Iba na talaga pag may kapatid kang genius-slash-weirdo :)

Scene no. 1:

Her: Ano ba tong tinapay nila, sunog sunog. 
Ako: Arte mo, kumakain ka na nga lang ee.
Her: Cancerous kaya toh!
Ako: Luh !
Her: Carcinogens kaya yan !
Ako :

image

 


Scene no. 2
Ako :  (Singing bahay kubo)  ♬  ♬  sitaw, bataw , pataniiiiiiiiii  ♬  ♬ 
Her: Ay bahay kubo ? Kabisado yan, with matching scientific names pa :) 
Ako: 

image





Mukha daw akong problemado .

Yung totoo teh, concern ba yan o nang-aasar  lang . LOLJK. HIHI. 
Okay lang talaga ako, wala naman akong pinoproblema kundi bakit ba ang dami daming nagugutom dito sa Pilipinas. Pati na rin ako . LOLJK ulet. Pero PROMISE LAPIS, okay na okay talaga ako. Wag na mag isip. Trololol ! Magsasabi naman ako pag meron ee. Get it got it? 

Part two :)

So nung hinatid na ko nila kris at thijei  sa jeep, masakit pa din yung tiyan ko. 

Sa jeep puro pala lalaki, tsaka ko lang napansin nung nakasakay na ko. May dalawang lalaking magkakilala sa may malapit sakin. Una pa lang kasi napansin ko na tingin sila ng tingin sakin tapos mag- uusap. Di ko na inisip na mga holdaper sila kasi may hawak silang cake . HAHA. Siguro nawi-weirdohan lang sila sakin kasi mukha akong di-mataeng pusa sa pamimilipit sa sakit ng tiyan. Naalala ko pa yung sinabi ni kris:

"Wag mong ipapahalata na masakit tiyan mo "

Eh di ko naman mapigilan yung sakit. So, keriboom boom na lang, di ko na sila pinansin. Tingin sila ng tingin, yung tipong kahit nahuli ko na silang tumitingin, gora pa rin ang mga lolo mo. 

Nakarating ng Taft yung jeep, edi bumaba na ko, dumungaw pa sila. Pero dedma lang ako. Hingang maluwag. Tapos, paglingon ko, syet nasa likod ko!  Bakit sila bumaba ee sabi nila sa driver Remedios pa sila. HOLDAPER ?! Tumalon yung puso ko, nawala yung sakit ng tiyan ko ( joke, masakit pa din kahit kabado na ko) Lumapit ako sa may maraming tao. Lumapit sila, akala ko hoholdapin na ko, tapos sabay:

Akala ko holdaper: “Miss pwedeng mahingi number mo?”
Ako: “HUH?! (Sabay weird face) Hindi po” ( Lakad mabilis) 

At ayun di ko na sila nakita. EPIC ee.! 

Kakauwi ko lang.

Ang laki ng natipid ko dahil nilibre ako ng dinner at midnight snack ni Ate Jessa.Wala akong nagastos maliban sa pamasahe.  Mas nakakabusog talaga ng tiyan kapag libre. Yello Cab, DuDo, at 7 eleven. Solve na solve. Nako, di ko pa talaga nararanasan ilibre ng bonggang bongga mga kaibigan ko. KURIPOT ako ee. Di bale, next time pag nag anak anak mga pera dito sa bulsa ko. ILILIBRE KO KAYO. PATI MGA MAGLA-LIKE NITO :D 

Ang sakit magsalita ni Kapatid . HAHA

Naglalaptop ako kagabi nang bigla niyang nilapit yung mukha niya sakin. 

AKO: Pakshet, nagulat ako sa’yo! Abnormal ka na ?
SIYA: Hindi, tinitignan ko lang yung mata mo. 
AKO: Bakit ano meron ?
SIYA: Ang laki na ng eyebags ko ee, patingin nga ng sayo. 
(Titigan moment)

SIYA: AY OKAY, MAS MALAKI PA RIN YUNG SAYO. ( sabay ngiti )  

Adobong Manok o Adobong Baboy?

Ano ba mas bet niyo ?

Nag-aaway kasi kami ng kapatid ko kung ano mas masarap ee. Team Tiktiklaok ako ee. Mas masarap kasi yun para sakin. Tsaka nakakasawa din naman yung karne nang karne. Siya naman, team oink oink, ayaw niya daw kasi yung naghihimay himay pa, yung may mga buto-buto.

Para walang away , adobong sitaw na lang :D HAHA, happy lunch eberiwan! 

Accountancy Student na ko : Mixed Emotions

//**ki-nonfirm ko muna to bago ko pinost :)**//

Nagtext kasi si kris sakin : 

Congrats Frzl! Sabi ko na papasa ka ee :)

Nung nabasa ko to , nagloading muna ko, tapos tska ko lang na-gets na qualifying exam  pala yung sinasabi niya. OMIGADss !! Tumalon yung puso ko. Pumasa ko sa qualifying exam, pero di pa confirmed. Nabasa ko yung text ng kaklase ko, na pasado nga daw ako, edi ang saya ko na talaga, pero di pa din confirmed. Yung mga classmates ko, nagpost na rin  ng congrats bla bla and everything. Pero ayaw ko pa din paniwalain sarili ko na nakapasa ako. Kasi naman, iisa lang source nila. Gayunpaman, di ko na mapigilan yung saya ko, napasigaw na ko tapos gumulong gulong na sa kama. Habang kumakain, nakangiti talaga ako. Parang nawala na nga yung gutom ko ee. Nagbe-break dance pa rin  yung puso ko. 

Super saya ko talaga nung nalaman ko na pumasa ako. Nagpasalamat talaga ako kay papa God. I owe HIM big time talaga.  Expected ko kasi di na ko papasa. Ni-reready ko na nga yung sarili ko ee. Tsaka sabi ko sa Kanya, sana matanggap ko talaga yung resulta. Pero akalain mo yun, pasado pa talaga ko. Ang saya ko talaga. Siksik,liglig, umaapaw. 

Pero nung kumalma na ko at bumalik na ko sa katinuan, may na-realize ako. Shet, di kami lahat. Mahihiwalay na ko :(( . Di ko talaga to in-expect. Actually, nung mga last day, di ako nalulungkot, kasi alam ko next sem, kami kami pa rin naman magkakasama. Wala talaga sa plano ko na maghiwa-hiwalay kami. Pero akala ko lang pala. Nyemas, nakakalungkot lang. Kaya ko naman siguro, kaso lang iba pa rin talaga pag kasama ko sila. :( My gaaahd ! Parang bigla ko naisip, sana di na lang din ako pumasa.  Ready nanaman ako bumagsak. Pero yung paghihiwalay namin, nyeta, di ako naghanda dun. Ka-stress. >.< sahfasdjf!! Nakakalungkot talaga.  

V-A-C-A-T-I-O-N

Sinong excited? Sinong sabik, uhaw at kating-kati na magbakasyon ? Ako lang naman :D Iparamdam ba naman sayong tapos na klase pero may exam ka pa palang darating. PAASA langs ? Buti na lang tapos na . My Gaaaaahd ! TAPOS NA ! BAKASYON NA TALAGA. Bukas ng hapon magbabakasyon ako sa Ilocos. Nag-impake na rin ako, di naman ako excited ee noh ?  Baka di na ko makatulog mamayang gabi. HIHI :D 

Sana di naman ma-spoil bakasyon ko, ang tagal kong hinintay to ee. 

My fingers are BURNING like HELL!!

Grabe ang sakit ng kamay ko sobra. Mas masakit pa sa heartbreak (Chos! ) Kagabi pa to sumasakit, binabad ko na sa tubig, nag alcohol na ko wala pa din. 

May pagkashungaers din kasi ako minsan ee. Naghimay kasi ako ng sili. Tinanggal ko yung buto. Nagluto kasi kami ng Shanghai Dynamite. Ito oh, 
 

image

Aba?! Malay ko bang mahapdi pala yun. Kasi di naman siya kasing anghang ng siling labuyo. Tapos ako na talaga ang shunga, may naghihiwa ng sibuyas sa tabi ko, edi na-iiyak ako, pinunasan ko yung mata di pa ko naghuhugas, MYGAAAHD!!! ANG HAPDIIIIII!!! Para akong batang umiiyak nun. Buti na lang nawala agad yung hapdi ng mata ko. Tapos niluto nanamin yung shanghai dynamite. 
 

image


Buti na lang masarap talaga siya. Worth it ang bawat hapdi. HAHA :)) 
November 6, 2012, is officially my doomsday.

Monday night tumawag  yung friend ko tinatanong kung anong section ko, kasi may schedule na daw. Ako naman, dahil tinatamad na magbukas ng laptop, naki-epal muna sa kapatid ko, and then nung naglog in na ko, enrolled na nga kami, una ko talaga tinignan yung section ko. Wait, scratch that, yung section ko lang pala talaga tinignan ko. 

image

Cons:

  • Puro matatalino. Mababaliw ako nito
  • Nahiwalay na ko sa mga friends ko
  • Kasama ko pa yung taong iniiwasan ko
  • Sabi niya, kami na lang daw lagi magkasama (Kill me now puhleease!)
  • Wala naman ako close sa kanila 
  • Adjust adjust nanaman

Pros:

  • Bragging rights

Last last night pa kami enrolled, pero ngayon ko lang talaga tinitigan yung schedule ko. At para sa mga hindi naintindihan yung schedule ko before, eto yung mas maayos 

image

Cons: 

  • Puro kami 3 hrs ( Booooooring!)
  • Walang masyadong break
  • Ang aga ng pasok
  • Ang aga ng pasok
  • Ang aga ng pasok

Pros:

  • Ang aga ng uwian 
  • Ang aga ng uwian 
  • Ang aga ng uwian