nesley

12-17-13

Kaninang umaga nagulat ako kasi nag message siya sakin. Ang aga nga eh. Hahahaha kaya simula pa lang ng araw nakangiti na ako. Ewan ko nga kung bakit ganun nalang yung reaction ko na nagtext siya sakin. Hahahaha tapos nagtatanong siya about sa tumblr. Weeeh? Yan unang reaction ko kasi seriously gagawa siya ng account? Hihihi ako naman si tanga kinikilig kasi medyo mabilis na siya mag reply kanina. Masaya na sana eh pero mararamdaman mo na ganun pa rin yung pakiramdam parang may kulang. :( At ngaun ko lang din nalaman na nagalit siya saakin noon. Well siguro nga nakasakit ako pero i have my reasons. Sana kasi diba haaaays. Nevermind past is past. Kung siya nga eh ayaw yun pag usapan. Well after nun tinanung ko siya kung may pantawag siya sabi niya tatawag siya ng 4 pm kaso may pasok ako nun kaya sabi ko kung pwede na siya tumawag nung 2 kaso wala na daw siya pantawag magpapalod nalang ulit . Sinabihan ko siya na wag na kasi gagastos lang siya. Pero deep inside pakipot lang ako hahahaha namiss ko na kasi boses niya tsaka sakaniya lang ako nakikipag usap ng matagal sa phone kasi hindi ako sanay. Dumating yung 4 pm na hindi siya tumawag, sobrang na down ako nun kasi nag assume ako. Ni hindi ko nga magawa ng maayos yung plate ko. Hahahaha kaya tinext ko nalang siya kung tatawag pa siya. Well hindi na sana ako mag eexpect pa pero Boom! Tumawag siya kaso nasa school pa ako kaya ibinaba na din niya. Halos mag sisigaw ako sa room kanina tapos yinugyog ko pa mga kaibigan ko hahahaa naawa tuloy ako sakanila ko nabunton yung kilig. Pero siguro lahat ng kasiyahan may katapusan. Haaaaay pakiramdam ko gumaganti siya pero who knows after all ako naman ang nang iwan sakaniya noon. He will always be my mysterious guy. - A.