otp: you're here with me

SUNDAY MORNING

You guide my path, each step that I take. You lead me Lord, in Your arms, I’ll stay.”

     Nung Sunday, naluha ako nung nagstart yung praise and worship rally. Kinantang una itong “You’re Here With Me (here’s the link)" Ang ganda talaga nung message ng kanta. Ayan yung linyang nagpaiyak sa akin. Nasabi ko sa sarili ko na, oo nga, kahit anong gawin ko, nanjan pa rin si Lord para sa akin. Kahit tumakbo ako palayo, Siya pa rin yung binabalikan ko. Mas faithful pa Siya kesa sa akin na dapat ay baliktad. Ako kasi yung tipo ng tao na pag may problema, hindi kaibigan o pamilya ko hinahanap ko, nagpepray kaagad ako. Nakakarelax kasi. Minsan, naiiyak na lang ako sa sobrang tuwa sa lahat ng binibigay Niya kahit hindi ko deserve. Syempre, nandun din yung hiya dahil na rin sa mga kasalanan ko, pero patuloy pa rin Siya sa pag-iingat sa akin. Grabe nga lang talaga yung pagmamahal Niya sa atin no? Wala nang mas titindi pa run. Miski yung pagmamahal natin sa Kanya, hindi makahihigit sa pagmamahal Niya sa atin. Glory be to God! I LOVE YOU LORD. <3