outreach2012

Isa sa mga batang nakilala ko kahapon ay si Kris. Hindi ko alam kung babae ba siya o lalaki kasi kalbo sya pero nakadamit pambabae. Ewan. Kayo na bahala kung ano tingin nyo sa kanya kasi hindi naman yun ang ikekwento ko.

Nung nagdarasal kami ng opening prayer, katabi ko si Kris. Nakatungo ako nang mapansin kong nakapikit sya at hawak hawak ang rosaryong nakasabit sa kanya.

image

Ganyang ganyan ang posisyon ni kris habang nagdarasal. Bigla akong napangiti at naalala ang isang blog dito tungkol sa mga batang nagwoworship (basta yun na yun). Gusto ko sanang picturan pero nasa kalagitnaan kami ng pagdadasal. Kaya pagkatapos ng dasal, agad ko siyang pinicturan.

Ay nakakatuwa talaga sya. Sayang lang wala akong picture kasama sya=)