~pagod

HA HA HA. Ako ba ni minsan naisip mo? Naisip mo ba na nasasaktan ako kase nababalewala mo ako? Habang nag-papakasasa ka sa pag-mamahal niya na alam mong hindi niya kayang ibigay, ito ako, naghihintay sayo, na sana ako naman yung mapansin mo. Pagod na ako. Pagod na pagod na akong mag-tiis. Pagod na akong maghintay. Pagod na akong mabalewala. Pero sino nga ba naman ako para mag-reklamo di ba? Wala naman ako sa lugar para mag-reklamo. Kase kaibigan lang ako.

Sobrang miss.

Isang oras kada araw lang kami mag-usap ngayon ni sh kasi 12 hours siya sa trabaho. Minsan nagtatampo ako kapag hindi siya nakakagising ng maaga (4 AM sa oras nila) kaya hindi na kami nakakapag-usap. Pinipilit kong intindihin na sobrang pagod siya sa work at halos wala na siyang tulog pero parang hindi kasi nabubuo ang araw ko kapag hindi ko man lang siya nakausap kahit saglit. Siya ang bestfriend ko. Sa kanya ako pinakakomportableng magkwento (bukod kay mama) ng kung anu-ano.

Nung isang araw, ang aga kong nakatitig sa Messenger tapos after more than 1 hour, nagmessage siya ng, “Halah sorry sh, kakagising ko lang. Hindi tumunog ‘yung alarm. Sorry na po. Maliligo na ako. I love you.” Nalungkot talaga ako. Tapos nagdeact ako sa FB. (Ang OA ko. Haha!) Edi kahapon ng umaga, inactivate ko ulit kasi alam kong magmemessage na siya tsaka hindi ko rin lang siya matiis. Tapos nakita ko, online na siya. Ang saya ko. Hihi. Pero hinintay kong siya ang maunang magmessage. After 30 minutes, wala pa ring message. Iniisip ko, baka hinihintay niya rin akong magmessage. Tapos tinignan ko ‘yung phone ko, naempty pala. Chinarge ko sabay switch at may message dun, “Sh, blinock mo ata ako sa FB tapos nakapatay pa phone mo.”  Edi minessage ko na siya sa FB, “Hindi kita blinock.” Nagreply siya ng, “Bakit hindi kita maiwanan ng message kagabi?” Sinabi ko na nagdeact ako. Pabebe lang. Haha! Nagsimula na siya magkwento sa mga nangyari sa work niya hanggang sa naisipan naming mag-Skype.

Habang nag-uusap sa Skype, bigla na lang akong napaluha.

SIYA: Sh, bakit ka umiiyak? 

AKO: Wala.

SIYA: Miss mo na ako noh? Miss niyo na ako ni baby?

AKO: *Iyak pa rin*

SIYA: Sh, tama na please. Pasensya ka na po talaga ha. Sinasagad ko po talagang magwork para makaipon ng pamasahe. Piipilitin kong umuwi sa Sept para sa inyo ni baby. :)

Alam mo ‘yung pakiramdam na kahit sobrang hirap ng work niya, ikaw pa rin ‘yung iniisip niya. Lahat ng ginagawa niya, para sa’yo at sa future niyo. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ako napagtitiisan kahit na para akong may period araw-araw ngayon. Lakas makamood swings ng preggy hormones. :)) 

Sobrang miss na kita sh. ‘Yun ang totoo. I love you hubby. :)

Good evening

Sinorpresa na naman ako ng boyfriend ko, bigla nalang lilitaw sa labas ng bahay ni hindi man lang marunong magsabi. Nakakaloka, di pa naman ako nag aayos pag nasa bahay kahit pulbos wala. Nagulat nalang ako nung sinabi sakin ni dade na nasa labas nga daw. Eto yung mamimiss ko pag alis ko, yung bigla nalang sya pupunta dito sa bahay tapos sabay kami lagi magdinner. Yung babyahe pa sya galing sa trabaho kahit pagod na din sya makapunta lang samin. Yung magkakamustahan lang kami tapos magtatawanan sa mga kalokohan namin. 6 days nalang aalis na ko, milya milya na pagitan namin tapos eroplano na kailangan nyang sakyan para mapuntahan ako dati motor lang. 😭😪

Hindi naman talaga siya nagkulang. Hindi ka lang siguro marunong makuntento.

Totoo ‘to. Masakit pero totoo. Minsan kasi, hindi naman tayo yung biktima sa isang 'di matagumpay na relasyon. Kadalasan, tayo pa nga yung nagbibigay ng rason para bumitaw yung taong nagmamahal sa'yo. Yung tipo bang marami tayong expectaions at requirements para masabi nating masaya yung relasyong mayroon kayo. Kadalasan, hindi natin nalalaman na TAYO NA PALA ANG DAHILAN kung bakit tayo iniiwan ng mga taong mahal natin, kung bakit nila pinipiling umalis at 'di na magpatuloy pang magmahal.

Oo, tayo ang may kasalanan. Kung hindi lang siguro natin hinahanap yung wala naman talaga, kung marunong lang tayo um-appreciate ng mga effort na kaya lang niya, yung kung marunong lang tayong magtiwala at 'di maghinala, siguro okay sana ang lovelife natin ngayon.

It takes two to tango. Sa isang relasyon, dapat dalawa kayo, hindi porket nasasaktan ka, hindi na siya nasasaktan. Hindi porket napapagod ka na, hindi na siya nakakaramdam ng pagod. Kaya nga may relasyon, ikaw at ako, at may salitang tayo. Saluhan dapat kayo. Kapit kayo sa isa’t isa. Hindi yung may problema na nga, nagsisisihan pa, nagtuturuan pa, nagsusumbatan pa.

Ang mga ingredients lang naman ng isang masayang relasyon ay pag-ibig, bukas na isip, pagtitiwala, pag-unawa, pagpapatawad, pakikinig at pag-uusap.

Pra te conquistar eu tentei ser incrível, pra te namorar, eu fui cavalheiro com você. Abri a porta do carro pra você descer, fiz um poema e botei nas flores que eu te dei. Na inocência de quem acredita no amor. Minha paixão era pra valer, todos os meus sonhos eram com você. Em matéria de amor e carinho, tava tudo certo. Mas do nada você me deixou. Quando eu coloquei um caminhão de açúcar no seu mel, você bateu asas e voou para um novo amor.

Ngayon lang ako nagkameron ng oras para mag internet. Sobrang pagod pa at antok! Pagkagaling ko kasi sa meetup kahapon, speaking of, salamat sa mga nakasama ko kahapon sa meetup, kinupkop nila ako sa tropa nila haha sina Julia, Migs, Josh, Gel, Daph, Bens, Lian at Rap, salamat guys! Haha! Masaya yung meet up! Pagkatapos umuwi na ako ng Batangas kasi may aattendan pa akong party, mga 10:00 na nakarating tas gig kasi yun edi kumanta ng dalawa tas swimming tas natulog ng mga 1:00 am tas gising kain breakfast tas umuwi ako sa amin ng mga 9 tas tulog tas ginising ako ng mga 12 kasi may movie date ang family, nuod ng FF7 tas eto umuwi na! Haaaaays! Pagod! Haha! Tas bukas may party pa ulit, ano yung pahinga? Lol

TAMU2

Una sa lahat gusto ko nang magsorry kung di ako naging ganun kasociable kahapon, pagod lang talaga ako kaya di ako masyadong nagsasalita (I tried my best naman, sa mga nakausap ko kaway-kaway) unlike nung nakaraan na medyo maingay ako. Ayun masaya sya lagi naman eh nasa blogger na yun kung pano nya eenjoyin pero sa akin masaya! Tapos madaming newbie siguro, daming new faces and yun salamat sa lahat ng nakausap ko at nagsabing “Ay ikaw pala yun!”. Thankies sa mga nakasama ko kilala nyo na kung sino kayo wahhaha and sa mga bagong friends ko! Sinubukan kong magpaka-anon hehe. Saya! salamat sa mga organizer! Hats off sa inyo! ayun lang babawi ako sa Tsamu pramis!