August 14, 2014

Java laboratory midterm namin kanina.

I was really worried about the examination of ours. Kasi alam kong wala akong magagawa. Kung meron man, alam kong hindi ko siya marurun ng tama. Yung mga bhessy ko, sinasabihan na ako na wag akong mag alala. Kakayanin ko. Andoon na sa point na gumawa ng paraan para makakopya. Paano ba naman 10 lang kami sa first batch ang mag eexam tapos ibig sabihin noon every row isang tao lang. Tas grabe ang agwat sa isa’t isa. So paano ka makakakopya noon? Tapos bantay sarado pa kami ng prof namin. So ayun, bago kami mag exam dumating na mga kaibigan ko na second batch pa ang test nila. Patulo na ang luha ko noon kasi sinabi ko sa isang bhessy ko na, “Bhessy, sana kahit ngayon man lang wag mo akong gawing second option. Naiiyak tuloy ako.” Tapos sabi niya, “Wag kang mag alala bhessy. Ikaw ang uunahin ko kaysa sa iba. :). Kaya wag kang kabahan.” At nagsmile ako. Pero sa totoo lang naiiyak na ako. Bumuhos lang yung iyak ko noong nakita ko mga kaibigan ko. I cried really hard na to the point na humahagulgol na ako. Di ako nahiya kahit ang daming taong nakakakita sa akin. Friends, classmates, other sections and many more. Umiyak ako dahil alam ko sa sarili ko na kahit second year na ako hindi ko parin natatanggap course ko. :(. So ayun. Binuhos ko lahat. Sabi nila tama na. They tried to make funny faces, jokes, binabara na nga nila ako at kinikiliti pero lalo akong umiyak. Hahaha. Tumigil na rin ako sa kakaiyak. Di nagtagal andiyan na pala prof namin. Kabado akong pumasok sa laboratory. Biglang sinabi ni maam na, “kung saan kayo nakaupo, doon kayo.” Alam niyo ba, ang saya ko noon. Hindi dahil sa makakakopya ako or whatsoever kundi dahil may kasama ako sa row ko. And guess what, yung crush ko pa. Ops. Hindi ako lumalandi a. Hahaha. Medyo close kami ni crush, bhessy ko nga rin siya e. Masaya ako kasi feeling ko, hindi ako nag iisa. Secured ako at safe. Tapos biglang pinapili kami sa table niya ng tanong. Akala ko mahihirapn ako. Nakakatuwa ang swerte ko noon kasi medyo madali ang nakuha kong prob. Pero di ko talaga alam kung ano gagawin. Nang magsiaimula na ako bigla niya akong tinanong, “ano sayo? (Problem na nakuha mo.)” Pinakita ko. Kaso di niya mabasa. Medyo kabado parin ako. Pero nagtype parin ako. Kung ano alam ko at kung ano alam ng cp ko. Hahaha. May lectures sa gallery ko e. Hahaha. So, mahiral pala ang mangopya sa cp. Nakakatakot mahuli. Tapos may nagawa na ako pero hindi ko naalam ang isusunod ko. Hanggang doon lang ako sa alam ko. So I have decided to text my nanay(classmate ko) the problem. Naghihintay ako mg reply niya then suddenly she texted me back, she said,”Wait.” Kaya naghintay ako. Noong saktong mareceive ko ang text ni nanay, saktong tapos na ang bhessy ko(crush ko), he asked me kung may sagot na daw ba ako. Kasi tutulungan niya ako e. Alam mo yung feeling na ang swerte mo kasi may concern pa sayo? Yun yung naramdaman ko. I felt that I was loved that time. Damang dama ko yung pgiging concern niya. At super na appreciate ko yun. But I insisted and said, “okay na. Meron na ako. :)” After kong magawa yung akin. Gusto ko sana paglabas ko ng lab siya una kong lalapitan ang yayakapin. Kaso nahiya ako at baka sabihin pa dumadamoves ako. Hahahha. Pero promise I wanted to hug h tightly kasi gusto kong iparating yung pasasalamat ko sa kanya pero di ko nagawa. Hinug ko nalang yung mga kaibigan ko. Pero except siya. Naghahanap ako ng tyempo para makausap siya at mapasalamatan nalang. Almost 6 hrs akong naghintay ng timing. Hahaha. So ayun may klase na kami in a few minutes. Kaya kailangan ko na siyang kausapin. Tinawag ko siya kasi siya lang mag isang naglalakad, I thanked him. Nagtaka pa siya bat ako nagpapasalamat. So sinabi ko kung bakit. He even asked bat ako umiyak. I just smiled at him. Nasa isip ko, kung alam mo lang…

So ayun. All in all, kinilig ako. Hahahaha. Malandi. Maharot. Micahlandian talaga. Hahahahaha

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video