Naalala ko lang habang naliligo ako..

'Yung blogger na.. namatay. Dun ko nafeel yung its-too-late-feeling. Sa unang unang blog ko pa to e. Ang alam ko, sikat yung blogger na yun.. yun ang alam ko. Hindi na rin naman ata siya teenager pero marami siyang friends dito saka maganda blog niya. Matagal ko na siyang nifofollow nun.. lagi ko lang siya nakikita sa dash. Saka.. a day or week/s before siya nawala, e finollow back niya ako . Ang saya ko pa nun kasi nanotice niya ako. At ayun, nagback read ako ng bongga sa blog niya.. Tapos kinabukasan, may nagpost na wala na siya. Bestfriend niya ata yun. Ayun.. wala na.

Nalungkot talaga ako nun, ewan ko kung bakit. Nakapagusap pa ata kami nun kasi nagpasalamat ako sa kaniya tapos, wala na.. Hays.

Hindi ko man siya kilala ng lubusan pero ang alam ko at nararamdaman ko.. he was a great man. Sayang lang kasi kinuha na siya agad.. pero at least, kasama na niya si PapaJesus.

Bigla ko lang talaga naalala.. Rest in Peace ho. Anjan pa pala blog niya..

Live each day like its your last day. Be good!

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video