Lagalag 101

1 week din akong naging lagalag kasama ang barkada. Sa hohol part 1, medyo nawindang mundo ko. Naalog ulo ko. Bumaliktad sikmura ko. Land trip lang peg namin para daw maenjoy daw namin ang view. O hala sige. Nag-enjoy naman pero may mga times talaga na kulang nalang sukaan ko yung katabi ko eh. Naabutan pa namin yung mga taga-ibang school. Nag-enjoy sa view. Nag-enjoy sa rides. Tho medyo nasuka ako sa Galleon ride, nagenjoy naman ako sa Zimmerman. Muntik na ‘kong mag-back out dun pramis kasi hilong-hilo na ‘ko pero eto namang isa kong tropa: "Sai, wag kang magback-out. Andaming gwapo oh (sabay tingin sa mga nakapila na ewan ko kung gwapo ba talaga o nahihilo lang ako)" tas ayun. Gora. Masaya. Sobra. Di dahil may gwapo kundi dahil kami lahat sumigaw at nag-enjoy. Pero pagdating sa horror house. Ayoko na talaga. Hilong-hilo na ‘ko. Sabi nila talagang nakakatakot daw pero ayos lang, kesa naman mahilo ako ng sobra sobra. Hinintay ko nalang lumabas mga tropa ko tas ayun sumuka na talaga ako. After nun nanuod nalang kami ng performance galore kung san ako nagdrama. Amp. Tas uwi sa resort. Sumama na naman sa pool galore pero di naligo. Balik sa room. Logtu. Gising. Kain. May konting activity. Di sumali. Kain. Uwi. Nasuka na naman. Nilunok. Tulog.

Pero sa hohol part 2 ako nagenjoy. Davao. Wahoooo. Di na ko nasuka. Nagenjoy sa view eh, lalo na sa Bukidnon. Amazeballs. Kikwento ko sana sa kanya kung gano kaganda ang view sa Bukidnon pero waley eh busy ang kupal. Bahala ka. 11:45 pm na kami dumating sa hotel. Di na ko kumain, derecho logtu. Gising na naman. Eto gala. Derecho sa parang market, ewan ko anong nakain namin at dun pa target namin tapos sa Museo Dabawenyo naman. Nakilala namin si kuyang painter na nakalimutan ko ano name nya pero ang galing nya infairness. Derecho sa K-Steak ba yun for the lunch. Basta unli steak ang peg. Derecho na naman sa may Jack Ridge at yung parang… ah basta kung san may Sto. Nino galore. Tas derecho na naman sa D Bone Collector ba yun? HAHAHAHA sorry ulyanin aaand derecho sa mall. Ahihi. Tas derecho sa Waterfront at dun nag-dinner. Logtu. Gising. Kain. Derecho na naman sa Samal. Sa Pearl Farm chenes. Ang ganda amp. Pramis. Nakakarelaks. Tapos akala talaga namin nakita na namin si Pacman. Ayun naman pala, kamukha nya lang pala. Ang babait ng mga staffs. Ang sarap ng pineapple juice huehue. Whole day kami sa Samal. Yung iba naligo, ako dehins pa rin. Natulog lang naman ako sa parang may kubo dun na may apat na upuan. Medyo tulo laway pa. Loljk asa. HAHAHAHAHA taaaapos punta sa Kuya Ed’s para sa dinner. Sila nangitim ako hindi BWAHAHAHAHA tas yung iba hala gora nag-pool pa rin. Ako KO na. Nagising na naman. Nakita si Jeric Teng mylabs. Ayun, punta daw sa parang Aldivinco ata yun. Dun ko nabili ang dye tshirt ahihi tapos lunch and then derecho dun sa kung saan nakatambay si mareng Diola, the biggest bird chos and then sa Eden Nature’s Park. Oy nag-enjoy kami sa Indiana Jones, parang zipline sya na ang sobrang babaw. I kenat. Nakailang balik talaga kami pramis. Mall na naman and then kain sa labas. Ang gwapo ng chef schette. Tapos ayun, uwi. Logtu kasi maaga pa kami the next day. Gising. May fun run galore pala sa labas. Uwi. Tulog. Jingle. Kain. Tulog. Nuod movie. Kain. Tulog. Jingle. Tulog x10000. Stranded kasi pota (sorry napamura lang nakakaiyak kaya mastranded tas uwing-uwi and all na kami). Mga around 4am na finally dumating. Byahe byahe hanggang sa makauwi (5am). Napagusapan naming lahat na wag pumasok kasi ena groggy af pa kami. Kaya eto ako ngayon. Nag-iingay.

Masaya. Andami kong naiisip habang bumabyahe. Panandaliang escape bale. Masaya. Three thumbs up! Nabusog tyan at mata ko. Pati na rin ang kaluluwa ko chareng. Back to reality again. 

Subic Tour

late na late na kami nakauwi kagabi hays 5hours na byahe wth. pero ayon sulit naman kahit papano yung bayad namin, lalo na sa dinner, Mang Inasal HAHAHAH😂 parang inarkila yung buong mang inasal e, sa sobrang dami namin by batch yung ginawa Hahahaha tas yung isang bote ng sabon yung parang liquid naubos namin sa kakahugas ng kamay HAHAHA😂 tas nakalimang kanin pako, laking pasalamat ko lang di ako nasuka sa byahe hahaha iba kase bus na ginamit namin, yung walang air freshener na matapang kaya di ako masyado nahilo. tas ayon di kami nakapunta dun sa planta hays dun kami pumunta sa briefing about sa IT sa SBMA na tinulugan lang namin hays. pero kung ikukumpara siguro mas okay yung byahe ngayon kesa sa mga tour namin nung highschool kase di ako nasuka HAHAHA😂 mas enjoy ko every part ng tour namin kahit ngayon medyo nahihilo pako, buslag ata tawg dito e hahahahah😂 tas ayon alam ko namang walang nagtatanong at may pake hays

Uhh..

Trangkaso it is. So ayun, kagabi after ng church kinukurog ako as in. Kumain ako sabay inom ng gamot tsaka natulog. Tapos 10:30 pm nagising sabay ginising para lumipat kila tita tapos wala pako sa gate nasuka na ko. Eww so gross. Grabe para kong lasing na ewan hahaha. Tapos ayun, ako pa naglock ng gate. Hindi tuloy nakapasok, ano na kayang ganap kanina dun. Hays. Boring dito. Makakapunta kaya ko sa meet up namin ni Zel. Hays. Okidoks.

Meant to be ata kami ni Varun. Nakadaupang palad ko na naman sya sa Omegle ngayon. Lintek. Taga Ateneo daw sya ay! Puta. Nasuka ko. Hahahahahahahahhaha pano nagong taga Ateneo to eh nakatira nga sya sa India? Kaloka!

Praise the Lawd. Mabuti pa dito sa Waterfront walang kaartehan pag aaccess sa wifi, unlike sa hotel kung san kami nag check in. Ena. Dehins ako nasuka pero hilong hilo naman ako. Yiiii. Enjoy. Ang saya. Three thumbs up sa 2nd day ng HOHOL part 2 namin. Pachill-chill lang ditey habang nagdidinner. Maya pa balik namin sa hotel. Infairness galore waley naman akong nakitang papi pero enjoy na enjoy naman ako sa sights dito sa Davao. Sino taga-Davao? Tara hohol. G?

Thank you!

Thanks for suffering three months of non stop art spam with me and to the new popping out of nowhere followers you are wonderful :) Nasuka I’m gonna be finishing up during the week but things will go back to more sane levels of art postage now!

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video