sweetanes

"I know you find it corny but I still like to do it. It was an awesome three years." - @wincyaquinoong
You succeeded in two things today, Wincy: 1. Being corny and 2. Making me feel special, lahat ng nakakakita sa office eh naswi-sweetan sa yo, miski yung mga lalaki. Yessss. Thanks for being so sweet!
LOVE YOU FOREVS #ValentinesCheese #VSCOcam (at TBWA\SMP)

Senang melihat orang lain bahagia :)
  • A:ni kadonya udah sampe, gila. Niat dan so sweet abis!!
  • B:seneng ga?
  • A:seneng bgt anjir!! Langsung dikirim dari penulisnya pake kata-kata segala lagi.. Niat bgt deh maneh! Aaa seneng, so sweet bgt sih jadi anak ga ngerti lageehh
  • B:bersenang-senanglah skrg, karena kalo gw udah punya pacar ntr gw males so sweet so sweetan lg sama lo
  • A:ah angger... Maneh mah SSJ!! So sweet So sweet JUDES.
Mushy

Sabi ko dati ayoko ng mushy o sobrang sweet na nakakadiri na. Ni ayoko nga yung tatawagin akong “baby” eh. Eww para sakin yun. But things have changed.

Kami ni Joax yung relationship namin parang barkada lang. Madalas basagan pero minsan hinahanap ko yung sweetness. Gusto kong maramdaman yung ganun. Yung para akong prinsesa talaga. Hindi naman siguro nakakaumay kung paminsan-minsan lang diba? Kahit man lang yung makita ko siyang kinikilig talaga o excited akong makita. Hay. Laslas na tayo pre.

Nakakalungkot kasi di na raw siya ganun. Mas trip na raw niya yung bestfriend-lover set up. Maganda naman talaga yun. May panahon sa lokohan at ka-sweetan. I should accept that kasi yun na siya ngayon.

But sometimes, I just really hope that he’d be sweet the way he was before we became an official couple.

Tae ka-sweetan niya nun sa chat o sa personal. Tipong mapapa-nganga ka kasi di ko alam irereply mo dahil sa sobrang kilig.

I wish.

anonymous asked:

Ano ba sa tingin mo pag may isang taong nagpapakita ng motibo saiyo tapos nalalaman mong may nilalandi siyang iba pero ang sweet niya sayo. Nag a i love you, basta ang sweet niya e nakakakilig yung ka sweetan niya pero nakakainis yung mga issues na may nilalandi daw siyang iba maliban sa akin.

Ang mga babae madaling ma fall sa mga lalaking magaling magpa sweet sweetan. Totoo man ito o hindi. Pero dapat alamin mo kung talaga bang may nilalandi siyang iba maliban sa’yo, wag kang basta bastang maniniwala sa iba lalo na pag walang proof. Pero siyempre kelangan mo ring mag ingat, wag kang masyadong ma attache sa kanya para sa huli hindi ka masaktan. Pero sana hindi naman siya nagloloko. :)

Single Ako. May angal ka?!

Buti pa ang kutsara, may tinidor. Ang dobol, may yu. Si B1, may B2. Si Agnes, may Xander. Eh ako? Wala. (!) Di ko naman sinasabi na #foreveralone ako. I love my life! (really?!?) Masasabi ko namang successful ako sa kung ano ang stand ng career ko ngayon. I have my family and truest friends with me, kaso masisisi niyo ba ako kung sa tuwing nakapila ako sa terminal ng van pauwi eh naiisip ko kung ano ang feeling ng may jowa? Minsan, nanadya talaga ang tadhana eh. Di lang niya ipapamukha. Isasampal pa niya sa mukha mo na SINGLE KA! Pagitnaan ka ba naman ng mga “kopols” (bitter lang teh?!) na kung magswit-sweetan eh daig pa ang panutsa sa tamis. Yung totoo. Single here! Respeto naman ng slight. Konti lang!

Minsan din naiisip ko, ano ba yung feeling na may babati sa yo everyday ng “Good Morning! 😊” o magtatanong sayo na “Kumain ka na ba?”. Ano naman din kasing silbi kung may tatlo ka ngang phone pero after work hours ay wala ng silbi kasi WALA KA NAMANG KATEXT! Sige nga?! Sino gaganahan magpaload kung alam mong masasayang lang din ang unli texts at calls mo? Sayang na sa pera, nagmukha ka pang tanga!

O para naman di ka magsayang ng pera, ayun gumawa ka ng account mo sa tinder, nagbabaka-sakali na baka mahanap mo ang “one and only”mo. Tuwang tuwa ka sa tuwing may nakaka-match ka. Eh dahil sa naniniwala kang dalagang pilipina ka nga, di ka magmemessage at aantayin mong imessage ka nila. Oh, te. Ito piso, bili ka ng kendi sa kanto. (Okay, anong konek?!) Pero seriously, Tinder is supposed to be a social/dating app. Kung pepetiks-petiks ka, eh nagsasayang lang ng effort ang mga daliri mo para magswipe. Itulog mo na lang yan. Di ka pa puyat kinabukasan. (Makes sense, right?)

During meet-ups with college/highschool friends, kadalasang ang unang tanong lagi is “Ui! May boyfriend ka na ba?”, at siyempre sasagot ka, LOUD AND PROUD! “SIYEMPRE!……..WALA. May bago ba dun?!” Sige, dautin mo sarili mo para di ka na dautin ng iba. At least di masyadong masakit kasi galing sayo? Sinampal mo lang naman ang katotohanan sa sarili mong mukha.

Maari ding dumating ka sa point ng buhay mo na sinisi mo si Snow White, Cinderella, at Sleeping Beauty sa pagpapaasa sayo na may isang nakatakda sayo para maging si Prince Charming. Nadala mo pa ang pagiging hopeless romantic mo sa highschool kung saan panay ang sulat mo ng love novels na ang bida ay yung Physics Teacher mo at ikaw. Tapos hanggang sa tumanda ka eh, panay pa din ang basa mo sa Wattpad ng mga storyang mas lalo lang nagpapala sa kahibangan mo.

Te, isang malaking “WAKE UP!!” sign ang dapar ilagay sa noo mo! Walang hahalik sayo para magising ka lang sa umaga, wala ring glass slippers at mahiwagang karwahe na mawawala ng 12 midnight, at higit sa lahat, walang nalalason sa mansanas (siyempre exemption to the rule ang sirang mansanas. Wag pilosopo!). The point is, life is not a fairytale gaya ng mga bedtime stories na kinukwento ni Mommy nung maliit pa ako. Matanda ka na. at malamang alam mo na ang realidad sa hindi. Learn that love and life are the most unpredictable thing in the world. Di mo masasabi na sa dulo, happy ending ang nag-aantay sayo. Learn to accept the reality. Mabuhay ka sa kamunduhan at hindi sa mundong binuo mo nung 5 years old ka pa lang.

Ngayong 21 years old na ako, masasabi kong nasa mid stage na ako ng existence ko. Marami na akong naranasan pero alam kong mas marami pang nag-aantay sa akin, gaya ng love. I have never been in a relationship. Siguro MU, landian, asahan, gaguhan, lokohan, pero yung seryoso? WALA. Maraming nagsasabi sa akin (actually for 5 years na nila ito sinasabi sa akin)- mostly friends and colleagues, even my mom- na bata pa daw ako. Yung totoo? Pag sa love, bata? Pag sa responsibilities, matanda na? (I love you, mom! Joke lang ito. Wag seryosohin.) Pero come to think of it, di tayo bumabata sa mga araw na dumadaan. Sa tuwing nakikita mo yung mga officemates mo na nagkukumahog na magbihis kasi may date sila, di mo maiwasang isipin “Ako kaya, kelan kaya ako makakaexperience ng ganyan?”. Pero dahil “strong” ka, dinideadma mo na lang ang thought na yun. Maiinggit ka siyempre! (Sapukin ko ang single na hindi!) Pero maiisip mo din, nasaan na nga ba yung lalaking inilaan ni Lord? Di ko tuloy maiwasan maisip yung reason ng Mommy ko, “Anak, nagpapayaman pa yung magiging boyfriend mo.” Di ko na lang maiwasang di matawa sa banat ng nanay ko. Alam ko namang she’s just trying to put some flavor in the conversation para di ako madevastate. Well, to cut the things short, naniniwala akong time will come ako naman ang dadalhan ng flowers, isusurprise ng small things, at ang magkukumahog para magbihis kasi yung ka-date ko nasa labas na ng office.

So since wala pa naman yung taong yun, better set my everyday mantra. “Stay positive.” Be cool lang sa nangyayari. Don’t pressure yourself. Ikaw lang din ang mahihirapan. Pinipressure ka na nga ng lahat, pati ba naman sarili mo ipepressure mo pa? If he’ll comes, then Thank God! Kung hindi (pa), kalma lang. Enjoy singlehood. Mamimiss mo yan pag nagka-boyfriend ka na. Di ka na makakagala at makakauwi ng madaling araw without intense na away, di ka na makakahang-out with your male friends kasi may pinagseselosan siya sa isa sa mga tropa mo, at higit sa lahat, di ka na lang sa nanay at tatay mo magpapaalam. Pati na rin sa kanya. Kaya better love what you have right now. Being free and alone is not always bad. Masaya din siya. More Me-Time nga lang. (Okay! Will note this to myself!) Be happy, at kung may magtanong ulit sayo kung nasa relationship ka na, ang sabihin mo, “I’m proud that i am single, bakit ba?” Tingnan natin kung di ka palakpakan ng mga kaibigan mong beki sa mala- Ms. Universe mong sagot. *insert evil laugh here*

I wrote this dahil sa sobrang kabagutan ko sa pag-aantay sa terminal ng van. Pasensya na sa mga makakabasa. Random thoughts ko lang po ito na gusto ko lang maishare kasi alam kong along the way, may isa sa mahigit isang milyong tao sa Pilipinas (o maging sa mundo) ang nakakaexperience at nakakaisip ng mga sinulat ko. Salamat sa pagaaksaya ng oras na basahin ang entry na ito. Sa uulitin (at sana sa susunod, tungkol naman ito sa happy lovelife) Hahahaha! Ciao! 😊

wabwabpeachy asked:

natatawa ako sayo labs, hahahah hindi naman OA oi kekelegs nga ako eh.. sweet mo na po gulong sa kelegs na ako oi wag kang ano hahaha iloveyou

Wag kang selosa. Nawawala ka sweetan ko.

Day 3

Talaga? Umamin ka na?! O edi maganda! Anong nangyare? Gusto ka rin daw niya? At matagal na? Nag hihintayan lang pala kayo. O diba? Eh kung pinatagal mo pa yang pag tatago mo jan ng feelings walang nangyare sa buhay mo? Dumating na sweet sweetan moments. Long conversation. Sweet late night thoughts, siya na lagi mong iniisip, sa tuwing iilaw yung phone mo feeling mo siya na, holding hands while walking, PDA kissing (smack) Cuddles  and big huge hugs. Sarap sa feeling no?  Sobra.

2

Masarap na puto at rosas para kay lola at ninang sa Araw ng mga Puso. :)

Bakit pa daw ako gumastos, sabi ni lola. Matuto daw akong magtipid. Alam daw n’ya mahal ang long stem rose ngayon. 700 daw isang dosena sabi sa TV. Natawa na lang ako. Sa isip-isip ko eh okay lang naman. Minsan lang naman mag Valentine’s at minsan lang din ako magbibigay ng bulaklak. Oh well. Next time nga siguro eh ibang ka-sweetan na lang ang magawa. Chausse. Haha.

PS: Sobrang cute ng smile ni lolaaa. Huhu.

Minsan, napakasakit para sa isang babae ‘yon may gusto siya o may hiniling pero hindi nagagawa o nabibigay ng partner niya.


Hiling na hindi naman mga material na bagay o hindi naman mahirap gawin pero hindi kayang ibigay o pagbigyan ang isang pabor nakakapagpasaya sa isang babae.


Minsan kasi hindi maiwasan ng isang babae ang maging emotional para lang maramdaman ang pagmamahal ng kapareha. Isang simpleng hiling pero nakapagbigay ng malalim na kaligayahan sa puso nito.


Nagiging sobrang emotional ang isang babae at umiiyak ang kalooban nito kapag nadidismaya siya na hindi maibigay ang kanyang kahilingan lalo na sa mga special na araw. At hindi nito maiiwasan na mainggit sa mga nakikita sa ibang magkapareha, sa mga ka-sweetan at mga effort ng mga ito sa isa’t isa.


Masakit! Nakakatarak sa puso lalo na kung siya lamang ang nagbibigay at nagpapakita ng mga effort sa lalaking kanyang minamahal.


Hindi talaga sapat ang salitang “I Love You” lalo na kung magkalayo kayo. Kailangan din ng kunting effort para maramdaman ng isang babae ang salitang “Mahal Kita”.


Ang I Love You at Mahal Kita ay hindi lang lumalabas mula sa bibig, at dapat ay nagmumula ito sa puso. Dahil kung ang mga lumalabas mula sa bibig na nagmumula sa puso ay hindi na dapat hingan pa ng hiling o pabor para lang magpakita ng effort. Kundi kusa itong ginagawa ng isang lalaki para sa isang babae.

Mall

Ang OA sa dami ng nagdedate sa mall kanina. Malamang Vday. -.- pero hindi e. super dami talaga. As in siksikan na ganun. Natatawa na lang nga ako sa mga nadadaanan kong mga lovers. Hindi ko alam kung maiinggit ba ko at maawa sa sarili ko habang naglalakad mag-isa. E paano naman kase halos lahat ng babae na nakakasalubong ko may bitbit na bouquet, cake o balloons. Samantalang ako malaking bag laman maruming damit at 5kilos na sibuyas. Kaloka! Natawa nalang ako e. Hahaha.
Pero sa hindi lahat ng nakakasalubong kong lovers masaya. May mga sweet. May mga sweet-sweetan. May mga natural lang. May mga nag-aaway na. At higit sa lahat, may babaeng umiiyak.
Iniisip ko kanina kung aabutan ko ba ng tissue. Pero naalala ko, wala akong tissue. Hahaha. Kpayn. Yan ang kwento ng vday ko. Saya daba? :)

Eh? Sweet little things. :-* May ka’sweetan din naman palang taglay ang baklitang kurimaw ee.. hihi. Thank you baby payatot kong superlove. Okay lang kahit walang kung anu man ibibigay ka saken. Basta anjan ka sakin. Gaya ng sabi mo lagi nmn tlga tayong may date haha. :-) Priorities muna. Kaya i understand. Iloveyou. Imissyou. Happy Valentines mi loooooves. :-*