5

it’s funny how i randomly smile whenever i look at our picture together. yung inaakala mong wala na, nalimutan mo na, kinalimutan mo na at wala ka ng balak pang buksan ulit e nabuksan niya, at dahil nandyan na ayaw mo ng pakawalan pa. wala eh ganon talaga. :) hindi ko hiniling na dumating siya sa buhay ko, never kong inisip na mahalin siya pero will talaga ni god kung bakit ganito kame kasaya ngaun. sobra, umaapaw. wala na akong mahiling pa., kumpleto na siya bukod sa kakulangan ng asukal sa katawan niya. haha! iloveyousomuch.

Hi Keen. I love You.

In every relationship, sa umpisa laging masaya diba? Syempre ganon naman talaga ang cycle. Masaya, tapos after a few months or years ayan na yung lungkot. Andyan na yung mapapa isip ka na makipaghiwalay na lang, dumadating din sa point na magsasawa ka na kasi paulit ulit na lang. Ganyan naman talaga. Proven na yan ng karamihan. Kaya nga sinasabi nila na 3-5 months magiging okay kayo, as in okay talaga. Pero 6months to 1yr dyan na mapapaisip. Pag nakalampas kayo ng 1yr dyan pa lang talaga magsisimula at mag uumpisa yung totoong relasyon.

Bakit ko ba sinasabi ‘to? Eh pake niyo. Haha! Gusto ko lang, trip ko lang. Iniisip ko na kasi ano mangyayare sa amin after 6months. Bukas kasi 3months na kame, sa loob ng 3buwan na yan, andyan na yung away. Hindi lang basta away, tumatagal na din ung away namin. Pero alam niyo ano maganda don? Yung kahit nag aaway na kami, never kong naisip na isuko siya, never kong binalak makipaghiwalay. Bakit? Kasi mahal ko siya, sobrang mahal kaya natatabunan nito ung galit na meron ako.

Hindi ko lang naman kasi basta boyfriend si keen. He’s more than that. He’s my friend, companion, joker, he’s almost everything. Maybe it’s too early to say this, pero siya na talaga yung gusto ko. Siya na yung lalaking gusto kong makasama talaga. I want him to be the dad of my kids, to be my husband, I want to grow old with him. Only with him.

Siguro sa pagtagal, pwedeng mabawasan yun love, pero importante sa akin andon pa din yung friendship namin, and dyan naman kami nagsimula, sa pagiging magkaibigan. I’m not bother that we would not stand each other’s ego or pride, because I’m willing to stooped down my ego and pride for him. Kahit gaano pa kataas ang ego at pride ni keen, it’s not an issue for me to leave him. Tulad nga ng sabi ko, i love him that much to do those crazy stuffs. As long as I’m with him I know i’ll be happy. :)

He’s the source of my smile, laughter, joy, pain, tears, everything and despite of all those things. I still love him and never will I leave him, no I won’t give him up that easily. Minsan na lang ako makahanap ng ganitong lalaki, I don’t wanna screw it up.

Close

Gwiyomi with my loves. Hihi. Super saya ng araw na ‘to. Unexpected na mag gaganto kami. Natuwa lang talaga kami sa mga video ng gwiyomi. Ang cute kasi, so ayun gumawa kami ng ganto. Ayos lang naman diba? Haha! Hindi naman nakakairita ung gwiyomi namin nu? Haha! I find it cute and sweet kasi hindi naman lahat ng lalaki sasamahan ang isang babae sa mga kaartehan o ka ek ekan na ganyan. I’m lucky to have a guy na willing ako samahan sa ganyan. :) Thankyou papa Lord for sending him into my life. So blessed talaga. :)

Dati tinatanong ko sarili ko, ano bang problema sa akin? panget ba ako? hindi ba ako maalaga? hindi ba ako sweet? hindi ba ako ma effort? hindi ba ako madaling mahalin? Tapos tinatanong ko pa si jesus bakit lagi na lang ako yung nasasaktan, bakit lagi na lang ako yung iniiwan, bakit lagi na lang ako yung parang may dala dala lahat ng sakit.. alam ko masama magtanong ng ganon dahil hindi dapat natin tinatanong kung bakit nangyayare sa atin ung mga bagay na yun, pero di naman natin maiiwasan lalo na’t sobrang sakit na diba?

Pero ngaun alam ko na kung bakit ako nasaktan noon, kung bakit ako iniiwan at nasasaktan ng sobra noon, kasi hindi pla sila ung taong para sa akin talaga, hindi sila ung lalake na inakala ko makakasama ko na habang buhay, hindi pla sila un.. kasi may taong dumating ulit, ung taong di ko akalain mamahalin ko, ung bigla na lang pag gising ko ayoko na siya mawala pa, ayoko na patagalin pa, ayoko ng iwan pa..

Sabi nga nila don’t search for love, let love search for you in unexpected place, time and the most unexpected person. Sobrang unexpected ang lahat. Hindi ko inakala na siya na pla ung taong un, yung taong simula highschool ako e nakikita ko lang, nung nagcollege ako sa dasma hindi ko na siya nakikita, pero nitong bumalik ako sa baste, ayun! nakita ko ulit, naging tropa ko pa. :) akala ko hanggang tropa lang kami kasi nga nakakabwisit un dahil lagi na lang nambbwisit, lagi nangungurot tapos ang ichura mukha pang ewan, di marunong mag ayos.. pero nakakatuwang isipin na mahal na mahal ko na ngaun ung taong yan, ung taong pasaway, makulit, mahilig mambwisit, ung taong akala ko tropa ko lang pero hindi pla, at alam ko sa tamang panahon siya ung nag iisang lalaking tatawaging daddy ng magiging baby ko at hindi ko hahayaan na may putang inang babae na sumira sa pamilya namin, hindi ko hahayaan mawalan sila ng daddy o magkaroon sila ng kahati sa kanya :)


omg, ang arte na naman ng post ko. hahahah!

Eh ang sweet ng boyfriend ko, haha! nagulat talaga ako sa kanya nung nakita ko siya sa labas namin na may hawak na rose, di ko alam kung matatawa ako o yayakapin ko siya e haha! Nakakatuwa kasi, di ko akalain na mag gugumanyan pa siya. :)) ang sweet lang, lalo na’t first time niya ginawa yan ganyan, ang sweet sweet lang. nakakakilig. :)))

hindi ko man kayang pantayan lahat ng babaeng nagdaan sa buhay niya, kayang kaya ko naman siguro higitan lahat yon sila. haha!! awww. :p wala lang, haha. bigla ko lang naisip ‘to. pero totoo naman eh >:) kaya ko naman SIGURO higitan un sila, kung may isang bagay na magagawa ko at di nila magagawa, yun ung HINDI iwan si keen. ^_____^ hindi ko iiwan yon kaya mahihigitan ko sila hahaha!! hindi ko hahayaan makawala pa siya sa aking mga kamay bwahah! I love him too much kaya hindi ako papayag mawala siya, hindi ako gagawa ng mga bagay na ikakasira namin, na ikagagalit niya. Nagpapaka good girl na nga ako diba? I’m bringing back the lost aiks after 2years eto na ulit. ^____^ ang saya saya lang sa pakiramdam ng ganito, mahal mo siya tapos sobrang saya ka pagkasama mo siya, lagi ka nakangiti, walang iyakan, walang dramahan, kung meron man dramahan at the end tatawa na lang kasi di bagay sa amin mag drama haha!! yun lang :)))) basta mahal na mahal ko si keeeeenpot ^___^

Oh gulat kayo no? Di niyo akalain ganyan ka sweet si keen sa akin no? kahit naman hudas yan, sobra naman sa kasweetan niyan sa akin, kinikilig tuloy ako lagi, halos everyday niya ko pinapasaya, pinapakilig, pucha kulang na lang magtatalon ako minsan sa kilig eh, love na love ko yan, pero syempre secret lang haha! inaayos ko pa mabuti sarili ko para pag naging kame na, medyo ok na ko, konting konti na lang babalik na ang dating aiks! ang aiks na sobrang loyal, isip bata, possessive at time seeker, haha! totoo un, time seeker nga ba tawag don? gusto ko kasi lagi nasa akin ung oras niya, pero kung may ginagawa naman maiintindihan ko naman, pero sa tingin ko di naman namin magiging problema ang oras dahil iisa lang naman ang mga tropa namin, kaya siguro masaya ako ngaun dahil ang tagal ko din nag antay na magkaroon ng boyfriend na mamahalin ko at di ko kailangan makipag kumpetensya sa oras lalo na sa oras kasama ang mga kaibigan niya, di magiging problema un sa amin dahil iisa lang nga kasi tropa namin. ang saya saya lang! ^^

goodbye flowers of memories, goodbye. 8months na ang nakakalipas mula maghiwalay kame ng taong nagbigay nito, wala na akong mahihiling pang iba dahil sobrang bait ni sunny, sobrang bigay luho un sa akin, lahat ng gusto ko binibigay niya, lahat ng pagkain bibilin niya basta gusto ko, he doesn’t mind the price, basta gusto ko bibilin niya, basta sa ikakaligaya ko gagawin niya. Siguro sa sobrang bait niya kaya nagawa ko siyang iwan, stupid ko no? Pero hindi niyo din ako masisisi dahil hindi ko naman hawak ung emosyon ko, hindi ko kasi talaga kaya yung LDR, hindi ko kaya na wala siya sa tabi ko,lalo na sa mga panahon na kailangan ko siya, sa mga panahon na gusto ko siya makasama, sa mga panahon na malungkot ako at gusto ko ng karamay, wala siya. Naiintindihan ko ung layo niya at naiintindihan ko na hindi siya lagi pinapayagan. Mali ko din kasi di ko siya inintindi, pero di na para magsisihan pa. 8 months na ang nakalipas, parehas na kameng naka move on. Masaya na ako, at alam kong ready na ko, kaya lahat ng ‘to pinapalinis na sa akin ni mama. Sabi ko kasi dati di ko aalisin ‘to hanggat di ko pa nahahanap ung bagong taong mamahalin ko, hanggat di pa ako ready, pero ngaun ready na siguro talaga ako para kay keen. Handa na siguro ulit ako sumugal, masaktan, ayoko na isipin na hindi magwowork ‘to, gusto ko lang isipin na sasaya ako, masaya ako sa kanya. :)

Masayang masaya. Siguro kung malaman man ‘to ni sunny magiging masaya din siguro siya dahil alam niyang nahanap ko na ung taong makakapagpasaya ulit sa akin, ung taong bibigyan ko ng sobrang effort, ung taong mamahalin ko ng buong buo. :)

Dumadating talaga sa time na mag iisip ka na ng para sa future mo, hindi na yung pa easy easy na lang, hindi na ung highschool ang peg. At some point mapapa isip ka ng ‘what would be my life 4 years from now or 6 years from now’ sympre lahat naman tayo gusto maging successful at masaya ang buhay, gusto ng halos lahat maging mayaman para wala ng iisipin pang mga gastos. Pero ako? Simple lang naman gusto ko, isang maganda, maayos at buong pamilya, yung twing sunday e may family day nakalaan para sa isa’t isa. Nakakaraos sa mga gastusin, napapag aral ung mga anak sa maayos na paaralan, nagsisimba twing sunday kasama ang buong pamilya. Ganyan lang naman gusto ko in the near future..

Minsan naiisip ko na din na gusto ko na magkababy at this early stage, pero sympre sa isip lang yon :) kawawa naman kasi un baby kung gagawin na ngaun hahaha! mas maganda talaga pag stable na para mabigay lahat ng needs niya. :)

Malapit na ko mag 20. Sa july na, at sa age na ‘to pang seryosohan na talaga, wala na ung mga break balikan, ung mga feeling highschool na awayan, kasi pag 20 kna, dapat focus ka na sa kung anong mangyayare sa future, kaya siguro ganon yun si keen, haha! matured na talaga mag isip dahil ayaw na niya ng break ups, kasi when we enter the age of 20+ halos lahat seryoso na, ung mga babaeng matitino halos nakuha na din ng iba, at ganon din naman un mga lalake.. Ang inaantay nlng siguro nila maging stable bago sila magpakasal, kaya ang hirap kung maghihiwalay pa tapos magsisimula kna naman sa umpisa, bakit pa naging kayo kung nasa isip niyo din naman e magkakahiwalay kayo diba? Kaya kahit anong away pa gawin namin, kahit magkasakitan man kami, ayokong ayoko maiisip na iwan o bumitaw, kasi ginusto ko ‘to, package deal ang masaktan at lumuha paminsan minsan, pero ung saya? mas nangingibabaw naman e, so bakit iiwan mo kung paminsan minsan lang naman nararamdaman ung sakit, mas masaya pa din talaga umuwi dun sa taong kahit nasasaktan ka paminsan minsan, e siya pa din ung dahilan kung bakit ka lumalaban, nagsusumikap, at gumigising na may pasasalamat kay lord dahil binigay ka sa kanya.

Nakakatuwa pag tinotopak ako ngaun hindi na niya ako sinasabayan haha, iniintindi na niya ako ngaun tapos di siya natigil hanggat di ako nagiging ok or di niya ako napapangiti, kung ano-anong kalokohan pa pinagsasabi niya para lang mapatawa ako, nakakatuwa lang. nakakainlove ung ganon. :)

Yung ngiti niya, napapangiti din ako pag nakikita ko yan ganyan. Namimiss ko ung ganyan, mahal na mahal ko yan eh. Sobra sobra pa nga eh, pero sadyang hindi lang siguro talaga kami nagkakasundo sa mga bagay-bagay, pero okay lang naman yun eh. Mahal ko pa din naman siya kahit ganon, habaan nga daw ang pasensya sabi ni te myca. :) May kasalanan din naman ako, tinotopak kasi ako, hindi naman lahat ng lalaki pare-parehas na susuyuin ang babae pag tinotopak, masakit lang kasi nakasanayan ko na pag malungkot ako o tinotopak eh andon pa din ung taong mahal ko, andon pa din para samahan ako, pasayahin ako kahit nakakainis na ichura ko. Pero tulad nga ng sabi ko, hindi lahat pare-parehas at mahal ko pa din yan kahit na ganito ang sitwasyon.

Mahal na mahal ko pa din si keen at hindi naman magbabago yun.

happy 1st month kay keen at sa akin. Haha! Takam na takam talaga ko sa cake na yan kaya ako nagpagawa kay tita.. Bibigay ko kay keen later yan. pero sympre kakaen din dapat ako! HAHAHAH! Naka 1month na kame ni ungas :))) sa loob ng 1month parang ang dami na namin napagdaanan, parang ang tagal na namin. Feeling ko 6months na kame hahahah!mahal na mahal ko yon. :)

He’s not just an ordinary guy that I fell in love with, he’s more than that. Sabi nga nila ang high standards ko daw ata, kasi ung mga naging ex ko, un mga pinayagan ko manligaw pang high standards DAW. Pero wala naman yon sa ganon e, nasa tao naman un, iba kasi ang dating sa akin ni keen, ibang iba.. parang there’s something about him na hindi ko maipaliwanag, all of a sudden mahal ko na yan, tipong ayoko na mawala siya sa tabi ko, gusto ko lagi kami magkasama, pero at the same time natatakot din naman ako na magkasawaan kame dahil lagi kame magkasama, magkatext.. kaya mabuti din na paminsan minsan eh di kame nagkikita, pero namimiss ko naman siya ng sobra pag ganon. Mahal na mahal ko lang talaga siguro yan kaya ganto ako, daig ko pa nakadrugs haha!

Nakakalungkot lang isipin na matatapos ‘tong araw na ‘to na ganito. akala ko okay, hindi pla, masaya naman kame nung umaga, pero nitong pauwi na bigla na lang naging ganon.. haayy. :( ang babaw ng luha ko pagdating kay keen, sobrang babaw :( malaman ko lang na galit o inis na siya sa akin naiiyak na ko, gusto ko na agad siya yakapin tapos magsorry, kaso wala naman akong magagawa ngaun dahil di ko siya kasama, wala akong magagawa kundi iiyak na lang ‘to. makakagaan pa ng loob ko. :’( hindi ko alam ba’t bigla na lang tumahimik un, dahil siguro sa picture namin ni abell, e ang tagal tagal na naman non, 4thyr highschool pa lang ata ako nun, hindi ko lang natatanggal sa lalagyan ko ng mga pictures sa wallet, 2 ex na nga ang nagdaan nandon pa din un picture namin ni abell eh. haayy, dahil ata don kaya biglang naging ganto siya. :’( yaan na, bukas na bukas susunugin ko na lahat ng pictures namin ni abell, actually 2 lang naman yun e, pati picture namin ni sunny na nasa box at love letter nya sa akin, pati un notebook na tungkol kay luis susunugin ko na din, lahat susunugin ko para lang di na siya magkaganyan ulit. :’( ang bigat bigat lang sa dibdib. :’( haayy. goodnight. T.T

I like tight hugs more than kisses.

hugs that won’t let you go, hugs that the both of you are hugging to tight and we’ll see who’s gonna give up but you end up still hugging each other.

a relationship that is normal yet people see it as extra ordinary, silly, cute, funny. relationship that both of you act the way you want, no awkward moments, you act the way you want to be seen, relationship that people get jealous because you do simple things but they see it in a cute way.. fights that shouldn’t be posted on your status..

ang laki talaga ng butas ng ilong ni keen! haha! asset niya yan, kung makatingin kala mo papatayin ako, papatayin sa kilig haha! ba naman magkatext kame kanina, tapos nasa quantum ako, tanong tanong pa siya sino-sino kasama ko sa quantum, tas ok daw. Edi akala ko wala lang, tapos sabi ko pa kung pupunta pa siya sa sm, sabi niya ewan lang daw niya.. bigla pag labas ko ng quantum andun na siya magkakasalubong pa kami, kainis! pakilig pa ‘to, sabay kiss sa pisngi ko. haha! heaaaaaven :p kilig ang ati niyo haha! in love talaga ako masyado sa boyfriend kong ‘to. :p kahit ang laki ng butas ng ilong niya hahahahaha!

I love keen no matter what. Hehe! kahit awayin niya ko, bwisitin niya, asarain, kurutin, balewalain, kahit ano, mamahalin ko pa din siya. kasi alam ko mahal ko siya. Hindi basta mahal, parang extraordinary love kasi, iba sa mga minahal ko. Haha! Ilang days na lang siguro masasabi ko na sa kanya ung ‘I’m willing to be your girlfriend na’ hahah! nakakakilig isipin :”> sana sa araw na yun makita ko din na kinikilig siya.

ang saya ng araw na ‘to. super :)) pinagluto ako ni keen ng lunch, tapos may dala pa siyang chocolate for me. hihi, sweetest ever! :)) simula 11am nandito na ata yun, paulit ulit pa siya ng iloveyou aiks, mahal kita. haha! nakakakilig ng sobra, ewan ko ba. :)) tapos natulog ang mokong, ba nahilik pa, feel na feel ang bahay ko. xD baka bahay niya ‘to?! Haha! Laughtrip talaga sa orcullo na yan. :)) kaya mahal ko yan eh, di ko nararamdaman na malungkot ako pag kasama ko siya. kanina muntik na ko mabwisit sa kanya, pero tulad ng dati, natatawa na lang ako bigla. :)

Gustong gusto ko na maging kame, kung titignan, OO ko na lang ang kulang eh, pero hindi ko pa din magawang ibigay yung oo na yun. Gusto ko kasi ung 101% sure na ako, oo sure na ko sa kanya, pero ready na ba talaga ulit ako pumasok sa relasyon? Buong buo na ba talaga ako? Alam ko ok na ko, pero kung buong buo na ako, di ko alam. Ako na ba ulit ung aiks na nawala 2years ago? Sana ako na ulit ‘to. Nararamdaman ko na ulit ung kiliti sa tummy ko, butterfly daw un e. Nakakatuwa lang, sa sobrang unexpected person pa ako naging ganto. :)

Bakit ko mahal si keen? Wala akong maisip na reason kung bakit eh, ganon ata talaga pag tinamaan, wala kang masasagot na reason kung bakit mo minamahal ung taong yun. Para sa akin kasi, mahal ko siya dahil mahal ko siya. Walang reason para hindi ko siya mahalin, makulit man siya, pasaway, isip bata kung minsan, alaskador, mukhang luko-luko, mahal ko pa din siya. :)

Sa oras kasi na magbigay ako ng reason kung bakit ko siya mahal, parang di na pagmamahal un, para sa akin kasi ganon eh. Paano kung sabihin kong mahal ko siya dahil gwapo siya? Eh pano kung pumanget siya, edi hindi ko na siya mahal? Haha! Nagiging mature na ba talaga ako? haha! kasi nasasabi ko na yung mga ganitong bagay, dati talaga inis na inis ako kay keen dahil napaka hudas ng mokong na yan, pero ngaun, love na love na love ko na yan. Haha!

Leche baka kiligin un pag nabasa ‘to. Haha! Buti na lang hindi siya nag tutumblr kundi baka lumaki ulo non pag nabasa ‘to. :)))

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video