Ang mahirap na dalahin kasi diyan yung “feeling” na mararamdaman mo after lumagapak nung bola sa labas nung linya. Na sa kabila nung effort mo, yung halos sumubsob ka na sa lapag para lang masambot yun, wala. Napunta sa wala. Sayang effort. Sayang paghahabol. Sayang pagod. Parang LOVE. Kung alam mong wala naman ng chance doon sa tao, huwag mo na i-push. Huwag mo nang habulin. Magmumukha ka lang kaawa-awa. Hindi mo alam pinagtatawanan ka na rin ng iba. Pero, it is always about taking the risk diba? Giving yourself a chance. Hindi na mahalaga ang iisipin ng iba. Palamuti lang ang bawat sasabihin nila sa mga magiging desisyon mo. What if lang naman kung umayon ang pagkatataon. Makiramdam. Talasan ang pake sa paligid. Malay mo lang naman, ito na ang one big shot mo. Catch it, own it, and never regret. Play the game, like it’s your last.

NING NING NA LANG ANG NATITIRA SA HIYAS

Dahil ang hiyas kapag minsan nang natungkab, wala nang balikan. Bumababa na rin ang halaga kapag nakuha ang laman at ang shell ay nagiging palamuti na lang minsan. Kaya ang hiyas ay dapat laging inaalagaan. Kasi kung hindi, ang hiyas ay mangangamoy kahit saan. - EROS

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video