Dear You,

Kung bibigyan ng chance na magkausap ulit tayo kahit na sa text/chat lang. Gusto ko sana pag usapan natin lahat. Lahat ng nangyare. Baket naging ganun ang nangyare? Baket biglaan? Gusto kong marinig yung explanation mo sa lahat. Gusto kong ipaintindi mo sakin yung mga desisyon na ginawa mo. Sana pag nag usap tayo ulit, yung matinong pag uusap. Yung walang away, walang sumbatan, walang murahan. Gusto ko din sabihin sayo yung mga dahilan ko. Gusto kong ikwento sayo yung mga nangyare sakin pagtapos nun, hindi para magpaawa sayo. Pero para malaman mong kahit gaano kasakit at kahirap ng nangyare nakaya ko. Nakaya ko lahat. Sana dumating yung araw na parehas na tayong Okay. Yung mag uusap tayo na hindi awkward. Yung walang bitterness na kasama. Yung parehas ng walang galit sa isat isa. Sana pag tapos natin mag usap masaya tayo kung ano man naging resulta nung pag uusap natin. Sana pag tapos natin mag usap, dun magstart na pag nakikita natin yung pangalan ng isat isa sa mga accounts ntn tulad ng facebook, twitter, instagram eh wala ng pain. Yung tipong kaya natin tignan yung picture ng isat isa ng nakangiti. Yung hindi labag sa loob natin na i-like o mag comment. Tapos sana hindi natin iwasan yung chance na maging magkaibigan. Kahit yun lang. Sana din next time na magkita tayo. Totoong masaya na talaga tayo. :))