26. DESCRIBE BLOG/BLOGGER #6 : PRINSIPENGKABILUGAN

image

Una sa lahat. Sorry ang panget lang nung Typo eh. Kulang pa ako sa practice! pEro wag kang mag-alala, kapag magaling na ako, gagawan kita ulit! :))

Si Kuya Edwin, Ang pinaka mapang Asar sa PakyuKada. Lahat na lang nang Lait nasabi na s aamin niyan, pero di niya ma ide-deny na di niya kami Loves, mahal kami niyan kahit ganyan yan, Lumuwas pa nga nang Probinsiya yan magkita kita lang kami :)

Sa Blog naman niya. Kadalasan mga post neto ay mga One Liners. Ayos na mga One Liners at mga mabentang jokes. At sa mga lates post niya, makikita mo ngayon na active siya sa National Day to end impunity. Oh diba? DI lang magaling na Blogger yan active pa sa mga ganyang Tulad nang Advocacy :)

26. May tatlo nang nag Describe Blog/Blogger na sa akin na WITH EFFORT :)

kaelbondoc:

mister26 - Who you?! CHOT. Hahaha. Lechugas tong si Neil.. ano pinagsasabi! :) Naging close kami nito noong broken hearted ako tapos bigla nagTA.. biglang nagbigay ng advice pero sa totoo lang tinatamad ako magreply lagi sakanya pag may sinasabi siya. AHHAHAHAHAHAHAHA!!!

Pero ngayon close na kame, ewan.. kasi natatawa ako dito e.. mapangTA ung gago. Mabait itong si Neil isa sa mga gumigising saken pag tulog ako.. tsaka umaattitude problem minsan.. nahahawa sa akin pero ngayon mabait na siya at hindi na siya broken. ALAM NA! Hahaha.

Ayun, ang awesome lang talaga niya kaya kung maghihingi kayo ng mga advices kay Neil nalang kayo maghingi.. seseryosohin niya pagbibigay promise.. Parang siya pa ung affected nun. OA YAN e. hahaha. Ayun! :) HI PALATOT! :D

janetkulit:

Mister26- Hm. Idol ko nga pala! Siya lang naman ang madalas kong kulitin dito. HAHA. Mabait yan, bongga sumagot lalo na pag humihingi ka ng advices. :D May lovelife kasi kaya inspired! HAHA. Naisipan ko lang magdescribe kasi osuum sya  eh :) Di ko na kelangan sabihing i-follow nyo sya, pina follow nyo na naman ata to eh :) Basta kewl to. Try nyo! :D

Blog.- Hm. More on text posts. Malaman yung mga posts nya. More about relationship at ibang mga bagay na may mapupulot ka talaga. Soya tong blog nya. Sarap mag back read. Hehehe! :D

superjaycee:

Si Neil AKA Mister 26 AKA Bestfriend.

Siya yung ilang beses ko chineck ang blog pero di ko parin fino-follow. Hanggang sa isang araw napagisipan ko ng i follow siya. And CHOWKING sulit naman yung pag follow ko sakanya. Isang awesome blogger na may awesome blog. syempre. blogger nga eh. Tapos ayun. Siya yung taong approachable, and mapapagkatiwalaan. Kaya andaming nagmamahal dito. Hahaha. =)) Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan at bestfriend ko, at namin, ni kael. Hahaha. Tapos ayun. Wala nakong masabi. =)) Worth-following blog. Yun lang. hahaha =)).

//Nakakatuwa naman at nakakataba nang Puso <3

26. Ever since my Mom left, It feels like Hell

Ang alam ko, simula nang umalis si mama, Father na lang ang maiiwan sa amin, Mali pala ako. MASTER pala yung naiwan. Alam mo yung pagka labas mo nang kwarto eh utos kagad mula sa bunganga niya maririnig mo? at sunod sunod na ayun hanggang s apaliguan ko yung mga kapatid ko na bata at ihatid at bantayan sa day care. pagkauwi, papakainin ko yung mga yun, maghuhugas nang pinag kainan. Then syempre pagod ako after nung umaga na yun, s ahapon matutulog ako, gigisingin ka pa at galit pa na pagsasalitaan na puro tulog na lang daw ako, eh !@#$%^&*() Wala naman siyang ginagawa, tinigil niya yung business namin kasi nga nag abroad si mama. Umasa lang din siya kay mama, wala naman siyang ginagawa. Kung sana ba may pinag kakaabalahan siya para kumita eh wala naman. Grabe, Ayoko na dito sa bahay? ay bahay pa ba tawag dito? parang office eh kasi ay boss.

:|

2

Ma - Effort akong tao. Isa tong Proof.

Last Year, February 12, 2011. eh may ginawa kami nang kaklase ko para sa mga Minamahal namin pero di naman sa amin. ahahah. Pero ayun nga, Powerpoint Presentation yan. Nakipag cooperate pa kami sa Prof namin na gawin silang busy lahat habang kinuha namin yung bouquet na ibibigay namin sa gateway, nung nasa Feu-Eac Tech Bldng. na kami ulet, at nasa labas na nang room namin, pinalabas na yan sa buong room, yung Slideshow Presentation, ang palusot eh may ituturo na lesson, so tingin naman silang lahat sa board(dun nakatapat yung Projector malamang XD) Then nagulat sila kasi hindi lesson, Yun na nga yung ginawa naming presentation, Puro Pictures at Sweet Messages.

Then after nang slide show, pumasok kami na hawak  yung Bouquet tsaka cartolina na may mga banat, yung parang ginawa ni John lloyd sa bahay nila Toni sa amnesia Girl. Ganun. Puro Sticky Notes.

Ganun, Ganyan Magmahal si Neil. DAMANG DAMA MO! ahahaha.

Kahit itanong mo pa sa EX ko na Ginawan ko nang Power Point Presentation Tsaka Flash/2D Animation nung Monthsary namin XD

26. DESCRIBE BLOG/BLOGGER #6 : DGMARI

Si Bes Gia.

Ewan ko ba, SImula sumali ako nang PT sa FB eh naka close ko kagad siya. Siya yung tipo nang babae na di mahirap pakisamahan. Kahit tanong mo pa sa iba. Siya yung tipong kakakilala mo lang, mag ki-click kagad kayo. Nagula na lang ako kas nag suggest ako sa kanya nang mga Url na i Follow niya then nagulat na lang ako close na kagad sila nung mga blogger na yun. Ganyan si bes. Masarap pa kasama yan. may Sense Kausap. Maganda na, mabait pa.

Follow Her ;)

26. Kapag nagmahal tayo, nagiging immature tayo.

Totoo naman eh.

  • Nagtatampo tayo kagad sa konting nagawang mali niya, Pwede din para lambingin lang nila tayo
  • Nagiging Seloso/Selosa kapag nakita natin sila na may kasamang iba tapos sobrang close sila tapos wala man lang siyang nabanggit kung sino yun
  • Nagkakaron lagi ng misunderstandings kahit na pinipilit niyong intindihin yung isa’t isa.
26. Long Distance Relationship

Since maraming nagtanong na sa akin kung ano ba ang feeling kapag nasa isang LDR ka, Eto na, gagawan ko na siya nang post…

Sa una inaamin ko, Natakot ako. Syempre. This is the First Time na ma i-involve ako sa isang Relationship tapos LDR pa kagad. Pero Talgang nasa TIWALA lang yan.

Tama, Tiwala. Yung kahit tipong di siya nagtetext sayo eh di mo siya pagiisipan na may ginagawa na siyang masama, Yung tipong di kayo nagkikita eh Loyal and Faithful kayo sa Isa’t-Isa. Yung kahit di mo siya kapiling, Sa puso mo alam na alam mo Na siya lang talaga.

Sa Experience ko ngayon, masaya naman. Sobrang Saya pala. Syempre Lahat naman sa simula eh maganda ang takbo. So talagang inienjoy ko ang bawat oras na kausap ko siya.

Para sa akin ang mahirap lang is tuwing nagaaway kayo, kasi para sa akin mas gusto ko sinusuyo sa personal. Eh mahirap sa sitwasyon ko kasi nga magkalayo kami. Ang hirap lang susyuin lalo na kapag ayaw kang replayan at ayaw sagutin yung mga Tawag mo.

Pero Kahit na ganun pa. Masaya pa din naman. Iba talaga kapag Inlove ka at mahal ka din nung taong mahal mo. Alam niyong mahirap pero kakayanin niyo :”>

Pinaka Malanding Emoticon.

Nang Dahil diyan marami ang Umasa/Umaasa/Pinapa-Asa.

Yung tipong itetxt ka lang niya nang : “Good Eve :”>” Ikaw naman ay kikiligin na kagad eh yun naman pala GM lang niya, tapos ikaw naman mag rereply nang : “Good Eve Din, kain ka na. :)” Tapos amg reply siya nang “Tapos na po ako kumain, Ikaw kain ka na :”>” Tapos ikaw naman kikiligin lalo. Hanggang sa mahulog ka na sa kanya at umasa dahil lang sa !@#$%&*() ‘:”>’ na yan.

3

Batang 90’s nakakamiss.

LoL, Itsura ko dati, nakakatuwa lang kasi ang panget ko pala dati tapos ngayon.. ehem. wahahaha. De jokes basta ang alam ko nadevelop naman mukha ko. K. XD

Hayyyyyyy. Nakakamiss lang pagpawisan dahil laro ka na laro sa labas. Kesa ngayon napupuyat lang ako kaharap ang Laptop.

//nakakainis di ko makita Old Pics ko na mas MAAYOS! ahaha XD

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video