#1

Nung una, hindi kami close. Simpleng hi hello lang kumbaga pero one day, chinat ko siya. Ewan ko pero basta dahil doon naging parang close kami hanggang sa mag-usap kami, diretsang mas naging close kami walang akwardness na halo. Naging bestfriend ko siya ng dalawang taon hanggang sa dumating yung araw na parang naging malabo, naging malabo siya ng sobra. Walang pansinan, kung meron man sobrang ang awkward tapos isang araw naging okay na naman lahat, yun pala naghihintayan lang kaming may pumansin sa isa’t isa tapos nagkahiwalay ulit kami pero hanggang ngayon, pero ganon parin yung turing namin sa isa’t isa. Yung kahit na ilang years mo siyang hindi nakita’t nakakausap, isang chat mo lang sa kanya parang andun siya ulit, yung parang kahit ilang years na wala siya agad mong malalaman kung ano, pano, at nasan siya ngayon. Yung talagang parang walang nagbago. ang sarap lang ng mayrong ganoong kaibigan.

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video