Sabi nila, nakakabitter daw ang pag-ibig kapag iniwan ka na ng taong mahal mo. At sabi din nila, masyadong magulo daw ang pag-ibig. Naniwala din ako dyan dati eh. Pero, mali pala ako ng pinaniwalaan.

Ang pag-ibig kusang dumadating yan. Lalo na sa panahong hindi mo inaakala na dadating. Lalo na sa mga panahong mapapaisip ka kung handa ka na nga bang magmahal muli at handa ka na nga bang magtiwalang muli. Masaya naman magmahal kung tutuusin. Un nga lang, mahirap lang talagang ibalik ang tiwala. Lalo na kung ang pinaniniwalaan mo na lahat sila manloloko.

Dumating sa puntong may isang taong nag-offer na tuturuan niya daw akong magtiwalang muli. Pero, syempre hindi naman maiiwasan na tumanggi ako sa kadahilanang nabibitter nga kasi ako. Ewan ko ba kung ano ang ginawa niya para magtiwala ako ulit. I mean, para pagkatiwalaan ko siya. Hindi ko alam kung bakit sa araw-araw na ginawa ng Diyos hindi siya pumapalya na i-tex ako. Oo, walang “Goodmorning messages” ang taong tulad niya. Pero, hindi matatapos ang araw na hindi niya ako pwedeng hindi i-tex. Pareho kasi kaming nasaktan at iniwan kaya siguro alam namin yung pakiramdam ng isa’t isa kung bakit ayoko siya pagkatiwalaan. Hanggang dumating yung araw na hindi ko namalayang pinagkakatiwalaan ko na pala siya. Hindi ko alam kung paano at anong paraan para magtiwala ako sa kanya. Nung una, walang katuturan mga pinaguusapan namin pero umaabot sa isang libo ung mga messages namin. Habang nagtagal nasasabi ko na pala sa kanya ang mga tungkol sakin at nasasabi niya na din sakin ang mga tungkol sa kanya. Oo, nagkakatampuhan kami pero kung titignan mo, sabi nga namin, “Para tayong magJowa kung magkatampuhan eno?” Hindi namin namalayan na mas lumalalim na pala ang tingin namin para sa isa’t isa. At napunta na nga sa malalim na pagtitinginan. Pero, ang saklap lang, hindi pa ko handa na magkaroon ulit ng commitment. Pero, hindi siya tumigil. Maghihintay daw siya.

Habang naghihintay siya. Lalo ko siyang nakikilala bilang siya. Lalo kong nalalaman ang mga bagay na gusto kong malaman tungkol sa kanya. At marami akong napagtanto. Oo nga, mali pala talaga na paniwalaan na lahat sila manloloko. May lalaki pa din pala na kayang magmahal ng iisang babae lang. Lalaking hindi babaero. May lalaki pa palang kayang tanggapin ang lahat-lahat sayo kasama na ang masalimuot mong nakaraan. May lalaki pa palang kayang maghintay, lalaking hindi naiinip na maghintay sa salitang, “Oo, tayo na.” May lalaki pa palang kayang kaya respetuhin ang isang babae, hindi pagsasamantalahan sa anong mang bagay. Mali pala talaga ako. Mali pala na idamay ang ibang lalaki ng dahil lang sa niloko ka ng isang lalaki. May matino pa palang lalaki sa mundo.

At ang akala ko, hindi na pwedeng magtagpo ang dalawang pusong parehong nasaktan. Mali pala. Mas okay pala na pinagtapo sila. Mas masaya. Mas nakakakilig. Minsan, mali pala ang iba mong pinaniniwalaan. Mali pala talaga lahat ng akala. NAGKATAGPO NA PALA SILA.

Watch on marcpaololouis.tumblr.com

Old flick… Me dancing to dirty Diana #MJTE #MichaelJackson The Experience for #NintendoWii #2011 #JustDance (at 🔥🔥🔥🔥🔥)

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video