Gumising ng 4:45 at sumama buong family pagpuntang UST kasama pinasan ko. Hinatid muna namin si Porsh sa Benavides tapos ako naman sa St. Raymund’s. Ang haba haba ng pila. Naka U-shape na sa sobrang haba, nasa room113 na ako by 7:00 AM. Text Text muna tapos si Reneth tumawag adik talaga forevs! One Direction pa yung tumutunog na background music sa kanya, eh tapos sobrang tahimik sa loob ng room, ako lang yung, “Hello??… Hello.. low!” Nakakahiya talaga kasi kahit sobrang tina-try kong magpahina ng boses, waepek.

Nagtaka ako bakit may isang lalaki na pumasok sa room tapos sa harap umupo. Sabi ko ang feeling niya. Haha Sorry po, proctor po pala kayo. Pasensya na, akala ko talaga magtetest din siya. Nga pala, kamukha niya si Aljur na mas mapayat, mas chinito at mas bata. (For short, yung tipo ko jk)

Akala ko wala nang pag-asang makita ng pogi, (dahil yun ang gusto kong maikwento sa mga kaklase ko) Biglang may pumasok, lol kamukha ni Kristoffer Martin(na mas chinito rin) lolololol If you know him so..

Ang lamig lamig din talaga sa loob. Nakaayos din kami Alphabetically. Nakakadistract yung proctor. Nakakdistract. Ngiti ng ngiti. Pwede namang sumagot sa tanong na hindi ngumingiti hindi ba, bat ba kasi. Inuulit ko, beware of distracting proctors.

Nagkita kami ni Eiji, tapos room112 pala siya! Haha tsaka si Reneth. Nagbibiruan kami ni Reneth doon sa may camera, abangan niyo na lang sa TV yung likod namin. Kinalaunan si Marian naman nakita namin, tapos nagpaalam na ako kasi sinundo na ako ng pinsan ko at kapatid ko, hinintay na lang namin si Porsh kasi hanggang 1pm pa siya. Sobrang init.

Diretso na kaming SM San Lazaro. Kfc tapos dapat magd-DQ kami kaya lang nakalimutan kasi nanood kami ng The Reunion. Andami naming napagkwentuhan tungkol sa course, school, etc. Tapos pinagtatawanan lagi kami ng pinsan ko ni Porsh kasi kami lagi yung naliligaw haha 5:00 na nang sumakay sa LRT. Sobrang saya <3

My happiest crush.

Nakakatuwa lang talaga.

Sobrang kota ko ngayong araw, alam mo ba yun? Sa tinagal-tagal kong di nagka-crush sa taong abot-tanaw lang, ngayon na lang ulit ako kinilig ng ganito. Ngayon na lang ulit nakakangiti kahit sobrang badtrip. Kumabag kahit bwisit na bwisit ka, pag nakita mo parang okay ka na ulit. Makakangiti ka na ulit. :) Iyong tipo ba na parang ganado ka pumasok lagi. Nakakaantok man gawa ng sobrang agang klase, imbes na tamarin ka na pumasok ng maaga eh mapipilitan kang bumangon para makarating sa oras kung saan alam mong magtutuma ung sa inyong dalawa.

Kaya gusto ko magsorry sa mga kaibigan kong lagi kong pinapalo at kinukulit at kinukwentuhan ko ng nonstop. Sabi nga nung isa para akong smitten high school girl. Aba’y masisisi niyo ba ako. Na-starstruck talaga ako dun eh. Matangkad, maputi, gwapo, nakasalamin kaso mas bata ata sa’kin. BBF siya. Pero di bale na, isang taon lang naman. Ang tagal kong di nagka-crush sa normal na tao. Hindi yung tipong puro miyembro ng banda, di yung mga volleyball at basketball player.

Men, this is so real! As in totoo, as in isang malaking achievement sa part ko. Guys, salamat sa pagpapaasa niyo at pagko-connect ng mga bagay para masabing ako ung dahilan ng lahat. De, biro lang. Hahaha.

Pero masaya ako kahit papaano, masasabi kong normal pa pala ako. At kuntento na ako sa tingin-tingin lang. Mahalaga, masaya ako. Kaya nga happy crush eh. Attached man sya o unattached, committed man or single, okay lang. Wala naman yun eh.  (Pero mas okay kung single hahaha)

Crush lang. Paghanga. Di na lalagpaas. Well, sinong makakapagsabi? Siguro tadhana na lang? O baka oras. Pero ayun, sinasama ko siya sa prayers ko. Kasi sabi ng ate ko, pag gusto mo ang isang tao, ipagdasal mo lang. :)

Ang layo na ng narating ko. Ah, basta sobrang kota ako ngayon dahil lagpas sampung beses ata siyang dumaan-daan sa room. Hay. Smitten nga talaga ako.

Thank you.

Ngayong araw, “Thank you.” yung parang words for the day ko. Wala. Ang dami kasing dapat ipagpasalamat eh at saka dapat pasalamatan.

Una, yung kahapon, kay Crissian. Siya yung unang-una kong nakausap/nakachat nung may pinoproblema ako. Ang gulo ko ngang kausap eh, pero parang okay lang sa kanya. Nakinig pa rin siya. Pasensya na, paulit-ulit ako Crissian ahhh. Pero thank you talaga. Thank you Crissian =)))

Tapos, yung kaninang umaga. ang lungkot lungkot ko nun, parang sasabog na kasi ako sa kakaisip sa kahapon ko pang pino-problema. Buti andun sina Gadielle at Glorie, nakapag-open ako sa kanila. Mala-MMK ang peg, kwentuhan tapos iyakan. Chos. Hahaha. Pero medyo gumaan yung feeling ko. At the same time, gumaan rin yung feeling nila kasi naishare namin sa isa’t-isa yung mga dinadala namin. Whooo. Ang saya. Thank you Gadielle & Glorie. =)))

Nagpapasalamat rin ako kay Marian, na sinamahan ako kanina. Hindi niya ko iniwan hangga’t hindi nac-clear yung isip ko. Kahit na ang gulo-gulo ko, iniintindi niya ko. Salamat sa mga words of wisdom. Siya talaga yung napagsabihan ko ng buong-buo ng pinoproblema ko. Sobrang nakakagaan sa pakiramdam. Yung may taong hindi ka iiwan hangga’t di ka magiging okay. Alam kong marami rin naman siyang gagawin pero mas pinli niya kong samahan kanina kahit pagod siya sa Phytus Tensai. Sinamahan niya rin ako sa simbahan. Nakakatuwa. Thank you Marian. =)))

At higit sa lahat, thank you kay Lord. Kasi…. Grabe, ang gaan ng feeling ko. Tama nga yung sabi sakin ni Crissian, i-surrender ko lang ‘to lahat sa Kanya. Parang kahapon lang litung-lito ako sa mga bagay-bagay, tapos ngayon parang nawala lahat ng yun. AT alam ko dahil yun sa Kanya. Bastaaa, yunn. Ang sayaaa =))) Thank you Lord! 

Dramaaa
  • Ma'am Blancaflor:Nung panahon ni Placido Penitente, ginagawa nila lahat para makakuha ng edukasyon.
  • Ma'am B:Kaya nga ang swerte niyo ngayon kasi binibigay na lahat sa inyo.
  • Marian to me:Eh bakit ganun? Minsan, ginagawa mo na ang lahat pero di pa rin maibigay sayo.
SciDoku

Si Marian ang aking kapareha. CHOS! Siya yung partner ko dito sa contest na ‘to. 80+ kaming contestants. And out of that 80+ contestants, nakapasok kami sa 30 na nag-qualify sa elimination round. Yey! :D Galing namin.

Sa second round, dito talaga ako nainis eh. Pano ba naman, ang gulo ng given. Yan tuloy, di namin makuha yung sagot. Hindi kami nag-qualify. Nung una sabi 20 daw yung kukunin. Tapos naging 15 na lang daw. At naging sampu. Hanggang sa maging lima na lang. 

Hmm. Di bale, babawi ako sa SciSpell. BABAWI TALAGA AKO! :)

Good vibes

Yun, medyo kakauwi lang galing sa MCDO. Kasama sila Esang, Wilson, Denise at, Marian. Grabe ngayong 4th year, pangalawang beses ko palang ulit nag-ganito. Yun bang naglakwatsa with friends. Mabait kasi ako eh. CHAROOOT!! Hindi nga kami agad umorder. Hanap muna ng pogi sa loob ng MCDO. XD

Actually, hindi nga lang ako good vibes ngayng araw. KV rin ako. :”””’> Bigla kasing dumating si Mikka. At may kasama pa. Syeeeeet. SI THEO. Nagulat talaga ako, ayyy hindi pala nagulat. Kinilig pala. :””> Tapos nag-request si Mikka, picture raw. Syempre nung una pakipot onti. HAHAHAHA. Pero yun, nagpa-picture rin kami. GRABEEE <333 Medyo makapal pala talaga yung mukha ni Theo sa personal. Sabi kasi ni Mikka, “Oh yan, kamukha ni Daniel Padilla”. Tapos sabi niya, “Mas pogi pa nga ako dun eh”, pero medyo nahihiya pa yung sabi niya. YIEEEE <33

Tapos nung pauwi na, nakita namin yung ex-crush ni Esang. Carlo raw pangalan. Eh kami naman ni Wilson medyo hinabol yung Carlo, sinundan namin HAHAHA. Bigla ngang lumingon eh. Napansin niya rin siguro na sinusundan namin siya. Hihihi pasaway kami. Edi tumigil kami sandali. Tapos nung naghihintay na kami ng jeep, nandun pa pala siya. Parehas nga kami dapat ng sasakyan pero hindi na namin tinuloy yung pagsakay sa jeep na yun.

Edi yun, nung nakababa na ko sa jeep. Sakto, kabababa lang rin niya dun sa jeep na nasakyan niya. Taga-rito rin pala siya. Tinitigan pa nga niya ako eh, mga 5 seconds. Feeling ko, akala niya na sinundan ko siya hanggang dun. AHAHAHA.

Yuuuun. Ang saya talaga. Thanks ulit Marian, Esang, Wilson, Denise. :)))

~

JGH. Galing kila Marian. :) May pasok kasi kanina eh. Pero nasuspend din naman. Mga 10am pinauwi na kami. Since medyo maaga pa naman nun, napagdesisyunan namin ni Marian na pumunta muna sa kanila.

Ayun, madami kaming ginawa. Stalk kay Keven. Stalk kay Theo. Sa FB ahhh. HAHAHA. Dami noh? Chos. Tumingin lang din kami ng mga pictures nung 1st at 2nd yr. Syeeeet.  Andami naming pinagbago. Habang tinitignan  ng namin yung mga comment, natatawa lang kami. Ang jejeje pala namin dati. XD

Nakaka-GV. Grabeee :))

Sinong vain?

image

HAHAHA. Grabe 110 photos. Kanina lang yan ahhhh. Halos wala kasing klase buong araw. Picture-picture lang. Vanity strikes~

Sipag mag-tag ni Marian. Hahaha. Thanks Kevs <3

USTET (Part 3)

Andami ring kamalasan/kashungaan na nangyari sa araw na ‘to.

  • Una, yun nga dun sa taxi na nasakyan namin. Kung san san kami dinaan kaya medyo na late ako.
  • Natapilok ako pagpasok sa room. Syeeet. Pero konti lang naman nakakita.
  • Natawag pa ko nung examiner kasi ako lang yung walang nilagay dun sa ‘official receipt no.’ saka ‘booklet no.’. HAHAHA. Wala ako sa sarili kanina eh.
  • Isa pang kamalasan, walang masyadong pogi sa room. CHAROOOT! Deh, meron naman. Hindi nga lang kagaya nung UPCAT as in kahit san ka lumingon puro pogi. (landee ko XD)

Nung pinalabas na kami ng examiner:

  • Lakad-lakad lang ako sa labas. Ang ineeeet, sobra. Tirik na tirik yung araw. Hinintay ko si Mama.
  • Nakasalubong ko sina Eiji at Katrina (yieeee). Ayun, chikahan sandali tapos umalis rin si Eiji.
  • Naiwan kami ni Katrina. Tapos nagco-cover pala yung GMA ng USTET. Eh nakakita kami ng camera, syempre sinunggaban namin. HAHAHA. Pumunta kami dun sa likod nung ini-interview. Kunwari, nag-uusap kami ni Kat tapos basta nagpapansin kami. XDD
  • Ayun dumating na si Mama saka pinalabas na rin sila Marian. Chikahan ulit. Tanungan kung may pogi silang roommate. CHOS! Si Katrina raw meron. Yung examiner daw, kamukha ni Kristoffer Dangculos (tama ba?)

Ayuuun. Overall, masaya naman yung naging experience ko dito. Hehehe. Hindi ko na inaasahan na makakapasa ako dito eh, hmmmm medyo lang (mga 50/50?) parang ganun. Charr. Basta bahala na. Ginawa ko naman yung best ko para masagutan lahat yung mga tanong ng tama. At saka,  If its God’s will, it will happen naman eh. Kaya kung ano mang mangyari tatanggapin ko :))

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video