He was lonely. She was, too. They were both looking for love. They met and became friends. They were happy with each other and would often laugh on each others’ jokes. He would make her smile, and she would appreciate his thoughtfulness. Then, as time went by, she remembered that she was looking for love. And by that time, she knew she found it: IT WAS HIM. Suddenly, he told her that he found love… but it was on someone else.

She had no choice but to smile for him. She found the perfect; even him did, it’s just not mutual. Then she’s lonely once again.

</3

One day, one time.

Don’t change, don’t try.

Have you ever thought of becoming my hero?

You’re blessed with the powers no one can ever handle.

You are so beautiful, I can easily tell.

Every little thing about you is a wonder in me.

How could someone hurt you if you’re the perfect one?

How can someone make you bleed if you’re the greatest catch?

I won’t promise to give you all the time that I’ve got.

But I’m willing to make time to make you matter the most.

I won’t promise to write you the best love song,

But I’m willing to sing you with all my heart.

One day, One time.

When will I ever make you mine?

How will I suppose to tell you that I love you,

If the only way to say my love is to say goodbye?

One day, one time.

One man, one life.

One word, one try.

Goodnight, goodbye.

When I first saw you, I already knew that you’re perfect. You have everything. I guess, people thought of the same way as mine. But then I was disappointed. Disappointed by the fact that I was wrong with of what I thought about you. You’re not perfect. You’re beyond my definition of what perfect is.

And yeah, at this point I guess you’re the best thing that I’ll never ever have. But there’s no pain or whatsoever. I guess people were right to tell that no person could be the cause and cure at the same time. That person would just be either the two. And you’re the cure for this long-time pain. 

For me, you’re perfect so don’t ever change. You’re smile keeps on giving light to this shaded world of mine. When you make me laugh, it’s wonderful because I’m not just laughing… I’m very much happy. 

You’re a treasure worth keeping, but I’m not gonna steal you. I hope you’ll always get what you deserve because you are worth every loving in this world.

Eleven:thirty

It’s not really the night, nor even the fine dining and the yellow-coated chandeliers.

The ticket to the trip doesn’t even matter, even the traffic isn’t bothering at all.

Their laughs and rants to what I say, I don’t value,

For my only concern is to hear your voice and to see if you care.

I see that when you’re mad, you’re never really mad. You just talk too fast.

You’re lips chapped by a small wound seems to be so beautiful.

The way you interpret the world is a much better version to me,

For my world is a brand new version when you came again here.

That night, the only thing that mattered was,

The long walk after the long stay.

It’s raining hard and the wind carries the waters near us.

We walk together with your umbrella still open.

I’m ready to get wet by the dirty rain dropping from the low heavens,

You pulled me near you to save me from that scenario.

It’s a five-minute state of love that I have never felt before.

I was imagining another version of our skinship together.

Yet it was the rain that made the move to make it possible.

Just this night. Only this night.

Now I realize that it’s you for a longer time.

The Ice Cream Promise.

Once, there was this boy who befriended a girl. Music had bridged them to become close and eventually, they hang out.

Nothing between them, yet, they enjoy their special friendship in a very special way. They found happiness on each other’s company and they seemed to be inseparable. 

They promised too many things with each other and eventually, the girl who instantly fall for the boy kept on keeping her promises. But she didn’t tell the boy, or anyone about the feeling… she just kept it to maintain the friendship.

On the girl’s birthday, the boy didn’t show up and it disappointed the girl. He, too was disappointed so he made a promise that he’ll treat the girl on an ice cream parlor to make it up to her.

The girl waited and smiled because he knew that the boy had made something significant for her. Both of them busied themselves onto their respective works but still manage to see each other. 

They kept on seeing each other until one day, when the boy was about to treat the girl, he didn’t show up. The girl phoned him for she waited the whole day. He told her that he’s busy with something and he’s too late to show up and was shy because he’s got no money to treat her. The girl said he should have called her and it doesn’t matter if he treats her, all she needed at that time was to see him.

Everyday, the girl would show up to their rendezvous place and the boy would not show up. He won’t even call. 

The days passed and the friendship between the boy and the girl almost vanished. She would see him hang out with another girl and it hurt her so much, though she knew that there’s no reason for her to get hurt.

The pain was too much, she said so she tried phoning the boy. She confronted her, asked him why does things have to change between them, and he admitted that he needs to distance himself from her, she said she understand, but to console the girl, he promised that after everything, he’ll treat her the ice cream that he once promised.

Up until now, the girl is still waiting… Waiting for the ice cream promise that he told her.

Juan for all, all for Juan.

Kanina habang nanonood kami nila Mama ng isang sikat na sikat na noontime variety show, bigla siyang nagtanong..

"Tapos na bang mag-intern si (he-who-must-not-be-named) diyan?"

"Hindi ko lang alam eh…"

"Ahh… baka tapos na kasi matagal na siya diba? Nauna pa siya sayo eh."

"Baka nga…"

"Eh diba Lance din siya?"

"Hindi, iba yung org niya sa school.."

"Parang wala na ata kayong pakialam sa isa’t isa ah.."

Tapos bigla akong napatigil at tahimik na sumagot. “Kung alam mo lang mama…”

Alam ng mama ko na sobrang close kami. In fact, lagi siyang nakikibalita tungkol sa kanya pero minsan nagsisinungaling ako kasi ayokong mahalata ni mama na di na nga kami ganun tulad ng dati. 

Naalala ko tuloy na wala na talaga akong balita sa kanya. Kasi, ni number niyang bago di niya binigay eh. Masakit lang talaga. At mas masakit pa na di mo masabi sa kanya na sobrang halaga niya sayo…

Grabbed from the net: Yellow. Purple. Red.

Siguro wala talagang nakakaalam nang kung ano ang dapat na mangyari sa buhay natin. Maraming dumarating… at umaalis ng biglaan din naman.  Masakit, minsan masaya. Pero paano kung may umalis, at may dumating, pagkatapos ay naisipang magbalik nang dating nang-iwan?

Si Kath. Nasaktan. Naiwan. Nino? Nang isang taong labis na naging mahalaga sa kanya. Si Harris. Taong nangako na di siya iiwan kahit kailan. Kaso may dumating. Naiwan niya si Kath. Naiwang nag-iisa at duguan. At ang masakit pa, di naging maganda ang pagkakahiwalay nila. 

Nagkagalit. Naging bitter sa isa’t isa. Lalo na si Kath, na siyang naiwan. Wala mang relasyong namagitan pero sapat na ang pagkakaintindihan na mahalaga sila sa isa’t isa.

Sakto naman ang pagdating ni Adrian sa buhay ni Kath. Pinunuan ni Adrian ang mga gaps na iniwan ni Harris sa puso ni Kath. Tinupad ni Adrian ang mga pangakong napako ni Harris kay Kath. Naging masaya sa piling ni Adrian si Kath. 

Ngunit di maikakailang iba pa rin si Harris sa puso ni Adrian. Kahit pa alam nila sa isa’t isa na tapos na talaga ang lahat para sa kanila.

Dumating ang panahong tuluyan nang hinayaan ni Kath ang pagpasok ni Adrian sa puso’t buhay niya…

Naging masaya ang dalawa.. ngunit hindi si Harris. Unti-unti niyang naramdaman ang pagkawala ni Kath sa buhay niya. Ibang-iba ang pagpapahalagang iniukol nito sa kanya kaysa sa ibang babaeng nakilala niya. Unti-unti niyang hinanap-hanap ang dating lambingan nila.

Hanggang sa nagdesisyon na siyang iwan ang kasalukuyan upang balikan ang nakaraan.

Huli na nga ba ang lahat?

Masaya na kung tutuusin si Kath. Ngunit may pumipigil sa kanya na ipagpatuloy ang kasiyahan kasama si Adrian… si Harris. Sapagkat may isang bahagi ng puso niya na umaasang matutuloy ang naputol na pag-ibig nila ni Harris.

Nagkaroon ng komprontasyon. Si Harris kay Kath, pinipilit niyang ipaalala dito ang nakaraan. Ngunit si Adrian, sinasabi na puro sakit lang ang idinulot ni Harris kay Kath. Labis na napaisip si Kath. Sapagkat inisip rin niya ang sinabi ni Harris na ginawa lang naman ni Kath na panakip-butas si Adrian at alam nila sa isa’t isa na nagmamahalan sila. Ngunit sa isang banda natutunan na rin niyang mahalin at pahalagahan si Adrian.

Napaisip siya. At nang panahong iyon, di nagpatalo ang dalawang lalaki sa isa’t isa sa pagpapakita ng pagmamahal nila kay Kath.. hanggang sa tuluyan nang pumili si Kath sa kanila…

..

..

..

..

.

.

.

.

…..Si Adrian. Na siyang nagbigay ng kulay sa buhay niya pagkatapos ng kalungkutan. Dahil naging tapat ito sa pagmamahal sa kanya. Dahil alam niyang di siya iiwan nito gaya ng ginawa ni Harris… 

LONG STORY SHORT #8: LILA

Late ka nang dumating. Salamat sa hindi paggising ng nanay mo ng maaga sayo. Napilitan ka na namang maupo sa likuran para di ka mapansin ng professor niyo. Tapos siyempre, ang una mong hinanap, siya. At nakita mo na naman siya, pero tulad ng inaasahan mo, magkatabi na naman sila. Anong bago? Anong bago simula nung maluma yung dating ‘kayo’?

Saka mo lang napansin na pareho pala kayo ng kulay ng damit. Madalas kayong magkapareho at yung mga damit na iyon ang madalas niyong maisuot ng sabay. Medyo natuwa ka. Tapos tinitigan mo na naman siya mula sa malayo. Pa-martir with drama-emo effect ka pa sa isang tabi eh alam naman ng buong Pilipinas na miss na miss mo siya diba? Kaso nakikita mong masayang-masaya silang magtawanan nung katabi niya. Sakit noh? Yung dating kayo ang gumagawa, ginagawa na niya kasama ang iba.


Kaso wala ka namang magawa. Nung naglabasan na lahat. Alam mong malapit lang siya sayo. Pero nagmatigas ka, di ka lumapit o kinausap man lang. Sige, panindigan mo yang tapang-tapangan mo pero deep inside, miss na miss mo naman siya. Yung mga kaibigan mong kahit kailan talaga pahamak, naisipan pang kumain nang kasama siya, ang saya diba? Nag-iiwasan kayo tapos aayain kang maglunch na kasama sila. Edi go lang. Ano namang masama diba?

Nagpunta kayo sa kainan. Tapos naupo na kayo. Oorder na, teka sinong maiiwan sa mga gamit? Nagpaiwan siya at yung isa pa nilang kasama nung lagi na niyang kasama. At ang mga pahamak mong kaibigan, pinaiwan ka. Tapos kayo na lang tatlo, AWKWARD! Edi gumawa ka naman ng paraan para di awkward, kinausap mo siya, tinanong-tanong. Kaso, titipid ng sagot niya, bigla pa niyang kinausap yung isang katabi niya, na-OP ka! Sakit nun noh? Dapat kayo yung nagkukwentuhan kaso parang mas matagal na nga silang magkakilala nung ‘new found friend’ niyang yun kesa sa inyo.

Lumipat ng upuan at yung magagaling niyong kaibigan, inupo pa kayo ng magkatapat kayo. Pareho kayong di makatingin sa mata ng isa’t isa, iniiwasang mag-usap hangga’t maaari. Pero di maiwasang magkaroon ng parehong hilig, lalo na ng mga kanta. Di talaga matatagong sobra kayong magkatulad. Nagtawanan sila ng taong lagi niyang kasama, ang sakit sakit lang para sayo kasi dati kayo ang ganon. Ano na nga bang nangyari sa inyo…

Umalis kayo at nagpaalamanan, nagpaalam siya sayo… o di man direkta… pero di mo na siya pinansin pa. Sayang, ayaw mong magpaalam, gaya ng ayaw mong matapos ang dati niyong pagkakaibigan. Pero eto na nga, huli na talaga para ayusin at ibalik ulit ang lahat sa dati.

LONG STORY SHORT #7: CLOSURE

Nakapag-usap na kayo. Nalinaw na ang lahat… at some point. Malinaw na ang isip niya sa tunay mong dahilan…kung bakit ka nawala, kung bakit mo siya iniwan.

Pero di pa rin niya lubus-maisip na iyon talaga ang dahilan. At di niya ma-imagine na ginagawa mo pa rin yung bagay na yon… kasama ang iba.

Magkikita kayo. Pero kahit gusto ka niyang makita, ayaw niya. Para makaiwas sa mga katanungan, sa sakit na nararamdaman niya.

Tuesday. Dumating ang araw na ito. Ang aga niya. Abala siya sa paghanap sayo. Di ka niya makita. Binaon niya ang pangako sa sarili na kapag nagkita kayo, di siya magagalit. Miss na miss ka na niya.

Bigla kang dumaan. Nakita ka niya… pero kasama mo siya.

Masakit ba? Oo, lalu pa’t alam na alam na niya kung anong meron kayong dalawa. Sayang, akala niya sa simpleng closure magsasara na rin ang sakit na pinagdadaanan niya ngayon. Hindi pala. Mas masakit pa.

LONG STORY SHORT #6: BEADS

Busy ang lahat. Busy kayo pareho. Kailangan niyo nang matapos ang requirement na kayo ang magkasamang dapat na tumapos. No choice ka, at lalo na siya, at kailangang magsama pa kayo. Kasi kahit alam niyong dapat mag-iwasan na kayo, pero wala naman nang magagawa dahil kailangan nang matapos.

Magkasama kayong gumawa, tinapos sa loob ng dalawang oras. Nang magutom kayo, kumain kayo. Pinilit mabalik kahit konti yung dati. Kaso hindi eh… hindi na talaga kaya.

Pagpanhik niyo ulit, may hinahanap siya. Pero di niya nakita. Tinignan niya sa kabila, wala. Naglakas-loob na tuloy siyang magtanong…

"Bakit di mo suot yung binigay ko sayo?"

"Naiwan ko eh…pati nga relos ko di ko suot eh…"

"Ahhh…"

Kahit ayaw niyang maniwala, um-oo na lang siya. Wala naman siyang magagawa kung nagsasabi ka ba ng totoo o hindi.

Tapos naghiwalay kayo. Sumama siya sa iba pang tao. Sa kanyang pagsama sa kanila, nakasama niya ang isa pang taong naging kaibigan mo ngayon… na maaaring isa rin sa dahilan ng pagkawala ng pagkakaibigan niyo. 

Kaswal silang nagkukwentuhan. Masayang nag-uusap… nang makita ang pamilyar na gamit sa kaliwang kamay nito…. yung binigay niya sayo.

Biniro niya iyon tungkol doon… pero di niya maiwasang masaktan. Pinilit niya na maibigay iyon sayo, pero di mo pinahalagahan. Pero ano nga bang magagawa niya… dahil kahit nga pagkakaibigan niyo, di mo pinahalagahan diba?

LONG STORY SHORT #5: DROPOUT

Busy ang lahat. Pati sya, lalo na siya. Pero nagkaroon pa rin siya ng panahon para isipin ka. Siguro kahit ikaw wala ka nang pakialam sa kanya. Nagkaroon pa rin siya ng effort para makausap ka. Kaya tinext ka niya. Ng parang wala lang… matagal na mula nang mag-usap kayo ng ganito.

Tinext ka niya, tinawag ka niya sa tawagang kinasanayan niyo noon pa. Kahit alam niyang dapat hindi na, sumugal pa rin siya, sumagot ka.

Ang akala niya babaliwalain mo siya. Pero dahil sumagot ka, nag-isip siya ng bagay na pwede niyong pag-usapan. Nai-open niya ang problema mo.

Pinag-usapan niyo. Malungkot ka alam niya. Kahit naman ikaw talaga ang dapat sisihin kung bakit nangyari sa iyo yan. Sinubukan niyang pagaanin ang loob mo, nangako na tutulungan ka niya sa abot ng makakaya niya dahil anupa nga naman ang pinagsamahan niyo… na kahit kinalimutan mo… ay pinahalagahan pa rin niya.

Nagulat siya na nagpasalamat ka. Higit pa sa inaasahan niyang pasasalamat.

"Salamat ng sobra a? Kahit alam kong may gap, nagshow ka pa rin ng concern mo, salamat…"

Nagsimula siyang maiyak. Ikaw nang nagsabi, sayo na nanggaling. Pero ano pa bang magagawa niya… kaibigan lang siyang walang magawa sa kaibigang gusto nang lumisan…

Reading old messages.

Yes, it’s official. It’s been so long since we talked. At ang ginawa ko, I opened our old conversations and messages. Bittersweet memories. Nabasa ko lang naman kung gaano tayo kalupit mag-usap. 

If may makakakita nung mga pag-uusap natin, tapos makikita tayong dalawa ngayon, iisipin nilang baka hindi tayo yung nag-uusap. Damn! To tell you honestly, tonight I’m crying. It’s so hard to imagine how can everything suddenly vanish. Like the world took you away from me.

Paanong di ko maaalala yung mga simpleng pag-uusap natin, eh from midnight til the break of dawn tayo mag-usap before. We were inseparable. We used to be a team. But then you left, you backed out. Where are you now?

Alam kong wala nang maibabalik. Nararamdaman ko. Nalulungkot lang ako, bakit bigla ka na lang bang nagkaganyan? Ano bang ginawa ko? Nagpadala ka ba sa mga sinasabi nila?

Naaalala ko tuloy yung mga kwentuhan natin, di na nga ata tayo nagsasawang makinig sa isa’t isa. Tapos pati yung mga simpleng kagaguhan natin, mga patawa-tawa. Nasaan na kaya? Nasaan ka na?

LONG STORY SHORT #4: JWU

7:15pm. Kakagising lang niya. Napahaba ata ang siesta niya dahil pagod na pagod siya. Chineck niya ang phone niya. 

1 missed call.

Tinignan niya kung sino. IKAW.

Medyo bangag pa siya kaya kahit nakita ang pangalan mo, medyo nagpungas pa siya. Saka niya kinuha ulit ang phone niya para titigan ang pangalan mo sa listahan ng missed calls niya. Tinignan niya ang oras. 7:04pm ka tumawag. Tinext ka niya.

"Kakagising ko lang. Tawag ka na lang ulit."

Maya-maya, nag-ring ang phone niya. Nakita niya ang pangalan mo. Sinagot niya ang tawag.

"Hello?"

"Hello.."

"Oh bakit ka tumawag kanina? Kakagising ko lang eh."

"May hihiramin sana ako sayo eh. Kung okay lang. Nasa bahay ka niyan, ano? Balak ko sana sasama ako pauwi sayo para makuha ko na diyan sa inyo eh."

"Bakit kailangan mo nun?"

"Wala naman may gagawin lang. Okay lang ba sayo kung hihiramin ko?"

"O-oo."

"Salamat! Oh edi sige ganito pag kukunin ko, sabihin mo na lang kung paano pumunta jan sa inyo ah. Para pupuntahan kita."

"Sige, anytime."

"Salamat. Bye."

"Bye."

Ibinaba mo ang tawag. Napangiti siya. Pero biglang napaisip. Tumawag ka lang ba dahil may nais ka mula sa kanya? Naalala mo lang ba siya nung may kailangan ka? Pero masayang isipin na maaari mo siyang bisitahin. Biglang sumaya ang puso niya. Hihintayin ka niya, kahit kakagising lang niya.

LONG STORY SHORT #3: Cap

His story:

Masayang-masaya ako pag-uwi. Sa wakas! Nagbunga lahat ng effort ko! Matapos ang lahat ng pagod, ang lahat ng paglakad-lakad at pagkausap sa mga tao, naging tagumpay naman. Isa na lang ang hinihintay ko, ang maging lehitimo. Pero okay lang naman maghintay, sandali na lang naman yun. 

Gusto kong mag-celebrate. Inuman na! Pumarty ako kasama ng mga kaibigan ko at kasamahan ko. Sobrang masaya, di ko na nga napansin ang oras. Pero dahil good kid ang drama ko, umuwi din ako agad.

Pag-uwi ko, nginitian ko agad sila Ate at Kuya na nakasama ko na sa tahanan ko nang matagal. Pero iba yung ngiti nila. Ano kayang meron?

Pagdating ko sa kwarto ko, pagbukas ng pinto, may isang paperbag. May sulat at nakapangalan sakin. Kinuha ko, tinignan ko yung card, ang sabi…

"For You, Congratulations! Keep it up."

Kaso walang pangalan yung sender. Pagkuha ko ng laman ng paperbag, isang cap. Cap na matagal ko nang gustong makuha. Aba! Eto talaga yung matagal ko nang gustong balikan kaso walang time at minsan wala pang pera.

Sino naman kayang pwedeng magpadala nito?…..

Siya! Oo siya! Tatanungin ko siya!

Kinabukasan, pagpasok ko, nakita ko agad siya. Di pa nga niya ata ako nakita. O umiwas lang siya ng tingin. Lumapit ako. Pero bago ako makalapit, lahat na bumati sakin, siyempre ngumiti muna ako sa kanila at nagpasalamat.

Paglapit ko sa kanya…

"Uy, thanks dun sa cap ah!"

"Huh?"

"Yung cap, yung pinadala mo sa bahay."

"Anong cap?"

"Hindi ba ikaw nagbigay nun? Ikaw lang naman nakakaalam nung cap na gusto kong bilhin eh."

"Wala akong binibigay, baka stalker mo. Naks! Anyway congrats!"

Nagtaka ako, alam ko siya lang naman pwedeng magbigay. Pero di daw siya. Sino kaya?

Her story:

Masayang-masaya siya pag-uwi. Sa wakas! Nagbunga lahat ng effort niya! Matapos ang lahat ng pagod, ang lahat ng paglakad-lakad at pagkausap sa mga tao, naging tagumpay naman. Isa na lang ang dapat niyang hintayin, ang maging lehitimo. Pero okay lang naman maghintay, sandali na lang naman yun. 

Kilala ko siya. Gusto niyang mag-celebrate. Inuman na! Pumarty siya kasama ng iba niyag kaibigan at ng mga kasamahan. Ni hindi na nga niya ako naaalala kasi marami na masyado sila. Hindi man lang niya ako niyaya. Pero okay lang, alam ko namang di siya agad makakauwi. Dumaan muna ako sa isang tindahang alam kong binabalik-balikan niya.

Tinuro ko sa tindera yung cap na naituro niya sakin dati. Gusto niya yun ng sobra. Pero di niya mabalikan kasi walang panahon o kaya wala siyang pera. Kaya binili ko na, congratulatory gift ba.

Tapos, naisip ko nung una na personal iabot sa kanya. Kaso bakit? Baka ano pa isipin niya. Mamaya malisya na naman. Ayoko na. Gusto ko lang siyang batiin. Alam ko namang marami nang panahon ang dumaan. Di na pwedeng maulit yung dati naming pagsasama na walang makakapagpahiwalay samin. Iba na ngayon. Nawawala na siya. Kaya itong cap na lang na toh ang iiwan kong alaala sa kanya.

Pumunta ako sa bahay nila. Kilala ko sina Ate at Kuya na matagal na niyang kasama sa tahanan niya. Kinasabwat ko sila. Nakiusap na kahit kailan wag sasabihin sa kanyang ako yung nagbigay. Pumayag naman sila. Ang bait nila.

Gabi. Pag-uwi ko, alam ko namang nakauwi na siya. Hinihintay ko siyang magtext. Pero wala. Baka di niya nakita. O baka naman di lang niya pinansin. Bahala na bukas.

Kinabukasan, pagpasok ko, nakita ko agad siya. Kunwari di ko siya nakita, parang di ko talaga pinansin. Palapit na siya. Pero bago siya makalapit, lahat na bumati sa kanya, siyempre ngumiti muna siya sa kanila at nagpasalamat.

Paglapit niya sa akin…

"Uy, thanks dun sa cap ah!"

"Huh?"

"Yung cap, yung pinadala mo sa bahay."

"Anong cap?"

"Hindi ba ikaw nagbigay nun? Ikaw lang naman nakakaalam nung cap na gusto kong bilhin eh."

"Wala akong binibigay, baka stalker mo. Naks! Anyway congrats!"

Di ko kayang salubungin yung mga mata niyang nagdududa. Pero alam ko napaniwala ko naman siyang di sakin galing. Mas okay na yun. Nagpaalam na siya. Sana lang gamitin niya. Kasi yun na lang yung huli kong maibibigay dahil alam kong sa simula ng tagumpay niya, ay lalo pang madadagdagan ang pagkakalayo namin.

Easier

It’s so easy… to have you in my life.

No wonder, I got you so fast, you are so light.

It’s so easy… to talk to you everyday.

I get the bubbles in my mind with our laughs when you joke around.


But then I realize, it’s easier to fall in love.

It’s easier to when you and I work as one.

But then I realize, it’s harder that I fall in love.

No wonder, I see ‘us’ drifting apart.


Maybe… someday you’d be back.

I’m not sure, but maybe someday.

Maybe…someday you’d be back.

I’m not sure, but maybe I’m willing to wait… for you and I to return to what’s ‘us’ before…


Now I can see it… we’re drifting apart.

We’re miles away… more than strangers.

Your smile when you see me… it’s not the same. It’s not even a smile. It hurts.

And I want you back… yes I want us back.


What do you want hear?

Do you want to see me bleeding? Right now I’m bleedin’.

Everytime that you ignore me, I feel so lost.

How could you and I drift apart this fast?


It was easy when we hang around.

But it seems easier for you that we’re apart.

And there’s one thing that I wanna say… before you go.

It’s always you…and I love you so.


Maybe… someday you’d be back.

I’m not sure, but maybe someday.

Maybe…someday you’d be back.

I’m not sure, but maybe I’m willing to wait… for you and I to return to what’s ‘us’ before…

Dear You,

I know that this day will come, but I didn’t expect that it would be too early. You’re so happy, I can feel it… but I’m not. Yet, I know that I shouldn’t be that affected.

Suddenly, you’re fading. What’s happening? Did I do something wrong? We’re drifting apart. We’re falling apart. Why this sudden?

You started meeting people. I shouldn’t be that affected. It’s alright, I guess. But then, you were taken by them. You’re starting to forget me. How could you do that? Then there’s me, just waiting for you in case you remember my existence.

Where are the late night conversations? Where are the ‘good morning’ texts? Where are the talks and simple chats? Where’s the fun? Where are the little cares and sweet nothings? Where are you?

How could I not see that you’re packing up and leaving me? How could I not see that you’re moving so fast, I can’t even walk with you anymore? How could I not see that you’re abandoning me, pieces by pieces?

You’re becoming colder than the February that I always have. You’re blur than the chills of my window pane. No song is enough to say how hurt I am to see you go away.

I thought I could be happy this way. At least I know that we have this somewhat connection that I could never have with anyone… but then you choose to walk away. It cuts me deep.

You’re not even calling me the way I’m calling you. It’s harder to make you stay with me for even a minute. Our seats gets more distance than how we did when we’re mere strangers. How could you do this so fast?

When she’s hurting you, I’m here to hear all your stories. When you’re messed up, I’m here to clean the shits that you got there. When you’re in pain, I’ve got my emotional bandages to ease your wounds. Yet, I expected nothing but for you to stay.

I’m not even saying that this has driven me into something that should never happen ever… but I’ll start over somewhere like I never met you… If I can.

P.S.

Just always remember that if you care to return, I’m somewhere where you left me.

Love,

Me.

Cliché

They started so good. But now what just happened?

It was a whirlwind thing. Just happened so fast, no one, not even her, even noticed that they’re so called as ‘the two of us.’ 

They would go out together. Eat at the same time. Wait for each other. Laugh and make fun when they’re together. Even people would guess, but they won’t answer.

She knows him much more than how others know him. He knows how her behavior goes. They’re perfect together. The idea of a happily-ever-after is them.

But then, people come and go… New faces appeared. People started scattering bad jokes. Maybe he believed, she don’t know. She’s not infatuated, but how could she not be hurt by the fact that he’s moving away?

Suddenly, the messages grew shorter. The goodbyes were longer. The evenings, they weren’t even connected. Maybe he chose not to make it last for long.

They’re not even starting, but she knew it would be over soon.

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video