5

Dear Puyatkada

Hi. Miss ko na kayo. Wala pa tayong picture na magkakasama. Yung kumpleto tayo. Aminin nyo yan. HAHAHA. Pero di bale, mangyayare din yun. Tiwala lang.

Si Dan na kahit may pagka-weird kausap, eh hindi pumapalya na patawanin kami ni Karen sa mga Knock-Knock jokes nya :) Si Allan na lagi tayo nakakatulugan pag confe. Tapos si Karen na laging maingay na tahimik (maingay yung background pero hindi sya nagsasalita) :D Si Jahycee na Kuya ng lahat. Minsan mabait pero madalas makulit :) At si Racy na.. wala. panggulo sa confe tapos maingay tapos ang panget panget ng boses. HAHAHA. Char lang. I love you Racy :)

Ano na nga bang balita senyo? Tagal ko na kayo di nakakakwentuhan ah? May ilan linggo na rin kase kong walang.. oo sge aaminin ko na. ilan linggo na rin akong nawawalan ng oras para sa inyo. Nakakamiss kayo. Di ko na matandaan kung kelan tayo nakumpleto kahit sa confe manlang. Siguro ako, nagsawa nalang din ako na mageffort masyado. You know what I mean? Sorry. Pero it doesn’t mean na nabawasan na pagmamahal ko sa inyo. Well, in fact kayo parin ang paborito kong Kada. Kahit konti lang tayo. Ilan nga ba tayo? anim (6) lang tayo (Si Yom at King wala na kong balita) .__. Pero aminin nyo, masaya naman tayo kahit ganun di ba? :)

Sana bago matapos ang 2012, magkaron tayo ng family picture. HAHAHAHA. Yung kumpleto kasi! :(

Kahit yun nalang christmas gift nyo saken, masaya na ko. Swear. :)

2

Hoy Jhaycee Hermoso. HAHAHAHA. Charaught. Alam mo naman na di ako sanay sa mga ganitong seryosong post pero gusto ko lang sabihin na, miss na kita.

Isa ka sa mga naging tunay na kaibigan ko dito sa Tumblr. Ikaw yung kaibigan ko dito na kahit maloko minsan, seryoso din naman kausap. Lalo na sa mga payo. Naalala ko nun pag nagcconfe tayo ng Puyatkada, minsan tayong dalawa nalang natitira. Ang productive ng nagiging usapan. At salamat para dun. Ang dami kong natutunan sayo. Nabubuhay dugo ko eh! LOL.

Bakit ako nagpost neto? Wala naman. Kanina nagtext ako sayo diba? Sabi ko Miss na kita. Totoo yun. Lagi ka naman sumasagi sa isip ko pero minsan di lang kita nakakamusta kasi alam ko medyo busy ka na. Ngayon, alam ko may trabaho ka na. Pagbutihin mo. Para malibre mo naman ako. HAHAHAHAHA. Joke lang. Namimiss na kita kakulitan eh :( Alam mo yun?

Ang tagal na din simula nung una tayong nagkakilala. mag-isang taon na din siguro no? Akalain mo yun. Sa dinami dami ng nakilala ko dito sa Tumblr, naging magkaibigan pa tayo. At alam ko magiging magkaibigan tayo hanggang sa pagtanda naten, may Tumblr man o wala na. Naks! :)

Alam ko di mo to mababasa kasi di ka na nagbubukas ng Tumblr. LOL. Pero ipopost ko padin! Hahahaha. Kitakits soon. Ingat palagi.

- Cha.

Superacy. Nitanegrita. Msnitanegrita. Racyann Apuada Oliva. :)

Dapat talaga sa November pa tong post na to. Hindi mo siguro alam kung ano meron sa month ng November at ginagawan kita ng ganitong post pero maghanda ka ng tissue kasi madrama to. Lol.

image

Happy 1st Anniversary Racy! :) Oha! Parang lovers lang bunso. HAHAHA. Pero srsly, November last year talaga tayo unang nagkakilala through text. May nagplug kasi ng number mo nun (Si Bheng *mabaetakokonte*) tapos sinave ko lang yung number mo. Oo sinave ko lang pero di kta tntxt kasi hndi ako pala-text noon. Tapos nung nagPM ka kung gusto ko sumali sa confe nyo. Tapos ayun, nagkakwentuhan. Tapos naging mas close pa tayo nung nagkaron ng Tumblr Clan. Sinali kita tapos dun na din nag start na tawagin mo kong “Lola” :”>

image

Nung mas nakilala pa kita, dun ko nalaman na, ang kulit mo pala talaga. Maingay ka kahit sa phone lang magkausap. Pala-kwento. Friendly. Ang cute tumawa (Parang dwende. HAHAHA.) Pero ramdam na ramdam ko din pag seryosong usapan. I just love everything about you bunso.

image

Hindi ko alam kung pano o bakit pero sobrang thankful ako kay Lord kasi nagkakilala tayo. Kaya kahit wala ng Tumblr, andito lang ako lagi para sayo. Kahit si Superacy, si Nitanegrita o si Racyann Oliva ka man.. Mahal kita. Nukks :”> Ikaw lang nagiisang “bunso” ko. Walang papalit.

image

Wag ka lang magbabago. Kasi pag nagbago ka, sasabunutan kita ng bongga. Ok na yan. Maganda boses mo.. Krung krung ka.. Baliw ka.. ano pa ba? Ah, alam ko na inaabangan mo na mabasa.. HAHAHAHA. oo na. Maganda ka na! Nagmana ka nga pala saken :D I love you bunso. As in. :)

Ano pa ba pwede ko sabihin? Eh parang parepareho naman tayo ng mga sinasabi sa Text, TAs, GM at fanmail. Pero ganon pa man gusto kitang batiin ng HAPPY NEW YEAR. :)

Hindi lang para sa mga Kada at sa mga kaibigan ko dito ang mensahe na to. Basta para sa lahat! HAHAHAHAHA.

Sabay ng pagtatapos ng 2012, isabay na din natin sa pagtatapos nito ang paglimot sa mga mapapait at malulungkot na nangyari satin lahat. Pero wag isama ang mga natutunan na lesson sa mga pagkakamali at malulungkot na nangyari na yon. Magagamit natin yon para maging mas productive sa 2013 at sa mga susunod na taon.

Maraming salamat sa napakalupit na ala-roller coaster ride na 2012. Putangina. HAHAHAHAHA. Malungkot-masaya-Masakit sa tyan na tawanan-nakakakilig na landian-masakit na pagpapaalam-magandang simula-sa pagkakaibigan-sa away-sa issue-sa meet ups-sa libreng sundae na walang choco fudge <3-sa payo-sa pangungutya at kung ano ano pa! :) Kulang pa ang post na to para madescribe ang nararamdaman ko ngayon. Basta maging masaya tayo! Matuto na rin sana tayo makuntento :)

AAt sana wag kayo magsawa sakin. Sa pagintindi sa mood ko. Sa pag adjust sa ugali ko. At kung anu-ano pa. (Ay pota naiiyak na ko. HAHAHAHAHA.) Sobrang swerte ko ngayon 2012.

Tama na sa drama! :) Sa mga kaibigan ko dito at ka-Kada, alam nyo na kung sino kayo, ang hirap magtag kasi madami kayo pero.. tangina nyo, sa 2013 ulit! More kutyaan. More asaran. More.. basta more! Mahal ko kayo, sagad! HAHAHAHAHA. Sa mga nakakakilala sakin at sa mga hindi, 2013 is going to be better for all of us. Let’s make it happen. Apir! :)

P.S.

Pwede ba na ireblog mo to pagkatapos mo basahin? Para mabasa din ng ibang Tumblrista. Para kasi sa inyong lahat to eh :)

Greetings.

Alam naman natin lahat na ngayon palang eh busy na tayo kaya babati na ko. HAHAHAHAHA. Merry Christmas and Happy New Year! Hoooooo! Sabog confetti! Ilabas ang pagkaen! HAHAHAHAHA.

Yung may mga regalo dyan para sa akin, tumatanggap pa po ako :”> Char. Pero dapat maging masaya tayong lahat. Yun naman ang importante.

Sa pagtatapos (Wow. Graduation. HAHAHAHA.) ng taon, iwan nyo na mga negative vibes at bitterness na nararamdaman nyo. Wag nyo na isama sa pagpasok ng 2013, hane? Masama yan. dapat puro positive vibes. Binigyan ulit tayo ni Lord para maranasan ang bagong taon kaya wag natin sayangin. Sulitin natin.

At sa mga nakakakilala sakin, Pagkakaibigan at pagmamahal ang regalo ko sa inyo. Hindi man materyal pero panghabangbuhay naman. Naks. Salamat sa pagiging parte ng napakasayang 2012 ko. Worth it. Sama sama ulit tayo maghasik ng kabaliwan sa 2013! :) Apir! :)

Kaya mahal ko si Baste e :D
  • Ako:Bibitaw na ba ko?
  • Baste:Oo. Shunga.
  • Ako:Eh pano kung may pag-asa pa ko sakanya?
  • Baste:Pag-asa mo muka mo. hahahahaha.
  • Ako:Ano ba! kala ko kaibigan kita? HAHAHAHAHA.
  • Baste:Ginagago na kita para matauhan ka kasi alam ko ganun din mararamdaman mo pag tinuloy mo yan. hahahahaha.
Minsan dapat matuto kang mandedma. Hindi para maging suplada/o, kundi para maramdaman din nya ang nararamdaman mo tuwing binabalewala ka nya.

chacharrific:

minsan lang naman ako humingi ng pabor. LOL. sana tulungan nyo ko :DD

paki LIKE muna yung PAGE.

http://www.facebook.com/Mr.and.Miss.OLFUAntipolo2012

and then paki LIKE din yung picture.

CLICK THIS FOR THE PICTURE.

image

Pamangkin ko yan :DD LOL. gwapo no? :P

LIKE nyo ha? reblog nyo na din :D the more, the merrier! :))

PLEASE?

PLEASE?

PLEASE?

:DD eto nalang alam kong way para matulungan sya. LOL! :DD