Nung elementary ako eh meron kameng homework sa H.E.L.E. na tungkol sa paglalaba

Ang gagawin mo eh maglalaba ka tapos iku-kwento mo sa 1/2 sheet of pad paper (crosswise) yung kwento ng paglalaba mo.

Eh di kinabukasan na at pinag-volunteer na yung gustong magkwento. Tatayo ka sa harap ng klase para basahin yung sinulat mo sa papel (1/2 crosswise).

Aba, etong mga tanga kong kaklase eh puro ganito ang kwento:

"Nung umagang yun ay kumuha na ako ng mga damit na lalabhan ko. Nakita ako ng magulang ko at tuwang-tuwa silang malaman na marunong akong mag-laba.", or something to that effect.

Puro ganyan ang sinulat nung naunang tatlong nag-volunteer na mag-recite.

Siyempre nairita na yung teacher namin dahil walang kinalaman sa proseso ng paglalaba yung kwento ng mga tanga kong kaklase.

Syempre dahil ako ang bida sa kwentong ‘to, nag-volunteer na din ako at ikinuwento ko yung gustong marinig ng teacher — yung tungkol sa proseso ng paglalaba. Naglaba ako ng isang sando, shorts, at saka brief.

Babad.

Babad na may sabon.

Kusot.

Banlaw.

Ganyan yung kwento ko pero medyo elaborated kasi may steps kung paano naganap ang actual na pagkukusot ng damit.

Na-satisfy ang teacher ko sa sagot ko dahil obviously, tanga lahat ng ka-klase ko.

Kasama din naman ako sa mga tanga dahil naglaba talaga ako imbis na ikinuwento ko na lang yung ginawa ng nanay ko habang naglalaba siya.

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video