Hello!
Tumblr is where tens of millions of creative people around the world share and follow the things they love.
Sign up to find more cool stuff to follow“Instead of worrying about your upcoming exams, start studying. Instead of stressing yourself with the papers you need to submit, start writing. Instead of complaining how hard college life is, start doing something to lessen the burden. Above all, keep your faith on God who's the source of wisdom. ”
—Iya :)A weekend worth reminiscing
Before the last weekend came, sobrang clouded na ng utak ko with my acads and with my service. Ang daming dapat gawin. Ang daming dapat gawin sa service ko. Sobrang functional na. Ang daming school na bubuksan. Ang daming school na immaintain ang high school based. Sa acads, ang daming mga subjects ang tagilid ang standing ko. Ang malala pa, nagexam ako nung monday last week on one of my subjects. Nalaman ko lang na mageexam ako nung morning of that day. Mga 9am. Eh di aral na ako. Pero sobrang nanlumo ako nung nalaman ko na 70% or better ang kailangan ko para makapasa on that subject. Eh hello?! seasonal yung subject. 1st sem lang offered. PAK! Eh di kapag bumagsak ako dun, delayed na ako for graduation. Eh di iyak na ako ng iyak. Tapos nakita ako ng nanay ko na umiiyak. Tinanong ako kung bakit. Sinagot ko yung tanong niya. At napadpad na naman kami sa pagtigil ko sa YFC. Haha! Oo. Matagal na yang usapin sa aming dalawa. Since high school pa. Sobrang tagal na diba? Ilang taon na din. Ayun. Pero natapos ang usapan namin sa pagsasabi niya na galingan ko lang. Wag kong isipin kung ilan ang kailangan kong score para makapasa. Sagutan ko lang lahat ng kaya kong sagutan. :) After ng exam, confident ako. Nadalian kasi ako. Ang sabi ko na lang, sana magreflect sa score ko yung naramdaman kong dali sa exam. Haha! Nagpractice na kami ng showchoir for the Regional Youth Conference ng Southern Tagalog nung remaining days ng week na yun. And then…
RYC NA!
Ang pinakahihintay namin. Hindi lang dahil sa laban na pero dahil excited ako sa talks at worship. Eh di ayun. Syempre, una yung competitions. Nalaman namin na last kaming magpeperform sa lahat ng showchoir. Eh di kabado kami habang pinapanood yung ibang showchoir. Magagaling din sila. Halatang nagpractice talaga. Eh kami, wala namang 2weeks ang practice namin. Haha! Tapos turn na namin. Bago kami pumunta sa side ng stage, nagdasal na kami. Pero sa sobrang kaba namin, nagyaya yung isa naming member na magdasal ulit. After ng dasal namin, nabawasan ang kaba. Tapos nakita namin sa field na madaming nakadilaw na shirt. Nakadilaw kasi ang Laguna nun. Naoverwhelm lang ako na ang dami nilang magccheer para samin. Tapos ayun. Akyat na sa stage. Unang step palang, naalala ko yung RYC 6yrs ago. Nun kasi yung huling beses na umakyat ako sa stage ng RYC. Tandang tanda ko pa yung feeling ko nung mga oras na yun na umakyat ako sa stage. Yun din ang naramdaman ko this time. Masaya na hindi mo maintindihan. Tapos tumugtog na yung minus one namin. Nawala lahat ng kaba. Parang may bumuhat nung mabigat na pakiramdam ko para saken. Perform lang kami ng perform kahit hindi namin naririnig yung boses ng mga kasama namin. Tanging boses ko na lang ang naririnig ko nun. Pagbaba namin ng stage, sigaw na lang kami ng sigaw sa saya. May mga lumapit na nagsabi na ang galing galing daw namin. Ang ganda ng performance namin. Ang tanging nasabi ko na lang ay ‘Salamat.’. Hindi ko naman kasi alam kung snong isasagot ko. Nung gabing yun, ang saya saya nung unang nagtalk. Para lang kaming nasa comedy bar sa pagpapatawa niya. Pero sobrang malaman yung mga sinasabi niya. Nakakatuwa. :) Yung sunod na talk, eto yung mabigat! Sobrang malaman yung talk. Na sa kada sasabihin ng speaker eh tatamaan ka. Ang tumatak sa isip ko na sinabi nung speaker ay “Don’t let your emotions overpower your faith. Kasi kapag pinairal mo ang emosyon, talo ka,” Sobrang tinamaan ako dito. Masyado kasi akong emotional this previous sem. Ayun. The next day, may talk ulit na isa pa. Ang tumatak naman saken na sinabi nung speaker ay “Pwede kang mapagod at magpahinga. Pero hindi ka pwedeng umayaw.” Dito ko talagang niyakap ang service ko ngayon. Na kahit ano pa ang bagyong dumating sa buhay ko, hindi ko to bibitawan hanggat hindi ito binabawi ni Papa God saken. :) After nun, announcement of winners na ng competitions. And ayun. Binigay ni Papa God samin ang karangalan na ipakita siya sa buong bansa. Nanalo kami. Irerepresent namin ang Southern Tagalog sa Aklan next year. :)
Fast forward! Pagkauwi…
Tiningnan ko kagad yung grade ko sa nagiisang subject na hinihintay ko. 70% ang kailangan ko pero 81% ang nakuha ko. Grabe lang talaga. Napaiyak ako nun sa saya. Una, yung pagkakapanalo namin sa showchoir tapos yun namang pasadong grade sa subject na yun. Parang lahat na ng maganda, nangyari nung weekend na yun. Ang saya saya talaga. :) Sobrang blessed ako ni Papa God kaya dapat iparamdam ko din sa mga members at sa mga kasama kong leaders yung pinaramdam Niya saken. Sabi nga nung conference, we have to be, love, and live like Jesus. Naisip ko na I will be an inspiration and motivation for the YFCs in my area. Kasi siya ang inspirasyon ko at ang dahilan kung bakit ako nagpapatuloy sa mga gawain na ibinigay niya saken. :) Excited ako sa darating na sem hindi dahil graduating na ako kundi dahil alam ko na may experience ako last weekend na pwede kong balik balikan at gamiting inspirasyon sa pagaaral at pagseserve ko sa Kanya! :)
TEXT MESSAGE.
Your prelim grade in BLAW101 is
*insert grade here*
Natanggap ko yan kanina, 02:01:48pm. Mula sa isang ‘di kilalang number na I presumed eh sa secretary ng prof namin. Grabe lang… as in graaaaaaaaabe lang. O.o hahahaha!
Wala ako masabi, ang baba ko. Pasado ako sa CS nung huling update, pero ang baba pa din ng grade ko. Hula ko, nakaapekto dito yung long quiz namin na may 15-point question na nagsasabing “Write Romans Chapter 12”. Mas matindi pa dito, ALL OR NOTHING yun. Pag kulang ng verse, zero ka na. Naawa naman si sir, naglagay siya ng clue sa test paper. Nilagay niya yung buong Romans 12. Ang kaso, 3” lang ata ang font size. Grabe. :O Nakasampung verses lang ako out of 31. Haha.
So ayun, wala nga akong points na nakuha dun. Grabe lang.
Pero hayaan na, may midterms at finals pa.
Hanggang wala pa ang final results, may pag-asa pa. :)
BABAWI AKO! BLAW101, HUMANDA KA!


