mayugs

RF: Flat-chested ako.

  Lahi namin ang flat-chested. At dahil dun, palagi akong binu-bully ng mga kaklase ko. Nung una umiiyak at nagagalit ako kapag sinasabihan akong ganun. As in iyak. Noon madalas ako umiiyak habang nakahiga at sa unan ko lahat inilalabas yung galit ko. Sobrang sakit kaya kapag isinisigaw ng kaklase mo na flat-chested ka tapos pagtatawanan ka. Yung feeling na parang wala ka ng ihaharap na mukha sa kanila. Yung paulit-ulit na sinasabi ng mga kaklase mo yung salitang FLAT-CHESTED. Sobrang sakit </3

    Pero ngayon tanggap ko na. Wala akong magagawa kasi ganito na talaga ako. Kahit medyo masakit sa una, tinatanggap ko kasi yun naman talaga ang totoo. :)  Kung baga sa memory caqrd, 1 GB lang ako. Hanggang 180 songs lang ang pwede. XD 

"You gave me too much to remember.."

   "but gave me too much to remember.."  yan comment niya dun sa post ko na “magiging masaya ka kahit wala ako.”  

   Tinapos ko na kagabi lahat lahat. Direct to the point kong sinabi sa kanya. Shet! Pukto mata ko kahapon. Ewan. Masyado akong affected sa nangyare. Nawalan ako ng ganang mag-aral dahil dun. Mas pinili ko na lang magcomputer. Tas nung nag-out ako, nag online siya at nagbuhos ng galit. wala akong alam :(

    Kinabukasan, pagdating ko sa school, paiyak na ako. Hindi ko alam kung bakit?! Apektado pa rin ako. Tas sinabi ng mga kaklase ko yung mga pinaggagawa niya. Tas tinadrad ako ng tanong  na hindi ko alam yung isasagot. Tumatahimik na lang ako. Baka kung ano pa masabi ko.

    mga 9 hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Shet! nag-iintay ang gaga ng sulat! HAHA. Ewan. nasanay ako ng binibigyan ng sulat.  grabe! hindi na ako nakapag-concentrate.

   natapos ang test. ngayon, mas madami na akong naririnig

katanga mo ga! 

PAASA mo ga!

hindi mo ga naaappreciate yung effort niya?

mag-sorry ka ga! bawiin mo!

madami pa yan. Hindi na lang kayanin ng utak ko XDD 

    Shet! hindi na masala ng utak ko! Grabe! Sobrang mangonsensya yung utak ko! Hindi ko na kaya! magsosorry na ako. Naisip ko na puntahan siya pagkatapos ng practice nila para sa LYF pero sa kasamaang palad, hindi ko siya naabutan :( hindi ko na tuloy alam kung papano ako makikipagbati. tas may ibibigay pa sana akong sulat. Hindi ko na din naibigay. Pero bitter na feelings ang laman nun XDD isip tuloy ako ng isip kung ano gagawin ko. kaya sabi ko kakausapin ko siya ng personal sa saturday para makapag sorry ako ng maayos at para ayos na ang lahat. eto nga pala yung convo namin hanggang sa maayos kami :)

ganyan po kami mag-usap XDD kain muna ako :))

Good evening! :)