shashimicxvolleyball

I LOVE 3 Mika Reyes of DLSU Lady Spikers :)) Gustong- Gusto ko siya kasi simple lang pero Cool. Magaling siyang maglaro ng VolleyBall. Middle Attacker siya favorite kong position \m/. Consistent din siya sa Laro. Magaling na Attacker, Server at BLOCKER.  Mabait din siya outside the court :)) Friend kami sa FB :))

Meet My Idol :)) GRETCHEN HO. Siguro kung magkakaroon ako ng isang Ultimate Wish siguro yun ay makasama ang Ultimate Crush Kong si Gretchen Ho. Hmmm Una ko siyang nakitang maglaro ng Volleyball hindi ko nga lang matandaan ano ang exact date pero ang alam ko yEar 2010 pa toh against FEU. well first time ko palang siyang nakita sa tingin ko magugustuhan ko na talaga hindi lang bilang isang Player kundi bilang isang single individual. Noong araw na iyon rin mismo ay siya ang Player Of The Game Sa Match Na Yun. Simula Noong Araw na yun nahilig ako di lamang sa panunuood ng Volleyball pati na rin sa paglalaro nito. SH** naman kasi Ang Galing Niya Ang Bait Pa.. Macoconsider ko na siya as ALMOST PERFECT Person. Pwedeng-pwede siyang gawing Role Model ng Lahat.. May mga nagsasabi rin na pabigat lang siya pero sa tingin ko naman malaki rin naman contributions niya sa TEAM ATENEO. Well Rounded Person din siya. Dean’s Lister at the same time Versatile and Veteran Player. Hmmpp Sobrang bait nya to the extent na nag-adopt siya ng isang Family. Hmmppp Siguro Kung makita ko man siya sa personal yun na siguro ang isa sa pinakamasayang sandali ng aking buhay hahaha OA man pero sorry ganun ko siya ka Idol At Kamahal haha

UAAP Season 77 Graduates

After 5 years of Eligibility, Here are the Players who gave all their hearts out for their respective teams.

Ateneo de Manila University Lady Eagles

  • Dennise Michelle Lazaro “Libero” - UAAP Season 76 Best Receiver and Best Digger, UAAP Season 77 Best Receiver. 
  • Jorella Marie de Jesus “Open Spiker”

De La Salle University Lady Spikers

  • Cydthealee Demecillo “Open Spiker”

National University Lady Bulldogs

  • Desiree Dadang “Middle Spiker”

Far Eastern University Lady Tamaraws

  • Christine Agno “Libero” - UAAP Season 74 Best Digger and UAAP Season 77 Best Digger.
  • Samatha Chloe Dawson “Opposite Spiker”

University of Santo Tomas Golden Tigresses

  • Dancel Jan Dusaran “Libero”

University of the Philippines Lady Maroons

  • Angeli Araneta “Middle Spiker”

Adamson University Lady Falcons

  • Amanda Villanueva “Open Spiker”
  • Faye Janelle Guevarra “Middle Spiker”
  • Marlen Cortel “Libero”

University of the East Lady Warriors

  • Leuseth Dawis “Open Spiker” 

Shakey’s V-League Season 10 (Open-Conference) Awardees

Best Scorer - Kannika Thipachot* thai import ng Cagayan Valley Lady Rising Suns. Offensive Player. From Open, Diagonal, Opposite and even from the back kayang-kaya niyang pumuntos. Plus factor pa ang kargado niyang serves at high leaping ability. Hindi man ganun ka tangkad sure ka naman na pag sa kanya napunta ang bola eh nasa 50% and above ang attacking percentage niya. Sobrang deserving

Best Setter - Phomla Soraya* another thai import ng Cagayan Valley Lady Rising Suns. Isa sa pinakamagandang setter na nakita ko sa history ng Shakey’s V-League hindi lang sa mukha kundi pati narin sa skills. Sobrang galing kasi napapagalaw niya lahat ng Spikers at nakakafool rin siya ng Blocker. Low-Fast ang setting niya na obviously nakuha niya sa thailand. Magaling rin siyang dumepensa at sobrang lakas ng floater serves niya. Well, deserving din siya sa award na yun.

Best Receiver - Jenelyn Reyes ng Meralco PowerSpikers. Undoubtedly Magaling talaga si Reyes. Isa rin siya sa mga pinakamagaling na libero dito sa Philippines. Multi-Awarded libero from Uaap to Shakey’s v-League. Slow clap :)

Best Blocker - Em Pentrante-Ouano ng Merlaco PowerSpikers. Sa Height niyang 6’0 eh hindi na nakakagulat na nakuha niya ang Best Blocker Award. Former Shakey’s V-League MVP.

Best Digger - Melissa Gohing ng Smart-Maynilad NetSpikers. Isa sa mga magagaling pero underrated libero ng Philippines. Masasabi kong underrated kasi wala siya sa radar ng Uaap awardees hindi dahil hindi siya magaling kundi dahil magaling lang talaga team niya. Sa isang game usually 3sets lang tapos na agad ang laro ng Team nila. Isa sa pinaka-ok na characteristics nila Melissa ay pagiging cool niya. Yung kahit pressure-packed na yung laro eh nakakayanan niya pa rin. Yun ang nagagawa ng Chapionship Experience niya. Former Uaap Rookie of the Year. Well deserved award.

Best Server - Mary Jean Balse from Philippine Army. Maraming magagaling na players na maganda services sa SVL pero iba talaga yung Mary Jean Balse eh. May Karga. Hindi yung basta maipasok lanng. High Percentage ang services kaya malaki ang chance na makapuntos.

Special Awards 

BioFit tea Fittest Player of the Conference - Alyssa Valdez of Smart-Maynilad. 

SOS Clear Skin In and Out of the Court - Rachel Anne Daquis of the Philippine Army.

Best Spiker and MVP of the Conference - Jovelyn Gonzaga of the Philippine Army. The Bionic Ilongga. Player na maasahan mo talaga pag dating sa attacking. Ibang iba rin ang kargadong services ni Gonzaga. Isa rin siguro sa mga dahilan kaya mahirap basahin ang attacks niya eh dahil sa Lefty siya. Dagdag mo pa ang galing niya sa net pati na rin sa floor defense na kung paminsan eh mas nakakarami pa nang dig kumpara sa Libero nila. Total Package. Vocal din siya sa mga teammates niya at higit sa lahat Palaban.

MVP of the Finals - Phoma Soraya* of the Cagayan Valley Rising Suns. Siya kasi talaga ang utak ng team. Sobrang talino niyang maglaro. Ang cool din mag set lalong lalo na ang approack/ pitik niya sa bola. Sobrang deserving :D

JGH :))) Sobrang saya lang netong araw natoh 12/27/12 :)) Kasi naman after ilang months nagkasama-sama ulit kami ng mga kaklase ko nung HighSchool :)) Kaya ayun laro kami ng laro andami naming ininvite kaso kami lang ang natuloy kasi ang iba may kanya kanya ng prayoridad. Pero ok lang.. Alam ko namang hindi magtatagal magkikita at magkikita din kami. Medyo bumalik na rin yung dating ako pag nagvvolleyball yung chillax lang yung walang prinoproblema. This past few games kasi sineseryoso ko na siya pero kanina since sila ulit ang kasama ko puro nalang tawanan ang pinaggagagawa namin.. Nakakatuwa lang isipin na kahit iba-iba na kami ng mundong ginagalawan at iba-iba na ang prayoridad sa buhay hindi pa rin matitibag yung samahang nabuo namin noon at dala dala parin namin ito hanggang ngayon Naks naman

Shakey's V-League Season 10 (Open Conference)

Feu Lady Tamaraws - very young team. Yan talaga una mong masasabi pag nakita mo ang lady tamaraws, pero kung makita mo na silang maglaro andun din yung talent at galing nila sa paglalaro. Sila yung team na hindi gaanong na hhype pero talagang may gawa. Key Players: (Sy,Agno,Palma,Basas,Pons).

Navy Lady Sailors - wise. aman una mong masasabi pag nakita mo ang lady sailors, unlike lady tams sila yung mga players na well exposed na sa svl. Hindi naman sila kagaya nung dati pero yung experience pa rin nila nagdadala ng laro nila. Key Players: (Serafica.Laborte,Ybanez).

Pnp Lady Patrollers - dark horse. Yan naman una mong masasabi pag nakita mong maglaro ang lady patrollers. Ibang-iba ang laro ng tandem nila idagdag pa ang thai import nila. Key Players: (Marciano,Molina,PatchareeSangmuang,Datuin).

Meralco Power Spikers - skillful. Yan naman unang-una mong masasabi pag nakita mo ang power spikers. Iba naman kasi nagagawa ng talented  at star players nila sa game. Sobrang galing din nila lalong lalo na yung tandem nila sa depensa. Dagdag mo pa ng matangkad na import nila Key Players: (Reyes,Cainglet,Penetrante,CocoWang,Mercado).

FINAL FOUR

Airforce Airwomen - cool. Yan naman masasabi pag nakita mong maglaro ang airwomen kasama ang dalawang setters sa loob ng court. Dagdag mo pa ang galing nila sa floor defense at running hit ng key player nila. Key Players (Cases,Ortiz,Dimaculangan,Semana,Yongco).

Army Lady Troopers - veterans. Sila yun. Sa tagal nilang magkakasamang naglalaro iba narin talaga yung nacocontribute nila for the team. Medyo malalim rin ang bench ng team at napaka effective ng mga players. Former RP team members kaya iba na rin yung experience at exposure nila sa game. Key Players:(Gonzaga,Daquis,Balse,Salak,Bautista,Bunag,Alarca,Cruz,Carolino Sisters).

Smart-Maynilad Net Spikers - defensive. sila yung team na kilalang-kilala dahil sa floor at net defense nila. Kilala rin sila sa mga powers spikers nila. Dagdag mo na rin ang dalawang thai import ng team siguradong sobrang lakas talaga. Key Players: (Valdez,Pheenok Kesinee,Santiago,WanidaKotruang,Banaticla,Soltones,Soriano,Guliman,Roces,Ferrer,Gohing,Gata).

Cagayan Valley Lady Rising Suns - offensive. Sila naman yun dahil nga sa magaling na thai import navigator nila sobrang galing ng mga plays na na eexecute nila. Dagdag mo na rin na ibang-iba yung jelling ng team nila plus yung connections na isang pitik lang alam na. Key Players: (Phomla Soraya, KannikaThipachot,Tabaquero,Maizo,Eulalio,Soriano,Pineda,Benito,Saet,Vargas,Dionela,DelosSantos,Dawis).

Meet Aleona Denise ”DinDin” Santiago. Former UST player pero lumipat na sa NU. 6’2. 4th year player pero 2nd playing year pa lang.May bago nanaman akong Idol pagdating sa Volleyball. Hindi na maikakaila na magaling siya Dagdag biyaya pa ang 6’2 na height niya woaaahhh. Sobrang galing kasi ni DinDin. Mapa ServiceHit, Blockings, QuickHit, Running Spike, dagdag mo na  Backrow attack perfect niya. Yung tipong maiintimidate ka na sa height ma iintimidate ka pa sa Power na dala niya. Eh nag ggym din siya eh. Wala akong masabi sa kanya sobrang galing talaga pwedeng Best Scorer,Blocker,Attacker at Server. Sa kabila ng Talent na meron siya pinapanatili niya pa rin ang mga paa niya sa Lupa. Sobrang Humble niya kahit ganyan na siya ka galing unlike dun sa iba na wala pang napapatunayan eh mayabang na. 

Philippine National Women’s Volleyball Team:


Tina Salak (Philippine Army) 6’0, Setter
Rhea Dimaculangan (Philippine Airforce) 5’7 Setter
Kim Fajardo (De LaSalle University) 5’7 Setter
Alyssa Valdez (Ateneo de Manila University) 5’9 Open Spiker
Dindin Santiago (National Unversity) 6’2 Middle Spiker
Jaja Santiago (National University) 6’4 Middle Spiker
Ara Galang (De LaSalle University) 5’8 Open Spiker
Mika Reyes (De LaSalle University) 5’11 Middle Spiker
Mary Jean Balse (University of Santo Tomas) 5’11 Middle Spiker
Rachel Anne Daquis (Far Eastern University) 5’9 Open Spiker
Nerissa Bautista (University of San Agustin) 5’10 Open Spiker
Jovelyn Gonzaga (Central Philippine University) 5’8 Opposite Spiker
Aiza Maizo-Pontillas (University of Santo Tomas) 5’10 Opposite Spiker
Maika Ortiz (University of Santo Tomas) 5’10 Middle Spiker
Honey Tubino (University of Perpetual Help System Dalta) 5’10 Middle Spiker
Lizlee Ann Gata-Pantone (Adamson University) 5’6 Libero
Jen Reyes (National University) 5’2 Libero
Denden Lazaro (Ateneo de Manila University) 5’5 Libero

Shakey’s Vleague Season 10. 

10 participating teams. Each team has their own set of GP’s or Guest Players

Team A

Ateneo de Manila University (4-0) - Rachel Anne Daquis and Aerielle Patnongon. Mga GP’s na pandagdag Height ng Ateneo. Aerielle Patnongon’s services and blocks are very lethal kaya kinuha siya ng Ateneo. Dahil sa departure ng Fab5 kailangan nila kumuha ng reliable Gp’s to protect their SVL title and Rachel Anne Daquis is a very good addition sa tropa. Since Daquis is considered as Living Legend ng Volleyball. Ang pagiging veteran niya ay makakatulong ng malaki sa Ateneo. Mula sa Remote Control Service hanggang sa Bunny Approach Spike. Malaki ang chance ng Ateneo na bumalik sa Finals.

University of Santo Tomas (3-1) - Ang pagbabalik ni Nang Aiza Maizo at Bumabalikong Katawan  ni Rhea Dimaculangan. Sila ang ever reliable GP’s ng UST. Since Rhea and Aiza came from Ust program hindi na sila bago sa sistema ng Uste. Naglaro na rin sila sa Ust  dati kaya gamay na gamay na nila yung positions na naiwan nila. Rhea’s setting prowess was superb. Idagdag mo pa ang Blocking at Floater Serves malaki ang maitutulong ni Rhea sa paglalakbay ng Ust. Kahit wala sa Game Form. Aiza Maizo is still Aiza Maizo. Siya pa rin ang Legendary Lefty Deadly Spiker. Nabawasan man ang leaping ability niya eh yung power at Volleyball IQ eh nandoon pa rin kaya malaki rin ang chance ng UST na pumasok sa Final 4 or even Finals.

DLSU-Dasma (2-2) - Chie Saet. Another Setter GP. Same with other Veteran Setters. Chie Saet can really contribute a lot to DLSU-Dasma since maganda ang service niya at yung pitik niya sa bawat attackers.

San Sebastian College-Recoletos (1-3) - SSCR ang may pinakamalakas na Guest Players. The Impending Doom Jeng Bualee at Runner Sue Roces. Jeng Bualee’s Strong Serves,Attacks,Blocks plus Excellent Floor defense kayang kaya niya nang buhatin ang Sscr sa Final 4. Dagdag mo pa si Suzanne Roces ibang iba na ang attackers ng Sscr. Pero na jelling at teamwork pa rin yan. Kung walang matinong setter hindi pa rin magagamit yang mga Gp’s na yan.

 

Team B

National University (4-0) - Para sa akin sila ang pinakamalakas na team this Season and Conference. Ang kulang lang naman nila ay reliable Setter at Middle. At yun ay natugunan na sa mga Pangalang Ruby deLeon at Alyja Santiago. Ruby DeLeon multi-awarded setter. With her superb setting and strong services iba ang spark ang kayang niyang ibigay sa NU. Alyja Santiago kapatid ng tower na si Aleona Santiago 6’2. JAJA Santiago stands 6’4. Oo at young age ganyan na height niya WT. Malaki ang maitutulong niya sa Blockings ng NU na pwede talaga nilang gamitin as their advantage against other teams.

Adamson University (3-1) - Angela Benting at Mylene Paat. Mylene Paat pandagdag height sa blockings while Angela Benting ang nagbibigay ng extra leadership at Firepower sa mga attackers ng Adamson.

Arellano University (2-2) - Another Strong GP’s Nerissa Bautista at Mary Jean Balse. Mga MVP’s. Wala na akong masasabi. Nasa Team na yan.

University Perpetual Help System Dalta (1-3) - Arianne Argarin. Decent Setter. Kaya ng magset sa Reliable Attackers ng Perps. Joy Cases, Strong Attacker and Server. Malaki rin matutulong sa Perps.

Drills ??

HAHAHAHA kakatawa lang kahapon kasi napagpasyahan nga ng mga kalaro ko sa volleyball na i train ang isang hs classmate ko kasi kinuha siyang player sa Addu. Well hindi na sana kami pupunta kaya lang may libreng pagkain at income kaya pumunta nalang kami. Pero ang inaakala kong drills na ibibigay nila sa kanya ay di natuloy.. kasi naman kapos na sa oras tapos di pa dumating yung mga employee nilang makakalaban sana namin. kakapagod pero enjoy :) hindi naman sa hindi na ako nakakapaglaro ng volleyball pero ramdam kong bumabalik na sa ako sa dating ako. yung tipong killer instinct.. patay kung patay at mabilis din ang approach.. since matagal ko na nga silang di nakakasama kaya nagbago na rin approach ko.. naging mabagal na. kaya ayun.. well sa kabuuan ok lang naman ang araw at training o pinaggagagawa namin kahapon at yun naman ang importante 

Veterans :)

Sobrang kinabahan ako kanina. Na upset nung una. tapos nag pray nalang :)) Hu. akala ko matatalo na ang Ateneo. buti nalang nabuhay sila ulit. Sobrang lakas ng Line-up ng NU. Match na Match kaso 2nd set nagka sprain ang veteran setter ng Ateneo kaya ayun down 2 sets to love sila pero nung 3rd set doon nakita ang pagiging veteran nila sa court lam mo yun? Kahit pangit ang reception sila na gumagawa ng paraan para ma convert it into points.. Sobrang nakaka-kaba lang kasi wala na nga silang setter. kabado pa ang pumalit sa main setter.. buti nalang pinilit na bumalik ang main setter nila kaya ayun nanalo sila :)) Sobrang laki talaga ng mga Veterans or Seniors sa kahit ano mang bagay sila yung nagbuboost up ng morale mo kapag nasa baba ka. Andiyan sila kapag wala ka nang mapupuntahan. At kaya nilang baguhin ang takbo ng kahit ano kung gugustuhin nila

Cancelled

Ayun.. AT dahil na Hype at Na Excite ako di na matutuloy ang series ng volleyball drills trainings at games.. hay naku.. kasi naman plano namin bukas at sa sunday pero may training din kasi bukas ang kaibigan ko sa Addu. Kaya di kami makakapagVolleyball bukas. Hindi na rin kami pwede sa Sunday kaya yun.. Sa susunod na linggo nalang siguro.. pero yung volleyball drills sayang din yun eh.. marami pa akong pwedeng ma gather doon to improve my skills and reflexes. Ugghh.. Kung saan excited na ako dun pa.. isip nanaman ako anong gagawin ko bukas. nebenemenyen. Oo, alam ko hindi umiikot ang mundo ko sa pagvvolleyball pero parte na rin toh ng buhay ko. Ugghh naiinis ako pero wala naman akong magawa kasi HINDI NGA TALAGA PWEDE