raeblog

2

Yes! Look what i got! It’s a pass for Mario Maurer’s Fan Conference. Alam kong dati pa to. Nakakahinayang nga kasi dapat dati pa ako nagkaroon nito at dati pa ako bumili sa Penshoppe. Pero sadly ngayon lang ako nagkapera at ngayon lang nakabili. 1 stamp palang ang nakukuha ko, 9 more to go. Pero ASA pa akong makakapunta ako dun kasi it’s Friday and may Math subject kami that day na bawal talagang magabsent! Kaya hindi ko lang alam at wala rin ata akong kasama. Loser

Happy naman ako na nakakuha ng pass na ganto. Para may remembrance din Hahaha Ayos na sakin yun (Pero hindi parin eh, gusto ko rin talagang pumunta and meet Penshoppe’s newest endorser, MM)

Wikamalayan 2011

Ngayon ipinagdiwang ang Buwan ng Wika na ang tema ay “Wikamalayan”. Ngayon rin ang araw na ittanghal ang mga Short Films ng mas nakatataas na MMA students sa MCL na alam kong pinaghirapan nila dahil kitang kita naman sa nagawa nila na ang ganda at hanga ako sa mga pinakita nila. Gusto ko rin matutong gumawa ng mga ganung Films at maging katulad nila kakagaling. As well as yung Photo processing nila na astig talaga na makikita mong pang poster ng pelikula.

At bago pa maganap ang program ay naghanda muna yung section namin dahil kami ang naatasan na magwelcome sa mga tao na pupunta sa program. Dapat ay nakasuot kami ng shirt na may print ng kahit na anong pang Pinoy na simbolo o kahit na makapilipinong damit at kami rin ay naglagay ng Face Paint sa aming mga mukha para masabing may design na mangyayari sa mukha namin. Pero naging maayos naman ang mga Face Paint sa mukha na nagkatuwaan pa sa paggawa nito. Pagkatapos ay kailangan na namin pumunta sa aming mga destinasyon para magsimula na sa pagggreet sa mga dadalo sa programa. Nakakatuwang may mga sumasagot sa pagggreet namin at masaya naman, pero yung iba lang ay dedma na parang walang narinig. Pagkatapos ng pagakyat ng mga importateng panauhin ay derecho din naman kami sa Audi at sa sahig na paguupuan namin sa unahan. Masaya ang naging programa at proud kami na dalawa sa aming ay MC ng programa - Galing nga nila pareho. Pagkatapos ay sinunod na ang pagpapalabas ng mga Maikling Pelikula o mga Videos na may kaugnayan sa Kamalayan ng mga Pilipino at gawa rin ito nga mga estudyante sa MCL. Napaka talented lang namin Haha Jk Pero ang galing talaga! At pagkatapos nga programa ay tapos na, uwian na agad.

image

Haggard + Face Paint + Hindi ko pa inalis yan hanggang makauwi sa bahay. Nakakahiya nga pero anong pake? Hahaha K

image

image

We dont have much of a decent shot (Mobile Shots)

At ngayon ay kailangan ko na naman mag-aral sa SS dahil may karugtong na Essay yung 2nd Long Exam namin at nakakaasar lang dahil Essay Type ‘to. Kailangan ko pang kompletuhin yung requirements. Oh Lord sana talaga mapasa ko to. Please :*

Kaya kailangan ko ng mag-out. (Kung totoo lang na mag-oout ako talaga Hahaha)

Alam ko na

Alam ko na ang problema ko. Ang “Suplado Look” or I don’t know. Sinabi narin sakin yan dati ng mga friends ko nung HS na parang ang serious ko daw at may pagkasuplado kapag sa unang tingin daw. Basta, parang ang ganun daw. Pero para sakin naman, hindi naman ako ganun. Masaya ako kasama at nakikipagkulitan din naman. Sobra na nga kung minsan e. Di lang talaga nila ako kilala pero paano ko ba mawawala sa aking yung pagiging ganun? Hindi parin kasi talaga nadadagdagan friends ko since nung 1st term. Gusto ko naman din ng new faces para masaya. The more the merrier. LOL 

Nagsimula kasi yung pagiisip ko kanina. While in the CS class. It’s no biggie ata pero sakin oo, ang loner ko pa kanina sa chair ko (loner meaning wala akong kausap, ang layo ng friends ko) tapos basta bawal na ba akong i-approach? Please hindi ako nangangain (Pwera lang kung, K Haha) Parang hindi na ba ako pwedeng kausapin? at hindi naman ako nakakatakot eh (Sorry kung hindi maintindihan yung paliwanag ko) Then after the class, naglaro kami nila Nell at Gelo ng Volleyball sa field (Pero nakalimutan ko na yung problema ko nun) After, umuwi na si Gelo and hinanap namin si Kp para ibalik yung bola. Ang hirap lang kasi galing kaming 4th floor (Wala sila) Then 3rd (Wala ulit sila) Then tinanong na ni Nell sa guard kung saang room ang English Class at that time. Ang alam ko talaga 2nd floor lang sila pero idea talaga ni Nell na sa 4th eh. Kapagod lang ah. K After mabalik, hinanap sila Steve just to say goodbye. Then we found them eating sa SP at inantay nalang rin namin sila at sabay na umuwi. Doon ko na nasabi na may problem ako. Bakit ko nga ba nasabi? Ewan ko rin. About nga rin sa kung paano maging friendly at ano ba personality ko at ano first expression nila sakin (Madaming nangyari) Hanggang sa Jeep pauwi yun parin iniisip ko at hanggang ngayon. Lol Basta ang dami ko lang iniisip at ponoproblema. Kaya bilis ko tumanda eh. K Hindi parin ako makaget over sa mga sinabi nila which is true naman kasi yun rin naoobserve ko eh.

Ano kayang magandang gawin? I’ll be more friendly nalang para marami friends at susundin yung mga sinabi nila. K

Pupunta muna sa Doctor para magkaroon ng tamang gamot. Super sinisipon nako and ang panget pa ng pakiramdam ko. Simula pa to kagabi. Sobra talaga, lagi nalang akong nagkakamatinding sipon dahil sa mga iniinom ko. Shakes, Float, Cold Drinks. Ugh Hindi na nga talaga ako magiging makulit kahit bawal sa akin ay pinipilit ko parin. Ako rin kasi ang nagsusuffer sa mga bagay na to. Kaya iiwasan ko na talaga

Goood Afternoon! Will post the Aswangan Festival later if hindi tinamad.  

Super Sick

image

Yesterday, worst feeling na nangyari sakin kasi sa sobrang sinisipon ako. May sakit na pala ako hanggang umabot ng gabi. Eh hindi pa ako nakakagawa ng mga assignment ko, parang pinilit ko nga na magkasakit ako kasi wala pa talaga akong natatapos sa mga dapat kong gawin. So sobrang sinisipon ako at naisipan ko munang matulog ng saglit or magpahinga kasi ang sama na ng pakiramdam ko. Hindi ako makatulog kahit 1 1/2 ng oras na ang nakalipas na nakahiga lang ako. Hindi ko rin namamalayan na nagkakaswollen na sa aking mata. Nakita ko nalang nung tumingain ako sa salamin (Hapon to nangyari) The hindi ko na nga alam gagawin ko at tinawag ko na Lola ko at sabi magpadoctor daw kami. Sabi ng doctor mamaya pa daw sya pwede mga 7 (Family Doctor ata?) So nagantay kami hanggang 7 ng gabi bago kami pumunta. Pagdating pa namin, may mas nauna sa amin at ang dami pa nila. (Edi naghintay, ang tagal bago kami) Then nung nakapasok na kami, ang taas na pala ng lagnat ko. 38.8 at ngayon lang ako nakaexperience ng ganto. Kaya sobrang init ko at medyo swollen parin ang mata ko that time. Then when we got home, uminon na agad ng gamot at nagpahinga.

Nakakagulat kasi sobra talaga yung nangyari sakin at ngayon lang ako nakaexperience ng ganun kalala na sakit. Grabe lang talaga :(

At ngayon, kailangan ko ng gumawa talaga ng mga dapat kong gawin. Sana naman matapos ko na at sana bukas makapasok nako at pagbugyan na gawin akong excuse sa mga subjects ko ngayon. Okay.

Awesome 12/17/2011

Yesterday was a Blast. Ginulat ako ng isang paanyaya ni Grej to go with her sa Star City. Syempre maraming nangyari at wala pa akong napopost sa mga pictures from yesterday. I really need to prepare for that and I will do a separate blog entry for that.

But for now, had a super awesome day with Coleen and his friend. Inaya kasi ako ni Coleen sa Album launch ng Super Junior at Gateway (I’m not that so much of a fan but I want to go with her lang) Akala ko nga hindi na ako matutuloy kasi I slept late yesterday. So kaya akala ko and hindi parin naman ako sure kung papayagan ako kasi nga umalis nako kahapon at ginabi ako ng uwi nun but luckily nagising ako ng maaga parin at tinignan ko yung phone ko if there are messages. May text si Coleen If I still want to come with her (Okay maraming nangyari) Until na nagpaalam na nga ako ng mabilisan at pinayagan naman. Ang aga nga sobra namin, pero naging ayos naman at ngayon lang ako nakapunta sa mga Album Launch kasi wala pa naman akong mga Super Fanatic sa ganyan. Dumating kami ng maaga at naging ayos naman ang pila, picture picture and Coleen bought 3 Albums (Oh such a fan) with Freebies pa. Ayaw pa nga ako bigyan sa freebies kahit remembrance lang. K Then naglibot libot around Gateway at kumain ako and waited for Coleen’s Friend.

Marami lang talagang nangyari and after narin nila kumain. Nagaya yung friend ni Coleen na magTrinoma daw at malapit rin naman daw dun? (IDK some place from Manila so I let them decide) Pero nauwi rin naman sa pagpunta dun. Hahaha Ang saya lang na nakakapagod sa paglalakad. Buti nalang nag-ibang way kami kasi ayaw namin ni Coleen mag-MRT (Ayoko na matrauma) Marami na naman nangyari hanggang sa nagStay muna kami sa Starbucks bago umuwi. Then sa The Block naman. Nastress kami sa paghahanap ng masasakyan at buti nakarating na sa pupuntahan. Took an LRT then derecho uwi na kami. Then After the long Adventure, went at Grej’s just to make Tambay and relax ourselves and went home narin.

That was a total Unforgettable Experience! I want to do it again! Thanks to Coleen and for the wisdom na sumama pa ako sa trip na to. This day was Awesome!

PS. Sawi na naman sa pagbili ng Jacket. FUU for the nth time! and Sorry if there are some Typo Errors

3rd Term Enrollment 12/23/2011

Mahirap pala talaga ulit gumawa ng Blog. Lalo na kung gusto mo talaga organize at yung kanais nais talaga. Tinatry ko kasi ulitgumawa ng bago kasi nga parang ang messy na nitong blog ko na to. Ewan ko ba bakit ganun yung feeling ko? Hahaha Basta ganun eh. I will post the link to my other blog maybe some other time if it’s finish. Hohoho 

Today is our Enrollment. And okay lang naman pero na-OA-an ako sa pila kasi hanggang sa 2nd Floor inabot. I mean dun talaga pinapapila pero ang maganda ngayon ay mas organize ang pagpapalakad kaysa nung Enrollment nung 2nd Term. Haha At ang masaya pa ay nakahanap na ako ng friend ko sa PE subject dahil nga hindi na ako nakakuha ng slot sa section na doon naman talaga ako dapat. Grabe lang yung mga pangyayarin yon at nadepress akodahil dun. Pero ngayon parang nagiging okay narin ang lahat.

I went home with a hungry stomach. Biruin mo 10 pa ako nandun tapos natapos mga 2 or something. Sino ba naman ang hindi magugutom nun? Lol Pero ayos naman parin ang lahat. Dumaan nalang ako sa Mcdo to buy myself a lunch at coincidence nagkita pa kami ng Lola ko dun dahil may binili sya sa isang Drugstore na malapit din sa Mcdo na pinagbilhan ko. So nagkasabay na kami pauwi :) Nice

SuckSeed!

image

Yesterday, had a chance to watch SuckSeed. It is a very cool and funny movie and I like it because of the cast and as well as the story of it. They are so funny and so kenkoy! LOL You should watch it too. It rocks \m/

I need you! Love you! Want you! Hahaha =) - Ped

You're a Depressant

Went home so Frustrated and depress about not having a Pass. Then after minutes, inaya naman ako nung friend ko to go sa Octoberfest. I said yes kasi gusto ko nama at experience din yun but I don’t have plans to drink. Went there with three others at ang dami lang talagang tao! As in ang haba nung pila at super siksikan pa. Akala namin wala na kaming chance makapasok pero this time nagkaroon na ng chance (Secret kung paano nakapasok Haha) Maling move pa ginawa namin kasi pumasok na kami agad ng hindi pa kami kumakain at sinasabi at that time na kapag lumabas ay hindi na pwedeng makapasok. Naghanap nalang kami ng food sa loob at ang bagsak namin ay Noodles na di naman kasarapan. Haha Basta another experience di ang nangyari. Then nung umonti na tao. Tinry namin lumabas kasi gutom parin kami at pinalabas naman. Went to 7/11, ate and back at the OKTOFEST2011. Pagbalik din naisipan narin naming umuwi. Hahaha What a great day for me. Ayos lang ang lahat ng nangyari. Acceptance ang pinaka natutunan ko sa kahapon.

image

image

image

But still depress parin sa nangyari. K

3

I bought this Harry Potter Planner last last Wednesday, kasi feeling ko mura na siya sa halagang 250 pesos and ngayon lang ako nakakita ng matinong planner na okay lang naman ung designs. Parang ang super Potterhead ko nga lang. Pero okay lang naman kasi nasusulatan ko narin ang by this term magagamit ko na sya if I have to plan some things. Natutuwa nga ako kaya minsan napapahaba na mga sinusulat ko at nagiging blog na ulit. Pero ayos naman. Ang ayoko lang ay yung nagkakamali ako sa pagsusulat kasi parang feeling ko ang panget na, kaya ginagawan ko talaga ng paraan para hindi masyadong pansin yung mali.

Anyway, ipagpapatuloy ko parin magsulat dun kahit na nagstart na ako ng September pero gagamitin ko parin hanggang sa maubos yung pages nun. Pupunoin ko yun para masaya. Hahaha Okay

Paimportante? Baksyon na!

Nakakainis lang talaga yang NSTP na yan! Dapat wala na kaming pasok tomorrow tapos biglang meron pa! Ang unfain naman masyado ng school namin. Feeling ko yung mga nagtatrabaho sa offices wala ng pasok tapos kami meron pa. WALA NA BANG PAHINGA? Nakakairita lang ah. Ayoko na talagang pumasok tomorrow pero kailangan ko para hindi magkaroon ng make-up classes pero nakapag-plan na kami ng mga friends ko to watch Praybeyt Benjamin tomorrow. So ewan lang kung tuloy pa sila. Nakakalungkot naman sa side ko kasi papasok ako.

* Akala ko talaga wala kaming pasok kasi sa pinagtanungan ko na kaklase ko sa ibang subjects pero hindi ko kaklase sa NSTP, sila walang pasok. So namindset ko na, na walang pasok. Eh yung section ko pala meron. So tanga lang ah. I just realized it when my classmate texted me what to bring for tomorrow’s activity. Gaaah

Should I attend tomorrow or with my friends to watch(Mas masaya to)?

FUUU~ PBB Unlimuted was alright. Pero parang hindi narin. K