4

Happy 7th Anniversary, PRYM! :’)

Grabe, di ko akalaing 7 years na rin pala tayo. Gusto ko lang magpasalamat ng marami sa mga experiences na naidulot ng pagsali ko sa grupong ‘to. Grade 4 o grade 5 palang ata ako eh nung napasama ako dito. Kasama ko pa sila Matthew at Martin. Dun pa tayo kumakanta sa kabilang side ng church. 

Dito ako natuto maging isang mabuting Christian. Dito ko pinalakas yung faith ko kay God. Walang halong bola ‘to, guys. Pinagmamalaki ko ‘tong grupong ‘to dahil hindi nyo ako maiintindihan hanggang sa subukan nyong sumali. 

Definitely a wonderful experience. Iba talaga. Nakaka-lighten ng burden. 

Gusto ko magpasalamat sa mga naging kaibigan ko dito. Dito ko nakita ang tunay na pagkakaisa. Dito ko nakita kung saan tanggap ang lahat maging sino ka man. 

Tunay na kaibigan. 

Mahal ko kayong lahat at miss na miss ko na kayo. :’(

Nakakamiss yung panahon na every week talaga tayong pumupunta ng simbahan para magpractice at para kumanta sa misa. Nakakamiss ‘yung every other Saturday, may prayer meeting tayo. Nakakamiss ‘yung mga prayer meeting na madami dami tayong committed na pumunta. ‘Yung di na kailangan mangulit, di na kailangan paulit ulit, di na kailangan i-remind dahil alam nating makakapunta at pupunta ang mga tao. Nakakamiss ‘yung tuwing simbang gabi, tayo ang nagbibigay ng kape sa mga nagsisimba. Nakakamiss yung mga activities natin tuwing Easter. ‘Yung pagpplano, yung mga practices sa sayaw. Feeling ko ‘yan lang ang hindi pa nawawalang activity eh. Namimiss ko ‘yung mga outings natin, pati na rin ‘yung kasama natin yung FBB. Nakakamiss ang mga outreach activities natin.

Tulad ng sabi ni Pat, nakakamiss yung ‘glory days’

ibang iba na ngayon. Ngayon? Sobrang madalang nalang ang pagkikita natin. Siguro, yung pinaka-reunion na nangyari sa’tin eh nung namatay si Matt. Kung kelan pa siya nawala, dun palang talaga tayo nagsama sama muli. 

I’m really sorry if I couldn’t make it today. Ako nga ‘tong nagsabing minsan minsan nalang tayo magkita, tapos ako ‘tong wala. :(

JGH.

Today in a word would be fulfilling.

pwedeng productive na rin pero it sounds as if I don’t do anything at all and doing something simple like attending to these 2 events is something "productive" na.

Una kong ginawa today was attend our LSS sa St. Scho. Sa totoo lang, gusto kong hindi na pumunta nung umaga dahil ulan ng ulan, at sobrang namoblema ako kung paano ako pupunta doon, sino gagawa ng make up ko, etc. pero sabi ko “punta nalang ako. tutal sinimulan ko na kahapon eh. Sayang naman.”

Natuwa naman ako na hindi ako na-late umabot ako. Sige na, ako nang parating late at hindi na umaattend ng 7:30 class. But I have my reasons. Some of you know.

magiging totoo lang ako ah. nadisappoint ako dun sa “sheperd”/facilitator ng grupo namin kasi hindi siya marunong kung paano maghandle ng group discussion. Hindi siya masyadong nagsasalita, hindi niya alam kung ano sasabihin. Nakakadismaya. Gusto ko nga sabihin “Gusto niyo po ako nalang Faci ng group na ‘toh?" Tutal nag-LSS na ako dati eh. I’m just attending kasi requirement siya. Nakakalungkot lang na matanda ‘yung nakuha naming faci. Matatanda din naman sa ibang grupo, pero may mga ilan na teenager o kasing tanda namin ‘yung Faci. Nakadisappoint lang. Sana she would encourage us to speak naman. ‘Yung group sharing namin ‘yung ayaw ko eh. Akala ko may matututunan ako, wala pala masyado. 

Tapos may isang speaker talaga na hindi namin mapigilang.. tulugan. Nakakatuwa na nakakaawa kasi nasa stage siya, so nakikita niya lahat ng tao, eh andaming natutulog na lang. As in sobrang halata, tapos walang ginagawa ‘yung mga Faci/Sheperd nila. Tapos tuloy parin siya sa talk niya. Kaawa lang. Pinabayaan nalang niya. 

At hindi nila kami pinatawad sa pagkain. Parang every hour may merienda eh. Busog kung busog.

Pero atleast may mga masayang moments. Dun kasi namin naappreciate kung gaano namin gusto ‘yung block namin. Hindi namin kapiling yung isa’t isa eh. Ayun, tuwing may break time, kami kami yung nagsasama sama sa likod hanggang sa mapilitan kaming bumalik na sa chairs namin kasi magsstart na ulet yung mga talks. 

Best part talaga ‘yung dance break namin. Nakakamiss sumayaw kasama nila. Swear. Ang gulo lang namin sa likod. Eh nasa center aisle pa kami. Saya. :’) 217A <3

'Yun nalang hinahanap namin e. Dance break ule. Kaso wala na, soooo k.

Basta masaya. Hopefully bukas masaya ulit. Something new naman. :>

So after, buti maaga kami pinaalis. Nagpasundo ako agad sa driver. Leche nga eh, lumampas ng mini stop si Buboy. TINAKBO KO. 

…on to the next big thing: BIANCA’S DEBUT.

Me and Buboy went around Pioneer, Guadalupe for around an hour and a half looking for the condo kasi dun ako magpapa-make up. Nagkaroon ng mix up sa baba ng mga towers ng condo mismo so I said na dun nalang ako sa venue magpapaayos. First time ko maghandle ng ganung stress. Texting people, asking for directions kasi not even my driver knows. People calling me up, etc. Ayun. I got to the place, sila JC palang nandun. 

People started to arrive and I dressed up na. Had my hair and make up done and when I went out, bam. Saw people I knew. I knew a lot since most of the group of people in Bianca’s life were also the people in my life. Like of course our family, church friends, and high school friends. Everything was a blast and I looked hot.

Rumampa ako, okay? I looked hot. 

I can’t get over it. I really looked hot. I love every bit of how I looked even if it annoyed me that I had to pull up my dress every once in a while so that it wouldn’t fall off.

Basta. Masaya kanina. Up until nagstart ‘yung ‘after party’ ni bianca. ‘yung tugs tugs na. Eh it was after the candle blowing session, and Bianca’s cake was instead turned into cupcakes.

and cupcakes turned into facial wash and shampoo when annoying people decided to ruin my face and hair with cupcake icing.

I mean, I just literally came out of the bathroom from washing my face and hair from one cupcake encounter, I mean, I was already really pissed. The dance floor was labelled “unsafe” for me, because random people could possibly dab cupcake all over my dress or something. And I was already pissed. I didn’t want to make a scene, and I didn’t want to be pissed at random people.

but then the next thing I know, I got another one, a bigger one even. That just does it. I went back to the bathroom wanting to f*cking scream. Washed it off and just sat down. 

It wasn’t until they suddenly played “Teach Me How To Dougie”. Aw hell no, I wasn’t passing that up. Hot dress + Hot moves = deeeeym. I went back on the “dancefloor/stage/catwalk area” and danced the night away.

Masaya din. Had so much fun. Sayawan nanaman kasama nila Pat, Rochelle, Kat & Bianca. Grabe. <3

Basta masaya. Masaya ako sa gabing ‘to. Everything went well naman in the end. :>

… and seriously. I looked so hot.

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video