3

081012 ♥ Friday

Kakagaling ko lang sa dentist ko kanina para sa adjustment ng braces ko.

At ito ang naging epekto ng pagturok sa gilagid ko nang maraming beses ng anesthesia at “nilagare” nang maraming beses. Kasi daw, yung dalawa kong ngipin sa harap, kailangan parang i-file(parang nail file itsura), yung kakaskasin para magkahiwalay then pagdidikitin ulit. Pero dahil kailangan daw sugatan yung gilagid ko, ayan. Tinurukan ako para hindi ko maramdaman yung sakit. Nung una, takot na takot pa nga ako e. Nag-aalala ako kung tatalab ba ‘yan nang sobra-sobra hanggang sa dulo. Kasi dati, hindi ako tinuturukan pero kinakaskas na yung ngipin ko, at sinasabi ko sa inyo.. SOBRANG SAKIT! Feeling mo bida ka sa Saw na movie!!! Seryoso, walang halong biro. Haha! At ‘yang dugo na nakikita niyo sa tissue na yan, wala pa sa 1/4 ‘yan. Jusko, daig pa yung regla ng pagdudugo ng gilagid ko e. Hindi ko tuloy naenjoy Magnum ko. Haha!

Yung lalaking maririnig mo na lang na umiiyak kasi ayaw ka niyang mawala ka.

091512 ♥ Saturday.

Si Carl yun e! =)) 

Kasi ganto yun, basta may pinag-awayan kami. Tapos puro na kami palabasan ng mga point namin about dun. Tapos ang mga sinasabi pa namin ay.. “Sobrang sakit kapag nag-aaway tayo”, etc.. Tapos yung tipong pareho naming sinasabi na nakakamiss na yung mga times na hindi kami nag-aaway in person, kapag magkausap, lagi lang daw ako tawa nang tawa, puro lang daw lambingan, at marami pang iba. 

Tapos ako, sa sobrang badtrip ko, hindi na ako masyadong nakibo. Naging mailap ako. Tapos narinig ko na siya, umiiyak na! Tapos nagmamakaawa na huwag na kaming mag-away. Kasi alam niyang minsan, nakakapagod na rin yung ganto.. Yung laging nag-aaway. Tapos biglang sabi na hindi niya daw kakayin kapag nawala ako, kasi sobrang mahal na mahal na mahal daw niya ako. Tapos yung iyak pa na medyo hagulgol, yung hindi mo makikita sa isang normal na lalaki. As in! Tapos nung narinig ko yung iyak niya, sobrang naawa ako sa kanya.. And at the same time, mas naramdaman ko na ang swerte swerte ko nga talaga sa kanya. Yung tipong, bihira ang mga lalaking ganito. Yung iiyak sa harap o habang kausap ang isang babae? Kakaiba yun. Kasi diba, karamihan siguro sa mga point ng mga lalaki na kapag umiiyak ka, nakakabawas ito ng pagkalalaki. Pero para kay Carl, hindi yun totoo.

Hanggang sa sabi ko na, “Sige naaa. Huwag ka ngang umiyak diyan. Baliw ka talaga. I love youuuu.” Tapos may sinabi pa siya na, “Di ba.. Kapag nag-aaway naman tayo, nababawi rin naman ito ng mga lambingan natin?”

Ampunin niyo na lang ako, please?

Ayaw na yata sa akin ng nanay ko e. Wala na kasi akong kwenta. Bwisit daw ako, hindi daw ako tatagal nang dahil sa ugali ko. Kahit hindi naman talaga ako ganun. Masyado niya kasing pinipilit lagi yung kanya e. Hindi na siya nakikinig sa side ko, ni minsan.. Hindi siya naniwala sa mga explanations ko. Lagi na lang, lagi na lang talaga. Ako lagi ang may kasalanan, ako lagi ang masama, kahit hindi naman talaga, kahit hindi ko naman talaga sinasadya, kahit hindi ko naman talaga ginusto. Sa akin pa rin lagi ang bagsak ng sisi. Kailan kaya ako gigising sa isang araw nang hindi nasisigawan ng nanay ko na abot hanggang kapitbahay ang boses?

Hayy. Ayoko na talaga. Idadaan ko na lang ‘to sa iyak sa harap ng kasambahay namin na si Ate Vicky. Tutal, siya lang naman yung nasasabihan ko ng lahat ng problema ko e. Tungkol sa school man yan, sa kaibigan, lovelife, at lalong lalo na, sa pamilya. At kahit ano pa ang mangyari, lagi niya akong iniintindi. Sana ganun din pati si Mama, yung papakinggan muna ako bago manigaw nang manigaw, ang sakit lang kasi marealize na hindi mo na mahanap yung pagmamahal ng nanay mo. Konting ano mo lang, galit agad sa’yo, kahit may sense naman yung pinagsasasabi mo.. Still, siya ang dapat masunod, siya ang dapat na tama.

092212 ♥ Saturdate.

Inis na inis si Carl kasi hindi daw siya marunong magtirintas. HAHAHA! Hanggang sa sinabunutan na niya ako. Grabe. Brutal talaga e :/ HAHA! Ayon, bonding lang ulit kami dito sa bahay habang wala si Mama. Sobrang nilubos na namin. Although simula Thursday ay lagi na siyang nandito sa bahay. Mehe :3 Okay, mamaya na ang lovelife. Aral muna and gawa muna ako ng homeworks dito. HAHA! Oh diba? Balanced ang studies and lovelife ;)

Hindi pa rin ako makapaniwalaaaa

041113 Thursday.

Nareconsider ako sa UST omggggg. THANK YOU LORDDDD!! College of Science, here I come! Buti na lang, may kakilala na agad ako dun kahit papano. Yung kaklase ko kasi mula 1st year HS hanggang 4th year, kapareho ko ng course, which is BS Biology, at saktong doctor in the making din siyaaaa. Plus, yung kaklase ko din dati nung 3rd year ako, same course lang dinnn. Kaya gorabells naaaa! Sana talaga kayanin hanggang sa dulo. Huhu. Help me Lord.

Byebye HS.

010713 Monday.

Ayon sa teachers namin kanina, 21 days na lang ang natitira para sa aming pagpasok bilang normal 4th year students. Yung as in nagkaklase talaga, kasi by this week puro shortened period, kasi Intramurals. And then next week naman, wala talagang klase for three days I think dahil din sa mga championship. So laking bawas yun sa mga normal class hours. At sobrang paghahabol sa mga lessons at activities ang gagawin namin in order to survive.

Ginigising na kami ng mga teachers namin na huwag na huwag nang mag-attempt na gumawa ng kalokohan, kasi konting pagkakamali mo lang.. Future mo agad ang nakataya. Kaya nasa sa’yo yan kung pagbubutihan mo na talaga ’tong quarter na ’to, o hindi. Kasi kapag gumraduate ka, hindi lang naman ikaw ang gagraduate ehh. Tatlo raw kayo: ang mga magulang mo na silang nagpaaral sayo sa kabila ng hirap ng buhay, mga teachers mo na walang ibang pangarap para sayo kundi ang maging isang mabuti kang tao at maging isang tao na may dignidad at isang taong may magandang kinabukasan sa buhay.. At syempre, ang panghuli, ikaw mismo. Kung worth it kang gumraduate, gagraduate at gagraduate ka talaga.

Ito na, the end is near. Malapit na kami sa finish line :( I will surely miss this kind of a rollercoaster life once na college na ako :(

Akala mo talaga bida kami ni Carl ng teleserye!

091212 ♥ Midnight ng Wednesday.

Gabi pa lang ng Tuesday, natanggap ko yung balita na nag-away na naman si Carl at yung mama niya.

Paano ba daw, lagi na lang daw sa kanya ang bagsak ng lahat ng sisi kahit wala naman talaga siyang ginagawa, at marami pang iba. Lagi na lang daw ganun. At alam niyo kung ano ginawa? Naglayas! Pero babalik rin naman daw siya, magpapalamig lang daw talaga siya, magpapakalayo kahit sandali. Syempre hindi niya ako matatawagan kahit may pantawag siya, kasi nagloloko yung phone ko that time. Hindi talaga mabuksan, and kung mabubuksan man.. Sobrang tagal bago magkasignal. Kaya chinat ko na lang yung isa sa mga best friend niyang babae na tawagan or itext siya at kamustahin siya. Dahil hindi talaga kami makakapag-usap. At yun, mabait naman yung bis niya, kaya ina-update rin niya ako tungkol sa mga napag-uusapan nila. 

Hanggang sa chinat ako ni Carl via mobile.. "Tingin ka sa bintana, malapit sa ref niyo." At pagtingin ko, nakadungaw siya dun sa railings ng bahay namin! Nagmamakaawa na papasukin ko siya dahil kailangan daw niya ako ngayon. Gustung-gusto ko siyang papasukin, as in. Pero napangunahan ako ng takot ko na baka marinig ni Mama at magising siya, at mabisto na kami nang tuluyan. Ang laking risk diba? 

Halos 1 hour din kaming nagdramahan. Ako, nakatayo lang sa may screen ng pinto namin at hindi makalabas dahil baka marinig ako ni Mama kahit gustung-gusto ko na talaga siyang yakapin. At baka makutuban pa ako ng ate kong hearing impaired na may kausap sa labas. At nakikiusap na lang ako na umuwi na siya dahil mag-aalala na talaga yung nanay niya dun. Pero ayaw niya talaga, gusto daw niya akong makayakap. Kailangan niya daw ako. Nireject na nga daw siya ng nanay niya, tapos pati ba naman ako.. irereject ko pa siya? 1 hour din yun. Nakapagreklamo tuloy siya na kung sana kanina pa siya pinapasok, kahit 5 minutes lang.. E di sana tapos na. 

Malapit na akong pumayag, pero mas umiral pa rin ang takot ko. Hanggang sa tinry na niyang umakyat ng gate namin. Tinalon daw niya, nakakapit na nga daw siya sa taas e, at nakita ko yun. Pero di niya kinaya, at dahil mas maingay nga yung gate kapag ganun. At after nun, napagtanto ko nang maglakas-loob at lumabas at pagbuksan siya ng gate. Naglakas-loob ako ng super to the highest level!! At yun na nga, binuksan ko na. Dinala ko siya sa likod ng bahay namin para walang makakita.

At doon ko siya niyakap nang mahigpit. Kinomfort ko siya nang sobra. Sinabi ko na huwag na siyang maging malungkot. Nakayakap lang ako sa kanya habang hinahalikan ko siya. Grabeng risk diba? Mga 10 minutes kaming magkayakap hanggang sa tuluyan na siyang umalis at baka mahuli pa kami ni Mama na nagigising sa oras na yun, which is almosy 1 AM na that time.

Pero worth it, at least.. Alam kong napagaan ko yung loob niya sa kabila ng matinding kalungkutan niya nang dahil sa nanay at kuya niya.

Sa katunayan nga, pauwi na daw talaga siya nung pagkatapos niyang umakyat ng gate, sasabihin na lang daw niya talaga sa akin that second. Pero nagkataon na binuksan ko na daw talaga yung gate. Kaya hindi niya inakalang gagawin ko pa yun kahit alam kong malaking risk yun. At sobrang naappreciate niya yun nang sobra.

Ano, pangteleserye lang diba? =)) Tumblr nga pala niya :D

3

082812 ♥ Tuesday.

One of our best bonding together, was yesterday. Though kasama namin mga friends ko.. Still, we were sweet sa isa’t-isa, walang halong awkwardness tulad nung mga dating nangyayari. Naglakad-lakad kami nang kaming dalawa lang, ate pizza together with our friends, nagpicture-picture at nagvideoke. Kahit panira yung dalawang ipis na lumipad kagabi, still, naging masaya kami =))) Kinantahan nga niya ako nang kung anu-ano e! Paepal talaga. Haha!

Parang wala lang no? Pero ewan ko, parang ang special nung day kahapon, may something dun na never ko talaga makakalimutan.

Bangkok, Thailand.

122312-122612 ♥

Part I and Part II

Day 1.

Mga madaling araw kami nag-arrive sa hotel, hindi siya ganun kalaki, hindi rin ganun kaliit. Sakto lang, convenient naman sa mga shopping areas, and malinis, at maganda naman ang service. Then nung umaga na.. First, pumunta kami sa mga Temples. Syempre hindi yun mawawala sa culture ng Thailand. Nakita namin yung iba’t-ibang type ng mga buddha nila. Merong mga papayamanin ka, gagawin kang swerte sa love, family, or even sa career. Syempre, kahit papano, tinry ko ding magwish. Wala namang masama diba? Hihi. And then sa Gems Gallery, na puro naman alahas.. Paano ako makakabili, ha?! HAHA. At syempre, kapag Bangkok, SHOPPING! Papahuli pa kaya ako diyan? Syempre hindi na no! Sayang ang  3,200 Baht na bigay sa akin. Then sumakay kami sa Tuktuk Service, parang siyang jeep at tricycle sa atin combined. Cool nga ehh. Ang presko, kuhang-kuha mo lahat ng usok ng mga kotse. HAHA!

Day 2.

We went sa Elephant Village, sumakay at nagpakain ng mga elepante, kung saan dun din sila kilala. Nasabihan pa akong maganda ng isa sa mga Thailander dun na photographer. Wohooo! Magaganda daw mga Pinay! At, Manny Pacquiao din daw! HAHAHA. Then sa floating market, kung saan dati daw kasi ginagawa ang exchange ng food sa canal nila, hanggang na nagtuloy-tuloy na and naging bentahan na ng mga kung anu-ano. And nagspeedboat din us, muntikan pa nga mahulog si Mama e. Sama namin, tinawanan lang namin siya nila Papa. K, ang mean. And then pumunta naman kami sa Handicraft something, puro mga wood carvings nang kung anu-ano, ang cool nga e. Super kakaiba :bd Then we ate free buffet lunch then watched the Elephant Show. Galing nung mga elepante, nagsasoccer! Then Crocodile Wrestling Show din kung saan wala lang dun sa dalawang tao na crocodile yung kaharap nila. Pinasok pa nga nila ulo nila sa bibig nun ehh, grabe lang diba? And then paasa yung nagsabe na may concert ang mga Pinoy sa may Central World dun, pagpunta namin dun.. May mga nagcoconcert nga, di naman namin maappreciate kasi hindi man lang English ang mga kinakanta, kaya nganga. Uwi din kami e. Haha.

4

1st photo: Model Officer! Hindi ko ‘to ineexpect, promise :”>

2nd photo: Rank 6 out of 9! Yes! Buhay pa! =)) Hanggang graduation na sana ‘to :”> Uy teka, caught in the act akong nakikipagchikahan! HAHAHA

3rd and 4th photo: Doing our job as a part of the Student Council, ang pagsegregate ng junk, para sa fund raising project ng SC na “In trash, we cash!”

Ito yung mga nangyari sa akin kahapon habang nasa school. Tapos after nun, ginabi pa kami ng uwi kasi may tinapos kaming Performance Task sa Physics. Hayyy, buhay 4th year nga naman talaga :( Nakakapagod, pero masaya! :)

2

Kung kailan naman maga and namumula yung pagmumukha ko, tsaka nagreunite yung tropaloves! And ang order ng names namin ay.. (from left to right) Rizzel, Alea, Ivy (me), Alexis, Arcelli, Gail, Yoshiko and, Pat. Yung bata naman ay si Megan! HAHA.

Gaganda namin no? Except ako :/ Btw, ayan na po pala yung sinasabi kong inallergy ako dahil sa Panoxyl, but because of my eagerness na pumasok, pumasok pa rin ako dahil sa sobrang dami kong mamimiss! :( 

Pero dahil sa magaling kong Derma at Pedia, medyo gumanda na ulit ako ngayon. HAHAHA! ECHOS.

UPCAT na bukas, at sobrang batak ko..

Walang review review! Hahaha. Ewan ko din kung bakit ehh. Kasi naman, nung summer pa lang, mga one week before magpasukan, plano sana namin ng mga batchmates ko na magreview center kahit may school, yung tipong Saturday Review Classes. E ano nangyari? Joke time lang pala. Haha! Tsaka, hindi rin talaga kakayanin e. Grabe mga ginagawa namin ngayon; projects, assignments, performance tasks, and so much more. Sobrang hectic talaga! Idagdag mo pa ang CAT and ang Student Council, hay jusko! Walang tulugan itech! 

Kaya ‘yon, bahala na talaga bukas. Kung may masagot or wala. Tutal, mas gusto ko sa UST. Bukod sa maganda daw kapag related sa medicine ang course mo, at maganda rin talaga dun kapag dun ka nagmasteral ng Medicine. Isa pa, marami akong kakilala dun! AS IN! Kaya go na lang nang go! Good luck na lang talaga sa ‘kin c:

Okay, 1 month na pala kami ng blog ko :")

So happy and contented na sa buhay dahil sa dami kong napapasayang tao gamit nitong blog ko. Madami akong nakakausap, at nagiging mga kaibigan. Nalalabas ko lahat ng galit ko sa puso ko sa pamamagitan nito upang puro happiness na lang at love ang matira sa ‘kin. Sobrang thankful ako sa lahat ng mga patuloy na nagbabasa ng mga binablog ko, all of you guys are highly appreciated >:D<

Yung kapatid kong may kapansanan.

050112 ♥ Tuesday.

image

May kapatid kasi akong hindi masyadong makarinig at hindi masyadong nakakapagsalita. In short, pipi at bingi siya. Pero medyo nakakarinig pa rin siya kasi maiintindihan ka naman niya depende sa actions mo at depende na rin sa buka ng bibig mo, at kung marunong ka rin mag-sign language. At medyo nakakapagsalita pa rin siya, kaso hindi nga lang ganun ka-clear.

Kagabi kasi, habng nakikipag-videochat siya sa mga kaklase niya, kinuha niya yung gitara ko, tapos tinry niyang tugtugin kahit hindi naman siya marunong at kahit hindi naman siya masyadong nakakarinig. Nakaramdam ako ng awa, kasi diba.. Kahit alam niyang may pagkukulang siya, hindi yun naging hadlang sa pagtugtog niya ng gitara. Tapos mga ilang minutes din niyang kinakapa-kapa yung gitara ko sa harap ng computer. Tapos naalala ko na may libro pala ako para sa mga beginner pagdating sa pagtugtog ng gitara. E di binigay ko yun sa kanya para kahit papano ay may matutunan siyang mga chords at tuluyang makagamit ng gitara. 

Biglang nakaramdam ako ng pagtaba ng aking puso kasi habang binubuklat niya yung libro sa iba’t-ibang pahina, ay nakita sa mukha niya yung kasiyahan na at last, makakapaggitara na rin siya.

Kahit ang liit-liit lang nung ginawa ko na ‘yun, ang saya-saya ko na. Kasi nalaman kong may kwenta rin pala ako bilang kapatid. Kasi inaamin ko na hindi kami masyadong nag-uusap or nakakapagbonding. Tapos minsan pa, nag-aaway din kami. Pero di ba, dahil dun sa isang maliit na bagay na yun, ay parang nakagawa na ako ng isang obligasyon ko as her sister, at iyon ang mapasaya siya sa kabila ng kanyang kapansanan.

Laging nauuwi sa lambingan.

082512 ♥ Saturday.

May Saturday classes kami, at dahil doon may plano kaming magpractice ng mga kasama ko sa Maramihang Pag-awit para sa Buwan ng Wika na program ng school. E kasi kahapon, nagpractice na kami, kaya hindi ko nakasama si Carl. Kaya ito na, kaninang lunch break.. Nagkaconflict na agad, inaya ako nung mga friends ko na mag-Army Navy, tapos di pa naman ako umoo kasi alam kong for sure, gustung-gusto akong makasama nito ni Carl ngayon. Kaya pinuntahan ko siya, shinare ko na kakain kami mamaya, tapos kung gusto niyang sumama siya, then hindi niya yata nagustuhan or what, nakalimutan ko lang yung rason, basta ‘yon. Pero sabi ko, na hindi ko pa namam sure kung tuloy, pero at least nasabi ko na. And then, bigla kong nalaman na yun nga, may practice ulit kami mamaya, e di parang nagkapatong-patong na, sabay pa ng pag-aya kay Carl ng mga tropa niya na magbasketball. So yun, ayan na. Blue corner ako, at red corner na siya. 

Sinabi niya na siya naman daw ngayon, dahil these past few days, hindi ko siya nakasama, ngayon lang ulit, kaya siya naman daw. Pero syempre, nagdadalawang-isip din ako, dahil syempre, baka magtampo yung mga kasama ko sa maramihang pag-awit, at syempre, siya rin. Kaya parang nasabi ko na lang din na, "Sige, hindi na lang ako sasama sa practice." Pero yung reaction niya na, "Hindi, sige okay lang, kahit wag na." Basta mga ganun, paulit-ulit kami ng sinasabi, mga 4 times yata? Haha. Pero di ko alam mga sinasabi ko, and hindi ko alam kung ano ba talaga yung totoo niyang reaction dahil confused nga ako. Hanggang sa uwian na, at may training pa sila sa basketball, kaya nauna na ako, at hindi natanong sa kanya kung ano plano, at matagal na rin kasi akong hinihintay nung mga kasama ko nang hindi ko alam na hinihintay pala nila ako dahil nasa faculty ako. Syempre nahiya ako, and napasama na lang din. Nag-iwan na lang tuloy ako ng message sa kaibigan ni Carl na, na kela Aaron lang kami. And napatingin siya sa akin nung paglabas ko, na medyo disappointed ang face. Then after some time, sumunod pala siya and yun, akala mo pelikula ang confrontation scene! Nadisappoint si Carl kasi daw umasa siya na magkakasama kami or whattt, plus yung moment pa kagabi na natulugan ko siya habang medyo nagkaka-away kami nang hindi ko sinasadya, kaya sobrang bagsak sa kanya. Hanggang sa umulan na, nandun pa rin siya sa labas ng gate, kasi ayaw niyang pumasok, then ako nandun sa kabilang side ng gate, nauulanan din naman habang nagdadrama. Hanggang sa pinilit ko na siyang papasukin kahit hanggang sa garden lang nila Aaron, dahil ayaw nga niya umakyat dahil nahihiya siya tsaka iba siyang grupo e, kalaban namin sila.

Hanggang sa dun na nag-iyakan, at nagtanungan kung love pa yung isa’t-isa, kung bakit hindi niya maramdaman yung pagmamahal ko kahit sinasabi ko na mahal ko talaga siya, hindi daw ako nanglalambing, napapagod na daw siya, at kung anu-ano pa. Pero dahil sa kinulit ko siya, nagsorry ako nang sobra, tinry kong makipagbiruan sa kanya, nilambing ko siya, nakipagtawanan na ako sa kanya, at kung anu-anong pagpapacute ang ginawa ko.. Napangiti ko na siya! Yey! Hanggang sa umalis kami with our friends to eat sa Karate Kid, sobrang okay na kami! Akala mo walang nangyaring dramahan. 

Kaya kahit anong away, sa lambingan at sabihan din ng, “I love you, baby!” ang bagsak e. That’s why mas lalong naggo-grow yung love that we have for each other :)

Bakit ba kasi hindi kami legal.

051613 Thursday.

Kanina, habang ka-viber ko siya. Naiiyak at nalulungkot na naman ako. Nalulungkot ako kung bakit kasi hindi mahanap nila Mama yung tiwalang pwede nilang ibigay sa akin sa pagboboyfriend. Kaya ayon, hindi kami ngayon legal ni Carl. Sobrang inggit na talaga kasi ako sa iba kong mga kaibigan, puro pictures sila sa FB, malaya nilang maipapahayag in public kung gaano nila kamahal yung boyfriend nila, etc. Habang ako, quiet lang, kasi madaming relatives sa Facebook, baka mahuli at magsumbong pa kay Mama, e di sasampalin na talaga ako nun for sure.

Kuntento naman na talaga ako sa relasyon namin e. Masaya naman kami, at kung mag-aaway man kami, nalalapagsan din namin agad. May kulang lang talaga e, yung approval ng parents ko. Syempre bilang lalaki si Carl, syempre okay lang sa mga magulang niya, lalaki naman siya e. Ako lang talaga ang bawal. Ewan ko ba kung bakit ganyan sila Papa. Pero, I understand naman e, kasi pag-aaral muna. Pero hindi ba nila kayang bigyan ako ng chance na i-prove sa kanila na kaya kong pagsabayin? Almost 2 years kaming MU, at habang MU kami, never kami nawala sa top, active kami sa mga activities sa school, at gumaraduate kaming sinabitan ng maraming medal. And, halos similar lang din naman ang turingan namin nung MU pa lang kami hanggang sa ngayong official ko na siyang sinagot. 

Talagang sa bawat relasyon, meron at merong imperfection. Time will come na magiging legal din kami, tiwala lang.

052912 ♥ Tuesday.

Natupad yung isa sa mga pangarap ko na makapunta sa isa sa mga tanyag na universities dito sa Pinas. And yes, University of the Philippines at University of Santo Tomas ang aking napuntahan :> 

Kumuha kasi ako ng application form para sa entrance examinations nila, sabi kasi nung kaibigan ko na agahan na dahil mahirap kapag last minute mag-aapply. And yun na nga. Nag-ikot na rin kami nila Mama around, kaya puro pictures ako. Haha!

Parang talaga akong probinsyana na kakapunta lang ng Maynila sa OA kong amusement. Ang lawak-lawak kasi ng UP, as in. Anytime, pwede kang mawala. Tapos puro puno talaga, kaya ang sarap sa feeling maglakad-lakad. 

Sa UST naman, kahit hindi masyadong malawak tulad ng UP na dominant yung mga puno at halaman. Dun naman, sobrang na-amuse ako sa mga buildings. Bukod sa sobrang tagal na ngang nakatayo nung mga yun dahil kilala nga ang UST sa pagiging Oldest University in Asia.. Sobrang ganda talaga. Tapos puro random people yung dumadaan sa harap namin, kasi we waited almost 1 hour dahil nung dumating kami sa Office of Admissions, ay break time pa nila. Kaya umupo muna kami dun malapit sa High School building nila. Totoo nga na marami kang mami-meet na mga tao kapag college ka na. Iba-iba kayo ng personalities and character, pero magkakasama-sama pa rin kayo. Kasi bawat daan ng mga group of people dun, nababasa ko yung iba’t-iba nilang mga differences sa pag-uugali. Yet, they still form a solid group.

I feel so excited tuloy for college. Sa Thursday naman, La Salle Dasma naman ang lalargahan ko. Doon lang daw kasi may magandang pre-medicine na course e, sabi nung mga friends ko. Kaya ‘yon. 

Sana naman makapasa ako, kahit sa UST. Kahit huwag na sa UP. Haha! Pero okay na rin kung sa UP, hello stress nga lang ang aabutin ko dun :p

Sisiguraduhin kong my college life would be very much different compared sa aking HS Life. I promise that :)

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video