Paasa.

Asa, isang masakit na salita tungkol sa mga bagay na pilit nating pinaniniwalaan pero wala namang kasiguraduhan. Ika nga nila, exlpore possibilities daw. Masakait umasa diba? lalo na kung hindi mo alam kung may patutunguhan ba talaga ang pag asa mo sa isang bagay, pero sabi nga nila “pano ka mananalo kung hindi ka pupusta.” at sa pagpusta mo na yan ay pasan mo na lahat ng posibleng maangyari, mahal din nya o pinapaasa ka lang *insert sad song here*. Para sa mga babaeng paasa, kayo, ano ba talaga? mahal rin ba o pinapaasa mo lang? wag ka naman magbigay ng motibo kung wala ka namang gusto, umaasa yung tao sayo. Madaling madala sa mga salita ng mga babae, isang katangian ng mga lalake na commonly inaabuso ng mga babae, dinadala sa matamis na salita para makuha ang gusto, sa huli pag nakuntento na iiwan nalang, tulad ng bote ng softdrinks, pag wala nang laman ay iiwan nalang kung saan-saan at di mo malalaman ang halaga unless hinanap ng tindera sa tindahan ang deposito ng softdrinks na binili mo. Sa mga boys na umaasa, magmatyag ka, pakiramdaman mo kung may mapapala ka ba sa ka-aasa mo. Wag maging tanga. Wag mo agad ibigay lahat, magtira ka para sa sarili mo. Marami pang babae dyan, di ka mauubusan, wag kang magpakabaliw sa isa, tandaan mong may dadating pang mas better sa kanya. Hindi lahat ng bagay makukuha mo, hindi lahat ng laban mpagwawagian mo, may mga pagkakataong babagsak ka, ibinigay yang  pagbagsak na yan upang mapansin mo rin ang mga maliliit na mga bagay na makakapagpasaya sayo, ika nga ni Ramon Bautista, there’s more to life than love.

Read More

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video