sinalo

Yung oras na nahulog na tayo sa isang tao, sinalo ka nga pero kapag dumating na sa oras na napagod na yung sumalo sayo, dahan dahan ka na niya bibitawan pero sana kahit binitawan ka na wag lang sana iiwan kaso wala eh. Bibitawan ka na nga, iiwan ka pa. 

Kaya kung sinalo na tayo, dapat marunong din tayo bumaba at matutong maglakad. Hanggang kelan ba tayo magpapakarga diba? 

Kaya dahan dahan ka na bababa habang dahan dahan ka na din niyang binibitawan para ensakto lang, nasa timing kumbaga.

Nagsabi lang ako ng ‘i love you’ nilayuan mo na ako, kahit na wag ka ng mag-ilove you too kahit thank you na lang masaya na ako. Pero tang ina naman respeto naman sa puso ko diba? Wala ka na ngang sinagot nilayuan mo pa ako, bakit nung sinabi ko bang mahal kita nagkaputok na ako? Gago ‘di mo ikakaganda yan!

Kaya siguro nung nagbigay ang Diyos ng pagiging choosy, pakyu ka sinalo mo lahat!

fall into me

tangina kasi ang ganda nung kanta, sinira mo. hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako habang pinapakinggan ko tong kanta na to. tanda ko dati, sinabi mo sakin. dine-dedicate mo tong kanta na to para sakin. ito na nga ako, i already fell. pero tangina, hindi mo naman ako sinalo eh. ang unfair mo eh. sabi mo mahal mo ako tangina, akala ko ba may sakit ka sa puso. oo nga may mali nga sa puso mo, dalawa kaming babae dyan. tangina talaga. hanggang ngayon, nahihirapan pa rin ako huminga.. namimiss na kita pero wala eh. mas masaya ka sa kanya hahahaha. sabi ko kasi nakamove on na ako. ewan ko ba kung bakit pinapakinggan ko na naman to, pang-third time ko lang to pinakinggan ngayon and di ko alam pero ang sakit pa rin pala haha.

4

124/200 hours
PHLEBO OF THE DAAAAAY! Super saya ko today. Well nung morning lang. Haha. Phlebo ako hanggang hapon kaso may nangyare.
Hassle free. May 2 o 3 siguro na hindi ko talaga nakuha at sinalo ni ma'am nica o ma'am meriam.
Ang porma ko pa naman today polo kaya once na naglabgown ako, mukhang doctor. Kaya umaga pa lang, may dalawa nang pasyente na nagtwag sa kin ng “doctora” hahahahaha. Sabi, ‘goodmorning doc" tsaka “orlanda po yan doc” tapos yung last, nirse na. Nakaupo ako sa loob, ang inuupuan ko yung parang executive chair, ayun, grineet ako ng nurse, “good afternoon po dra” Then tapos na with research so whole day work.
Nung hapon, dumating si Bonn ni cindy.
So habang ineentertain naman nung apat, busy ako sa phlebo. Pag lalabas na ko e may ipaparelease naman na result. Tapos tumayo na sila, tinawag ako for ice candy na libre nung boylet ni cinds, pero one busog pa ko from lunch, and two busy talaga ako.
Yun, umalis sila.
Then nagmerienda uli sila sa canteen sa hospital e wala na akong ginagawa, dun na lang ako sa lab, gumagawa ng cotton balls.
Ang pathetic ko.
Then umuwi. Capitol sila, infinitea ako with ate april and shee. i miss honest moments.
Kasi I feel I can’t be honest with my 4 friends anymore,
ALL THEY TALK ABOUT IS BOYS AND THEIR BOYS. HINDI AKO BITTER. PERO SANA NAMAN THEY COULD OR BETTER YET SHOULD THINK NA HINDI NAMAN LAHAT MAGKAKAINTINDIHAN SA FEELING NA DINEDESCRIBE NILA KASI AKO WALA AKONG LOVELIFE (na alam nila).
Uso makiramdam.

Another chance.

Amen lang, Lord! Amen!

Grabe, sino bang makakapaniwala na mailulusot ko pa ang scholarship ko for the next school year? Grabe talaga Lord, sobrang salamat! :”) Sobrang salamat, kasi alam kong Ikaw na ang kumilos doon, Lord. Hindi ko na kinaya e. Pareho po nating alam yan. Laglag na ako e–kung ako lang mag-isa. Pero kinaya natin, Lord, kasi sinalo mo ako, kasi sinuportahan mo ako, kasi sinagip mo ako. Sobrang salamat po!

Grabe. I cannot believe it. Naabot pa nga natin yung tumataginting na 1.75 na maintaining grade. Grabe. Nagkanda-sabit sabit na sa physics 1 at dalawang calculus, pero nabawi parin. Sino ba namang mag-iisip na sa 2.50 ko na grade sa 5 units na integral ay mahihigit pa pataas ng minors? Grabe po, sobrang salamat lang po talaga, Lord. Sobrang salamat. At lalong sobrang salamat kasi alam ko po na hindi ko ito deserve, pero nonetheless ay binigyan nyo ako ng isa pang chance. Sobrang salamat po. Salamat sa talino, sa lakas ng loob, at sa mga anghel na ipinadala Nyo. :)

Lord, alam mong hindi na ako umaasa na mame-maintain ko pa ito hanggang fourth year. Alam mo po na hindi ako naniniwala na kaya ko yon, dahil alam ko ang limitasyon ko at kung ano lang ang kaya ko. Pero may ikekwento lang din po ako sa inyo.

Si sir rabano, Lord. Yung prof ko sa ECE workshop na prof ko rin dati sa analytic geometry. I’m sure kilala Nyo rin sya, kasi follower Nyo rin sya. :) Iyon. Natutuwa lang po ako sa kanya dahil alam ko na talagang naniniwala sya sa kakayahan at potential ko. Una ko po iyong na-feel nung angeome. At nafeel ko rin iyon nung nagpa-pirma ako sa kanya ng pre-enrollment form para sa second sem ng second year. Tanda ko pa. Ganito yung nangyari non e:

Lumapit ako sa kanya at binigay ko ang PEF ko, kasama ang grades. Tapos nakita nya na 2.25 ako sa physics at diffcal.

“May mas kaya ka pa dito e,” sabi nya. At tumagos lang talaga yon sakin. Tumatak yun sa isip ko. Hindi dahil sa nasaktan ako, pero dahil naniniwala ako sa sinabi nya. (Hindi sa pagyayabang pero) alam ko kasi na malaki ang tiwala nya sakin dahil nakita nya talaga ang potential ko noong angeome. Ako lang ata ang naka-1.75 sa lahat ng hinawakan nya. At napapaisip nga naman ako doon. Paano ko nagawa iyon? Ang galing ng ginawa ko doon. Kaya ko rin iyon sa ibang subjects.

Kaya yung sinabi nyang iyon, nagpalakas talaga ng loob ko. Nagkaroon talaga ako ng inspirasyon na mas pagbutihin pa ang pag-aaral ko. Nagkaroon ako ng inspirasyon na mas mag-excell pa sa mga subjects ko.

Ang physics, kinaya ko. From 2.25 noong physics 1, naitaas ko ng 1.50 ang physics 2. Ibang case ang calculus tho. Yung 2.25 ko sa differential, naging 2.50 sa integral. Hahaha. Ginawa ko naman ang lahat para doon. Medyo epic lang talaga.

Pero iyon. So iyon ang nagawa ko noong second sem. Nitong summer, naging prof ko ulit si sir rabano. At nagpakitang gilas ako sa kanya. At na-achieve ko naman iyon, kaya sobrang natutuwa ako. Sa lahat kasi ng tao na naniniwala sa kakayahan ko, kay sir rabano ako pinakanatutuwa. Alam ko kasi na naiintindihan nya kung gaano kahirap ang ECE, at kung gaano kahirap mag-excell. Unlike sa mga lola, sa mga mommy at sa iba pang tao na nagsasabing “Kaya mo yan, sipag lang.” Hindi kasi nila naiintindihan. Hindi kasi nila alam fully yung pinagdadaanan namin. At ang alam lang din nila, may talino ako. Pero hindi nila nakikita ang extent niyon. Ang basehan lang nila ay ang mga awards na nakukuha ko. Ang grades ko. Ang GPA ko. Pero yung performance ko mismo sa klase, yung analyzing skills ko, hindi nila nakikita yon. So pano nila masasabi na kaya ko talaga? Hindi ganoon ka-valid ang basehan ang paniniwala nila sa kakayahan ko, unlike ni sir. Si sir kasi, nakikita ang performance ko sa room, sa exams, sa defense, sa lahat. Kaya mas naniniwala talaga ako kay sir kapag sinasabi  nyang “KAYA MO.” Kaya mas lumalakas ang loob ko kapag si sir ang nagsasabi na “MAY IBUBUGA KA PA.” Iyon. :)

Kanina lang, kausap ko si sir. And again, ramdam ko kung gaano sya naniniwala na kaya ko pa ulit ito i-maintain para sa 4th year. Kaya ko pa ulit i-achieve an 1.75 na GPA na yon. Hindi ko alam, pero lumalakas talaga ang loob ko. What if kaya ko nga? 

Nagkapag-asa tuloy ako. Haha. 

P.S. Feeling ko ay nakikita ni sir ang sarili nya sakin. Journalist din pala sya nung high school at college. Tapos choir pa at mahilig magbasketball. Grabe. Pero pinrioritize nya ang ECE nung nakita nyang kailangan na talaga ng focus doon, tapos nag-excell sya. Ang galing nya. Sobrang nakakainspire. :)

Alam mo ba kung gaano kasakit na hindi ka nya pinapansin? Nasa harap ka na pero hindi ka pa rin nya pinapansin? Para kang tumalon sa 50th floor ng building pababa sa ground floor tapos di ka man lang inawat or sinalo, double kill men. Ang sakit na nga ng paghampas sayo ng katotohanang mamamatay ka na, dadagdagan pa ng katotohanang wala syang pake!