My bud's work

I.(Panimula)

Isipin ka sa aki’y pangmagdamagan
Daanan ka’y balakid aking kalaban
Ibigin ka’y tunay na pangmatagalan
Asahan mong ika’y aking mamahalin,
Titingalain kagaya nila kasi;

II.(Katawan)

Kilos mo’y malumanay, walang kapantay
Mahiyain at tahimik, ‘di ako sanay
Mahinhin ang tono, banayad ang kamay
Ika’y mamahalin, lahat iaalay
Ikaw nga marahil si Maria Clara

III.(Katawan)

Bituin sa langit, sungkitin ng lahat
Tingkad iyong kulay, sa iba ay angat
Bulaklak nais pitasin, walang lamat
Malugod na ngiti sa akin na’y sapat
Ganda mo’y kagaya ni Marian Rivera

IV.(Katawan)

Hugis maalindog, pang-mulat nang mata
Labi mo’y matamis, nais ko ang lasa
Indayog ng hugis, pang-gising sa diwa
Init sa gabi, nais ko sa umaga
Alindog mo’y tulad ni Ellen Adarna

V.(Konklusyon)

Subalit hindi na sila kailangan
Kumpara naman sa iyong kagandahan,
Tunay na wala na dapat basehan
Kundi sa iyong pagiging karaniwan,
“Payak na pananamit, simpleng pag-galaw
Tama mong postura, pag-ibig na apaw”
‘Di ipagpapalit, nag-iisang ikaw.

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video