musika!

Pick your fave! || Tag a friend || Style by @davidson_frere || Use #PrettyFlySociety for a feature



#dapperlydone #dapper #blackmensfashion #blakescott #mensfashionreview #mensfashionpost #mensfashion #highfashionblackmen #style #americanlookbook #superdapper #simplydapper #dope #dailystylehunt #pfsfashion #established #featuremenow #fashion4fellas #featuresmensfashion #superstyle #lebron #flyguy #womensfashion #dappergents #fly #established #dapperhistory

(at Musika Frere)

Ito ang tula para kay A
Kung saan ay magkatabi tayong nakahiga
Sa haligi ng Intramuros habang
Nagmamasid sa kalawakan, at sinusubukan
Nating balangkasin ang bawat bituin
Na baka nakaguhit din doon ang ating nararamdaman
Na hindi natin maamin sa isa’t isa,
Tulad ng mga kamay na mahigpit na magkakapit -
Hayaan mong iguhit ng aking hintuturo
Ang ating digmaan sa mga bituin
Dahil sabi nga ng mga Griyego, may espasyo
Sa kalangitan ang mga magigiting na mandirigma
Ng pag-ibig

Ito ang tula para kay R
Kung saan ay dahan dahan tayong sumasayaw
Sa mga musikang nagbabanggit ng mga salitang
Hindi natin maamin -
Magkalapit ang ating mga katawan,
Nararamdaman ako ang init ng iyong dibdib
Habang tayo ay umuugoy sa musika
Sa kanto ng Buendia  na tila
Wala tayong pakielam sa karagatan
Ng mga estrangherong umaagos sa
Dalampasigan nating nilikha
Tayo ay dinuduyan ng plaka ng ating pagsasama

Ito ang tula para kay V
Kung saan ay nakaupo tayo sa baybayin ng Roxas boulevard
Habang naghihintay sa paglubog ng araw
At nagmamasid sa pagtatalop ng mga kulay
Sa kalangitan, ang aking ulo sa iyong balikat,
Tahimik, ang katubigan
Tahimik, tayong dalawa
Dahil hindi natin kailangan ang mga salita
Upang magbigay ingay sa pag-uusap ng ating
Mga damdamin, huwag kang kakawala

Ito ang tula para kay G
Kung saan ay tinatagpo ko tuwing biyernes
Ng gabi sa Mandaluyong -
Patawarin mo ako kung ang tawag lamang
Ng laman ang hinarap ko sa iyo, tayong dalawa
Na nagpipista sa kasalanan, ang iyong
Katawan na tila naging mapa ng Kamaynilaan
Na sinusuyod ng aking mga labi, mulo
Norte hanggang Kanlungan, patawad,
Kung kung inakala mong laro lamang
Ang pag-indayog ng ating kahubdan,
At pag-uusap pagkatapos hanggang umaga,
Ang palitan ng mga musika
Patawad.

Ito ang tula para kay J
Kung saan ay kasama kong magpalipas ng oras
Sa Taguig kasama ang mga puslit na alak
Sa garapon ng Mineral Water, at ilang piraso
Ng yosi. Naaalala mo ba kung paano natin
Palipasin ang gabi sa ating mga palad
Na tila laman laman ng bawat oras ay ang
Mga larawan ng ating pag-imbinta sa
Isa’t isa upang maging bahagi ng isang kasaysayan
Ng mga nakalipas na bagyo,
Ng mga hatinggabing puno ng mga bulong na sikreto,
Ng mga umaga ng paghihintay.

Ito ang tula para kay L
Kung saan ay nahihiya ka sa tuwing hahawakan
Ko ang iyong mga kamay, sa tuwing lalapat
Ang aking mga labi sa iyong pisngi sa publiko,
Dahil natatakot ka sa mga matang nakatitig,
Naiintindihan kita, kung masyado pang
Mahina ang iyong mga buto
Para salagin ang bawat suntok
Ng lipunang mapanghusga.

Ito ang tula para sa siyudad
Salamat, sa samu’t saring alaala.

Sa mga alaala ng tag-ulan
Mga basang sapatos at nililipad na mga payong,
Sa bawat pagmamadali sa bawat bagyo
Upang maramdaman ulit ang tahanan
Sa loob ng bawat kumot, sa init ng bawat yakap,
Sa lambot ng bawat labi.

Sa mga alaala ng tag-init
Kung saan ay humahalo ang amoy ng pawis
Sa natutupok na lupa pagkagat ng alastres ng hapon
Habang magkahapo ang mga hubad na katawan,
Ang mukha ko sa iyong bisig,
Ang kamay ko sa iyong kaharian.

Salamat, siyudad
Sa lahat ng alaala.

-Siyudad, Zakk Habitan

380) Akala ko nakalimutan na kita. Akala ko wala na akong feelings sa'yo. Pero bakit ganon? Bigla kitang naalala. Lahat ng memories natin together biglang nagbalik ang sarap balikan pero ang sakit sakit din kasi alam kong di na sila mauulit. Miss na miss na kita ako miss mo ba kaya? Miss ko na yung pagtugtog mo ng piano for me kasi alam kong yung musika na yun akin lang sa mga oras na yun. Kaasar kasi hanggang ngayon nasasaktan pa ako. - C

This is for everyone who is hurting even though they are not saying that they are. Ang cover na ito ay para rin sa mga taong patuloy na nasasaktan at nabibigo ng ating mundo. I may not be there by your side to guide you pero always remember na may isang taong tunay na nagmamahal sa iyo at patuloy na nagaaruga kahit minsan na fefeel mo na magisa lang sa mundong ginagalawan. Always remember that you are loved and valuable to everyone you meet!!!! Please listen and support my short cover of Wag Ka Ng Umiyak - Sugar free

Flickin' Ashes
  • Flickin' Ashes
  • Wiz Khalifa
  • Star Power
Play

Got the sweetest purple kush and a precisely rolled spliff
High as John in Pulp Fic
On the way to see Marsellus’ girl I’m in another world and Chevy got another twirl
For those who don’t know, he got that roll game
And I ain’t gon’ lie, he the reason why I got my roll game
Feel like I’m Soul Plane
I smoke the whole thang
Pound or OZ.
Kush fiend, Purple, Master, OG

Oo, masakit.
Oo, mahirap. 

Oo, ikaw lagi kong iniisip. Sa paggising sa umaga hanggang pagtulog ikaw lang ang nasa isip ko. Sa bawat musika na aking pakikinggan ikaw ang lagi kong naiisip. Sa bawat pelikula na tungkol sa pag-ibig ikaw ang naiisip ko.

Oo, nasasaktan ako pag hindi mo ‘ko pinapansin. Sa bawat mensahe na aking isinulat gamit ang aking telepono na pinapadala ko sa'yo. Sa bawat pagkawala mo ng bahala sa mga pagpupunyagi ko upang makausap ka. Lahat ng ito ay di ko binibigyan ng pansin dahil hindi kita kayang mawala sa buhay ko.

Oo, nagseselos ako pag may ibang lalaki kang kinakausap. Oo, nagseselos ako pag di mo ako binibigyan ng pansin. Oo, mahirap maramdaman ang lahat ng ito dahil alam ko namang hindi ka akin.

—  Walang paubayang pag-ibig
youtube

Asin | Usok

Iroadtrip nyo ko...

Please sunduin nyo ko sa bahay nang mga 12 nang gabi, tapos igala nyo ko kung saan man malamig pero masaya… kung saan tahimik pero inggay natin ang naririnig… kung saan musika natin ang magsisilbing buhay nang gabi…

Habang naglalakad paalis, sa huling katahimikan ng Timog bago tuluyang pumutok ang araw, Daylight ng Maroon 5 ang pinapakinggang musika, tahimik na gumagawa ng bakas na siyang lilimutin din naman kasabay ng pagsinag ng araw at pagdagsa ng sasakyan at pag init ng kalsada sa tanghali, para sayo na nakasama kong maglasing sa Timog nong gabi, para sa paglalasing dahil pagkatapos ng lahat ay, heto, hindi na alam kong saan tayo pupulutin, habang naglalakad tayo sa Timog at dinadamayan ang bawat isa sa takot na alam nating nandun pero hindi natin magawang masabi, tumutugtog ang kanta sa headset, lasing na ako, At gusto ko sanang iparinig din sayo- pero alam kong mas seryoso ka sa buhay, At hinahangaan ko yun, at, at, ang mga At na hindi ko magawang masabi, oh kong tanungin mo ang mga alak at ang mga gabing masasaya at malulungkot kasama ang mga alak, alam nila, duwag ako, sumulat ako ulit dito para sana magpropose ng isa pang tagay, na ihahabol ko sana dun sa gabing yun, isang tagay para sa masasayang oras, at sa malulungkot, at sa mga pagkakataong kasama kita sa mga oras at sa mga gabing pawisan tayo sa kasawian ng pag ibig At mga bata pa tayo nun, isang tagay para sa sarili, dahil iniiyakan parin kita tuwing gabi, iniiyakan parin kita kasama ng mga alaala, at mula sa pagpaalam sa bar na iyon isang linggo na ang nakalipas ay hindi na ako nakarinig pa mula sayo, siguro ganito nga ang sabi nila, na, mabubuhay ka, mabubuhay din naman ako, isang hindi ko inaasahang pamamaalam, at dahil doon, isa pang tagay!