cellphone, text, LOAD..

siguro naman kung hindi lahat, karamihan naranasan na ung magpapaload ka..ung tipong ngarag na ngarag at atat na atat ka ng magkaload at mag-unli..ung pupunta ka sa malapit na tindahan o makikitext ka pa sa iba para lang magpaload sa kakilala..kahit na utang pa ang load mo at sa isang araw o sa isang linggo mo pa mabayadan, okey lang sayo..

lahat ng un nagawa mo dahil lang nagtext ung taong crush/gusto mo..pero bakit nga kaya ganun no?

simple lang..:

kasi sa bawat minuto na nakakatext mo sya, sumasaya ka..napapangiti ka na lang bigla..pero bukod dun, naiisip mo na mas makikilala mo sya at magiging close kayo kung may ‘private communication’ kayo.. mapapag-usapan nyo kahit anong gusto nyo.. at naiisip mo din na baka matuwa sya sayo..na baka mapasaya mo sya..at marealize nya na kakaiba ka pala..na madaming magagandang bagay sayo na hindi nya pa natutuklasan..

BOTTOM LINE???..umaasa ka na magugustuhan ka din nya..

un lang un… UMAASA KA……

K.

7-3 class = HAPPINESS

actually, 7-9 at 1-3 lang ang masaya…lol

ihh! :’> haha..(landi!)

bakit kasi ganun? ako’y natutulala lalo na pag nangiti siya.. ang kyot. :’>

sobrang cute lang talaga… natalo ang singkit na mata ni utoy ih! naku po…… di ako makapagconcentrate… baka mahulog pa ko sa kanya! (este, sa dalwang subjects ko sa kanya) hahaha..=)

Hi Joren Em. Sinasagot ka na po daw ni Maricris Mendoza. Nakakatuwa naman at gusto niyo ako maging parte ng Love Story niyo. Ingatan niyo ang isa’t-isa…

THIS. :’>

Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Mula umaga, ilang ulit akong nag-isip ng way para masabi ko na tapos na ang paghihintay niya. Ayoko naman lumipas ang January 16, na hindi ko nasasabi na sinasagot ko na siya. Special din kasi ang araw na yun, Birthday ng nanay ko yun eh. :>

Hanggang sa maisip ko si Kuya Rhads. Siya ang paborito naming blogger. Actually, hindi niya kilala dati si kuya rhads kasi wala siyang tumblr, eh tuwing tatanungin niya ko kung anong ginagawa ko, sabi ko nagbabasa lang ako sa tumblr. Tapos pinasa ko sa kanya yung link ng tumblr ni Kuya Rhads. Naaliw din sya, sabi nya, kwela daw pero malalim. Halatang may pinaghuhugutan daw lahat ng posts. Edi yun, dalawa na kaming tagasubaybay ng posts ni kuya rhads. Tapos friend ko pa si kuya sa FB, eto namang si Joren, finollow nya si kuya. Nakakatuwa lang kasi naging part si kuya rhads ng love story namin. Tipong pag nagpost si kuya rhads, mababasa naming dalawa, tas yun ang pagkwkwentuhan namin. Mapamalungkot, nakakakilig, masaya, at kalokohan, patok na patok samen. Ang galing lang. ;)

Edi ang ginawa ko, kinapalan ko na ang mukha ko, nagPM ako kay kuya rhads kagabi. Humingi ako ng favor. At eto nga yun. Ang bait bait talaga ni kuya rhads at pinagbigyan nya ko. Hihi. Sabi ko kay Joren, "magbasa ka sa newsfeed ;)" . Nagulat siya, tas nakatag kaming dalawa sa post ni kuya rhads. Sabi niya saken, "woaaaaah! Seryoso yun?" sinagot ko naman ng "ay? anong gusto mo, joke?" tas sabi nya, "hindi kaya nahimatay lang ako ngayon, at nananaginip?"

Hindi talaga siya makapaniwala, tuwang tuwa siya tas FAMOUS pa talaga at idol namin parehas ang nagpost. hihi. :’> 

Kaya hanggang ngayon, wala pa ding paglagyan ang saya ko, at ang pasasalamat ko kay Kuya Rhadson. The best ka talaga kuya! Ang galing galing mo na, ang bait bait mo pa. Hihi. Kaya lalo kang minamahal ng mga tao kuya rhads, nandyan yung passion mo sa pagsusulat, tapos magaling ka pang makisama. I love you kuya rhads. Sana maraming blessings pa ang dumating sayo. At madaming books pa ang magawa mo. Continue to inspire us kuya! Maraming maraming salamat po ulit. :’> ♥

Ang sarap lang magplano ng future kasama ang taong mahal mo. Tipong sigurado ka na na siya ang gusto mong makasama hanggang sa pagtanda. Sabay kayong mangangarap ng magkaron ng magandang trabaho. Sabay mangingibang bansa at mag iipon ng pera para makatulong sa kani-kanilang pamilya. At pag okey na lahat, mag iipon naman para sa pangkasal at pampabahay.
Ang sarap lang sa pakiramdam. Sana matupad namin lahat ng pangarap namin ng magkasama. :)
Gusto ko na pabilisin ang oras. Dadating din ang araw na yun. ;)

BABALA: eto'y isang kwento ng walang kwentang pag-iinarte

parang ang hirap ng sitwasyon ko..

sabi nya, nacoconfuse sya kasi may nililigawan na sya pero interesado daw talaga sya saken.. HAHA ang kapal ko no??? eh ewan ko sa batang un kung anong nakita nya saken.. katabi ko pala sya nung nakapila kami sa cashier.. tapos sumakay pa daw talaga sya dun sa sinakyan ko..at dapat daw sasakay din sya dun sa sinakyan kong tricycle kaso nahiya sya saken..kaarteng bata..!

almost 2 months na daw nyang nililigawan ung FE na 3rd year, pero di nya daw alam kung may pag-asa sya kasi after grad daw, diretso australia na ung girl..tapos sabi nya sayang daw at late nya na ko nakilala.. eh ako naman, sakay na sakay sa trip, sabi ko, “oo nga, kung wala ka lang nililigawan, baka sakali…” pero pa-joke lang un..

ang sweet sweet nya.. at sa mga sinasabi nya, ang sagot ko, “pag may nililigawan ka na, dapat behave na.. dun ka na lang dapat..”

pero ang sagot nya, “di ko maiwasan eh..”

at nalilito daw sya..parang mali kasi ang ginagawa ko, ineenterain at sinasakyan ko pa ung mga sinasabi nya..pero sabi nya naman wag ko daw syang iwasan.. ang gulo..di ko alam kung san ako lulugar.. sana sagutin na ya nung nililigawan nya para happy na sya.. :)

til when?

nakakasakit ng kasu-kasuan ang araw na ito..kanina, gumising ako ng 5 kasi may removal kami ng 8AM..tapos umalis ako ng bahay ng walang siguradong isasagot sa exam.. ung sa book na part 5-10, hnggang part 6 lang ako..tapos sa school konting basa.. kabado ako kahit alam kong walang pag-asa.. ang pag-asa ko lang ay ang magagaya ko sa katabi ko.. kaya kinontrata ko na si allen, para makagaya ako ng ayos kasi malaki ang sulat nya..tapos,  un..nakaupo na kami.. sabi, nagpost daw ng bagong list ng magreremoval.. kabado ako kasi ang naisip ko, baka nakalagay kung ilang percent ang dapat makuha..

pagbaba ko.. awww..wala ako sa list… nalungkot ako ng sobra! mangiyak- ngiyak nga ako kasi pagkita ko, nandun si mikko, si richard, si ywenn , si grace, at ung iba.. naisip ko, “dalwang proto ang nasubmit nila..” eh ung akin, isa lang,tapos di pa nagana..=(

dagdag pa ung sinabi ni kuya dani na ang exams ko daw ay nagre-range lang from 10-20 tapos over 60 pataas daw un.. hinila-hila ko sya kanina, tapos tinuro ko na wala ako sa list.. sabi nya, "pasa ka na dun.." tapos biglang "mababa exams mo eh, mas mataas si grace kesa sayo.." sobrang nadown ako lalo.. tapos nung nakaupo n kmi sa canteen, nilapitan nya ko, sabi nya, baka naman daw pasado na ko dun..

at sa dinami-dami ng narinig ko sa madaming tao, isa lang ang thought.. "pasado ako dahil ng kuya ko.."un! un ang pinanghahawakan ko.! kung papasa ako, ang kuya ko lang talaga ang dahilan.. pero nagduda ako sa lakas ng kapit ko.. naisip ko, “may kinakapitan pa ba talaga ako?? o patas na ang laban??”no doubt, kahit sang banda ko tingnan, BAGSAK ako.. kung di man rektang bagsak, removal.. kaya nung wala ako sa list, naconfuse ako ng todo..pagdating ko dito sa bahay, sinabi ko sa nanay at tatay ko.. di din nila alam kung ano nga ba.. 

.tapos ngayon, pagtingin ko, pasa pala ako sa IE..HAHA! ang saya lang! etong subject na to ang subject na pagbali-baliktadin ko man, di kakikitaan na nag-exert talaga ako ng effort.. lugi si sir saken.. luging lugi..!

ang lakas lang talaga ng kuya ko.. alam kong unfair..pero di ko naman ginusto dahil simula pa lang, di naman nakausap ng kuya ko si sir.. siguro respeto lang..siguro nahihiya lang si sir na ibalita ko pa sa kuya ko na nagremoval ako sa kanya at bumagsak..ang kuya ko kasi ung tipo ng prof na hindi nagbabagsak..siguro kaya ganun ang nangyari..(baka bagsak dapat si sir vhiton sa kuya ko pero pinasa na ng kuya! HAHA)

ang lakas talaga! alam kong iba ang tingin nila saken..iniisip nila na malakas ako sa department.. siguro nga.. pero pano kung ngayon lang to?? pano kung di na maulit?..

i guess kelangan ko ng gumawa ng sarili kong pangalan.. hindi ung buntot lang ako sa pangalan ng kuya ko..(asa pa namang kaya ko! HAHAHA..XD)

Masaya ung unang meetup na naattendan ko kahapon. Yun lang nga, wala akong pictures.. Haha. Eh kasi naman…….Pero ok lang, wala man akong pictures at tumakas man ako kahit di pa tapos ang meetup, happy naman ako kasi happy din naman ung kasama ko. Libreng kain, tawa, nakarequest pa ko ng kanta tas hatid pa pauwi. oha. Lakas. :)

Basta masaya ung kahapon. Masaya ako. :)))

nagtingin tingin ako ng tth ngayon lang...

and the 4th post……………

pagkita ko pa lang, napaisip na agad ako.. yup.. he looks familiar… he really is..

naman! hanggang tumblr pala maaalala ko pa din siya.. ang liit lang ng mundo..ung blogger sa pic na un, friend ni chimpanzee.. friend nya sa bansa kung nasan sya ngayon..nakilala ko agad sa mukha kasi syempre nakikita ko din sya sa pictures..OO..ako na ang stalker.. ako na ang patuloy na sumisilip sa facebook nya kahit na sinasabi kong nakalimutan ko na sya..ako na talaga…..=(

o diba ang galing???

lupit nga naman ng pagkakataon…yan tuloy, namiss ko sya ulit..bakit kaya ganun??? imba naman..=(

may tumblr famous sa 4th floor. :D

umakyat kami kanina sa 4th floor para tingnan kung sinong mga magreremoval sa Uops. Dire-diretso lang ako hanggang sa loob ng office ni mam jenneth. Paglabas ko dun, nagulat ako, nasa harapan ko ang isang tumblr famous. (hahaha.. eh kasi famous naman talaga sya!) Ngumiti siya saken, kulang na lang matunaw ako sa harapan niya, at nginitian ko din siya *with matching kaway na malapitan*. Ang cute cute niya! as in! Tapos ung isang food eng na kakilala ko, sabi niya ‘yan! namumula si maricris!” napasabi na lang ako ng, "ala…. nahihiya ako.." sabay labas ng room na un..haha..Eh kasi nahiya talaga ako! Nagulat nga kasi ako tapos sya pa ung unang ngumiti! Nakakawala sa sarili. Ayieeeeee..:’> At talagang kilala niya na ako. hihihihi (tawang malandi)

Paglabas ko, ngiting ngiti ako, eh kasama ko pa naman si boss. Tinatanong niya kung bakit,sabi ko nagkita ako ng tumblr famous! HAHA.

Tapos nung kami naman ni bina ang bumaba para bumili ng folder, nakita ko ulit siya. Ayieeee talaga! Kinikilig ako. haha :’>

PS: di ko na siya ita-tag. Baka sabihin papansin ako. Haha. Itago na lang natin siya sa pangalang “freakyrobin”. lol. tagong- tago yan! :D

Watch on schizophreniacc.tumblr.com

sarap maging Batanguena.♥

Diorama sa may Municipal Hall ng Batangas City… ang ganda lang…=)

napanood ko to, isang beses, day before my birthday(nov25) with couz (angdakilangkaaway) pero di namin ntapos kasi umuwi na kami..

anywayssss…this one’s AWESOME..=)

ubo nga ba???

alam mo ung feeling na sobrang kati ng lalamunan mo.. ung di maalis alis ang kati.. tapos kahit anong pag-ubo mo, wala pa ding magawa hanggang maluha na ang mga mata mo.. tapos habang lumuluha ang dalwa mong mata, lalo ka pang naiyak kasi may mga bagay na pumasok sa isip mo.. ung mga bagay na nakakapagpalungkot sayo at ung taong dahilan ng kalungkutan mo.. o diba? panira lang!.. sumabay sabay pa..=(

at tinanong ka ng nakakita sayo kung bakit ka umiiyak, normal lang na isagot mong "inuubo lang ako…" =’(

hindi mo naman talaga intensyong itanggi ang isang bagay, minsan hindi mo lang talaga alam sa sarili mo ang totoo mong nararamdaman..

sobra pa din akong naguguluhan..may mga araw kasi na wala talaga akong pakialam..pero dumadating naman sa puntong nandiyan na naman, bumabalik lahat dahil lang naalala ko ang isang simpleng bagay na may kinalaman sa kanya..ang gulo ko..hindi ko maintindihan kung wala na ba kong feelings para sa kanya o tinatanggi ko lang kasi alam kong wala namang patutunguhan..

ang tanga ko lang talaga..sobra ko yata talaga siyang minahal..dapat umpisa pa lang dineadma ko na ung nararamdaman ko kesa sa ganito, naging sobrang attached ako sa kanya at ang hirap hirap..pero mas mahirap ung feeling na alam kong anytime pwede nya kong kalimutan pero ako, di ko kayang basta na lang iwan lahat..oo..friends lang kami, pero dun sa mga panahong sobra kaming naging malapit sa isa’t isa, masasabi kong ilan un sa mga pagkakataon na hinding hindi ko ipagpapalit at hindi ko kayang basta na lang ibasura.. kasi umaasa pa din ako na maibabalik un..

pero hindi ko din naman inaalis sa isip ko na hindi malabong umaasa lang ako sa wala..lalo pa ngayon na sobrang dami ng nagbago..sobrang dami..so i guess, ang magagawa ko lang ay maging masaya sa mga naa-achieve nya at sa nangyayari sa buhay nya..nandito pa din naman ako lagi para sa kanya..ano pa’t naging FRIENDS kami..pero sana lang alam nya un..at sana di nya ko makalimutan..=/

december 22, 2009

tandang tanda ko pa.. mga bandang alas singko ng hapon.. katulad ng nakasanayan, malimit na kaming magkachat nun kasi nga malapit na kaming magkaibigan.. ung parang isa sya sa mga barkada kong babae na nakakachikahan ko kahit sa chat lang.. biruan lang, asaran, pero nung pagkakataong un, out of nowhere, sabi ko, may sasabihin ako sa kanya.. tapos di ko agad dineretsa hanggang sa naguluhan sya.. at sinabi kong “i like you” ..ung tipong pagkapindot ko ng enter sa keyboard. gusto ko ng maglaho..nagulat sya, sa dami dami daw iba bakit sya pa..

ang hirap lang ipaliwanag..pati nga ako mismo, di ko naexplain kung bakit nga ba sya.. basta ang alam ko gusto ko talaga sya.. siguro kasi sa lahat ng mga naging kaibigan kong lalaki, sya ung naging pinakamalapit saken..sya lang ung may ganung ugali..ewan..ang gulo.. basta alam ko lang gusto ko sya..

after ng araw na un.. pinagpalagay kong iiwas talaga sya.. na magugulo ung friendship namin.. na maiilang sya saken.. pero mali lahat ng akala ko kasi mula nung araw na un, mas naging close pa kami.. ung tipong inaabot ng kalaliman ng gabi na magkachat kami kahit walang kwenta ang usapan at nagtetext sya saken kahit globe pa ko nun at smart sya.. basta, nag-iba talaga sya.. syempre pabor saken un.. tapos sa school, parang deadma lang, syempre nahihiya naman ako sa kanya.. tapos dumating pa sa puntong magtatampo ako sa kanya sa kung anumang dahilan, kahit di ko sabihin sa kanya alam nyang tampo ako kaya pag nasa school, di kami nagpapansinan o nag-iimikan man lang pero di alam ng mga taong nakapaligid samen un.. hanggang sa magtetext na lang sya na parang walang nangyari, at un, okey na ulit.. nakakamiss lang..

sobra sobrang miss ko na talaga sya.. pero wala naman akong magagawa..tapos ngayon, naguguluhan ako..di ko alam kung may feelings pa din ba ko sa kanya, o kung purong purong pagka-miss lang ang nararamadan ko.. ang gulo gulo..=(

pero ang mahalaga naman, FRIENDS kami..

2 years ng magulo ang utak ko.. magulo ang puso ko.. magulo.. magulong magulo ang pagkatao ko..

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video