tunaynapogi

Ang Tunay Na Pogi Series

ANG TUNAY NA POGI, HINDI MARUNONG MAG-SELFIE.



ANG TUNAY NA POGI, HINDI UMAASA SA ARMANDO CARUSO, GOOD MORNING TOWEL LANG SAPAT NA.


ANG TUNAY NA POGI, HINDI NA KAILANGAN NG DSLR SA LEEG, LOMO LANG SAPAT NA.



ANG TUNAY NA POGI, HINDI GINAGAMIT ANG MGA SALITANG “ANG TUNAY NA POGI”

Hahaha. Wala lang. Bago ka pa mainis. Oo na, edi ikaw na pogi. Pinilit ko lang naman pataasin yung self-esteem ko. Ang sabi kasi sa narinig ko, mas madami daw naa-achieve yung mga taong mataas ang self-esteem. Eh medyo tinatamad ako kumilos today. So, sinimulan ko yung araw ko sa blog na ‘to. Haha.

Mabuhay lahat ng tunay na pogi! Mauubos din kayo soon. At kapag dumating ang araw na yun, mukha naman namin ang mauuso. HAHA.

Ang tunay na pogi.

Ang tunay na pogi, yung ihahatid at susunduin ka san mang lupalop ng mundo ka naroroon. Papakinggan nya ang kwento mo kahit pagod na sya. Hindi nya sasabayan ang galit mo. Hindi ka nya mumurahin o sasabihan ng kung anong hindi magandang salita kpag magka-away kayo.

Ang tunay na pogi, kayang mag-offer ng upuan sa nakatatanda at sa babae. Ang tunay na pogi kayang humarap sa pamilya ng minamahal nya. Ang tunay na pogi marunong rumespeto sa tao. At ang tunay na kapogian ay wala sa panlabas na anyo. Wala yan sa ganda ng gupit, mahal ng shades at cellphone, wala rin yan sa porma, sa ganda at puti ng kutis, at mas lalong wala yan sa kulay ng braces nya.


May kilala ka bang pogi?

Tumabi sa pangit, maging confident, magpabango, galingan ang pananamit, etc… Paraan Upang Maging Feeling Pogi

“MALIBAN sa nanay mo, sino pa ang nagsasabi na guwapo ka?”

Nitong nakaraang mga araw, ginulat tayo ni Kiray Celis sa kanyang mga kuha. Pag-upo na pag-upo ko, binuksan ko agad ang site na Yahoo at sumambulat sa akin ang larawan ng isang modelo. Aaminin ko, hindi ko talaga siya nakilala not until na nakita ko ‘yung name. “Ay! Si Kiray Celis pala ‘yan, bongga!” Iba talaga ang impact ng make up at tamang photography sa pagpapalabas ng gandang hindi inakala ng isang tao. Hindi naman na sinasabi ko na chaka si Kiray pero ang pino-point out ko rito ay ang kakaibang effect ng make-up at photography. Ibig sabihin ba nito, sa tunay na buhay ay pangit ‘yung mga taong madalas mag-selfie? ‘Yung iba siguro kasi umaanggulo na nga, gumagamit pa ng camera360. Tapos ang sasabihin ng mga impokrita, no filter daw, eh, ang kapal naman ng make up! Ha-ha-ha.

Eh, paano kung wala kang datung na pambayad sa mga “daya” na ‘yan at everyday, eh, gusto mong maging pogi o maganda? ‘Yan ang sasagutin natin mamaya. Lilinawin ko lang po uli, ang kagandahan ng isang nilalang ay depende sa taong tumitingin. Siyempre, kung ano ang paniniwala nilang basehan ng kagandahan o kagwapuhan ‘yun ang kanilang pagbabatayan kung pasok ba ang hitsura mo o hindi. Naniniwala akong walang pangit na tao, standards natin ang hindi maganda.

So kung feeling mo ay guwapo ka na, puwede mo nang ietsapuwerahin ang artikulong ito pero kung alam mong hindi at gusto mong maging pogi sa natural na paraan dahil wala kang datung para mag-hire ng make-up artist o kaya naman ang magpunta kay Belo, heto ang ilang tips na babagay sa’yo.

1. Tumabi sa pangit. Isa ito sa pinakasimple, walang effort at walang gastos na teknik para maging pogi. Para lang din ‘yan kung gusto mong pumayat, eh. Tumabi ka sa mas malaki sa’yo for sure liliit ka, ha-ha-ha! Sa pamamagitan n’yan, tiyak na angat ka agad.

2. ‘Wag maglagay ng foundation. ‘Di ka bakla, bakit ka maglalagay ng foundation? Tandaan na ang foundation lang ay para sa mga artista na nagsu-shoot at nagpi-pictorial para hindi sila mukhang mumu na namumutla. Eh, ikaw, may pictorial ka ba o nagte-taping ka lagi? ‘Di naman, right? ‘Wag kang feeling, hanggang pulbos ka lang. Pero take note lang, gumamit ka ng pulbos na tuyo ‘yung mukha mo hindi ‘yung basang-basa ng pawis. Magmumukha ka lang na pastilyas o espasol kapag nagkaganyan, ha-ha-ha!

3. Maging confident. Seryoso na tayo, kung feeling mo pinagkaitan ka ng kaguwapuhan, ‘wag mo masyadong damdamin, lalo ka lang papangit. Tandaan na maraming mga pogi ang nalalamangan ng mga taong mataas ang self-confident. Just chin up and be proud. ‘Yun lang, ‘wag kang sosobra dahil ang pagiging confident ay may binabagayan. Hi-hi-hi.

4. Alamin ang tamang pagdadala ng damit. Tandaan, ang fashion ay may binabagayan. Kung bagay kay Justin Bieber at iniidolo mo siya, bago mo irampa, tignan mo muna kung babagay sa’yo. Kadalasan kasi, akala mo cool ka, ‘yun pala nakakangilo ang hitsura mo at mukha kang mabaho. Kaya imbes na lapitan ka ng mga babae, iisipin pa nilang snatcher o holdaper ka. Pa-swag-swag ka pa, brief mo, nogar naman! ‘Wag ganu’n!

5. Magpabango. Ayon sa mga pag-aaral, sinasabing ang amoy ay ginagamit ng tao unconsciously para malaman niya kung sino ang ka-match niya. May amoy kasi na inilalabas ang katawan natin na mabaho sa iba pero sa ilan naman ay mabango. Pero paa sigurado, ‘wag kang umasa sa amoy na nilalabas ng katawan mo lalo na kung isang linggo ka nang hindi naliligo. Wala tayo sa Middle East kung saan the more na mabaho ka, the more na pogi ka. Joke! Ha-ha-ha. Ewan ko, ‘yan ang sabi sa akin ng pinsan kong nagtrabaho ru’n. Anyway, ang gusto ko lang namang mangyari rito ay ‘wag mong kalilimutang magpabango. Kahit hindi ka pogi, malaki ang impact ng pagiging mabango dahil kadalasan isa ang pagiging mabango sa nagpapakilig o nagpapaalala kay girl sa na-meet niyang guy.

6. Ngumiti lagi. Hindi na nga maipinta ang mukha mo, nakabusangot ka pa! Para hindi mapagkamalang nilukot na papel ang iyong mukha, matuto kang ngumiti. Bukod kasi sa iwas-wrinkles na, magiging young looking ka pa. At tandaan, kung wala kang datung pambayad kay Ricky Reyes, ang pagngiti ay da best make up anyone can wear!

7. ‘Wag ma-stress. Ang pagiging stress ay nakakapangit. Bukod sa magge-gain ng weight ang eyebags mo, babakat pa ang wrinkles sa noo mo at magkaka-pimples ka pa. Kaya para mabawasan ang tigidig sa iyong face, ‘wag kang mag-iisip ng kung anu-ano. ‘Wag mong isiping pangit ka dahil papangit ka talaga. Keep it cool, lahat ng bagay ay may solusyon pero ang mukha mo, wala. Chos!

8. Maging gentleman. Lahat na yata ng man ngayon ay gentle. In short, bading. Kaya para patunayan ang maling paratang na ‘yan, maging gentleman ka. ‘Wag kang pipikit sa jeep, LRT, MRT o bus kung may babae, lalo nang matandang nakatayo. Naalala ko tuloy ‘yung BFF ko nu’ng college. Nagkita kami sa iskul at medyo na-late siya ng dating. Ang sabi niya, nagkaubusan ng jeep pababa ng bundok dahil sa katamaran ng driver kaya naman kahit pisngi na lang ng puwit niya ang makaupo, keri na para hindi siya ma-late. Medyo mahirap ‘yun dahil pa-zigzag ang daan sa amin pababa. Eh, nangangalay na raw siya biglang tumayo raw ‘yung katabi niya at sinabi sa kanya na umupo nang maayos saka tumabi sa konduktor si kuya para sumabit. Ang sabi nu’ng BFF ko, hindi naman daw pogi si kuya pero ang pagiging gentleman niya ang nagpapogi sa kanya. Kaya imbes na magbulag-bulagan ka, try mong magpaka-gentleman, kahit pinagsakluban ng langit ang mukha mo, magiging instant-pogi.

9. Maging stick-to-one. Ang pagiging two-timer, babaero o kaya ay manloloko ay kailanman hindi nakakaguwapo. Sabi nga, these attitudes will make you look gago! Mas maigi kung sa iisang babae ka lang magpokus, ‘wag ‘yung may reserba ka. Wala kang ibang niloloko kundi ang sarili mo. Pinatunayan mo lang na bulok ka. Maging consistent ka lang sa iisa at kung may dyowa ka na, ru’n ka lang.

10. I-polish ang ugali. Iba-iba ang taste ng babae pagdating sa ugali, ang iba gusto sobrang bait habang mayroon ding gusto ng bad boy. Bad boy lang ang peg kapag crush nila pero kung pipili sila ng taong makakasama forever, gogora sila sa mababait. Gugustuhin ba nilang makapag-asawa ng babaero, sugarol, palamunin at kung anu-ano pang nega na ginagawa ng karamihan sa mga lalaki ngayon? Hindi! Never dahil masakit sa matris ‘yan. Mas gugustuhin pa nilang maging single kesa naman sa lalaking mahilig sa basag-ulo ang maging asawa nila. Tandaan na malaking pogi-points ang ugali kaya hindi mo dapat ito balewalain.

Tandaan na ang pagiging pogi ay wala sa panlabas na anyo. Madaya lang ‘yung mga biniyayaan ng magandang hitsura tapos deep inside hindi pala kayo talo. Kaya, guys, kung alam ninyong medyo pinagkaitan kayo, ‘wag kayong mag-alala. I-improve na lang ninyo ang inyong ugali at dating at tiyak na magiging pogi rin kayo sa paningin ng marami.

Ehe :“> Buti na lang talaga naisipan kong mag-inquire sa taas ng carpark! Kinilig ako sa akbay at heart figure na yan ehh.HAHAHA😍😱 @ramonbautista #TunayNaPogi 😋👍