"Hello?"
“Sino to?”
“Ah, eh, si ano. Blogger.”
“Ay, hello! Ano nga url mo?”

Hindi ko akalain na dito magsisimula ang lahat. Akala ko, isa ka lang din sa mga dadaan sa buhay ko. Akala ko, isa ka lang din sa mga so-called “One day friend” ko. Akala ko trip lang ito. Akala ko normal na bagay lang ulit. Pero hindi pala.

Dito tayo nagsimula eh. Ganito yung moment na hindi ko lubos akalain na magiging espesyal ka sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero ang gaan ng loob ko sayo. Para bang ang tagal tagal na nating magkakilala. Gaano ka kaya tatagal sa buhay ko? Aabot ba tayo ng isang taon, eh long distance tayo.

Pero pagkalipas lang ng ilang buwan, nawala ka na. Wala na yung mga Goodmorning-Kumain ka na-Goodnight-I love you messages mula sayo. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero nawala ka lang bigla na parang bula. Hindi ko naman alam kung saan ka hahagilapin, basta ang alam ko, masaya ako pag kausap kita. Pag ba tumawag ako, sasagutin mo? Kahit.. Isang hello lang, magiging masaya na ako. Nasaan ka na kaya, blogger? Miss na miss na kita. Namiss mo din kaya ako? Isang hello lang oh, sana mapagbigyan mo ko.

  • Buti pa ung elevator may "GF"
  • Welding na lang ang may sparks
  • Be careful with my heart nalang ang nag tatagal
  • Kanta nalang ni chris brown ang may forever
  • Aso nalang ngayon ang marunong maging loyal
  • Pentel nalang ang permanent
  • Pimples nalang ang hindi nangiiwan
  • Kalendaryo nalang ang may date
Kung ang tinapay nga na iniwan sa mesa may kumukuha, yun pa kayang bagay na mahalaga sa’yo? Wala nang tatagal sa panahong ito. Kaya kung may iiwan ka, siguraduhin mong hindi na iyon mahalaga.

Akala ko kasi talaga tatagal tayo eh. Akala ko aabot pa tayo ng birthday mo tapos ngayon pa nga lang may plano na dapat ako. Tapos akala ko din double celebration yun kasi 8 days later monthsary natin. Tapos eksakto nasa indonesia ako nun pero I’ll try to catch up with you, naisip ko na yun eh. :( Akala ko pa makakapag-celebrate tayo ng monthsary natin sa bisperas ng pasko. Kapag naiisip ko yun, siguro sobrang saya natin nung araw na yun. Akala ko magkakasama pa tayo sa araw na yun. Tapos isang buwan na lang sana after nun anniversary na natin. :( Ghaad naiiyak ako. :( Bakit kailangan matapos nang hindi inaasahan?

Minsan namimiss ko magkabestfriend.

Okay wag nyo na basahin to. Gusto ko lang nakapost sya sa blog ko.

Kung kilala niyo si supladongtamad, malamang kilala nyo yun, famous yun eh. Boy bestfriend ko yun, alam yan ng mga blogger na naabutan pa na ako si soulmatengbayan. Kung tutuusin, perfect boy bestfriend sya eh. Kahit malayo siya, kahit di araw araw nagkakausap, andun kasi yung magc-catch up talaga kami kapag hindi na busy. Grabe kami magusap nyan, hanggang 4am. Sobrang protective at caring. Yung standards para sa isang boy bestfriend nasakanya na. Seryoso. 2 years kaya kaming naging magbestfriend, saya diba? At proud ako doon NOON kasi ako yung tipo ng bestfriend na madaming bestfriend, pero nung naging bestfriend ko sya, siya lang talaga naging bestfriend ko. Akala ko tatagal pa yun. Kaso, yun nga. Nalaman ko na niloloko nya lang pala ako. Niloloko nya tayo. Nakaka-asdfghjkl yung ganon, kasi naging totoo ako sakanya. Sobra. Tapos malalaman ko na pinapaikot nya lang ako, pinaglalaruan. Nakakagalit. Kaya wag kayo magtaka bakit hindi na sya nago-online. 

Nagkaron din ako ng dalawang girl bestfriend, pero yun nga. Ngayon hindi na. Yung una ko kasing bestfriend, wala eh, nawalan nalang talaga bigla ng “friendship connection”, grabe na yung mga misunderstandings na nangyari, tsaka kasi nagka-something sakanila ng ex ko, tapos nagkagusto din sakanya yung isa kong ex, hahaha ayoko ng ganun, ayoko na yung bestfriend ko magmumukhang sinalo kung anong tinapon ko. Pero okay naman kami ngayon, friends pero hindi tropa. Siguro kasi hindi na maia-alis yung awkward na usapan tungkol sakanila ng ex ko, lalo na ako padin kasi yung last gf ng ex kong yun, naudlot yung kanila. Okay di ko na kkwento yun. Yung isa naman, ayun boyfriend nya yung ex ko na nagkagusto sa una kong bestfriend. So magulo to, at nung una hindi talaga ako kumportable, sobrang naiilang ako, kasi nga ayoko ng ganon, diba? Napunta na yung ex kong yun sa una kong bestfriend, tas ngayon sila na. Hindi ako against kasi bitter ako or di pa nakakamove on, hindi ako kumportable kasi dumadating talaga yung oras na inaasar kami, sobrang pangaasar, na dating bestfriend ko yung girlfriend ng ex ko. Oo siguro panget tignan kasi mukhang pinagpasahan, pero anong magagawa ko? Mahal nila isa’t isa, at masaya naman ako ngayon, sobra. Pero hindi yan yung dahilan kung bakit hindi na kami magbestfriend ngayon. Sabihin na nating, napalitan ako ng hindi sinasadya, nagkaron sya ng ibang bestfriend. Hahahaha, masakit yun brad. Yung akala mo okay sya sayo, masaya sya na ikaw bestfriend nya, tas malalaman mo na hindi na pala ikaw. Sama ng loob ko nun, tapos naisip ko, wala hindi na. Ayoko na magbestfriend. HAHAHAHA. Time out na talaga ako sa ganyang bagay. Pati ba naman sa pagkakaibigan, ako padin naiiwan? Hands up na ko.

Kaya ngayon, may ‘bestfriend’ kuno ako, pero di talaga sya mac-consider na bestfriend na totoo pa, kasi hindi ko pa sya ganon kakilala tho tropa ko sya, at hindi padin nya kasi ako ganun kakabisado, wala petiks ako. Wala akong bestfriend na pang-all around. Lalaki man o babae. Ayoko na muna, hindi pa ko handa sa susunod na pain na dulot ng friendship, siguro nawala yung wall ko pagdating sa love, pero sa friendship? Andyan padin siya. Awat na muna, tama na. Kaso minsan, okay madalas. Namimiss ko magkabestfriend, nakakamiss yung may tao kang lalapitan kapag may problema ka, yung mal-lait mo, matatanga mo, mab-bully mo, pero ayoko. Ayoko talaga. AYOKO NA. Hahahaha.

Madalas ito talaga dahilan bakit ako malungkot, kasi wala eh, nakakalungkot lang na yung mga taong pinahalagahan ko, ganito nangyari/ginawa sakin.

anonymous said:

Dahil naman sa mga sinusulat mo, marami kang natutulungan. Mas nakikilala ka namin, hindi ka nahihiyang ipakilala 'yung totoong ikaw. Sinasabi mo man na hindi ka mabuting tao, para sa akin, totoo ka naman. Ayun ang mahalaga, magpakatotoo ka sa sarili mo at sa nararamdaman lalo na sa mga taong nakapaligid sa iyo. BIlib ako sa iyo, sobrang tatag mo kahit ang dami dami mong pinapasan at iniisip. Magiging ayos din ang lahat, tiwala lang. :)

Putangina, para mong ibinalik ang oras at binuong muli ang mga pira-pirasong parte ng puso’t pagkatao ko na matagal nang nakahimlay sa kalawakan. Kung tutuusin, hindi ko naman talaga hinihingi na magkaroon ng taong katulad mo sa buhay ko, pero mas maganda pala na nandyan ka nang paminsan-minsan ay naipapaalala mo sa akin na kahit papaano ay may halaga ako sa buhay. Hanggang ngayon gusto kong itanggi na marami akong problema pero sa tuwing inaalala ko eh natatauhan ako’t naaalalang kasing dami ng problema ko ang problema ng bawat tao sa mundo.

Maraming salamat sa mensahe mong ‘to. Sobrang wala na ko sa wisyo ngayong gabi dahil unang-una ay kulang na kulang ako sa tulog at hindi pa ko tapos sa script na sinusulat ko, pero heto at pinapalakas mo ang loob ko. Kanina lang ay umiyak na naman ako. Hindi mo alam kung papaano mong napapagaan ang bigat sa puso ko dahil lang sa simpleng mensaheng ito. Sobra-sobra na ito.

Salamat. I love you.

Bullshit.

Yung hindi pa rin maganda yung pakiramdam mo kaya iniisip mo ba hindi pumasok, tutal isang oras lang naman class mo. Pero nung nalaman mong pupunta siya sa school. Hala sige arriba! Pumasok ako agad. Yes naman diba? Tas biglang di pala siya mag tatagal sa school. Mga 11:40 nasa school na siya, tas umalis din siya ng mga 11:50. Tang ina no? Gumaganti ka ba? Good job! Ang galing! Ang galing galing mo! :))

To your 51st..

Hi, Pa. Happy 51st Birthday. Di ka naman mukhang 51. Mga 50 lang. Mehehehe.
Anyway, sana kung nasaan ka man ngayon, masaya ka. May nakapagsabi na bumalik ka ng Saudi. Ewan. Bahala ka. Pero lagi ko pa rin ipinapanalangin na sana okay ka, na masaya ka at sana may makilala kang tao na maglalapit pa lalo sayo sa Diyos. I never wished you bad luck.
Hindi tayo naging masaya pare-pareho nina Mama. Yung panahon na iniwan mo kami, yung panahong nag-astang binata ka parin, oo, maaaring nag-enjoy ka. Pero I know, deep inside your heart, nababagabag ka kahit papano.
Okay na si Mama, Pa. Masaya rin siya. Ang tatag nga niya eh. Nakakabilib nga. Almost 19 years siyang nasa iba-ibang bansa para lang buhayin ako. Ng mag-isa. Ng walang tulong mo. Malas mo lang talaga, pinakawalan mo pa si Mama.
Okay na rin naman ako ngayon. May mga oras lang talagang nagbe-breakdown na ko dahil sa pagod, dahil sa sakit. Halo-halo na kasi tapos walang pamilyang sumusuporta. Kulang, Pa. Kahit pa sabihin nating maganda yung buhay ko ngayon at nabibili ko yung gusto ko, kulang pa rin. Kase yung kulang, hindi na kayang tumbasan ng pera. Kase, ikaw, kayo ni Mama yung kulang.
Ayoko na sanang balikan pa to. Ayoko na sanang isumbat lahat. Pero naghahalo kase yung galit at pagmamahal ko para sayo. Palaging nangingibabaw yung pagmamahal ko sa tuwing wala ka. Pag nandito ka naman, galit ako. Wahaha. Wala eh. Pero kahit ano pang idada ko. Isumbat ko man lahat ng katarantaduhang nangyare sa buong buhay nating tatlo, in the end, mahal pa rin kita. Tatay kita eh. Sabi nga nila, pagbali-baligtarin man ang mundo, tatay pa rin kita.
Naghihintay pa rin ako dito sa pagbalik mo. At asahan mong tatanggapin na kita. 51 ka na, oy. Aalagaan nalang kita, wag na mambabae, uugod-ugod ka na. Oras na para alagaan na lang kita. You were never nice. I’m not nice anymore but I still can be whenever I want and I choose to be when it comes to you.
Happy birthday. I love you.

August 24, 2014

Argue kami ni Baby kanina. Masyado lang siguro akong nag overreact sa nasabi niya. Iyakan kami pareho. Haha! Di namin aakalain na iiyak kami agad. Wala lang, di ko lang kinaya din. Ayoko din ng nagaargue kami. Mga 10-15 mins lang naman yung argument namin at iyakan tapos sorry na siya. Pareho kasi namin hindi kayang tatagal kami ng ganoon. Ewan ko lagi kaming pareho sa most ng bagay.

Ang sabi mo,
pinipili mo ang pagkakaibigan nating dalawa

dahil alam mong doon tayo mas tatagal —
Anong nangyari?

Ikaw at Ako

Naranasan mo nang masaktan, ako din. Naranasan mo nang maiwan, ako din. Naranasan mo nang ipagpalit sa iba, ako din. Kaibahan lang, ikaw gusto mo noon gumanti, tapos ako.. wala. Pachill-chill lang. Kasi alam ko na yung sakit na pwede madulot nun sa iba, kaya ayoko gawin sakanila. May mga nasaktan ka na. Ako? Oo. Pero hindi tulad nung akala ng iba na ginawa ko din yung manloko, ganun. Iba yun. Nakasakit ako ng feelings ng iba kasi nireject ko sila. Kasi simula nung iwan ako, sinabi ko sa sarili ko na “ayoko na talaga muna ma-fall..tutal wala rin naman talagang makakapag hintay sakin. Tatlong taon. Tatlong taon pa kong hihintayin. Sino bang tatagal ng ganun diba?”

Tapos bigla kang dumating. Nung una, okay lang. Akala ko loko-loko lang, landi lang. Wala sa isip ko na magiging ganito tayo. Wala akong alam na magseseryoso ka pala talaga at seryoso ka na. Akala ko nung una nag-e-effort ka para magmukhang kapani-paniwala yung mga ka-sweetan mo. Totoo na pala. Ngayon, wala sa plano ‘to. Siguro nga, will na ni God satin ‘to. Siguro nga, sinadya na niya ‘to. Biglaan lang tayong nagkakilala, who would have thought we’ll be like what we are now? Oo, aaminin ko, special ka sakin. Sobra. Pero naguguluhan pa ko. Natatakot pa ko, na baka isang araw mangyari ulit lahat ng nag-cause ng fear sakin. Natatakot ako na baka isang araw maka-hanap ka ng iba. Natatakot ako na baka magsawa ka bigla. Natatakot ako na baka isang araw bawiin ka sakin. Lagi mo nga sinasabi sakin na, you will wait until I can finally trust again and lift my fears away. Gusto kong pang-hawakan pero ayoko mag expect. Ayoko kasi, kapag ginawa ko yun at hindi natupad..ako ang masasaktan. Ako nanaman ang taya, ayoko na maging taya sa laro. Bukod sa mahirap, masakit. Sobrang sakit. Pero wag kang mag-alala. Kapag dumating yung oras o araw na ayaw mo na, pagod ka na o di kaya eh sawa ka na sa kakulitan ko, sa drama ko, sa mga pangaasar ko.. Wag ka magdalawang isip na sabihin sakin, iintindihin ko. Pipilitin kong intindihin. Maiintindihan ko. Sabihin mo lang agad, para kahit papano hindi ako maiiwan na mag isang kumakapit tapos wala na palang nakakapitan. Para na din makapag-pasalamat ako sa lahat ng oras, panahon at pagod na ginugol mo sakin. Para narin mag-sorry sa mga panahong yun na naaksaya mo sakin.

Pretty boy! Yan yung latest picture natin together and guess what, ang tagal na neto! 4th monthsary na yata natin to na hindi magkasama. Grabe nakakalungkot pero alam mo ang saya saya ko pa rin kasi kahit hindi tayo nagkikita twing monthsary natin, heto pa rin tayo! Ang tatag pa rin natin. Grabe ang tagal tagal na nating hindi nagkikita kahit sa skype or videocall man lang!! Nakakalungkot. Ang sakit grabe. Miss na miss na kita alam mo ba yun? Jusko jusko gusto kong lumipad jan loljk ikaw lumipad dito! Boses mo lang napapakinggan ko pero di sapat yun. Gusto na kita makasama, gusto na kita makita, gusto na kita mahawakan. Mygahd naiiyak na ako rito!! Halika nga rito, hug moko kahit 5seconds lang :( Okay okay tama na. Ayoko na maiyak! Ilang away na nagawa natin neto lang buwan pero inabot pa rin tayo ng ganto katagal. Sana naman wag mo makalimutan na monthsary natin ngayon, masaquette eh :( wala akong masabi jusko jusko gusto ko lang na pumunta ka rito dali lipad ka :( Chararat! Basta take care of yourself habang wala ako jan. Wag maghahanap ng babae kung ayaw mong masapak tsaka gawin ko yung pinakita ko sayo sa fb! Hahahahaha seryoso ako dun :p ayun Iloveyou baby. Iloveyou and I will never stop choosing you. I am so in love with every living cell you have in your body. There is nothing I haven’t fallen in love with once again today. Everyday, I love you more and more than yesterday. You are my downfall. You’re my escort. You’re my sweetest distraction, my rhythm and blues. Iloveyou okay? Happy monthsary! :’)

dakilanggerlpren said:

dear daphne,

Hi po! *kaway kaway* \( ^ - ^ ) Hindi po kasi tayo madalas mag usap eh kaya di ko po kayo masyadong kilala. xD Pero *suot shades* ayon naman po sa aking obserbasyon eh ayos naman po kayong blogger. * - * Ang puti po ninyo anong sabon ninyo? Ma try nga minsan. :o Atsaka pag tibayan pa po ninyo ang relasyon ninyo ni kuya. Hindi po kasi lahat nag tatagal *ika nga nila walang forever* at sobrang swerte ninyo na nakatungtong kayo sa ganyang kalagayan. So keep it strong pa po. Magandang gabi po. 

Ako yung mukhang tigasin, ikaw yung mukhang malamya. Pero ang totoo, ako yung boring, at ikaw yung palaging masiyahin. Madalas napagkakamalan tayong magkapatid, at minsan talaga mukha tayong weird. Pero masaya sobra, kasi ikaw ang kasama ko.

Hindi tayo yung perfect couple, at minsan (madalas) tayong nagkakaroon ng tampuhan, pero sana, kung kaya natin, patagalin natin ha? Ipagpepray ko. Tatagal tayo.

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video