot ni manong “Hindi pa po sasakay pa po kayo ng jeep na papuntang montalban sagot ni ate “akala ko po ba daraan ng DSWD? bat sasakay pa ako ng jeep?” sagot ni manong na “wala akong sinabing daraan doon” si ate nanaman “bat po 35 ang siningil niyo sa akin?” abot ng 5 ulit si manong.. bumaba na si ate na pupunta nga alam mo na kung saan diba?

Hindi ko talaga alam kung bat ganoon si manong, sa mukha palang niya hindi niya talaga alam kung saan ang sinasabi ni ale sa panahon na tinatanong siya kung daraan ba siya sa DSWD, pero ang ginawa niya tumunganga at kung di pa binanggit ni ale na malapit yun sa sandigan hindi niya malalaman, hindi ko alam kung anong gustong patunayan ni manong sa sarili niya sa pagdi pagsabi ng totoo na hindi niya alam ang lugar na nabanggit, tumahimik lang siya na parang walang narinig.. 

Kung di ka sigurado, mabuti pang sabihin mo na ang totoo..

Disadvantages ng mahaba ang whole name.

  • Lugi ka kapag sinusulat ang pangalan. Isusumpa mo ang teacher lalo na kapag mahilig siya magpagawa ng seatwork na isusulat ang pangalan sa buong papel, talikuran.
  • Hindi kasya ang pangalan sa wamport shit op fad fafer.
  • Lagi mong pinoproblema kung paano pagkakasyahin ang pangalan mo sa application blanks.
  • Pero mas problema mo yung mga fill-up forms na may limited number of boxes gaya na lamang nung UPCAT App form, yung name sa NCAE, National Diagnostic test, National Achievement Test at iba pang mga test na nationwide na pinatutupad ng DepEd.

RANDOM THOUGHTS ON BEING MAG-ISA

Ang arte lang ng title ko.

Kagabi habang nakatingin ako sa bintana at naghihintay dalawin ng antok ay naisip ko na mag-isa na lang pala talaga ako. I mean yung binubuhay ko na ang sarili ko, naisip ko na pumapasok pala ako sa trabaho hindi lang para makapagbigay ako kala Lola ng pera kundi nagpapakahirap pala ako araw-araw para may ipambayad ako sa unit na tinitirahan ko dahil kung hindi, malamang sa kalye ako pupulutin nito. Araw-araw pala ako nakikipag sapalaran para may ipambayad ako sa kuryente at tubig na kinukunsumo ko, pati na din sa internet na ginagamit ko para lang makapag Tumblr, Twitter, FB, Youtube at magbasa ng Manga. Nagpapakahirap pala ako para may makain, para mabili ko kung ano man ang gusto ko at makasurvive sa pang araw-araw na gastusin. Aminin na natin na malaking factor ang pera ngayon para masatify ang mga needs natin at ilang mga wants.

Naisip ko na mahigit isang taon na pala din akong hindi nahingi ng tulong financial sa magulang ko, siguro malaking tulong na din yung nagawa ko at kahit papaano nababayaran ko na sila sa pagpapaaral nila sakin sa nag daan na labing apat na taon. Lingid sa kaalaman ng nakararami ay lumaki akong malayo sa pamilya ko hanggang ngayong nakapagtapos at naghahanap-buhay na ako. Bakit kamo? Noong nag college ako, sa Baguio ako nag aral at ng nakahanap ako ng trabaho ay sa Cubao naman na ako tumira. Ayoko din naman kasi doon sa bahay naming sa Cavite wala doon yung Mom ko kasi nasa Taiwan siya, simula 2 years old kasi ako nakipagsapalaran na siya ng ibang bansa. Yung Dad(Step dad) ko naman since sa PAL nagtrabaho ay madalas ding wala tapos nag iisang anak din ako so bale wala lang din, kanya kanya lang talaga kami. Tanging cellphone at YM lang ang paraan na makapagusap kami.

Sobrang malaya na ako kaya wag niyong paniwalaan pag tumanggi ako sa yaya ninyong hindi ako pinayagan ng magulang ko unless my family matter talaga o kaya naman kung hindi ako payagan ay sasama pa din ako. LOL.  Hindi din naman ako  madalas magpaalam sa magulang ko kung saan ako pupunta unless big time yung lugar na pupuntahan ko, minsan pag nakauwi na ako saka ko lang masasabi kung saan ako galing. Kung pwede lang talagang hindi na lang ako magtrabaho para hindi mapagod at makauwi ng kahit anong oras ko gustuhin eh di sana ginawa ko na, pero kasi hindi ganun yung kaso. Gaya nga ng sabi ko sa taas, kung hindi ako kikilos eh walang mangyayari sa buhay ko. Gusto ko mag aral na lang kaso hindi din pwede na yun lang ang aatupagin ko kasi paano naman yung magiging baon at tuition ko doon? Alangan naman asa ko na naman sa magulang ko.

No choice ako, lahat ng desisyon ay nakasalalay sakin, lahat ng plano ako ang bubuo at magsasagawa unless tamadin ako. Iniisip ko ngayon kung responsableng tao na ba ako dahil lang dito. Ewan ko, hindi ko alam isasagot ko sa sarili kong tanong, basta alam ko kailangan ko kumilos para sa sarili ko.

12/27/12

Gumising ako ng 8:30am. Actually, nagpagising talaga. I checked my phone, may text siya. “pau! hahaha kakagising ko lang alis na ko dto ng mga 9:30 aga pa pala” Yung text niyang yan, 7:40am ATA.  Ang aga naman kasi e! 10:30am daw kami meet sa SM. Tas yung papanuorin namin, 11:20 yung screening time. HUHU ANG AGA. HUHU LABAG SA HUMAN RIGHTS KO. HUHU OKAY LANG SIYA NAMAN KASAMA KO. Ay?! joke lang kasi. :( Naligo ako ng 9am na. Sa loob ng 30 minutes, wala akong ginagawa. Petiks! Ayoko kasing maghintay sa SM at alam kong mabagal kumilos yung kumag na yun. Kumain, onti lang kinain. </3 Nag-tutbras, nagsuklay, nagpa-braid, umalis! Salamat at mas nauna siya sakin sa SM. Ayoko kasi talagang naghihintay ako. Eh kumag yan eh, lagi ako pinaghihintay… PAG NAGPUPUNTA KAMI NG SM OR WHUT. Hihi. Tapos dumating na ako ng SM. Tamad na tamad talaga ako, nyetuh. Tinext ko na siya.

Ako : hoy baboy asan ka?
Rian : *di nagreply*
Ako : Babuy ka! SAN KA?
Rian : dto. san ka?
Ako : SAN KA SA SM! Haha, badtrip 
Rian : dito sa may jollibee 

Nagkita na kami. Naka-jacket siya. HAHA! dahil sa skin asthma niya. Tas nilalagnat pa raw siya. Ewan ko kung barbero lang yun. Abnormal talaga yun. Weird niya pero mas weird ako. <3 Ayun, sabi nya kain daw muna kami. Sabi ko naman, bili muna tayo ticket! Ako nasunod, baka boss ako? dejk Ayun, bumili ng ticket ng Sisterakas. 180 isa. Naglabas na ako ng pera pero sagot daw niya. Edi okay! ME IS NOT GOING TO KONTRA. Luh, joke. Ayun, nakita ko gamit niya yung wallet na bigay ko. WEH, KILIG. Ha! joke =)) Naglakad-lakad kami, yung tipong inikot ata namin buong annex? Or hindi naman, baka overdose lang ako? Ah, ewan. Ayun, bumili na ng Popcooorn sa Popperoo (lakumpake sa spelling). Tapos may 3 girls na nakapila sa likod niya, gulat ako bigla siya umalis sa pila tas pinauna yung 3 girls. Sabi ko sakanya.. “Yehes naman, gentleman talaga!” Tas nag-watta face siya sakin. HAHA kulit!  Nagtalo kami kung anong flavor. Plain, Cheese or BBQ ba. Sabi nya.. “Hindi! Plain nalang, final answer!” Ako naman.. “BBQ nalang” Ssabi nya.. “E’di BBQ! Magsasabi ka rin pala e.” HEHEHE~ Medyo ako na naman nasunod. XD After bumili ng Popcorn, diretso kami Belgian Waffles, sagot ko naman. Medyo butas na bulsa niya sakin e. HIHI~ Belgian Waffles, my loves. LUH! As usual, Banana Hazelnut sakin. Sakanya, Ham & Cheddar. Tas water lang drinks namin. Healthy lifestyle mga pre! AH, EWAN. Halos 1/4 na yung nakakain niya sa Popcorn, hindi pa kami nakakapasok ng sinehan. Ang takaw forever. Pinahawak na niya sakin kasi mauubos na daw niya. Nakakita ng Kettle corn, gusto na naman bumili. Tinatanong ako kung bibilig raw ba kami. Sabi ko.. “Ikaw bahala, ikaw naman uubos niyan e, nararamdaman ko!” Takaw forevs~ Nung nakita niya yung presyo, alis siya agad e. Hahahaha! Another paragraph naman, gusto niyo?

Ayun, pumasok na kami ng c10. Medyo ang tagal lang talaga magsimula. Kung anu-anong weirdness nalang ginagawa namin. Naghahagisan ng popcorn!! HAHA. Catchy catchy nga kasi, WTF. Medyo wala kaming nasalo kahit isa. HAHAHAHHA. Nagkalat lang kami dun! Kawawa naman si kuyang janitor. Tapos nung medyo magsastart na yung movie, hinubad niya jacket niya tas binigay niya sakin. LUH, KILIG. joke! Suot ko raw, eh sabi ko latr nalang di pa naman malamig. XD Naawa nga ako sakanya e, kasi lamig na lamig siya. Baaah, nagulat ako nagtext si Steph. 

Steph : Movie date? :’)
Ako : Luh! HAHA. 
Steph : Kayong 2 lang? haha.
Ako : Oo, Haha! Pano mo ‘to nalaman?
Steph : Andito din kaya ako sa may bandang gitna pinakataas. :))
Ako : *lumingon at hinanap hanap si Steph, ayun! Nakita namin siya* 

E’di ayun, nanunuod na kami ng movie. Eh diba andun si Daniel Padilla, ah shet!!! Awkward. Kinikilig ako. Awkward. HAHAHAHHAHA. Pag kikiligin ako sasabihin niya.. “Sus, mas gwapo pa ako dyan eh!”  Tapos pag si Kathryn naman, magsasalita siya bigla.. “Ganda talaga niya ‘no?” MAY KONTING KAHIHIYAN PA NAMAN AKO AT DI KO SINASABING MAS MAGANDA AKO KAY KATHRYN KAHIT TOTOO NAMAN. Luh!!!!! Enough. XD Ewan ko ba. HAHAHA!! Sobrang laughtrip kami sa mga suot ni Vice ganda sa movie. Ang laswa kasi. WTF! Tas sabi niya pa.. “Ba’t walang bakas?” (tinutukoy niya yung ano ni Vice) sabi ko.. “Gusto mo tanong natin?” Sabi nya.. “Sige, go lang tanong mo” Tas ayun, laughtrip talaga.

Tapos na yung movie, nagpipigil ng ihi. WTF! Daming tao sa CR ng girls e. E’di lumabas na ako. Hinintay ko nalang siya. AH PUCHA ANG TAGAL. Ang dami nang Jejemon sa labas, wala parin siya. Ayun, medyo natanaw ko na siya. Dumaan muna kami ng french Baker pala tignan kung andun na ba sila Porras. Pero wait! Iba ang nakita namin. HAHAHA! Sila Lj, Danielle, at Angela nakita namin. Nginitian ko sila tapos nung nakita nila kung sino kasama ko… Biglang.. “yiieee~” Gulat ako e! Ewan ko ba. Tapos nagkayayaan kaming dalawa na kumain. Ayan, nagtatalo na naman kung saan. Sabi ko sakanya, siya magdecide. Sabi naman niya, ako raw bahala. AH BAHALA KA, GUSTO KO SA BURGER KING. Sunod naman siya sa gusto ko. Hahaha! Medyo heavy pala sa bulsa yung desisyon kong mag-Burger King. GAHD! Php 170 yung bill ko tas kanya naman, Php 175. HAHAHA! sabi nya.. “Ubos pera ko sayo ah, dapat libre mo ‘to eh. HAHAHA” Sabi ko naman, hindi mo naman sinabi agad diba! Hahaha. Ako kasi pinagdecide mo eh.” Ayun, baaah! Biglang sumulpot si Porras. Boom. Okay, luhlung. Kain mode! Medyo ang weird namin HAHA. Nilalagyan niya ng french fries yung loob ng Burger tas may ketchup pa. Sabi nya.. “Try mo kaya, masarap!” Tas ako naman, kinain din. HAHA. masarap naman e. XD Tapos usap here, usap there, usap everywhere. HEY! Andaw?!

At dyan na nagtatapos ang happy day ko. LOLJK! Ayun, hinintay sa Burger King iba pa naming kasama. Sila Fami at Mangga. Tapos pumunta na kami kila Aira. Bitbit ko parin jacket niya. WOO! Tas dun na kami sa trike, magkatabi kami, nanggigigil ako sa braso niyang mataba :c Gusto ko kagatin, bv! Kaso baka magalit e. HAHAHAH ang taba kasi :(( Tapos, tapos ang gentleman niya. Yey, walang kupas. LUH, EWAN. Dun kila Aira, nagbago na mood ko. Ewan ko kung moodswings lang ba or sadyang may dahilan talaga… Uh, loading, uh…. Okay! Nanuod kami ng Hostel 3. SHIT KADIRI. SHIT BRUTAL. SHIT TINULUGAN KO. Lol! Kadiri kasi talaga. Kumain sila ng Pancit Canton, di ako kumain kahit offeran nila ako kasi busog pa ako and… MAANGHANG YUNG FLAVOR. Di talaga ako kumakain ng something na spicy or whut.  Tapos inofferan ako ni Mangga ng isang bowl ng pancit canton, ayoko tas binigay ko kay Fami. Tapos eto namang si Rian, nilapit sa bibig ko yung tinapay na may pancit canton with matching paawa face. AH, EWAN. Di ko kinain kahit mangawit siya haha. Kasi 1 minute siyang nakaganun eh. Visualize mo nalang. You can do it, yes you can! 

Ayun, 5:30pm sabi ko, uwi na ako kasi masama rin pakiramdam ko at pinapauwi na ako ng mga pinsan ko. Baaah! Hinatid niya ako sa may labasan hanggang sa makasakay na ako ng trike. Hehehe. Luhlung, anmeron? Ayun, putek hassle pauwi. Tas hindi pa ako sinuklian ng driver. BOBO NIYA SA MATH. Baaah, bigat sa pakiramdam. Nakakainis! Yung dahilan, sakin nalang at kay Mota at kay Pawiiee. Samin nalang yun, okay? Pagkauwi ko, hilata agad. Basta iba yung feeling. Pumikit ako saglit. At yung saglit na yun, naging 1.5 hours. ATA. Natulog ako ng 6:30 ata, tapos nagising ng 8pm. Uhh, sarap ng feeling ng nakalimot ka kahit sandali. Pero mabigat parin sa feeling e. Ewan, sayang kasi. Ewan ulit. Ewan nalang lagi. Pagkagising ko, sakto dumating na mga pinsan at pamangkin ko. galing sila Trinoma, di man lang nag-imbita. :( sosad! Pero may pasalubong naman e, pizza! At yung pizza na yun ang naging dinner ko. isang slice lang, ba’t ba!

Tapos ngayong gabi lang, medyo nag-eemo na naman ako kasi tumutubo na yung bangs ko. WTF! Tapos nagkatext kami ni Rian tapos.. tapos.. Bibitinin kita kasi samin nalang yung usapan na yun at kila Daisdeen at Pawiiee. HIHIHI~ Ang tapang ko ngayong araw kasi may lakas ako ng loob sabihin sakanya yung mga nasabi ko kung ano man yun. Chuchuchu~ 

Sa tingin ko, tapos na ‘tong post na ‘to. MAIKSI LANG NAMAN ‘TO, DIBA?

Proud akong sabihin na personal naging kami. Hehehe. E kasi, halos lahat ng relationship ngayon, via text o chat nagiging sila. Pero kami, personal.

Linggo kasi yun e. Nung umaga, Milo Marathon. E nagcCAT nga kami kaya may mga destinations kami.. magkahiwalay kami nun eh. Edi halos buong umagang nagmamarathon e, hindi kami magkasama. Pero nung pagkatapos, magkasama kami. Ewan ko ba pero parang first time namin magsama in public nun kasi nga halos lahat ng tropa ko.. against sa kaniya.

Pero.. bago kami magsama nun, bigla akong nilapitan ng isang close friend ko. Nanay nanayan ko rin siya. Sabi niya kung sigurado na ba talaga ako sa desisyon ko.. na sasagutin ko na sa araw na yon. Hindi ako makasagot.. tinatawanan ko lang siya. Gulong gulo pa rin ako non.

Sumama pa rin ako sa boyfriend ko non.. pumunta kami sa bahay ng bestfriend niya.. pero dun lang kami sa labas. Hahaha. Yung bestfriend niya kasi, nagbbreak sila ng girlfriend niya. Habang nag-aaway yung dalawa dun sa gilid namin, kami naman.. ang sweet sweet. Hahaha. Natatawa nga ako non e.

Umaga magkasama kami.. naglunch na non. NagMcdo ata kami hanggang umuwi muna ako kasi pinapauwi na ako. Pero napagkasunduan namin na magsisimba kami. Sunday nga kasi non.

Maaga kami nagsimba, hapon na pero may araw pa, ganun. E laging nagsisimba buomh family ko pagSunday. After mass, pinauwi na ako bigla ni Mama. Hinatid niya ako don sa medyo malayong kanto. Hahaha. Kasi nga, natatakot ako. Hindi pa kami legal non tapos yung mama ko kilala don sa lugar namin kaya ayon.

Tinatanong niya ako kung kami na.. hindi ako makasagot. Tapos, paalis na siya non. Pero hindi kami makaalis pareho. Nagdadalawang isip ako. Tapos bigla kong sinabing “Oo.” Parang alangan pa na ewan. Pero lumapit siya sa akin tapos nayakap niya ako. Nagulat pa ako. PDA -_- tapos ayon. Hahaha. Kinilig ako. Binuhat niya pa ako non habang yakap ako.

Pero bago kami umalis.. sabi ko SO muna kami. Dahil nga sa tropa ko.. tapos bigla siyang nalungkot pero ayon. May ngiti pa rin. 

Umuwi na rin kami after non.. hinahanap na ako e. Hehe.

Ang sarap lang sa feeling na makikita mo reaksyon niya nung mga oras na yon. Ang saya-saya.. Nung yakap niya ako, tumatawag pa si Mama non. Hindi ko pinansin yung tawag. Hahaha. 

Maraming nagugulat kapag naririnig nilang sa personal ko singaot boyfriend ko. Minsan nalang daw may ganito e. Pero isa kami ron. Ibahin niyo kasi ako. :)

Tapos, hindi namin alam pareho na yung street na kung saan ko siya sinagot, e yun yun date ng Anniversary namin. <3

Dalaw. :)

Hindi ito dalaw na regla o dalaw na multo, ito ay pag-dalaw o pag-bisita. Wala pinahaba ko lang yung intro nitong post ko kasi naman gusto ko yung mahaba. Lol. Andito ako ngayon sa bahay ng lola ko sa side ni mama, minsan lang ako umuwi dito, mga twice a month lang minsan wala pa nga e. Namiss ko lang yung kapatid ko saka yung iba ko pang relatives dito kaya ako dumalaw.

Lahat ng gawin ko dito pwede, walang bawal. Ang mahirap lang ditosobrang bagal ng net as in sobra talagang bagal. Yung feeling namagpapasko na hindi pa nagloload yung page. Kaya pag nandito ako, tiyagaan talaga. Sabi nga “kung walang tiyaga, walang nilaga”. 

Dito ko na tinatapos yung post ko, masyado ng mahaba. Baka maikwento ko pa yung talambuhay ko. Lol. 

“Have a happy weekend”.

読み込み中…