anyone know how to break spells?
the die is cast, I’m past any reasoning, attempts to remedy this insanity I take as treason, this epidemic has never been cured, never will, it will turn strongest of souls to those of weakest will. yet we seek it still, none are immune, for what is greatest pain and greatest pleasure in equal measure. they say love is blind but I don’t agree I just think love dosn’t give a shit what the eyes see. you put a spell on me and I want you. no witch nor witchery yet I’m under the spell of your words and your wisdom, your shape and your smell, your laughs your cries you smiles your thoughts, your dreams your tears your fears you walk. your not without thought and certainly nor me, your the one for whom wanting perfections fit perfectly, that’s all it is we’re all crazy but won’t admit the one is just the one your comfortable to be crazy with.
I don't need.
I don’t need for you to be an independent woman and I don’t wanna be an independent man but if we can get along and laugh and talk and have sex, dream and laugh and talk and still like each other then maybe just maybe we can depend on each other.
I don’t need for you to wear red lipstick or lip gloss or face dust, I like your face just fine as it is.
I don’t need for you to paint your nails or wear fake ones, I think they look kinda silly.
I don’t need to see your cleavage or your thighs, I’m still gettin’ over your eyes and your smile and I don’t need anymore distractions.
I don’t need, in fact I don’t want, you to sit a certain way or talk like this or walk like a supermodel.
I don’t need you to lose weight.
I do need stimulating conversation. It’s like Dead Prez said, I need mind sex.
I do need to laugh with you, I do need to dream with you, I do need to be able to be honest with you.
Maybe I’m gettin’ old but I’m finding that when you get to know women vertically they can be incredibly interesting, inspiring creatures; watchin’ you work, watchin’ you think, watchin’ you eat,
Maybe I’m gettin’ old but I can’t be bothered to follow my dick around everywhere. I’m happy here and to be honest I just ain’t got the energy.
Maybe I’m gettin’ old but I feel like it’s ok to be vulnerable, to be upset, to admit I ain’t the biggest, baddest, strongest man on the planet and sometimes I feel inadequate.
Akala.
Akala (One Shot)
WARNING. Kung may masamang kutob kayo laban sa one shot ko (like I said sa Twitter), wag niyo na ituloy basahin ito. I just needed to get this out of my system. Love ko pa rin ang JuliElmo, promise! :) Ngayon lang ito!
“Elmo, wag ka nang KJ, please? Wala akong ibang kakilala dito. Sama ka na!”, pagpupumilit ni Julie.
Ngumiti lang si Elmo at umiling. “Julie naman, ang aga ng flight natin bukas. Tsaka, kelan ka pa natutong pumarty?”, tanong niya sa partner niya.
Nagtaas ng kilay si Julie. “Kelan ka ba napigilan magparty? Eh diba lagi kayo nagpaparty ng girlfriend mo?”, balik tanong naman niya.
Natawa si Elmo. “Hindi ko nga girlfriend yun. Nakikisabit lang siya. Feeling niya kasi, dahil close siya kila Ate, eh close na din siya sa akin. Di ko naman masaway kasi ayoko naman mabastos siya”, paliwanag niya.
Umiling si Julie. “Di ako naniniwala. Pero kunyari oo, naniniwala ako, eh ganun pa din yun, nagpaparty pa din kayo. So bakit dito, ayaw mo?”. Nakasimangot na si Julie ngayon.
Sa pagsimangot ni Julie, lalong napangiti si Elmo. “Alam mo, ang cute mo talaga pag nakasimangot”, biro ni Elmo.
Hinampas ni Julie ang braso ng kaibigan. “Bahala ka na nga. Basta ako, pupunta ako. Pag may nangyari sa akin, ikaw sisisihin ko ah”.
Nanlaki ang mata ni Elmo. “O bakit ako? Ito talaga o. Basta, kapag kailangan mo ng tulong mamaya, katok ka na lang sa kwarto. Nasa baba lang naman ako, ha?”, tugon niya kay Julie, sabay hawak sa balikat nito.
Umiling lang si Julie at nagbuntong-hininga. “Bahala ka na nga. Sige na, matulog ka na”, pasukong sabi niya, sabay ikot at lakad patungo sa bar ng hotel.
Natawa lang si Elmo. “Uy, wag ka masyado ha! Aakyat ka pa, sa taas ang kwarto mo!”, paalala niya kay Julie. Hindi na siya nilingon o sinagot ng dalaga. Napailing nalang si Elmo at tumungo na sa kwarto niya para magpahinga.
Nasa Amerika ngayon ang pair nila Julie at Elmo. May GMA event kasi doon, at silang dalawa ang sinabak for the first time. May after party pa tonight, imbitado sila pareho ng mga organizers ng event. Pero dahil 11 o’clock ng umaga ang flight nila bukas, ayaw na ni Elmo magpuyat dahil malayo pa ang airport sa hotel nila. Lagi na lang kasi siyang nalalate, gusto naman niya magbagong buhay. Si Julie naman, gusto lang mag-relax dahil nasstress siya sa school at sa trabaho, kaya naman napapayag siyang sumama sa after party.
Makaraan ang ilang oras, habang natutulog na ng mahimbing si Elmo, nagulat siya sa malakas at mabilis na pagkatok sa kanyang pintuan. Pumupungay-pungay pa ang mata ni Elmo habang dahan-dahan na tumayo at naglakad papunta sa pintuan. “
“Who’s there?”, tanong niya. Katok lang ang sinagot ng nasa kabila ng pinto.
Sumilip si Elmo sa peephole at nakita si Julie, nakasandal sa pintuan niya. Napakamot ng ulo si Elmo bago binuksan ang pinto.
“Julie, gabi na. An—-Julie?”, biglang natigilan si Elmo sa pangsesermon nang biglang bumagsak sa kanya si Julie, nakapikit ang mga mata, pagkabukas niya ng pinto. Agad niyang sinalo ang dalaga. “Julie?”, nag-aalalang sabi ni Elmo habang niyuyugyog ang dalaga.
Idinilat ni Julie ang mata niya at ngumiti kay Elmo. “Sorry, di ko ata kakayanin umakyat sa kwarto ko. Napadami ata ako ng nainom. Lasang juice kasi, malay ko bang malakas pala yun”, paliwanag niya sa mahinang boses.
Napailing lang si Elmo at dahan-dahan na itinayo si Julie. Inakay niya ito at inihiga sa kama niya bago binalikan ang pinto para isara iyon.
“Salamat, Moe”, mahinang sambit ni Julie habang nakahiga sa kama.
“Ikaw naman kasi, sabi ko sayo wag na eh”, pangaral ni Elmo.
Itinaas ni Julie ang kamay niya para patigilin si Elmo. “Please, Moe, bukas mo na ako pagalitan”, pakiusap niya.
Bumuntong hininga si Elmo at umupo sa sofa. “Sige na. Matulog ka na”, sabi niya, sabay higa sa sofa.
Dinilat ni Julie ang mata niya at nilingon si Elmo. “O bakit dyan ka?”, tanong niya.
Umupo si Elmo at tinaasan ng kilay si Julie. “San mo gusto matulog ako? Sa sahig?”.
“Hindi. Dito”, sabi ni Julie, sabay turo sa tabi niya sa kama.
Umiling si Elmo. “Ano ka? Hindi maganda tignan na magkatabi ang babae at lalaki—-“
“Bakit? May gagawin ka bang masama?”, biglang tanong ni Julie.
Napanganga lang si Elmo sa pagkagulat sa tanong ni Julie. Sobrang diretsahan kasi.
Nang hindi makasagot si Elmo, tinuro uli ni Julie ang tabi niya. “Dito ka na, Moe. Kwarto mo to, nakikigamit lang ako. Sige, kung ayaw mong magtabi tayo, ako na lang sa sofa”. Nag-akma nang babangon si Julie.
Mabilis naman na pinuntahan ni Elmo si Julie at pinahiga uli sa kama. “Sige na, sige na, dyan na din ako. Ang weird mo talaga minsan”, sambit niya. Humiga siya sa tabi ni Julie, ngunit pinanatiling may pagitan silang unan.
“Elmo, hindi mo ba ako gusto?”, biglang tanong ni Julie.
Dahan-dahan na nilingon ni Elmo si Julie, hindi makapaniwala sa tanong niya. “Ha?”
“Sabi ko, bingi ka ba?”, biro ni Julie, sabay tumawa ng mahina. “Hindi… sabi ko, hindi mo ba ako gusto?”. Hindi din niya alam bakit biglang nagkaroon siya ng lakas ng loob tanungin yun kay Elmo. Siguro dahil may tama siya. Ganun kaya talaga yun?, tanong niya sa sarili niya. First time niya kasing magkaganito.
Napanganga lang si Elmo sa tinanong ni Julie. “Uhm, gusto siyempre. Magtatagal ba naman tayo kung hindi kita gusto? You’re one of my good friends—-“
“I meant, not just as a friend. Yung pang girlfriend material ba”, sabat ni Julie.
Napalunok si Elmo. “Ha? Eh… ano…”
“O bakit di ka makapagsalita?”, tanong ni Julie. Dahan-dahan bumangon ang dalaga at umupo habang nakasandal sa headboard. Tinitigan niya si Elmo.
Umupo din si Elmo at tumingin sa kamay niya. Hindi niya kayang titigan si Julie. “Bakit? Pag sinabi ko bang gusto kita, anong mangyayari?”, tanong niya. Lumingon siya kay Julie.
“Ito”, sambit ni Julie, sabay lapit at halik sa labi ni Elmo. Marahan lang ang halik, pero mabilis pareho ang tibok ng puso nila Elmo at Julie.
Nang tapusin ni Julie ang halik at akma na siyang ilalayo ang mukha kay Elmo, dahan-dahan na hinawakan ni Elmo ang mukha ni Julie at inilapit uli ito sa kanya. Sa puntong ito, si Elmo naman ang humalik kay Julie. Parang sasabog sa kasiyahan ang puso ng dalawa. Matagal na kasi nila gusto ang isa’t isa, wala lang aminan na nagaganap.
Inihiga ni Elmo si Julie at patuloy itong hinalikan. Naramdaman niya bigla na nagtatanggal ng butones si Julie. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga.
“Julie…”, sambit niya.
Tumingin lang si Julie kay Elmo, pumupungay ang mata dahil sa antok, pero pilit na gumigising.
“Elmo, it’s okay”, bulong niya habang patuloy na tinatanggal ang butones ng pantaas niya. “Gusto din kita. It’s okay”, ulit niyang sinambit, sabay sara ng mata.
Tinitigan siya ni Elmo at binitawan ang kanyang kamay. Pagkatapos ay hinalikan uli niya si Julie. Lumalim ang gabi.
***********************
Paggising ni Julie, una niyang nakita si Elmo, natutulog sa tabi niya. Tinignan ni Julie ang sarili niya at nakitang nakatakip siya ng kumot. Hawak ni Elmo ang kamay niya. Bumangon siya dahan dahan at nakita niyang nakadamit pa din siya. Napangiti siya. So dinamitan niya ako uli kagabi? Sweet naman, naisip niya. Dahan dahan niya binitawan ang kamay ni Elmo para hindi ito magising, pero bigla niyang narinig na umungol ang binata at pagkaraa’y dumilat ang mata niya.
“Good morning, Moe”, bulong ni Julie.
Ngumiti si Elmo. “Hey, Julie. Prepare ka na. Flight natin in a few hours”, sagot niya, habang umuupo na din at nagkukuskos ng antok mula sa mga mata.
“See you”, sambit ni Julie. Tumayo na ang dalaga at paalis na sana ng kwarto ni Elmo, nang biglang lumingon siya uli at bumalik sa kama. Hinalikan niya si Elmo sa pisngi at ngumiti. “Thanks for… letting me sleep here last night”, sambit niya. Naramdaman niyang namula siya sa naalala niya.
Natawa si Elmo. “Anytime, Julie. Pero sana wag ka na uli magpakalasing ng ganun”, sambit niya.
Natawa din si Julie. “Hindi na talaga. Sige na, see you later”, sagot niya, sabay labas ng kwarto. Sa daan pabalik ng sarili niyang kwarto, nakangiti lang si Julie. Nakakaloka naman yung nangyari kagabi, isip niya.
***********************
“Hey”, bati ni Julie kay Elmo habang nakaupo ang binata sa bleachers sa loob ng studio. Kasalukuyan ang Party Pilipinas rehearsals at kanina pa hinahanap ni Julie si Elmo. Ilang araw din kasi niyang hindi nakausap ang binata. Simula kasi nang dumating sila galing sa Amerika, ngayon lang uli sila magkikita. Hinalikan niya sa pisngi ang binata.
Nagulat si Elmo sa paghalik ni Julie pero ngumiti siya. “Hey, Julie. Kumusta?”, tanong niya.
Ngumiti lang si Julie. “Labas tayo mamaya?”, tanong niya bigla.
“Uhm, di ako pwede eh. Kelangan ako umuwi ng maaga”, sagot ni Elmo. First time atang magyayaya ito, naisip niya.
Napasimangot ng kaunti si Julie, pero inintindi na lang niya. “Sige, ayos lang. Maybe next time?”.
Tumango si Elmo. “Sige sige”.
***********************
“Moe, busy ka later? Labas tayo”. Imbita ni Julie kay Elmo sa sumunod na linggo.
Ngumiti lang si Elmo kay Julie at umiling. “Sorry, Julie, di ako pwede”, sagot niya.
“O? Bakit? Maaga ka uli uuwi?”, tanong ng dalaga.
Umiling si Elmo. “Nope. May lakad kami nila Ate”, sagot ni Elmo. “Sorry talaga”, dagdag niya.
“Eh bukas? Wala naman tayo work, diba?”, pagpupumilit ni Julie. Naguguluhan siya kay Elmo. Pagkatapos kasi ng nangyari sa kanila sa Amerika, para bang iniiwasan siya ng binata. Kapag nasa rehearsals, malayo sa upuan ni Julie ang inuupuan ni Elmo. Pagkatapos ng rehearsal nila, agad umaalis si Elmo. Pagkatapos naman ng production number nila sa Party Pilipinas, halos hindi na siya hintayin ni Elmo pabalik ng dressing room, na dati naman niya ginagawa.
Napakagat ng labi si Elmo at umiling dahan-dahan. “Kasi… sasamahan ko si Lauren bukas. Enrollment kasi namin… sa school. Sorry”, sagot niya.
Napatitig lang si Julie. “Oh, okay sige”.
Tumalikod na si Julie at papalayo na sana nang biglang hatakin ni Elmo ang braso niya. “Julie, sorry talaga ah. Next time talaga”.
Tumango lang si Julie at nagpatuloy sa paglalakad.
*************************
Ilang linggo ang nakalipas, tanging sa production number at rehearsal lang kinausap ni Julie si Elmo. Hindi na uli inaaya ni Julie ang ka-partner dahil para bang natatakot itong umasa sa wala. Lagi na lang kasing nagdadahilan si Elmo pag iniimbita siya ni Julie lumabas. Napansin ni Elmo ang biglang pagbabago ni Julie ng pakikitungo sa kanya. Nag-alala siya kaya naman siya na ang naunang lumapit.
“Hi, Julie”, bati ni Elmo sa isang rehearsal ng Party Pilipinas.
Lumingon si Julie at kumaway. “Uy, hey, Moe”. Binaling niya uli ang tingin sa cellphone niya kung saan meron siyang katext.
Tumabi si Elmo kay Julie. “Busy ka mamaya? Pwede na tayo lumabas, as promised—-“
“Yep, sorry, Moe. May lakad ako”, mabilis na sagot ni Julie, nakatingin pa din sa cellphone niya.
“Oh”, ang tanging nasambit ni Elmo. Matagal na tahimik si Elmo at si Julie habang hinihintay silang tawagin sa stage.
“Julie, iniiwasan mo ba ako?”, biglang tanong ni Elmo.
Lumingon si Julie sa kanya. “Ha? Bakit mo naman naisip yan?”.
“Kasi, parang di mo na ako masyado kinakausap. Dahil ba to sa hindi ko pagsama sayo dati pag nagyayaya ka?”, tanong niya.
Natawa si Julie, pero bigla din itong tumahimik nang makitang may nagrerehearse sa stage. “Seryoso ka? Tingin mo ganun naman ako kababaw para hindi ka pansinin dahil lang dun? Elmo, naman”, tugon niya, sabay tingin uli sa cellphone.
Napakunot ng noo si Elmo. “Sorry for assuming”, sabi niya.
Tumango si Julie, pero hindi siya tinignan. “It’s okay.”
Sa puntong iyon, tinawag na sila sa stage at hindi na uli nakapag-usap.
**************************
Sa mga sumunod na linggo, napansin talaga ni Elmo ang hindi pagkibo sa kanya ni Julie.
“Julie, pwede ba tayo mag-usap?”, tanong ni Elmo nang matapos ang rehearsal at makita niyang naghahanda nang umuwi si Julie.
Lumingon si Julie at nagtaas ng kilay. “O bakit?”
Hinila ni Elmo si Julie palayo sa ibang tao. “Yung totoo, please. Iniiwasan mo ba ako?”, tanong niya.
Huminga ng malalim si Julie. “Bakit mo naman naisip yan?”, tanong niya din.
“Kasi pag kinakausap kita, ang ikli ng sagot mo. Ang layo mo pag rehearsals, kahit sa production numbers. Tapos pag nagyayaya na ako ngayon, lagi kang tumatanggi”, sagot ni Elmo.
Natawa si Julie, pero mapait ang pagtawa niya. “Kind of like how you were pagbalik natin galing Amerika?”, sumbat niya.
Napatunganga si Elmo. “Julie…”
“Dahil ba may nangyari sa atin nun sa Amerika kaya wala ka nang interes sa akin? Dahil nakuha mo na yung gusto mo sa akin?”, tanong niya sa binata.
Kumunot ang noo ni Elmo. “Anong nangyari?”
Umiling si Julie. “So may denial na din palang kasama ngayon. Okay, see you around”, sambit niya. Nag-akma siyang paalis na pero pinigilan siya ni Elmo.
“Wala akong dinedeny. Anong sinasabi mong nangyari?”, inulit ni Elmo.
Nainis si Julie. “Yung nangyari sa atin sa kwarto mo”.
“Yung halik, Julie?”, tanong ni Elmo.
“So yun lang pala ang nangyari sa atin, para sayo. Ouch, Elmo, sakit naman nun”, sagot ni Julie.
Napakamot ng ulo si Elmo. “Julie, yun lang naman ang nangyari sa atin eh”, pagpipilit niya.
Tinitigan ni Julie si Elmo. “Ah, so yung fact pala na nagtanggal ako ng damit at—-“
“At ano, Julie? May naaalala ka bang nangyari sa atin?”, tanong ni Elmo sa kanya.
Natigilan si Julie, at nag-isip. Sa totoo lang, yung pagtanggal niya ng butones ng damit niya ang huling naaalala niya. “Akala ko…”
“Yan kasi eh, akala kasi, Julie. Akala mo merong nangyari. Yun ang akala mong rason bakit kita iniwasan?”, tanong ni Elmo.
Umiling si Julie. “Ayan, inamin mo din na iniwasan mo nga ako”.
“Wag mong baguhin ang usapan, Julie. Sa tingin mo talaga ganun ang pagtingin ko sayo? Na kung sakali man na may nangyari nga sa atin nung gabing yun eh hindi na kita papansinin pagkatapos kasi, ayon sayo, nakuha ko na ang gusto ko?”, tanong ni Elmo.
Umiling si Julie. “Okay, fine, sorry for assuming! Eh bakit mo nga ako iniwasan?”, tanong niya sa binata.
Natigilan naman si Elmo at napatingin sa sahig. “Kasi nahihiya ako sayo. Na ikaw pa unang nagkalakas ng loob na magtanong tungkol sa nararamdaman ko para sayo. Ikaw pa ang unang gumalaw, imbes ako, na lalaki”.
“Eh so anong balak mo ngayon?”, tanong bigla ni Julie makalipas ang ilang minutong katahimikan nilang dalawa.
“Ito”, sambit ni Elmo, sabay halik sa labi ni Julie. Matagal ngunit marahan lang ang paghalik niya sa dalaga. Inilagay niya ang isang kamay sa mukha ni Julie, at ang isang kamay naman sa bewang nito. Si Julie naman, inilagay ang parehong kamay sa balikat ni Elmo.
Nung matapos ang halik, nagtitigan lang silang dalawa.
“Ano nang mangyayari ngayon, Elmo?”, tanong ni Julie.
Nagkibit balikat si Elmo. “Gusto kita, gusto mo din ako, sabi mo diba?”
Tumango si Julie sabay buntong hininga at tingin sa sahig.
Nagtaka si Elmo sa reaksyon ni Julie, pero nagpatuloy siya. “So pwede ba natin subukan yung tayo?”, tanong niya.
Tumingin si Julie sa kanya. “Akala ko kasi ayaw mo na ako, Elmo. I’m sorry. Huli ka na. May boyfriend na ako”. Binitawan niya si Elmo at dali-daling umalis.
Nakanganga lang si Elmo habang pinapanood na lumayo si Julie. Sinampal niya ang sarili niya. “Ang tanga mo kasi eh. Ang bagal mo, ang torpe mo. Ayan, wala na tuloy siya.” Damang dama niya na nasa huli ang pagsisisi.



